📚 4: Basang-basa sa ulan
Camille's POV
Pagkalabas ko ng room ay hindi ko na sila mahanap dahil humalo na sila sa napakaraming estudyante na nag-si-si-uwian. Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok dahil sa inis. Argh! Bwiset! Bakit ba nangyayari sa'kin 'to?!
Nalibot ko na't lahat ang buong school pero wala talaga silang tatlo rito. Habang naglilibot ako rito sa isang building ng school namin ay nilapitan ako ng guard.
“Uhm... Miss.” Tawag sa akin ni kuya guard.
“Yes po, sir?”
“Lahat kasi ng estudyante ay nag-si-uwian na at ikaw na lang ang natitira dito sa loob kaya kung maaari sana ay lumabas ka na dahil isasara na namin itong school.” Paliwanag niya sa akin.
“Ahhh gano'n po ba? Sige po lalabas na po ako, pasensya na po sa abala.” Saad ko naman at sinabayan na si kuyang guard sa paglalakad patungo sa gate.
“Nako, wala 'yon miss. Tungkulin naman namin ito kaya hindi ka abala. Sige na, umalis ka na at mag-ingat ka sa daan lalo na't gabi na, babae ka pa naman.” Paalala ni kuya guard with matching genuine smile.
“Thank you po, kuya guard!”
“Aayy! By the way po, ako po si Camille. Camille Anne Trinidad, ikaw po ano po pangalan mo?” Tanong ko sa kaniya habang nakalahad ang kamay.
“Rodolfo, miss.” Sagot ni kuyang guard na Rodolfo pala ang pangalan at nakipag-shake hands sa akin.
“Sige po, kuya Rodolfo. Alis na po ako. Nice meeting you po!” Sabi ko habang nakangiti at nag-wa-wave.
Saktong pagkalabas ko ng gate ay biglang kumulog nang malakas with kidlat tapos kumanta ako ng heto ako oohh basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan.
Charoot! Aegis lang ang peg? HAHAHA.
Pero seriously, umulan lang naman nang malakas at ang malas ko dahil wala akong payong and pinaka-worst pa ay nawawala ang wand ko. Kaya no choice ako kundi magpaka-basa sa ulan.
WOW.
GREAT.
WHAT A GREAT DAY!
Argh! Nakakainis naman eh! Bakit ba hanggang ngayon ay hindi ko sila mahanap?! Magda-dalawang oras na akong nagpapaulan dito at nagsisimula na akong lamigin.
Tinignan ko ang wrist watch ko and luckily, gumagana pa ito at nakita ko ang oras, it's already 9:30 pm. 6:30 ako lumabas ng school so it means na 3 hours na akong basang-basa rito at bwisit na ulan na 'to dahil hindi pa rin tumitigil. Dumagdag pa sa mga pasanin ko. Ang saya-saya naman, gusto kong yakapin sila Luke. Magpapasalamat ako sa lahat ng nangyayari sa'kin at yayakapin ko sila sa leeg.
Napagpasyahan ko nang umuwi dahil ginaw na ginaw na ako rito at nagsisimula na rin akong sipunin at ubuhin and take note, maglalakad pa ako ng 30 minutes para makauwi. Oh, 'di ba ang saya?
Pagkatapat ko sa pintuan namin ay ginamit ko ang buong lakas ko para kalampagin ang pintuan at sumigaw nang malakas dahil feeling ko any time ay babagsak na ako.
“MOMMY! DADDY! KUYA!” Sigaw ko habang kumakalampag sa pinto at hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto at nakita ko ang mga gulat na mukha nina mommy, daddy, at kuya.
“Oh my gosh, Camille! Anong nangyari sa'yo?!” Natatarantang sigaw ni mommy at agad akong inalalayan.
“Mo… M-mommy… Tu… T-tulong.” Nanghihina kong sabi at makalipas lang ang ilang segundo ay naramdaman ko na lang na bumabagsak na ako at unti-unting dumidilim ang paligid.
×××××××××××××××××××××××××××××××
A/N:
Oh no! Kawawa naman si Camille.
Ano kayang mangyayari sa kanya?
Mao-ospital kaya sya?
At mababawi kaya nya ang wand nya sa mga asungot na yun? (Hahaha, ayan na naman po ang pagiging harsh ni author. Nakakainis kasi ih! Hahaha)
Abangan...
Sorry sa short chapter. Kwinento lang kasi dito yung mga paghihirap na dinanas ni Camille habang hinahanap yung wand nya. (Phew! Grabe lalim! Hahaha) bawi po ko sa next chap promise.
As I've always said: See you sa next chap🤗 Enjoy reading💕 Love yah all and God bless😘😘😘
~ agent_purple19
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro