34
Minhye's P.O.V
"Hoy! Ang duga mo ako dapat panalo eh!" Nakanguso kong sinabi.
He chuckled, "I always win pagdating sa video games," Nawala agad ang ngiti niya, "Iniisip mo pa din ba yung kay hyung?"
"Hindi ko ba alam, sinabi ko naman yung mga sikreto ko sa kanya tapos kila Mama ko pa malalaman na may jowa siya."
Tinapik-tapik niya braso ko, "Just talk to him later, maybe he has a reason to do that."
"Naks, engrish."
He scoffed, "Wala pa ba si hyung?"
"Syempre wala pa. Bakit ba?"
"Pagdating niya aalis ako para may kasama ka," Binitawan niya ang controller at tumingin sa akin.
"Luh, nandito naman sila Mama at Papa eh."
Umiwas siya ng tingin, "Fine, gusto pa kita kasama."
Nanlaki mata ko at tumingin sa hita ko dahil sa hiya. Ewan ko ba pero ako yung nahiya.
"Gagi, as if naman last na ang ngayong pagkikita natin!"
"Minhye, may sasabihin ako sayo."
Napatingin agad ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nakakunot noo ako dahil curious akong malaman kung ano ang sasabihin niya. Mukhang seryoso ang sasabihin niya dahil nagbago ang expression niya.
"Gus-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang pumasok si Kuya sa loob ng kwarto.
"Anong ginagawa niyo sa kwarto ko? Kung maghahalikan kayo sa kwarto mo wag dito!" Sarkastiko akong tumawa.
"Kung naghahalikan din kami edi sana sobrang lapit namin sa isa't isa diba? Tsk." Kasi ba naman, ang layo nga ng pwesto niya sa pwesto ko tapos may halikan pang sinasabi.
"Ako naman magtatanong, Kuya Minho. Paano ka bigla nagkajowa?" Nanlaki mata niya sa sinabi ko at napansin ko na kinagat niya ang labi niya sa kaba.
I crossed my arms and stand up, "Ano? Magic? Ni-wala ka ngang sinasabi na may hinahangaan ka na isang babae, tapos may jowa ka kaagad?"
Kinamot niya ang ulo niya, "Ah kasi-"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang magsalita si Felix at tumayo sa kanyang pwesto.
"Uwi na ako para makapagusap kayo ng maayos," Tinaas ko ang isang kilay ko sa sinabi ni Felix. Bakit parang mukha tuloy kami mag-asawa ni Kuya tapos nalaman ko na nangloloko siya?
charot lang yon.
"Ingat ka ha?" Sabi ko sa kanya tsaka siya tumango at umalis.
Pagkatapos ng matagal na katahimikan, biglang humikab si Kuya.
"Antok na ako, doon ka na sa kwarto mo at matulog ka na," Pumunta siya sa kama niya at humiga habang tinitignan ko lang ang bawat kilos niya.
"Galing mo naman mag-dahilan Kuya!"
"Talaga! Kaysa naman sayo na patay na patay ka na nga kay Hyunjin, hindi mo pa alam na laging nagpapaturo kay Bang Chan yon sa Math! Tsaka pag naubusan ka na ng i-dadahilan, ang sasabihin mo ay tatae ka!" He defended.
"Gago ka," Napamura nalang ako.
"Sige lakasan mo pagmura mo, para pag narinig nila Mama at Papa yan, ikaw ang mapapagalitan!" Nilapit niya ang isang unan sa kanya tsaka inilagay ang mukha niya doon.
"Bakit ba kasi may jowa ka bigla?! Sino pati yung babae na yon?!"
"Kang Eunbi!" Sigaw niya agad, "Okay na?"
"Kang Eunbi?! Hindi ba siya yung-"
"Oo, siya yung sinasabi ng ibang tao na masama ugali," Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.
"Bakit siya?!" Inis kong sinabi, kasi may issue na masama ugali non tapos yun pa yung jowa ni Kuya.
"Hindi lahat ng masama, ay masama na talaga. Yung iba kasi may reason kung bakit sila ganon at tsaka isa pa, wag ka basta-basta nagpapaniwala sa rumours hindi kasi lahat yon ay tama." Sabi niya habang umaayos ng pwesto.
"Mahal ka ba non?" Umiwas ng tingin si Kuya pero tumango din siya.
"Doon ka na sa kwarto mo! Gusto ko na magpahinga!" Sumunod nalang ako sa sinabi niya at sinarado ang pinto pagkalabas ko. Nalaman ko naman na kung sino kaya sumunod na ako.
"Bakit kaya si Kang Eunbi jowa non?" Tanong ko sa sarili ko.
▬▬▬▬▬▬▬
>> Shit, kanina ko pa pinapanood yung teaser ng stray kids huhu. Excited na ako sa comeback nila!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro