Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

33

Minhye's P.O.V

Wala pa si Mr. Jeon kaya pinatong ko ang ulo ko sa aking braso at pinahinga ang sarili. Sumasakit kasi ang ulo ko sa hindi ko alam na dahilan kung bakit.

"Pst, okay ka lang?" Tanong ni Hyunjin.

"I'm fine," Tumingin ako sa kabilang direksyon para hindi makita si Hyunjin.

"Masakit ba ulo mo?" Tanong niya ulit.

"I'm fine," Sagot ko ulit.

"Tingin ka kasi dito-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang umayos ulit ako ng pwesto at tinignan siya. Ikinagulat ko din na ang lapit ng mukha niya sa akin.

Walang umimik sa amin, nakita ko na gumalaw ang adam's apple niya dahil sa pagkalunok niya ng sariling laway niya.

"Hoy, ano yan ha?" Rinig namin ang boses ni Han pero hindi namin siya pinansin.

"Pst! Nandito na si Mr. Jeon! Kanina pa!" Bulong ng isa sa mga estudyante sa amin kaya agad akong umayos ng upo at inangat ang aking ulo.

Nandoon nga si Mr. Jeon, nakatitig sa aming dalawa habang nakakrus ang braso.

"For your information, classroom ito ha? Nandito tayo para mag-aral, hindi maglandian." Binuksan niya ang libro para magsimula ng klase.

"Awkward," Binulong ng paasar ni Jeonghwan samin. Pinakita ko sa kanya ang kamay ko, handa ko na siyang suntukin.

"Baka gusto mong pumunta itong kamay ko sa pagmumukha mo?" Agad siyang umiling at tumingin sa unahan.

Bida-bida ka kasi eh.

▬▬▬▬▬▬▬

"Hoy, gusto mo ba maggala?" Tanong ni Hyunjin bago pa ako makalagpas sa gate ng school.

"Hindi na muna, gusto ko muna magpahinga. You can waste your time being with your so called crush."

Bago pa siya magsalita ay umalis na ako sa harap niya. Wala ako sa mood ngayon kaya ako ganito. Hindi ko din alam kung bakit.

"Hey, on your way home?" Nagulat ako ng bumungad si Felix sa harap ko. Hawak niya ang strip ng backpack.

"Oo, ikaw ba?"

He scoffed while we're walking at pumwesto sa tabi ko, "Medyo malapit bahay ko sayo, nakalimutan mo na?"

Tumawa nalang ako, "Sorry na po."

"Uhm, gusto mo maggala?"

Umiling ako, "Sorry, wala kasi ako sa mood ngayon eh."

"What if punta nalang ako sainyo? Diba may video games kayo?" Nanlaki mata ko sa sinabi niya.

"U-uh-"

"Okay lang kung ayaw mo," Pilit siyang ngumiti.

Napakamot nalang ako ng ulo tsaka tumango, "Sige na nga! Tara!"

Lumapad ang ngiti niya nang sinabi ko yon at agad niya akong hinila para mapabilis ang paglalakad, hawak niya ang palapulsuhan ko. Medyo malayo-layo ang bahay namin pero pwede na din lakadin.

"Baka mangawit agad tayo kapag mabilis tayo maglakad," Sabi ko sa kanya dahil hindi nga kami tumatakbo pero ang bilis ng lakad namin. Para na din kami natakbo pero pasimple lang, wag papahalata na nagmamadali ka.

"Oops, sorry! Na-excite lang." Tumawa siya ng mahina bago bagalan ng kaunti ang paglalakad.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Hyunjin kagabi sa akin, tanungin ko kaya si Felix?

"Felix?"

Tumingin siya sa akin saglit bago ulit tumingin sa daan, "Bakit?"

"May gusto ka ba sa akin?" Napatigil siya sa paglalakad at binitawan ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko.

"S-saan nanggaling yan?"

"Wala, confused lang kasi ako eh," Ayaw kong sabihin nang dahil kay Hyunjin, mas okay nang magdahilan nalang. Hindi naman siya katulad ni Kuya Minho na alam na mali-mali dinadahilan ko eh.

"Syempre wala! Diba ikaw na nga mismo nagsabi? I'm your bestfriend."

Tumango ako at ngumiti, "Mabuti! Kasi ayaw kong masaktan ka eh! Alam mo naman na mahal ko si Hyunjin eh!"

Napakagat ng labi si Felix bago umiwas ng tingin.

Tahimik kaming naglakad pauwi, mukhang dahil sa tanong ko naging awkward. Pagkatapos ng ilang minuto, nakadating na kami sa bahay.

"Teka, wala pa din si Lee Know hyung?" Tumango ako.

"Nako! Mukhang may jowa na yon o baka naman dahil may inaasikaso, you know? I know? Minhye Know."

Tumawa si Felix, "Hindi bagay."

"Tayo bagay," Kinindatan ko siya. Namula ang pisnge niya at tumingin sa gate.

"Luh, pa-fall?"

"Charot lang! Nasanay na tuloy ako na bumabanat, hays," Minasahe ko noo ko dahil sa kahihiyan na sinabi ko.

"Ikaw ha?" Nakaturo siya sa akin habang nakangisi.

"Gaga, tara na nga!" Binuksan ko ang gate at sinarado ni Felix yon nang makapasok siya habang binubuksan ko naman ang pinto ng bahay gamit ang susi ko.

"Bakit parang minsan nalang umuuwi sila tita at tito?"

I shrugged, "Hindi ko din alam. Business trips panigurado."

Nang buksan ko ang pinto, hindi ko inaakala na nakatayo ang parents ko malapit sa pintuan, nakakrus ang braso.

"Uh, hi?" I awkwardly smile. Sinong hindi maa-awkward eh nasa tabi mo lang yung kaibigan mo?

"Bakit kasama mo si Felix? May kayo na din ba kagaya ng Kuya mo?"

Nanlaki ang mata namin sa sinabi ni Papa, "H-hala! Alam niyo naman po na ever since single ako! Never naging taken!"

"Mabuti nalang, yung Kuya mo kasi biglang nagsabi na may jowa siya nung sinabi namin yung tungkol sa arranged marriage." Lalo akong nagulat.

"Arranged Marriage? Si Kuya may jowa? Ha?"

Tumango si Mama, "Tinawagan ko siya nung isang araw, sinabi namin sa kanya yung tungkol sa arranged marriage para sa kompanya pero agad niyang sinabi na may jowa siya."

Napamasahe ako, walang hiya itong si Kuya! Siya mismo nagsabi na sabihan kami ng sikreto pero may hindi pala nasasabi pucha!

"Ay ganon ba? Nawala sa utak ko na may jowa siya eh, grabe ang ganda niya!" I chuckled.

"Kung ganon, mind telling us the name of this girl?" Napalunok ako sa kaba. Ang bobo ko talaga sa ganito huhu.

"Ano nga ba yung pangalan? Hoy Felix! Kilala mo ba yon?" Hinampas ko si Felix sa braso tsaka siya binigyan ng sign na mag-act din.

"A-ah, sino nga ba yun? Sinabi lang po kasi sa amin na may jowa siya at pinakita yung picture pero hindi niya binanggit yung pangalan." Napakamot siya sa ulo habang tumingin ulit ako kila Mama at Papa tsaka ngumiti.

"Ma! Akyat na muna kami! Maglalaro lang kami ng video games sa room ni Kuya!" Agad kong hinawakan ang braso ni Felix at dinala siya sa kwarto ni Kuya dahil dito kami lagi naglalaro ng video games.

"May girlfriend si hyung?" Napamasahe ako ng noo.

"Hindi ko din alam! May tinatago iyong mokong na yon eh!"

Sino naman girlfriend non?

▬▬▬▬▬▬▬

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro