Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: Reflection

CLAUSS' POV

My head aches. I slowly opened my eyes. I'm lying on the cold ground alone. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko si Claudette. Napatayo ako at lumingon sa buong paligid. Nasaan siya? Hindi ko siya makita kahit saan.

Napakunot-noo ako. What's this place? Napapalibutan ako ng mga salamin sa magkabilang gilid. Naglakad ako sa daang na nakikita ko. It's infinite. Sa palagay ko, paikot-ikot na ako at walang katapusan ang nilalakadan ko. Maraming daan na pwede kong pagpilian pero sa isang lugar lang ako lumalabas.

Ano ba ang nangyari sa'min ni Claudette? Ang naaalala ko lang ay ang itim na usok na pumalibot sa'min at pareho kaming nawalan ng malay. Damn! I must find my way out. I stopped walking and looked on my reflection. Kahit saan ako lumingon, nakikita ko ang sarili ko. Hinawakan ko ang salamin na nasa harapan ko. I can feel it so I'm sure it's not an illusion.

Saglit akong nag-isip. Kung may gumagamit sa kapangyarihan noon ni Jonica, maaari akong malinlang pero sa tingin ko hindi talaga ito isang ilusyon.

Ang kailangan kong gawin ngayon ay ang hanapin ang kalaban. Pero saan ako magsisimula?

"Claudette," I whispered. Hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin. Kailangan ko bang sirain ang mga salamin? Will it help? I released my fire dragon. Nakakatuwang isipin na nagagamit ko na muli ang kapangyarihan ko. 

I looked at my fire. I opened and closed my fist. Parang naninibago ako. But I'm sure I'll get used to this again. Maybe it's time to test my power. I was about to destroy the mirrors in front of me when I heard a familiar voice. It stopped me.

"Kuya Clauss!" sigaw ni Claudette. Umaalingawngaw ang boses niya sa buong paligid. I looked around and tried to find where her voice was coming.

"Where are you?" sigaw ko. Naglakad ako patungo sa pinanggagalingan ng boses. "Are you alright?" sigaw ko pa nang mas malakas.

"Kuya Clauss! Tulungan mo ko!" patuloy na sigaw ni Claudette. Napatakbo na ako nang matiyak kung saan nanggagaling ang boses. Nakita ko siya sa loob nang isang salamin. Hinahampas niya ang salamin, nagbabaka sakaling makalabas siya. She looks desperate.

Paano siya napunta sa loob ng salamin? Hinawakan ko ang salamin kung nasaan siya. Paano ko siya ilalabas? Hinaplos ko ang mukha niya pero nagulat ako nang mapansin na sa lahat ng salamin ay makikita ko na si Claudette. Damn! I can't even tell who's the real thing now.

Mirrors. Is this a mirror magic? An optical illusion? Totoo bang nasa loob ng mga salamin na ito si Claudette?

"Kuya Clauss! Ilabas mo na ako dito, please!" paulit-ulit na sigaw ni Claudette. Her reflections were all pleading to me. I have to think. Can I just destroy this fucking mirrors?

Hindi ako makagawa ng hakbang lalo na't hindi ko pa nakikita kung sino ang kalaban. Natatakot ba siyang kalabanin ako kaya hindi siya nagpapakita? I smirked. I'm fighting a coward. What a pity?

Natitiyak kong pinapanood niya ako kaya kailangan kong manatiling kalmado.

"Hey, coward, manonood ka na lang ba?" I shouted. "Kung gusto mo akong kalabanin, you have to make your move bago pa kita maunahan. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo itong ginawa mo. Pero kung natatakot ka magtago ka na lang," I said. Sana kagatin niya ang mga sinasabi ko.

May narinig akong isang matinis na tawa na pumailanglang sa paligid. 

"Masyado kang nagmamadali, Clauss. I'm still enjoying the confused look on your face. Naglalaro pa lang tayo ngayon," wika ng isang babae. I think it's Melody's voice. 

Nagbago ang imahe na nasa mga salamin. Hindi na si Claudette ang nakikita ko kung si Melody na nakangisi nang nakakaloko. 

"Hi there," she said. She even waved and winked at me. It's irritating. It's now easier to destroy this mirrors.

I released my fire phoenix. Hindi na ako nagdalawang-isip na sirain ang mga salamin na nasa harap ko. Lumipad sa buong paligid ang mga bubog dahil sa malakas na pagsabog.

"Easy Clauss," sabi ni Melody. Nakita ko siyang nakatayo sa may di kalayuan. She's standing like a high and mighty model. Mabuti naman lumabas na siya. Hindi na ako mahihirapan.

"Tell me, where is Claudette?" naiinip na tanong ko sa kanya. Dumapo sa balikat ko ang fire pheonix. 

"If I don't want to tell you, what will you do?" nakangising tanong niya. Tila wala siyang balak sabihin sa'kin kung nasaan si Claudette. Hinahamon niya ako.

"Then, I'll burn you down into ashes," walang emosyong sagot ko. The fire pheonix flew in the air, ready to attack it's prey. Out of nowhere, may lumabas na maraming bubog patungo sa'kin. I used my fire wall as a shield. Hinayaan kong atakihin ng fire phoenix ko si Melody.

Nagulat ako nang malaman na hindi pala si Melody ang inatake ko. It's just a mirror and it was shattered to pieces. I was deceived. Naalala ko na maaari nang palang gumawa ng three dimensional optical illusions.

Naramdaman kong muli ang mga bubog na papalipad sa'kin. Nakatalon ako para umiwas pero naramdaman kong may tao sa likod ko. Again, it was Melody. I turned around and punched her but it was again a mirror. Ramdam ko ang mga bubog na bumaon sa kamao ko. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa kamay ko.

I should be careful. Muling napuno ng reflections ni Melody ang mga salamin na hindi pa nasisira. Naiinis na ako dahil hindi ko matukoy kung sino sa kanila ang totoo.

"Kuya!" 

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng kapatid ko. Nagpalingon-lingon ako sa paligid. Saan nanggaling ang tinig?

"Listen, I'm alright. Hindi si Melody ang totoo mong kalaban. She's just a bait," Claudette explained. Because of that I realized that her voice was all in my head. She's talking to me through telepathy.

"Use your mind to talk to me. I can hear you," Claudette instructed.

"Where are you?" I asked her. Nakita ko na naman si Melody na nakatayo sa di kalayuan. I must buy time. Patuloy lang ako sa pag-atake sa kanya kahit alam kong salamin lang ito. Patuloy lang din ang paglipad ng mga bubog sa direksiyon ko na iniiwasan ko.

"The mirror house is not infinite. It was just deceiving your eyes. Sa kalagitnaan, nandoon ang gumagamit ng mirror magic. Kasama niya ako. Hindi ako makatakas dahil nakatali ang mga paa at kamay ko. It's not Melody. It's the orphan who's behind this," paliwanag ni Claudette.

"Paano ko malalaman na nasa gitna na ako?" I asked confused. Kailangan kong humanap ng paraan para matagpuan ang kalagitnaan ng mirror house na ito. 

XYRA's POV

Nagising ako at napansin ko ang madilim na paligid. Nakita ko si Akira na gising na rin. Tila nag-iisip nang malalim. 

"Akira," I called him.

Napalingon siya sa'kin. He smiled hesitantly.

"I'm glad you're now awake. May problema tayo. Sa tingin ko may mali sa lugar na ito," makahulugang wika niya.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Ang malalaking puno lamang ang nakikita ko at ang mapusyaw na liwanag mula sa buwan. Hindi ko makita si Angel. 

"Si Angel?" takang tanong ko sa kanya. Naglakad-lakad kami sa kagubatan. Nagtataka ako kung bakit hinahawakan ni Akira ang bawat punong madadaanan.

"I can't feel it. The texture of these trees seem unreal," sabi ni Akira. Hinawakan ko ang puno para maintindihan kung ano ang sinasabi niya. I felt nothing. Hindi magaspang ang puno hindi rin madulas. Did we lose our sense of touch?

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari," sabi ni Akira. Yumuko siya para hawakan ang lupang kinatatayuan namin. Pinipilit niyang damhin ang lupa. "I can't feel even the ground," kunot-noong sabi ni Akira.

"Do you think it's an illusion?" nagba-baka sakaling tanong.

"I can't tell. Naaalala mo ba ang kayang gawin ni Jonica? She can make an illusion like it was the real thing. We can feel her magic but this one, it's totally different," seryosong wika ni Akira.

Tama siya. What's happening. Nagtaka kami nang may marinig kaming mga hikbi. May umiiyak sa 'di kalayuan. Tumakbo kami sa pinanggagalingan ng ingay. We saw angel crying in the middle of two beast. She's scared. Napasinghap ako nang tumingin sa'min ang dalawang mabalahibong halimaw. Tila kumislap ang mapupula nilang mga mata. 

"Xyra, prepare yourself," seryosong sabi ni Akira. Napatango ako. I'm ready to fight. Pero hindi pa rin malinaw sa'min kung bakit hindi namin maramdaman ang mga bagay-bagay sa paligid. Naguguluhan pa rin kami sa nangyayari. Hindi ba nakatulog kami kanina dahil sa itim na usok na pumalibot sa'min? I have to think more deeply and analyze things.

~~~~~~~~~~~~~~~

AUTHOR's NOTE

Hindi ko kayang magsulat ng mahaba.. haha.. To be continued muna.. I'll update the part two of this chapter kapag natapos ko na.. ^_^ Manghula muna kau.. haha ^^ Thanks for reading this ^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro