Chapter 14: Bad Move!
XYRA's POV
"Everyone!"
Pareho kaming natigilan ni Akira nang marinig ang boses na 'yon. Nagpalinga-linga kami sa paligid pero hindi namin alam kung saan nanggaling ang tinig ng nagsalita.
"What's that? Narinig mo rin ba?" takang tanong ni Akira. Tumango ako. Pamilyar ang tinig ng babae.
"It's me Claudette. I'm using telepathy. Can you hear me? Talk to me through your minds," paliwanag ni Claudette. Kaya naman pala pamilyar sa'kin ang boses niya. Si Claudette pala ang narinig namin.
Sinubukan ko ang sinabi niya. I used my mind to talk to her and it worked!
"Claudette, we can hear you, loud and clear. What's up? Kamusta kayo?" nag-aalalang tanong ko. Narinig ko ang tinig nina Bryan, Xander at Xavier na nagsasabing maayos lang ang lagay nila. Naririnig ko silang lahat sa utak ko.
"We got a problem. Sa tingin namin, alam ni Jeanne ang mga ginagawa natin. Nakalaban namin si Jill. He's using mirror magic. He tested my brother's power. Sa tingin ko marami sila. Mag-ingat kayo," paalala ni Claudette. Pero mukhang huli na ang paalala niya dahil nakalaban na namin si Angel. She's also with Jeanne.
"You're right. Nakalaban naman namin si Angel. She has the ability to manipulate our dreams. She's quite dangerous," seryosong sabi ko. Ang laki ng problema namin. Ang dami naming kalaban.
"Where are you? Are you alright?" tanong ni Clauss. May pag-aalala sa tinig niya. Napangiti ako. Ano kaya ang gagawin niya kung sabihin ko na hindi maayos ang lagay ko?
"I was hit by a monster. I just lost some blood and my back hit a tree. But don't worry I'm fine. I'm not hurt at all," sagot ko kay Clauss. Kalahati lang ng katotohanan ang sinabi ko. Hindi ko sinabi na sa panaginip lang 'yon nangyari. Gusto ko lang malaman kung ano'ng sasabihin o gagawin niya.
Nakakunot ang noo na tiningnan ako ni Akira. Sumenyas ako sa kanya na huwag siyang maingay. Napabuntong-hininga siya at napailing.
"Girls," he muttered softly. Ako lang ang nakarinig ng sinabi niya. Medyo na-guilty tuloy ako.
"What? Nasaan ka?" malakas na tanong niya. Medyo sumakit ang ulo ko sa lakas ng tinig niya.
"Lower your voice a bit, Kuya Clauss," saway ni Claudette. Halatang sumakit din ang ulo niya sa ginawa ng kuya niya.
"At the middle of the forest. But I'm fine, really," napakagat-labing sagot ko sa kanya. Tiyak na magagalit siya kapag nalaman niya na wala naman akong sugat o galos man lang. Hindi ko na narinig ang boses ni Clauss. Mukhang wala naman siyang pakialam sa nangyari sa'kin. Nakaramdam ako nang konting lungkot.
"Xander, kamusta kayo ni Cyril? Did you fight someone in the list?" seryosong tanong ni Bryan.
"Yes, unfortunately. Mabuti na lang kasama ko si Cyril. We fought Krisha. She's using poison magic. Just being in contact with her is risky. Nabanggit niya si Jeanne kaya mukhang kasamahan din siya ng mga ito. But we're heading back to the academy now," sagot ni Xander.
"How about you, Xavier?" tanong naman ni Bryan kay Xavier.
"I will tell you later. May importante akong sasabihin sa'yo. We better have a good plan to deal with them," sagot ni Xavier. "Babalik na rin kami ni Frances sa academy. It's already late," dagdag pa nito.
"Ingat Xavier," nag-aalalang sabi ni Claudette.
"Sure. See you," sagot ni Xavier.
"Waah! Ang cool mo talaga Xavier," sabi ni Claudette na tila kinikilig. Tumawa kaming lahat sa reaksiyon niya pero hindi ko pa rin narinig si Clauss sa background.
"Babalik na rin kami," sabi ni Bryan. Nawala na lahat ang mga tinig sa utak ko. Mukhang tumigil na si Claudette sa paggamit ng kapangyarihan niya.
Kailangan na rin naming bumalik para mapag-usapan ang mga nangyari. Maglalakad na sana kami ni Akira pabalik sa academy nang makita ko si Clauss na nakasandal sa isang puno at seryosong nakatingin sa'kin. Naalala ko na may kasalanan nga pala ako sa kanya. Ramdam ko na galit siya ngayon.
He started to walk towards us. Nanlamig ang katawan ko. Bigla akong kinabahan.
"Akira, Can you go to the Arts building? Claudette needs some help," seryosong wika niya pero sa'kin pa rin siya nakatingin. I'm dead.
Hindi pwedeng umalis si Akira. Baka kung ano ang gawin sa'kin ni Clauss. Mukhang tumakbo pa siya papunta rito dahil sa sinabi ko. Ang bilis niya kasi kaming nahanap na hindi ko inaasahan. Katapusan ko na talaga.
"Sure," sagot ni Akira. Bakit hindi man lamang siya tumutol? Hindi man lang siya nag-isip kahit isang minuto!
"Iiwan mo ko?" kinakabahang tanong ko.
"Kasama mo naman si Clauss," he answered, mischievously. Mukhang alam niya na paparusahan ako ni Clauss.
"Sabay-sabay na lang tayo pabalik sa academy," nag-aalangang sabi ko. I can see that sharp look in Clauss' face. He's really going to punish me. I'm doomed!
"No. Mukhang may kailangan pa kayong pag-usapan. I got to go first. I don't want to get involved in your lovey-dovey problem," Akira said as he waved his hands. He even mouthed 'goodluck' to me. Nanlumo ako nang maglakad na siya palayo at mawala sa paningin ko.
"Clauss, ano... sorry," I stuttered. I stepped back as he move closer. I have no choice but to run. He looks like he will give me no mercy.
I took a deep breath and run for myself, as fast as I could, away from him. Hindi ko dapat siya sinubukan. Bad move!
"Nagjo-joke lang ako kanina, Clauss! Sorry!" sigaw ko habang mabilis na tumatakbo. But somehow, I'm glad he went to find me. Nag-alala ba siya nang sobra? I suddenly stopped running when a wall of fire appeared in front of me.
"Hey! What are you doing? Are you planning to set this forest on fire?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya nang lingunin ko siya.
"Seriously? Why are you running? I thought you lose blood and your back hit a tree?" he said. I know, he's really mad. Malapit na siyang makalapit sa'kin. Nawala ang apoy sa likod ko. I stepped back but I tripped on my foot. Natumba ako paupo sa lupa. Ang sakit nang pagkakabagsak ko sa lupa. It's over!
I heard him sigh. Umupo siya sa harap ko.
"Sa panaginip ko lang nangyari ang lahat ng sinabi ko sa'yo kanina. Sorry na kasi," kinakabahang wika ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Napasubsob ang ulo ko sa dibdib niya.
"Idiot! Don't make me worry like that again!" inis na wika niya sa'kin. I could hear the loud beat of his heart. I'm speechless. Bigla akong na-guilty sa ginawa ko. Yayakapin ko sana siya pero pinigilan niya ako. Nagtatakang tingin ang ibinigay ko sa kanya.
"Not that fast! Now, I'm gonna check your body. You might be severely wounded, right? This is your punishment," he dangerously said. At halatang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Hindi pa rin niya ako napapatawad. He started to unbutton my blouse, in my surprise.
I could feel my heart beating so fast and loud. Nang makahuma ako, agad kong pinigilan ang kamay niya.
"Clauss, sorry na. Hindi ko na uulitin, promise. Hindi na ako magbibiro nang ganoon," desperadang sabi ko. I have to stop him. It's embarassing to let him check my body. I started to feel my face burning red. Sana pakinggan niya ako.
Mahina niyang pinitik ang ilong ko kaya napangiwi ako. "Listen. Kapag inulit mo ulit ito, I'm really going to check your body from head to toe. No mercy," he devilishly grinned. I know he's dead serious. Marahan akong tumango. Daig ko pa ang isang maamong tupa sa itsura ko.
"Good. Now, let's continue," sabi ni Clauss. Nagulat ako nang hawakan niyang muli ang nakabukas na butones ng blouse ko.
"W-wait!" tutol ko. I sighed in relief when he fastened the open buttons up. Akala ko kung ano pa ang gagawin niyang kalokohan eh! Namumula pa rin ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Hindi rin ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Nahihiya ako.
"Let's go back," sabi ni Clauss. Inalalayan niya ako upang makatayo. Pinagpagan ko ang uniform ko dahil sa duming dumikit doon. Nakakatuwa dahil tinulungan ako ni Clauss sa ginagawa ko. Akala ko maglalakad na kami pabalik pero nagtaka ako nang biglang nagsalita si Clauss pero hindi siya sa'kin nakikipag-usap.
"Hey there! It's bad spying on others," sabi ni Clauss. Nakatingala siya sa isang puno kaya nagtatakang napalingon ako roon. Nakita ko si Cyrus na nakatayo sa isang sanga.
Sumimangot si Cyrus at humalukipkip. "I'm not spying. It's just mere curiosity. You better continue what you're doing earlier. Para makabuo na kayo ng isang gwapo at matalinong bata," he said then laughed. Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Ibig sabihin kanina pa siya nanonood sa'min?
"What a brat! Just go away from our sight," nakasimangot na sabi ni Clauss. Bumuo si Clauss ng fireball at ibinato kay Cyrus. Natatawang umiwas si Cyrus. Sobrang bilis nang pagkilos niya na hindi man lang nasundan ng mga mata ko.
"But I'm glad you're still alive. See you around," Cyrus smiled then disappeared.
"Finally, he's gone," napapakamot sa ulong sabi ni Clauss.
Nagtatakang lumingon ako kay Clauss. "Tara na sa academy, Clauss," yaya ko sa kanya.
"Sure but I still have to do something. Kanina ko pa gustong gawin ito," he said. My eyes widened when he grabbed my waist and pulled me closer to him. Hindi na ako nakapagsalita nang halikan na niya ako sa labi. I slowly closed my eyes. Hindi naman siguro masamang maging selfish sa konting oras lang?
~~~
Pagpasok namin ni Clauss sa office ni Bryan, napansin ko na kumpleto na silang lahat.
"Ang tagal niyo, Kuya! Kanina pa kami dito!" bungad ni Claudette. "Did you two do something?" nag-uusisa nitong tanong. Namula ako dahil sa tanong niya. Hinila ako ni Clauss para makaupo na kami.
"Does it matter, now? We better start this meeting," sagot ni Clauss. Nagsimula na kaming magkwento tungkol sa mga nangyari sa'min. Kailangan naming gumawa nang magandang plano laban sa kanila.
----------------
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro