Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

📚 3: Paktay na!

Camille's POV

“KUYA?”

“K-kanina ka pa diyan?” Pautal-utal kong tanong dahil nakakatakot yung mukha ni kuya. Lagooot!

“EXPLAIN!” Sigaw ni kuya sa akin. Patay ka na ngayon Camille. May you rest in peace. Amen.

“Ah... Eh... K-kasi... Uhm... Uwi na tayo, gabi na eh hehe,” takot na takot kong sagot kay kuya.

“I SAID EXPLAIN!” Galit na galit na sambit n'ya.

“O-opo eto na nga.” Nanginginig kong sagot then after that sinabi ko lahat ng nangyari simula no'ng hinarangan nila 'yong daraanan ko hanggang sa paggamit ko sa kanila ng magic spells.

“What comes to your mind para gawin mo 'yon? Ha?” Nanggagalaiti pa ring sabi ni kuya.

“Kuya, I told you nga 'di ba? Malapit na nila akong ma-corner sa pader and any minute pwede na nila akong ma-rape or what else they want to do to me! Why can't you understand?” Pasigaw kong sagot at hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko dahil sa trauma na nararamdaman ko kapag naaalala ko 'yong nangyari kanina.

“But Camille, what if ipagkalat nila 'yon?” Nalumanay nang saad ni kuya dahil nga nakita niyang umiiyak na ako.

“They promised to me,” sambit ko habang walang tigil sa pag-iyak.

“Sa tingin mo sapat na 'yon? Syempre, natakot din sila tapos may magtatanong kung bakit sila takot na takot oh edi syempre ikukwento nila. Promises are meant to be broken sometimes.” Paliwanag ni kuya sa akin. Hindi na ako nakasagot at nagpatuloy lang sa pag-iyak.

“Let's say na hindi nga nila ipagkakalat 'yon pero paano kung gantihan ka nila kasi nagalit sila sa ginawa mo. Anong gagawin mo kapag nangyari 'yon?” Pagbibigay ng halimbawa ni kuya.

“I… I don't know,” sagot ko dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung sakali mang mangyari 'yon.

“Kailangan itong malaman nina mommy and daddy.” Sambit ni kuya na agad nagpalaki sa mga mata ko at lalong nagpalakas sa iyak ko.

“NO! Kuya, please.” Pag-alma ko at lumuhod ako sa harapan ni kuya. Wala akong pakialam kung may makakita man sa amin dito.

“Camille! Ano ba? Tumayo ka nga riyan!” Pilit akong itinatayo ni kuya pero hindi ako nagpatinag at nanatiling nakaluhod.

“No, kuya! Hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo sinasabi na hindi mo 'to sasabihin kila mommy. Kaya kuya, please! Please don't tell this to them.” Niyakap ko ang binti ni kuya tsaka humagulgol.

“Oo na! Oo na. So, please stand up,” sabi ni kuya at inalalayan akong makatayo bago niyakap nang mahigpit.

“I'm so sorry kuya.” Niyakap ko rin nang mahigpit si kuya habang ang mga luha ko ay walang tigil sa pag-agos.

“Ssshh. Don't say that, actually ako dapat ang mag-sorry. This is all my fault, kung nandiyan lang sana ako sa tabi mo, edi sana hindi ka na nila mahaharang. Stop crying na, uuwi na tayo.” Mahinahong saad ni kuya at hinimas-himas muna ang likod ko para kumalma ako bago kami sumakay sa kotse.

Pagkadating namin sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto ko kasi pagod na pagod na ko at dahil nga pagod ako ay mabilis akong nakatulog.

~°~°~°~°~°~°~

Hhaayy! Umaga na naman. Panibagong araw. Panibagong simula. At panibagong problema? Hahaha.

*Papatayin ang alarm*

*Aayusin ang kama*

*Maliligo, magto-toothbrush*

*Magbibihis at aayusin ang buhok*

*And last, bababa ng hagdan at pupunta sa dining area*

Ganyan lagi ang morning routine ko kada weekdays pero kapag weekends iba. Pagkababa ko sa dining area as usual nandoon na sina mommy, daddy, and kuya Dylan kaya binati ko sila.

“Good morning mommy, daddy, and kuya Dylan!” Masiglang bati ko sa kanila.

“Good morning, my dear princess!”

“Good morning, my unica hija!”

“Good morning, bunso!”

Sabay-sabay nilang bati sa akin. Naglakad ako patungo sa pwesto ko at naupo na bago nagsimulang kumain.

“Bye kuya, ingat ka!” Saad ko kay kuya at niyakap siya bago bumaba ng kotse.

“Ikaw rin, lalo na ngayon kailangan mo mag-doble ingat dahil ayaw mo naman siguro na maulit pa ang nangyari sa'yo kahapon.” Paalala sa akin ni kuya.

“Yeah, kuya I know. Don't worry, I'll be fine.” Sagot ko naman at nginitian siya nang matamis para naman mapanatag ang loob niya.

Pagkababa ko ng kotse, nakasalubong ko si Scarlet kaya naman kumaway ako at binati siya.

“Letlet!” Pasigaw na sambit ko at tsaka kumaway. 

“Oh Camie, ikaw pala 'yan.” Bati niya pabalik sa akin at sabay na kami naglakad papunta sa classroom.

“Uhm... Letlet,” tawag ko sa kanya habang naglalakad kami.

“Yes?”

“Pwede ba tayong mag-usap sandali sa garden? I need to tell you something.” Kabadong saad ko. Hindi ako mapakali!

“Sure. May 30 minutes pa namang natitira sa atin.” Pag-sang-ayon niya at nagtungo na agad kami sa garden ng school.

“So, ano 'yong sasabihin mo?” Tanong n'ya sa akin pagkaupo namin sa bench ng garden.

“Letlet, may nakakaalam na ng sikreto namin.” Deretsiyahang pag-amin ko sa kaniya.

“'Yan lang pala sasa--- wait, what?!” Sambit n'ya habang nasa state of shock pa rin at napatakip pa siya ng bibig niya.

“Sino ang nakakaalam?” Tanong niya nang maka-recover na siya sa pagkagulat.

Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Napalunok din ako nang ilang beses bago sumagot. “'Yong… Iyong mga transferee.” Ani ko at tinignan ang best friend ko nang may takot sa mga mata. 

“'Yong tatlong lalaki?” Pag-uulirat niya pa.

“Yes.” Sabi ko at sinimulan ko nang i-kwento sa kaniya lahat ng nangyari.

“Eh, loko pala ang mga 'yon eh. May balak pa silang gawing masama sa'yo. Nako! Na-hi-highblood ako sa mga lalaking 'yan, reresbakan ko ang mga 'yon! Nako, Camie! Sinasabi ko sa'yo. Pigilan mo ko at baka anong magawa ko sa mga 'yan!” Galit na galit na komento niya habang pilit kumakawala sa hawak ko.

“Uy! Kumalma ka nga, umiiral na naman 'yang pagiging war freak mo eh. I'm fine, okay? Kaya kumalma ka.” Pagpipigil ko sa kaniya dahil baka bigla niya na lang sugurin ang mga 'yon, lalo pa kaming napahamak.

“Tsk. Fine! Tara na nga baka ma-late pa tayo.” Ani niya at hinila na ako papunta sa room namin.

Lumipas ang ilang oras at dumating na naman ang pinaka-ayaw kong subject. Alam n'yo na kung ano? Ano pa nga ba kundi TLE. And as I've expected, kakila-kilabot na bulungan na naman ang naririnig ko at katakot-takot na mga titig nila, yes,  titig hindi tingin. Jusko daiz saet sa bangs HAHAHA.

Habang nagsusulat kami ng lecture ay tinawag ako ni Luke.

“Camille!” Tawag niya sa'kin pero hindi ko pinansin. Manigas ka diyan!

“Camille!” Tawag niya ulit sa akin. And this time nilingon ko na siya.

“Ano ba?! Nakita mong nagsusulat 'yong tao, nang-aabala ka! Bakit ba?” Irita kong saad sa kaniya.

“Tawag ka raw ni sir sa faculty.” Sabi naman niya sa'kin.

“Huh? Bakit ako?” Kunot-noong tanong ko.

“Aba'y malay ko, ako ba si sir?” Pamimilosopo niya. Inirapan ko na lang siya tsaka padabog na tumayo at naglakad papunta sa faculty.

Pagkadating ko sa faculty ay kumatok muna ako bago pumasok at pagkapasok ko ay nakita ko agad si sir.

“Good afternoon po. Pinapatawag mo raw po ako sir Aldrin?” Sabi ko dahilan para kumunot ang noo ni sir.

“Hindi kita pinapatawag hija. Sinong nagsabi sa'yo niyan?” Sagot ni sir dahilan para lumaki ang mga mata ko.

“S-sabi po kasi ni Luke eh.” Naguguluhang sagot ko.

“Ahh gano'n ba? Mukhang napag-tripan ka hija, hayaan mo, kakausapin ko bukas.” Sambit naman ni sir pero hindi ko na masyadong inintindi dahil naguguluhan pa rin ako.

“Okay po sir, thank you po.” sabi ko na lang at lumabas na ng faculty.

Habang naglalakad ako ay may bigla akong naalala kaya napatakbo ako.

Shocks! 'Yong wand ko hindi ko nadala.

Pagkadating ko sa room, hingal na hingal akong lumapit sa bag ko at kinalkal iyon pero sa kasamaang palad ay hindi ko mahanap at ngayon nawawala na ito. Tinignan ko nang masama sila Luke at lalong nag-init ang dugo ko nang makita kong nakangisi sila sa akin. Susugurin ko na dapat sila pero biglang nag-bell hudyat na uwian na at bigla na lang silang kumaripas ng takbo palabas.

Kinuha ko nang mabilis ang bag ko at patakbo ring lumabas ng room.

Humanda kayo sa akin kapag naabutan ko kayo!

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
A/N:
Ano kayang mangyayari sa kanila?
Maabutan kaya ni Camille 'yong tatlo?
At mababawi kaya niya iyong wand n'ya sa kanila?

Abangan...

~ agent_purple19

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro