Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10: Pieces of the Puzzle

Author's Note:

hello! I'm finally back! yey! party party!!!! musta n kau? Thanks sa lahat ng support and prayers. Finally! Licensed engineer na ako. Nakapasa ako sa board exam. To God be all the glory! <3

Thanks for the wait readers. Hindi na ako masyadong busy kaya makakapag-update na ako. But I need to find a job haha. Hindi naman siguro makakaapekto 'yon sa pagsusulat ko. Thank you so much sa lahat ^^

~~~

XYRA's POV

"I can't wait any longer, coward," sabi ni Selene. Nagsimula na siyang maglakad papasok sa kagubatan. Now, it's up to me to follow her or not. I took a deep breathe and started to walk. I nervously followed her.

I have to take a risk. Maaaring makakuha ako ng impormasyon at maaari ko ring masubukan ang kapangyarihan ko kung sakali. Tumigil kami sa gitna ng kagubatan. Humarap sa'kin si Selene at humalukipkip habang nakangisi nang nakakaloko.

"I'm glad, you already got your powers back. Ito talaga ang hinihintay namin. You're making things easy for us," nakangising sabi ni Selene.

"What do you mean? Ano ba talaga ang binabalak niyo?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Don't tell me, they want to get our powers? Saan naman nila gagamitin ang mga ito? What's their goal?

"You don't have to know," maikling sagot ni Selene.

"Selene, ano ba ang ginawa sa'yo ni Jeanne? Subukan mong alalahanin ang nakaraan mo. Huwag kang magpakontrol sa kanya. You're not a puppet!" inis na sabi ko sa kanya. 

"Who's controlling who?" tanong ni Jeanne na lumabas mula sa isang malaking puno na ikinagulat ko. Aliw na aliw siyang nakatingin sa'min. Sa tingin ko, kanina pa siyang nakikinig sa'min. Itinago ko ang kaba na naramdaman ko. Dehado ako kung sakaling kakalabanin ko silang dalawa.

"Jeanne, sino ka ba talaga? May nagawa ba kaming masama sa'yo para guluhin mo kami?" matapang kong tanong. I really don't get why she's doing this. "Bakit kailangan mo pang idamay si Selene dito? Why did you take away her memories? Ano ba ang mapapala mo?"

"I did nothing wrong. She's just too lonely and I took it away. She must be grateful to me instead because I took away the pain of being rejected and of being left behind. Now, there's nothing left but darkness. Do you want me to take yours, too?" walang emosyong wika ni Jeanne.

"You're impossible. You can't just do what you want to do with anyone!" naiiling na wika ko sa kanya. Pain is one of the things that can make a person feel alive. No wonder, Selene became this cold and empty same as Jeanne. I wonder what made her this way. Hindi ko naman naaalala na nagkaroon kami ng atraso kay Jeanne. Hindi kaya, kontrolado lang siya ng King of Darkness? Or was she acting on her free will? I can't tell.

Talking nicely to them won't help me change their minds. Kailangan ba talaga namin silang kalabanin?

"Of course, I can. But I have to get rid of all of you first," makahulugang wika ni Jeanne. Ilang saglit pa, isang itim na puwersa na hugis ahas ang lumabas sa kanya na patungo sa'kin. Tila balak niya akong sugudin. Maghahanda na sana ako para umiwas sa atake niya pero biglang lumihis ng direksiyon ang itim na ahas patungo sa likod ko. Agad akong napalingon at nakita ko na patungo ito sa isang puno.

The dark snake suddenly disappear. Napakunot-noo ako nang makita si Cyrus na nakasandal sa puno at nakahalukipkip. Nakakalokong ngiti ang ibinigay niya kay Jeanne. Kanina pa ba siya sa kinatatayuan niya? Kinuha niya ang camera na nakasabit sa leeg niya. He took a shot of us.

"Interesting. Can you do that again Jeanne so I can take a good shot?" he winked at Jeanne. Hindi ko matukoy kung kakampi ba siya o kalaban.

"Annoying. Can't you just die?" Jeanne said and I knew she meant it. I can sense anger in her controlled voice. What's going on?

"Should I? You're ruining the past just to kill me. I never thought, you'll exert so much effort for that reason," naiiling na wika ni Cyrus. He's taking her lightly. 

"Don't flatter yourself too much, Cyrus. You're not the real reason why I'm here. But somehow, gusto ko ring mapigilan na maipanganak ang isang katulad mo sa mundong ito. Hindi ko alam kung paano ka nakarating dito pero sisiguraduhin kong hindi ka na makakabalik sa pinanggalingan mo," seryosong wika ni Jeanne. Lumapit si Selene kay Jeanne. Malakas na natawa lang si Cyrus sa sinabi ni Jeanne. Mukhang hindi niya sineseryoso ang mga binitiwang salita nito.

"What are we going to do now? Are we going to start?" tanong ni Selene. Are they going to start a fight? 

Umiling si Jeanne. "Not now. But where going to start the plan, soon. Let's go. We can't afford to lose. Huwag tayong magpadalos-dalos. Kailangan pa natin siyang mahanap," sabi ni Jeanne. Tinalikuran niya kami. Walang nagawa si Selene kundi ang sumunod kay Jeanne. I watched them disappear. Sino pa ang hinahanap nila? I looked at Cyrus, and he's intently looking at me.

Lumapit ako sa kanya.

"Sino ka ba talaga? Bakit galit sa'yo si Jeanne?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"What are you doing here? Hindi mo ba alam na ipinapahamak mo ang sarili mo?" balik-tanong niya sa'kin na halatang naiinis.

I know. Hindi niya ako kailangang sermunan.

"Ano ba ang pakialam mo kung mapahamak ako? Kakampi ka ba o kaaway?" tanong ko pa rin sa kanya. He sighed in defeat. Tila nakukulitan na siya sa'kin.

"Neither. Hindi ako kaaway at hindi ko rin masasabing kakampi niyo ko. Ayaw kong mamatay kayo nina Clauss pero ayaw ko ring mamatay si Jeanne. I can't do something because it might affect the future. Maraming magbabago kung makikialam ako. It can either make or break the future. May tatlo lang akong pagkakataon para makialam at pagkatapos noon, kailangan ko nang bumalik sa pinanggalingan ko. I have to use those chances wisely so please don't give me problems. Don't be impulsive. Think before you act," wika ni Cyrus.

"Why? Maapektuhan ka ba kung mapapahamak kami?" nagtatakang tanong ko sa kanya. May alam ba siya sa mga mangyayari sa hinaharap?

"Yes, you'll know why soon. Sa tingin ko hinahanap ka na ni Clauss. Bumalik ka na sa academy. I'll be watching for you. I'll be a spectator for now. Alam ko naman na kaya niyong lampasan 'to. Mag-ingat kayo, marami sila," he smiled hesitantly then disappeared. 

Wala nga pala akong ideya kung ano ang kapangyarihan niya. Saan ba siya nagmula? Marami sila? Kinabahan ako sa sinabi niya. Mahirap makipaglaban lalo na't hindi namin kilala ang mga kalaban.

I started to walk back to the academy while thinking. Dumiretso na ako sa canteen. Nakita ko si Clauss na seryosong nakaupo sa isang table at iritableng nakatingin sa'kin. He's probably upset.

"Saan ka pumunta?" inis na tanong niya. Nasa ibabaw ng mesa na ang bag ko. Nakalimutan ko palang dalhin kanina dahil sa pagmamadali. I have to tell him the truth.

"I talked with Selene and Jeanne," I answered honestly.

"What? By yourself?" inis na tanong ni Clauss. He's looking at me like I'm a total idiot. And I also noticed in his eyes that he's worried. Mukhang itinatago lang niya ang totoong nararamdaman.

"Clauss, walang nangyari sa'king masama. Buong-buo pa rin ako. I'm sorry kung hindi ko sinabi sa'yo. Kumain na lang tayo," mahinahong wika ko sa kanya. Ayaw kong makipag-away sa kanya ngayon. Clauss sighed. Tila napapagod na siyang pagsabihan ako.

"Ano'ng pinag-usapan niyo?" tanong niya sa'kin.

"Jeanne was planning to kill Cyrus pero may iba pa rin siyang pakay. Hindi ko alam kung ano. Sa tingin ko may hinahanap pa sila pero hindi ko alam kung sino. Hindi malinaw sa'kin kung bakit niya ginagawa ito," sagot ko. At hindi ko pa nakikita ang pag-asa na maaalala kami ni Selene. 

"Don't stress yourself too much. Hindi ka nag-iisa," wika ni Clauss.

"I know. May ideya ka ba kung sino si Cyrus? Kung ano ang kapangyarihan niya?" tanong ko kay Clauss.

Napakunot-noo si Clauss. "May kapangyarihan siya? Hindi ko alam kung sino siya. Gusto ko ring malaman. Pero bago 'yon, pinapupunta tayo ni Bryan sa opisina niya. Sa tingin ko, may mahalaga siyang sasabihin sa'tin," seryosong wika ni Clauss. Napatango ako bilang pagsang-ayon. We don't have to rush things. We better make a good plan.

Matapos kumain, nagtuloy na kami ni Clauss sa opisina ni Bryan. Nandoon na sina Claudette, Xavier, Frances, Cyril, Xander at Akira. Hindi na ipinatawag sina Felicity at Troy. Hindi naaalala ni Felicity na nagbalik na ang kapangyarihan niya pero binabantayan naman siya ni Troy.

"Bakit mo kami ipinatawag?" tanong ni Clauss. Umupo kami sa bakanteng upuan. Seryoso si Bryan at tila malalim ang iniisip.

"May nakitang pangitain si Frances. Kailangan niyo itong marinig para mapaghandaan natin," sagot ni Bryan. Napakunot-noo ako. Medyo kinabahan ako sa sasabihin ni Frances.

"Sa tingin ko hindi si Jeanne ang kinokontrol ng King of Darkness. May iba pa at nasa academy lang siya. Handa niyang sirain ang academy. Nakita ko kung paano niya sisirain ang lahat ng bagay rito. Hindi ko lang makita ang mukha niya," seryosong wika ni Frances. Kung hindi si Jeanne ang kalaban, sino pa? Kung may dadagdag pa, lalo lang kaming magkakagulo.

"Kailangan nating mag-ingat. Sa tingin ko, hinahanap din siya ni Jeanne at Selene kaya hindi pa sila kumikilos ngayon. Pero ang nakapagtataka, kadiliman din ang kapangyarihan ni Jeanne. Ibig sabihin, dalawang tao ang nagtataglay ng power of darkness?" nalilitong sabi ni Bryan.

"Hindi na nakapagtataka 'yon. Sa ibang panahon nanggaling si Jeanne. Mula siya sa hinaharap na tinutukoy ng god of fire. Maaaring doon niya nakuha ang kapangyarihan. Sa tingin ko kailangan na nating kumilos. Kailangan nating maunahan si Jeanne sa paghahanap sa taong sinasabi ni Frances," sabi ni Clauss.

"Then, this is our first goal. Find the other darkness power user. Mag-iingat kayo. Bantayan niyo ang bawat taong nakapaligid sa inyo. Fight if necessary but don't die. Hindi natin kilala kung sino ang totoong kalaban natin. Kami na ang bahala nina Frances at Claudette sa paghahanap ng impormasyon. We will check every student's background. Baka sakaling makatulong," sabi ni Bryan.

Sumang-ayon kami sa sinabi niya. Sana makita na namin ang hinahanap namin. Sana hindi na umabot sa isang magulo at madugong labanan ang problemang ito. Sana maging maayos din ang lahat.

Bumalik na kami sa kanya-kanyang classroom. Sa tingin ko, mula ngayon, hindi na kami magiging kampante sa pakikisalamuha sa iba. Lahat ng kilos ng mga taong nasa paligid namin ay kailangang bantayan at pag-aralan. We can't trust anybody so easily.

Wala naman akong napansin na kakaiba sa mga kaklase namin. Nagkukwentuhan sila dahil walang pa ang professor. Ang iba tahimik na nagsusulat at nagbabasa ng libro. I noticed a girl who's alone in a corner. She's reading something. Hindi ko maalala ang pangalan niya. Sa tingin ko, naramdaman niya na may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa'kin.

She smiled hesitantly so I smiled back. Umiwas na ako ng tingin. Siguro kailangan naming gumawa ng list ng kahina-hinalang tao sa loob ng academy. Isa-isa namin silang babantayan para mas mapadali ang lahat. Dumating na si Selene at umupo na sa kanyang puwesto. Kailangan namin silang maunahan. Kailangan naming pigilan ang binabalak nina Jeanne.

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro