Chapter 13: Dream
AUTHOR's NOTE:
Haha.. Hindi ako nakapagsulat agad last few days.. Nanonood kasi ako ng anime.. Haha! Ito na ang Update ^_^ ENJOY READING!!
--------------------
CLAUSS' POV
"Are you watching over me?" kunot-noong tanong ko kay Claudette. We're still talking through the use of her telepathy. Patuloy pa rin ako sa pag-ilag sa mga bubog na umaatake sa'kin.
"Yes, we're watching over you through mirrors. It was like there are CCTV cameras all over the place. I can see every part of the mirror house from here. You will find the middle part of the mirror house when you saw the only mirror with a small crack. You accidentally hit it with your fire. Destroy it. Nagtatago lang kami sa likod ng salaming 'yon. I noticed that the crack of that mirror is emitting a red aura. You'll easily notice it, too," paliwanag ni Claudette.
"If you're watching over me, then it will be easy if you tell me the right direction to go," I said. Maraming daan sa loob ng mirror house kaya baka maligaw pa ako. It will be better if Claudette can guide me.
"You're right. Then listen to me, carefully. Nakikita mo si Melody sa harap mo? Kailangan mo siyang lampasan. Follow that path. It's alright to destroy her, she's a fake anyway. The real one is with me. She's unconciously lying on the floor," Claudette said
"I get it," I said. Naglabas ako ng fireball at pinatamaan si Melody. Now, it's time to hurry up. Sinunod ko si Claudette. Tumakbo ako patungo sa direksiyong sinasabi niya.
"Left or right?" I asked. Kailangan kong mamili sa dalawang daan na nakikita ko.
"Left," Claudette answered.
Tatakbo na sana ako patungo sa kaliwa pero muling lumabas si Melody sa harap ko. Muli kong ginamit ang sa kanya ang fireball ko. Pagkatapos kong masira ang reflection ni Melody, ipinagpatuloy ko na ang pagtakbo. Naramdaman ko na may tila sumusunod sa likod ko. I looked back. I saw spear-shaped mirrors and they're after me.
"Kuya!" sigaw ni Claudette. It hurts my head.
I jump and roll to the other side to avoid the spears. Bumaon sa sahig ang mga salamin. Halatang matutulis ang mga ito. Napangiwi ako nang may biglang bumaon na matulis na bagay sa likod ko. May lumabas na spears mula sa salaming nasa likod ko. Damn!
I released my fire dragon. Sinira ko lahat ng mga salamin sa paligid ko. I gathered all my strength to remove the spears on my back. Ramdam ko ang matinding sakit sa bawat spears na tinatanggal ko. I must hurry up before I lose all my blood. Nasa pag-iingat ni Claudette ang mga healing candy na ibinigay ni Cyril. I forgot to bring one.
"Ayos ka lang ba? Malapit ka na, Kuya. Hold on," nag-aalalang sabi ni Claudette. "Turn right and you'll see the mirror I'm talking about," she commanded.
Nahihirapan na akong tumakbo pero tiniis ko ang sakit. Alam kong malapit nang bumigay ang katawan ko. Kailangan ko nang matapos ang laban na ito. I turned right and saw a big mirror. There's really a red aura coming from the crack.
"Nakita ko na," I said.
"Good, destroy it," sabi ni Claudette.
I released my fire dragon and hit the mirror as hard as I can. Nagtagumpay akong masira ang salamin. Nagulat pa ako nang mapansin na unti-unti na ring nasisira ang mga bagay na nakapaligid sa'kin. I used my fire and covered myself to avoid the shattering glass.
Nang tuluyan nang mawala ang ingay, inalis ko na ang apoy na pumapalibot sa'kin. Nakita ko si Claudette habang nakahiga sa sahig, may tali ang mga kamay at paa. Nandoon din si Melody na walang malay. We're inside a dance studio now.
I seriously turned to Jill, the orphan, Claudette was talking about. Nakangisi siya sa'kin.
"You're really good," he said.
Napakunot-noo ako. The way he spoke, it's like he knew something about me. And he sounded like he was playing a game. Nagulat ako nang biglang sumulpot si Selene at lumapit kay Jill.
"How is it, Jill?" tanong ni Selene.
"It's awesome. But do we really need to play the part of a villain?" takang tanong ni Jill.
So, they were testing us, and it's all a trap? Naikuyom ko ang kamao pero kinontrol ko ang galit ko. Nauubusan na ako ng lakas at mukhang wala na silang balak ituloy ang laban. Lumapit ako kay Claudette at kinalagan siya. Nanghihina na rin ako kaya kailangan ko na ang healing candy.
"Just follow orders. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang makipaglaro ni Jeanne sa mga taong ito," napapailing na wika ni Selene. "Let's go," dagdag pa niya.
"Wait. Hindi pa tapos ang laban," inis na wika ko. Hindi pa ako nakakabawi kay Jill.
"It's over, Clauss. And you become weak as expected," sabi ni Selene. Naikuyom ko ang kamao. She's right. Magsasalita pa sana ako pero bigla na silang naglahong parang bula. I wonder how they're doing that. Mukhang marami pa kaming dapat alamin.
"Rest a little, Kuya," sabi ni Claudette. Nagulat ako nang bigla niyang isubo ang healing candy sa bibig ko. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Unti-unting naghilom ang mga natamo kong sugat.
"You have to bring Melody back to her dormitory," sabi ni Claudette.
"What? Why should I?" I asked, pissed. I'm still tired. Mukhang hindi na talaga ako sanay sa paggamit ng kapangyarihan.
"You can't leave her alone like that," masungit na sabi ni Claudette.
I sighed. "Let me rest first," I said. Humiga ako sa sahig.
"Don't dare fall asleep!" Claudette warned. Hindi ko siya pinansin sa halip ay ipinikit ko ang mga mata ko. Kamusta na kaya si Xyra? I must request a training to Bryan. Madali na akong mapagod. I'm getting weak and it's sucks. How can I protect everyone with this weak body?
"Contact everyone by your telepathy," I commanded Claudette. Agad naman siyang sumunod sa sinabi ko.
XYRA's POV
Nagsimula nang umatake ang mga halimaw. I released my air eagle. Napasinghap ako nang makitang humaba ang mga kuko ng halimaw na kalaban ko. Tumakbo ito patungo sa'kin at sunud-sunod akong pinaghahampas. Lumilipad ako para makaiwas. I'm attacking the monster using the air eagle.
Nasusugatan ito pero tila hindi nasasaktan. Patuloy lang ito sa pag-atake sa'kin at tila walang pakiramdam. Maging ang halimaw na kalaban ni Akira ay ganoon din. Tila hindi sila tinatablan ng mga pag-atake namin.
"May mali talaga dito," sigaw ni Akira.
He's right. Napalingon ako kay Angel. Tumigil na siya sa pag-iyak at nanonood na lang sa'min. May kinalaman kaya siya rito? I have to know. Iniwasan ko ang mga atake ng halimaw na kalaban ko. I flew to where angel is.
Susubukan ko siyang atakihin. If she fought back, then maybe she's all behind this. I made an air ball and compressed pressure inside it. I threw it on Angel's direction. To my surprise, the monster dodge it for her. Malakas ang naging pagsabog na halos liparin ako palayo. Napapikit ako sa lakas ng hangin na lumabas mula sa air ball.
Nagmulat ako nang mawala na ang hangin. My eyes grew wider when I saw the monster in front of me. Its claws struck me on the chest. Tumalsik ako patungo sa puno at tumama doon ang likod ko.
"Xyra!" nag-aalalang sigaw ni Akira.
Napangiwi ako sa sakit pero bigla akong natigilan. I was drifting in blood, yes. But the pain, there's no pain at all. It was just all in my head. Inisip ko lang na masasaktan ako sa sugat na natamo ko kaya ako napangiwi.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Akira na nagmamadaling lumapit sa'kin. Napatango ako habang pinagmamasdan ang dugong lumalabas mula sa sugat ko. What's happening? Everything here is not real. It was like a dream. A bad dream.
Natigilan ako dahil sa naisip ko. I realized something.
"A dream. Akira, we have to wake up. We're inside a dream!" I finally said.
"What?" naguguluhang tanong ni Akira. I looked around trying to find a way out. Nakangisi si Angel sa'kin nang nakakaloko.
"Everything here is not real. Hindi ko alam kung totoo ba si Angel. But we have to find a way to wake up," sabi ko. Tumango si Akira. Mukhang nakuha na niya ang sinasabi ko.
"Ikaw na muna ang bahala kay Angel. I need to observe the whole place," wika ko kay Akira. He nodded.
I stood up. There must be something here that will help us escape this dream.
Akira released his earth fox and earth golem. He took care of the monsters and Angel. He's fighting hard so I must hurry.
I looked around. The leaves falling, the soil on the ground, and the trees, I'm sure they're not real. I looked up in the sky. The stars and the moon, they seem normal. Napakunot-noo ako nang may tila liwanag na kumislap sa isang parte buwan. Can I possibly go there to check? It's just a dream, right? Maybe, I can possibly go to the moon.
I flew up in the sky but I still doubt if I can get there. Muli kong nakita ang kislap na nanggagaling sa buwan. I stopped flying. Pakiramdam ko masyado na itong malapit. I made an arrow and bow using my power. I targeted that strange spark coming from the moon.
Hindi ko akalaing magtatagumpay ako. I hit that spark. Ilang segundo pa, isang nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa buong paligid kaya mariin akong napapikit. So, I can possibly hit a moon in my dreams? Odd.
~~~
Napabalikwas ako nang bangon nang tuluyan akong magising. I checked my body. Wala akong sugat at wala rin akong nakikitang dugo. Nakita ko si Akira na nakahiga pa rin at hindi pa nagigising. Agad akong lumapit sa kanya. Tinapik ko ang mukha niya. He needs to wake up.
Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Unti-unti na siyang nagigising. Natuwa ako nang imulat niya ang mga mata. Ngumiti ako sa kanya pero bigla akong napaseryoso nang maalala ko si Angel. I stood up. Bumangon na rin si Akira na napapahimas pa sa batok niya.
I checked the whole place. Nagtaka ako nang makita ko si Jeanne kasama si Angel. Kung ganoon magkakampi sila? Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang silang naglaho.
"So they played with us?" inis na sabi ni Akira.
"I think so. Kamusta na kaya ang iba nating kasama?" kunot-noong tanong ko. Ano kaya ang binabalak nina Jeanne ngayon? Mukhang marami talaga kaming kalaban. Tama si Cyrus.
--------------------
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro