📚 8: Worry no more
Dylan's POV
Nandito ako ngayon sa bahay ng kaklase ko at gumagawa ng project habang ang kapatid ko ay mag-isa sa bahay at kasama pa ang tatlong mokong na 'yon. Argh! Bwiset! Gustong-gusto ko na umuwi kanina pa kaso hindi pa kami tapos at baka kapag iniwan ko sila rito bigla ay magalit sila sa akin lalo na't ako pa ang leader. Nakakainis talaga! Nag-aalala na ako para kay Camille.
At habang hindi ako mapakali rito ay biglang may pumatong na kamay sa balikat ko.
“Pre, ayos ka lang ba?” Tanong ni Waldron.
“Uhmm… O-Oo naman, ayos lang ako.” Sabi ko habang pinipilit ngumiti.
“Eh bakit parang hindi ka mapakali?” Pag-uulirat niya pa.
“K-Kasi... 'Yong kapatid ko may sakit eh tapos wala pa siyang kasama sa bahay.” Pagdadahilan ko. Sana pumayag sila na mauna na ako. Please, please.
“Ay, gano'n ba? Sige mauna ka na, matatapos na rin naman 'to eh. Kayang-kaya na namin ito.” Sabi naman ni Adriana na nakikinig pala sa usapan namin.
“Talaga?” Tanong ko at tumango naman silang lahat sa akin.
“Thank you, guys! Una na ako, mag-ingat kayo sa pag-uwi.” Paalam ko habang kumakaway at dali-dali akong pumasok sa kotse ko.
Pagkadating ko sa bahay ay naabutan ko 'yong tatlo na nakaupo sa sofa namin habang busy sila sa pagce-cellphone.
“Nasaan si Camille?” Tanong ko sa kanila.
“Nasa kwarto, tulog na ata.” Sagot ni Luke habang nakatingin sila sa akin na parang takot na takot. Sino ba namang hindi matatakot sa pagbabanta na ginawa ko kanina?
[Flashback]
Pagkababa ko galing sa kwarto ni Camille ay naabutan ko ang tatlo na nakaupo sa sofa namin kaya nilapitan ko sila.
“You're my sister's friends, right?” Tanong ko sa kanila.
“Yes.” Sagot ng isang lalaki na kulay brown ang buhok.
“What is your names again?”
“I am Luke Collins, he is Calvin Adler, and he is Harrison Miller, sir.” Pagpapakilala niya.
“Okay. I need to tell you something.” Ani ko at marahan na humakbang papalapit sa kanila.
“What is it?” Tanong ulit no'ng lalaki na may kulay brown na buhok na ang pangalan pala ay Luke.
Lumapit pa ako nang konti sa kanila tsaka ko sila binigyan ng katakot-takot na masamang tingin tsaka katakot-takot na pagbabanta.
“Alam ko lahat ng mga kalokohang ginawa n'yo sa kapatid ko noon at alam ko rin na kayo ang dahilan kung bakit nagkasakit siya ngayon. Pero hindi iyon alam ng mga magulang namin kaya wag na wag kayong magkakamali na banggitin ang kahit na anong nakita n'yo o nalaman n'yo tungkol kay Camille. Wag na wag din kayong gagawa ng kalokohan dito sa bahay namin lalo na't wala kami, dahil kung hindi, baka hindi na kayo sikatan ng araw. Naiintindihan n'yo?” Gigil na gigil na paalala ko.
“O-Oo.” Takot na takot naman na sagot nila. Lumayo na ako at nagsalita bago umalis sa harapan nila.
“Nice to meet you boys. Take care!” Sambit ko habang may pekeng ngiti at nakatingin nang masama sa kanila.
[End of flashback]
Umakyat ako sa kwarto ni Camille at sumilip sa pinto at nakita ko nga siyang mahimbing na natutulog kaya bumababa ulit ako sa sala namin.
“Napainom n'yo ba sa tamang oras ang kapatid ko?” Tanong ko ulit sa kanila.
“Oo.” Sagot ni Luke.
“How is she? Bumaba na ba ang lagnat niya?”
“Medyo bumaba na ang lagnat niya pero kailangan niya pa rin ng maraming pahinga at wag n'yo muna siyang pagawain ng mga mabibigat na gawain dahil baka mabinat siya. Pakainin n'yo siya ng maraming fruits and vegetables para lumakas ang resistensya niya.” Paliwanag ni Calvin kaya namangha ako, para kasi siyang doktor eh.
“Are you a doctor?” Tanong ko sa kanya. Ang bata niya pa para maging doktor ah.
“No. My mom is a doctor kaya alam ko ang mga bagay na 'yan.” Sagot niya sa akin habang nakangiti.
“Ahh, I see.” Sagot ko naman at akmang pupunta na sa kusina pero tinawag ako ni Luke.
“Mr. Dylan! Wait!” Tawag niya sa akin.
“Yes?” Sagot ko at muli silang binalingan ng tingin.
“Uhmm… Gusto lang sana namin mag-sorry sa lahat ng nagawa naming kalokohan sa kapatid mo. Sana mapatawad mo na kami. Promise magbabago na talaga kami, hinding-hindi na namin gagawan ng kalokohan si Camille.” Sabi ni Luke at mahahalata mong sincere talaga siya.
“Okay, apology accepted. But, patunayan n'yo muna sa akin na magbabago na kayo, huwag kayo dada nang dada.” Sabi ko pa.
“Magkapatid nga kayo ni Camille.” Sabi ni Harrison habang nakangiti.
“At bakit naman?” Tanong ko habang nakakunot ang noo.
“Dahil ganyan din ang sinabi niya sa amin kanina.” Natatawang sagot ni Harrison sa tanong ko.
“Ahh, okay.” Tipid na sagot ko at tumalikod na pero may naalala ako kaya humarap ulit ako sa kanila.
“And, one more thing.” Sabi ko habang nakataas ang hintuturo.
“What?” Tanong ni Calvin.
“Don't call me Mr. Dylan, Dylan na lang.” Sabi ko at ngumiti nang bahagya. Pumunta na ako sa kusina pagkatapos no'n.
~*~*~
Gabi na ngayon at oras na ng hapunan namin pero hindi pa rin gising si Camille.
“Dylan, tawagin mo na nga si Camille sa itaas at sabihin mong kakain na.” Utos ni mommy sa akin habang inaayos ang lamesa. Umakyat na ako sa kwarto ni Camille at nakita ko siyang gising na kaya tinawag ko.
“Mahal na prinsesa, kakain na po.” Sabi ko at yumuko pa na parang alalay niya talaga ako.
“Pftt… HAHAHAHA! Bagay sa'yo kuya, isa pa nga.” Sabi niya naman habang tawa nang tawa.
“Tss. Tumayo ka na nga diyan at kakain na raw sabi ni mommy.” Utos ko sa kanya.
“Ahh... Kuya... Pwede bang dito na lang ako kumain?” Tanong niya sa akin at awtomatiko namang umangat ang kilay ko.
“Bakit? Ayaw mo kami kasabay?” Tanong ko rin sa kanya.
“Hindi! Hindi naman sa gano'n. Ahh... Ehh... K-Kasi...” Sabi niya habang hindi mapakali.
“Ano?”
“Nadulas kasi ako kanina hehe kaya ayon, nahihirapan akong maglakad ngayon.” Pag-amin niya na ikinalaki ng mga mata ko.
“ANO? NADULAS KA?!” Pasigaw kong tanong.
“Shh! Kuya! Napaka-ingay mo talaga kahit kailan!” Suway niya sa akin at kaagad naman akong lumapit sa kanya.
“Paano akong hindi sisigaw sa nalaman ko? Ha? Sabihin mo nga.” Tanong ko sa kanya at hindi ko na napigilan pang pitikin siya sa noo.
“Aray naman!” Reklamo niya pero hindi ko na ito pinansin. Na-hi-highblood ako sa batang 'to!
“Kaya… Sige na kuya, dito na lang ako kakain. Please?” Sabi niya sa akin habang naka-puppy eyes pa.
Napabuntong-hininga muna ako bago nagsalita. “Oo na. Dadalhin ko na lang dito at pagkatapos mong kumain ay i-kwe-kwento mo lahat sa'kin ang nangyari sa'yo.” Sabi ko sa kanya at tumayo na.
“Yes, kuya. Thank you!” Sabi niya habang ngiting-ngiti sa akin. Bumaba na ako sa dining area at naabutan ko sila mommy na kumakain na.
“Kain na.” Alok sa'kin ni daddy.
“Nasaan si Camille?” Tanong naman ni mommy.
“Tinatamad pong bumaba eh.” Pagdadahilan ko habang kinukuha ko ng makakain ang magaling kong kapatid.
“Nako! Ang batang 'yon talaga. Masyadong spoiled, ha.” Sabi ni mommy habang iiling-iling.
Palihim naman akong napangiti dahil alam kong katulad ko, hindi rin nila matitiis ang kapatid ko.
Nandito kami ngayon ni Camille sa kwarto niya at i-kwinekwento niya lahat ng nangyari sa kanya ngayong araw.
“Buti na lang talaga at nandito sila Luke dahil kung hindi, malamang maghapon na akong nakaupo roon.” Sabi niya habang tatawa-tawa.
“Sa susunod kasi, mag-iingat ka.” Pangaral ko sa kanya at akmang pipitikin ulit siya sa noo pero nakaiwas siya.
“Opo, dok!” Sabi niya kaya natawa na lang kami pareho. Ang kulit talaga nitong kapatid ko kahit kailan.
“Pero kuya, sana mapatawad mo na rin sila kagaya ko kasi nararamdaman ko namang seryoso sila sa mga ipinangako nila at hindi mo na kailangan pang mag-alala dahil alam ko na seryoso at gagawin nila 'yon.” Pangungumbinsi niya sa akin.
“Bigyan mo muna ako ng panahon Camille, bigyan mo ako ng panahon na makita ang pagbabago nila. At sana nga nagbago na talaga sila.” Paliwanag ko sa kanya.
Sana nga. Para wala na akong dapat i-pag-alala pa kapag sila ang kasama ng kapatid ko.
************************************
A/N:
Yyyaayyyy! May POV na ang kuya ni Camille. At sana nga talaga nagbago na sila dahil kung hindi eh kokotongan ko na talaga sila, papasok ako sa story ko at kokotongan ko sila isa-isa hahaha.
As I've always said: See you sa next chap🤗 Enjoy reading💕 Love yah all and God bless😘😘😘
~ agent_purple19
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro