Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🖋 Prologue & Disclaimer

I am Camille Anne Trinidad isang simpleng cute na wizard haha joke pero seriously nagmula ako sa isang Royal Wizards Family meaning isa talaga akong wizard at hindi lang ordinaryong wizard dahil kami ang pinaka-mayaman at tagapamahala sa mundo namin. Matagal na panahon din kami nanirahan sa mundo ng mga wizard pero lumipat kami sa mundo ng mga tao dahil…Ano nga ba dahilan? Secret muna, sa akin na lang muna 'yon hahaha.

Well…Masasabi ko namang mas masaya nga sa mundo ng mga tao dahil nakikita ko naman sa araw-araw na pamumuhay namin, sila 'yung uri ng mga taong kahit wala nang makain, kahit naghihirap na sila sa kanilang pamumuhay ay nakukuha pa rin nilang ngumiti at magpatawa.

So, ayun pumasok ako sa public school para sa mga highschool student hanggang sa maging grade nine ako at hanggang sa nakilala ko ang tatlong lalaking nagpagulo at nagpasaya ng buhay ko, yung tatlong lalaking lagi kong kinaiinisan pero kalaunan ay naging bestfriends ko.

Walang nakakaalam na wizard ang pamilya namin kaya wala kaming katulong, driver, at sila mommy and daddy ay pumapasok sa kumpanya na ginawa ni grandpa gamit ang mahika niya dahil si grandpa ang pinakapinuno sa mundo namin kaya pwede niyang gawin ang bagay na 'yon, habang kami naman ni kuya ay pumapasok sa school. At dahil nga walang pwedeng makaalam na wizard ang pamilya namin dahil pagkakaguluhan kami ng mga tao eh kailangan namin magpanggap bilang normal na tao.

Kaya ngayon… I am a Wizard In Disguise

************************************
Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, lugar, at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Ang anumang pagkakahalintulad sa totoong pangalan, lugar, at pangyayari ay hindi sinasadya.

Plagiarism is a crime punishable by law.

© All Rights Reserved 2020

A/N:
Hi po sa mga readers/reader ko. Ito po ang first story na ginawa ko nawa po ay magustuhan ninyo, kung hindi nyo po gusto ang story ko eh paumanhin po at wag nyo na lang pong basahin dahil po hangga't maaari po ay ayoko po ng may mga bashers/haters pero po hangga't maaari po ay gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para po ma-enjoy nyo po ang story ko. About po dun sa mga magic spells na binanggit ko eh lahat po yun galing sa movie na Harry Potter, and yes po fan po ako ng Harry Potter kaya po sa mga kapwa ko fan ng Harry Potter dyan say hi naman oh haha. So, ayun lang po. Enjoy reading🤗Love yah all. Mwah😘God bless you all Thank you💜

~agent_purple19

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro