Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16: Worse Situation

Clauss' POV

Class is going to start within a few minutes. Tapos na ang lunch break. Sana nasa room na si Xyra. Nasa canteen pa rin kami at tapos nang kumain si Elysha.

"Hindi ka pa ba babalik sa room mo?" kunot-noong tanong ko kay Elysha. Although, I don't want to let her go. Baka maunahan pa kami ni Jeanne. It will be bad for us. Hindi ko pa siya magawang tanungin tungkol sa mga bagay na gusto kong malaman ngayon. It was too fast. I just met her. 

Hindi ko rin alam kung sasagutin niya ang mga tanong ko. Hindi pa rin ako sigurado kung kakampi siya. Maaaring may masama siyang binabalak kaya siya nakikipaglapit sa'kin. Kailangan ko munang makumpirma kung ano ang motibo niya.

"Room? What are you talking about?" inosenteng tanong niya sa'kin. Napakunot-noo ako.

"I mean, wala ka bang klase?" takang tanong ko sa kanya. Mukhang wala siyang ideya sa mga sinasabi ko sa kanya. Umiling siya.

"I just came here looking for someone important. I'm not a student in this academy," nakangiting sabi niya sa'kin. Ngayon ko lang napansin na hindi pala siya nakauniform. She's wearing a white dress. Nagtataka ako kung paano siya pinapasok ng guard. Maybe she used her power?

"Someone important?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Sino naman ang pakay niya dito?

"Yes and it's you," she smiled.

"Me?" Lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Ano ang kailangan niya sa'kin? "What do you want from me?" tanong ko sa kanya.

"Later. May klase ka pa, 'di ba? I'll tag along with you," excited na sabi niya sa'kin. Tumayo siya at lumapit sa'kin. Hinila pa niya ang braso ko kaya napilitan akong tumayo. Again, she clings into my arms. I didn't want this. I tried to remove her hands, in a gentle way. Kinikilabutan ako sa kanya. There's something in her that made me feel uncomfortable.

Takang tumingin siya sa'kin pero lalong humigpit ang paghawak niya sa braso ko. Napansin ko na napasimangot siya at halatang walang balak na bitawan ako. I'm starting to get annoyed. What's the problem of this girl? I sighed. Wala na akong magagawa dahil napapansin ko na unti-unti na ring nawawala ang kontrol niya sa kapangyarihan niya. I can see the dark energies coming from her and it is bad. Nasa loob kami ng canteen.

I gently tapped her head. "Calm down," I whispered. Natigilan siya at tila natauhan. Napigilan niya agad ang kapangyarihan niya na pilit kumakawala sa kanya. She looked at me and I hate to see that lonely expression in her eyes. I noticed that she was about to cry.

"There's short time left. I'm running out of time," she said. Pinilit pa niyang ngumiti. Ano'ng ibig niyang sabihin? Maybe, I can talk to her after class. Kailangan ko munang makita si Xyra. I don't want Xyra to get the wrong impression.

"Pumunta na tayo sa klase ko. But don't sit next to me, okay? Sa likod ka," sabi ko habang naglalakad na kami.

"No," matigas na sagot niya. Halatang wala siyang balak na sundin ako. Sumasakit na ang ulo ko sa kanya. Kung ayaw niya akong layuan, paano ko makakausap nang maayos si Xyra?

Pagpasok namin sa room, wala pa rin si Xyra. Pinagtitinginan kami ng mga kaklase ko. Mukhang alam ko na ang iniisip nila. Lalong sumasakit ang ulo ko.

Umupo ako sa silya ko. Umupo naman si Elysha sa tabi ko. She took Xyra's place. Lalong magagalit sa'kin si Xyra. If only I can talk to her. Humalumbaba ako sa armchair ko. Papasok kaya si Xyra?

Napaangat ang tingin ko nang pumasok sa room si Selene. Napatingin din siya sa'kin. Nagtaka pa siya nang mapansin ang babaeng katabi ko. May alam kaya siya sa identity ni Elysha? Pinag-aralan ko ang kilos at ekspresiyon ng mukha niya.

Mukhang nagtataka siya kung bakit hindi si Xyra ang katabi ko. Dumiretso siya sa upuan niya sa row namin.

"So, ipinagpalit mo na siya?" nakangising tanong ni Selene pero diretso lang ang tingin niya sa whiteboard. Alam kong ako ang kinakausap niya. Hindi ko sana siya sasagutin pero biglang sumingit si Elysha.

"Of course, she's no good. I'm better," sagot ni Elysha. Kumapit pa siya sa braso ko kaya napasimangot ako. Halatang tuwang-tuwa pa siya sa ginagawa. What's wrong with these girls? It's making me sick. I want to get out of here. But I noticed that there's no hint that they knew each other.

Pinagpawisan ako nang malamig nang mapansin ko si Xyra na nakatayo na sa may pintuan ng room. Masama ang tingin niya sa'kin. Umismid pa siya bago nagbawi ng tingin. Dumiretso siya sa pinakalikod na upuan sa room. Lumingon ako sa kanya pero hindi niya ako tinitingnan. The situation is getting worse.

Napansin ko na titig na titig sa'kin si Elysha na ipinagtaka ko.

"You really like her?" pabulong na tanong niya sa'kin.

I smiled a bit. "I'm glad you know," I answered.

"Will you still love her even if she shows you her darkest side?" inosenteng tanong niya. Halatang interesado siya sa isasagot ko.

"Nothing will change. I will still love her even if she's the most wicked person in the world," I answered honestly. But that will not happen. I know she's a good person. If she happens to show her darkest side then there must be something wrong. I have to protect and save her.

Nagtaka ako nang kunin ni Elysha ang kamay ko ay ipatong sa ulo niya. "You're making me angry. Comfort me again," nakasimangot na sabi niya. Napaangat ang kamay ko sa ulo niya dahil tila nakuryente ako. She's losing out of control again. I have no choice. Pinilit kong pakalmahin siya kahit nasasaktan ako. Pinilit kong hindi ipahalata dahil magtataka ang mga taong nakapaligid sa'min. Mukhang hindi pa alam ni Selene ang identity niya. Elysha have to stay with me. Hindi pwedeng malaman nina Jeanne ang katauhan niya.

Ilang minuto pa kumalma na siya at yumakap sa braso ko. Mukhang inaantok na siya kaya hinayaan ko na lang. Napalingon ako sa ingay ng upuan na narinig ko mula sa likod. Nakatayo na si Xyra at dire-diretsong lumabas sa room. Halatang galit siya. What should I do? I think I need Claudette's help to talk to her, to talk to everyone.

XYRA's POV

I hate him! How can he do this to me? Ipinagpalit niya agad ako? Ang sakit! Sobrang sakit! Naninikip ang dibdib ko habang pinapanood sila. Kanina ko pa sila gustong sugudin but I don't want to make a scene. Mukhang wala namang pakialam si Clauss sa nararamdaman ko. Enjoy na enjoy pa siyang makipaglandian sa babaeng 'yon! I really hate Clauss!

Naglalakad ako sa corridor pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bumalik na lang ako sa dorm ko. Walang tao sa room namin ni Frances kaya tuluyan nang tumulo ang luha ko. Humiga ako sa kama. Sobrang nasasaktan ako. Nakakainis dahil para akong tanga na nagmukmok sa kwarto ko. Kung ayaw na ni Clauss sa'kin sana sabihin na lang niya agad! Hindi ganito na sinasaktan niya ako.

~~~

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako sa tapik ni Frances sa pisngi ko.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" takang tanong ni Frances. Namamaga ang mga mata ko na alam kong napansin niya. Malungkot akong umiling.

"Wala," mahinang sagot ko.

"Ano'ng wala? Namamaga kaya ang mga mata mo! Namumula pa! Nag-away ba kayo ni Clauss? Sino pala 'yong babae na kasama niya kanina? Girlfriend niya?" sunud-sunod na tanong niya.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. How will I know? "Malay ko. Siguro girlfriend niya. Ang sweet nga nila, 'di ba?" mataray na sagot ko.

"Kalma, Xyra. Kalma," natatawang sabi ni Frances. Napahinga ako nang malalim. Umupo si Frances sa kama niya. "Kumain ka na ba?" tanong niya sa'kin. 

Umiling ako. "Wala akong gana," sagot ko.

"Kapag brokenhearted, kailangang gutumin ang sarili?" nang-aasar na sabi ni Frances kaya napasimangot ako.

"Nag-usap na ba kayo ni Clauss? Kailan ka pala niya ipinagpalit?" tanong ni Frances. Pakiramdamn ko nang-aasar siya sa tanong niya.

"Kanina lang. Hindi pa kami nag-uusap. Huwag ka na ngang magtanong," inis na sabi ko sa kanya.

"Kanina lang?" napaisip si Frances. "Baka naman hindi niya talaga girlfriend 'yon? Hindi pa naman pala kayo nag-uusap at hindi pa siya nakikipag-break sa'yo. Pero feeling ko malapit na," nakangising sabi ni Frances. Nang-aasar talaga siya. Malakas na binato ko siya ng unan. Natatawang inilagan niya ito.

Kahit papaano gumaan ang loob ko sa sinabi niya kahit nang-aasar siya. Siguro may dahilan kung bakit sila magkasama ng babae? Pero nakakainis pa rin! Sobra naman ang sweetness nila sa isa't isa. Nagseselos ako. Mahirap pigilan ang damdamin kapag nakakaramdam ng selos. I hate this feeling! I feel unsecure! 

Pareho kaming natigilan ni Frances nang marinig namin ang boses ni Claudette sa utak namin.

"Bryan is calling for a meeting tonight, 8 o'clock sharp," Claudette announced. 

Pareho kaming napakunot-noo ni Frances. May nangyari bang masama? Inayos ko na ang sarili ko at nagbihis. Malapit na palang mag-alas otso ng gabi. Hindi ko papansinin si Clauss kapag nakita ko siya. Nakaramdam na naman ako ng inis nang maisip ko siya.

Naglakad na kami ni Frances patungo sa office ni Bryan. Kung minamalas nga naman ako, makakasalubong pa namin si Clauss at Xavier. Inirapan ko si Clauss dahil mukhang gusto niya akong lapitan. Mabilis akong lumiko sa pasilyo patungo sa office ni Bryan para hindi niya ako maabutan. Ayaw ko siyang kausapin. Patakbong humabol sa'kin si Frances.

"Dahan-dahan lang naman sa paglalakad!" reklamo ni Frances. Mabilis kaming pumasok ni Frances sa office ni Bryan. Umupo ako sa pinakagilid at pinaupo ko si Frances sa tabi ko. I don't want to talk to him, right now.

Nagtatakang tingin ang ipinukol sa'kin ni Bryan na nakaupo sa swivel chair. 

"May problema?" takang tanong niya. Hindi na ako nakasagot nang pumasok na sina Clauss at Xavier. Kasunod na rin nila ang iba pa naming kasama. Ngayon ko lang naalala ang babaeng kasama ni Clauss kanina. Nasaan na kaya ito?

"I'm sorry to call you at this hour. I just want to confirm something. May nakapasok na outsider sa Academy. It's bothering me. I think you have something to tell us, Clauss?" diretsong tanong ni Bryan kay Clauss kaya napakunot-noo ako. May outsider na nakapasok? Sino?

"Yes, nakarating na pala sa'yo ang balita. She's Elysha. Nawalan siya ng malay kanina sa corridor. Sa tingin ko siya na ang hinahanap natin. She's also using the power of darkness like Jeanne," paliwanag ni Clauss. Natigilan kami sa sinabi niya dahil sa gulat. Hindi namin inaasahan ang sasabihin niya. Another dangerous enemy?

He sighed and looked at me. Katapat ko lang siya. Nag-iwas ako ng tingin. Kaya ba niya pinapakisamahan ang babae dahil ito na ang hinahanap namin?

"May nalaman ka ba tungkol sa kanya? She's dangerous. You must look after her," naaalarmang sabi ni Bryan. "Where is she?" dagdag na tanong pa ni Bryan.

Napalunok si Clauss sa huling tanong ni Bryan. Halatang nag-aalinlangan siyang sagutin ang tanong ni Bryan. Napasipol naman si Xavier. Naghihintay kami sa sagot ni Clauss.

"She's... in my room," he answered hesitantly.

"O-oh!" narinig kong sabi ni Frances.

Biglang uminit ang ulo ko. I stood up and walked out of the room. Balak ba niyang patulugin ang Elysha na 'yon sa room niya? I never knew that he's that considerate! I really hate him! Mukhang enjoy na enjoy siya sa babae niya! Nakakainis!

----------------------------

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro