32
Minhye's P.O.V
"I'm sorry for being late," ayan agad ang sinabi ko nang makapasok ako ng classroom.
"So, why are you late?" Tanong ni Mr. Park habang nakakrus ang braso.
"Uhm, may inasikaso pa po kasi akong importante," Kahit wala naman, puyat ako kagabi e ayan tuloy late. Tapos yung mokong kapatid ko hindi ako ginising.
"Mas importante pa ba iyang inasikaso mo kaysa sa lessons?"
I sighed, "Sir, sorry po talaga. Babawi ako sa susunod."
"Palalagpasin ko ito, pero sa susunod na mauulit ito, you'll get a detention slip, understood?" Tumango nalang ako.
"Go to your seat," Nag-bow muna ako bago pumunta sa upuan ko, sa tabi ng taong tinawag akong epal kagabi.
"Hey, you're late," sabi niya nang makaupo ako.
"Oh? Pake ko sayo? Hindi ka naman si sir eh."
"Sungit," Bulong niya. Wow, nahiya naman ako sa pagkasuplado at mapang-asar nito.
"Excuse me? Ikaw kaya pinakasuplado dito!"
"Epal ka talaga eh nuh?!" Naiinis niyang tanong. Wah, ako ba nauna?
"Ms. Lee! Mr. Hwang! Nakakaistorbo kayo sa klase!" Napamasahe nalang ako ng noo, sa dinami-daming maingay, ako pa natawag. Favorite ako ni sir?
"Mianhae."
"Lumabas kayo at tumayo kayo sa labas hangga't hindi tapos ang klase ko!" Taena, ang dami kayang hindi nakikinig sa klase tapos kami lang lalabas!
"Pero-"
"Now!" Sungit!
Tumayo kami ni Hyunjin at lumabas ng classroom. Sumandal kami sa pader at tumayo lang. Gusto kong umupo kaso may bintana sa sinasandalan namin at paniguradong makikita kami.
"Kasalanan mo ito eh," Hindi ako nakatingin sa kanya ng sinabi ko ito.
"Kasalanan ko bang sumigaw ka?"
Sinamaan ko siya ng tingin at tinapakan ang paa niya kaya naman muntikan na siya mapasigaw pero mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig.
"Mabuti nga sayo, epal," Umirap ako.
"Ako pa talaga epal huh?" Sabi niya habang kitang-kita pa din sa mukha niya na nasasaktan siya sa pagkakaapak ko.
Tumahimik nalang ako, baka kasi lalo akong mabadtrip sa kanya.
"Isang oras tayo tatayo," sabi niya, "Mag-iisang oras yung klase ni Mr. Park eh."
Hindi ko siya pinansin at tumingin nalang sa sahig.
"Gusto mo ba si Felix?" He asked out of blue.
I chuckled, "Saan nanggaling ang tanong mo? Hindi ako katulad mo na two timer."
Napakamot ng ulo si Hyunjin, "Gagi, ikaw nagsabi ng thirty days diba? Tapos ako sasabihan mo ng two timer? Wow."
"Ano yung baby then?"
"Sanggol," Agad ko siyang binatukan.
"What the heck?"
"Tanga! So sanggol ako? Kagabi panay chat mo sakin ng baby tapos may iba kang gusto! Nasisiraan ka na ba ng ulo?"
"Ano gusto mo tawagin ko sayo? I'm sorry sanggol?"
Tumawa nalang ako, napakapilosopo nitong lalaking ito aba.
"Kung walang bintana at masyadong tao dito, kanina pa kita nasampal," Tinuro ko siya habang sinasabi iyon.
Nilapit niya mukha niya sa akin at ngumisi, "Sige nga, slap my handsome face."
"Gr, hangin."
"Kung hindi ako gwapo, bakit mo ako nagustuhan?" I just shrug my shoulders.
"Kasi pa-fall ka, you make girls fall for you with your charms and words, duh."
"Kailangan english? Ano ito? Pageant?" Umayos siyang tayo at inilagay ang kanyang kamay sa bulsa.
"Gaga," Iyon nalang nasabi ko sa kanya at muli kaming tumahimik.
"Alam ba ng mga kaibigan mo yung tungkol sa atin? I mean yung thirty days?" Agad akong umiling.
"Ayaw ko sabihin," Bumuntong hininga ako, "Baka magmukha akong desperada sa mga mata nila." Natatawa kong sinabi.
"Ay, alam ni Minju," Nanlaki mata ko at agad ko siyang hinampas sa braso.
"Bakit mo sinabi?!"
"No choice, she found out that I have a crush on Yeji pero ikaw lagi kong kasama, syempre para manahimik, sinabi ko sa kanya."
"Luh! Ikaw kasi eh!"
"For your information, matagal mo nang kaibigan si Minju. Alam mo naman na siguro na kapag hindi sinasagot ang tanong niya, magtatanong siya ng paulit-ulit so sinabi ko."
"So si Minju, Felix, Han and Seungmin lang may alam?" He nodded.
"Dapat lang."
"Pst, manahimik daw kayo sabi ni sir," sabi ni Han nang binuksan ang bintana sa likod namin. Nakaupo kasi siya sa malapit sa bintana.
"Oo," Sinarado niya ulit ang bintana habang tumahimik na kami ni Hyunjin.
▬▬▬▬▬▬▬
"Ayan kasi," Mi-Rae laughed.
"Nakakatuwa yon?" Seryoso kong tanong.
Agad siyang umiling habang papunta kami sa lamesa dala-dala ang tray. Kaming dalawa lang ni Mi-Rae ang magkasama kumain dahil nga iba ang oras at klase nung tatlo.
"Pwede bang umupo dito?" Tanong ni Felix habang nakaturo sa upuan sa tabi ko. Bago pa ako sumagot ay may mahinang tumulak sa kanya at umupo sa tabi ko.
"Hoy," He looked at me.
"Ano?"
"Si Felix-"
"Ay hindi, dito nalang ako sa kabilang tabi mo," Umupo siya sa kanang bakanteng upuan na katabi ko lang. Tinignan ako ni Mi-Rae para ngumisi at may binulong.
"Yie, love triangle na this," Ayan ang binulong niya sa akin. Umirap ako at hindi nalang siya pinansin.
"Akala ko ba si Yeji crush mo? Bakit si Minhye pa din pinuntahan mo?" Tanong ni Felix.
"Ikaw namilit na gawin yung thirty days tapos nagtatanong ka pa?"
"Luh, sama-sama kayo?" Tanong ni Seungmin nang makapunta sa table namin kasama si Han. Tumabi si Seungmin kay Mi-Rae, dapat uupo na si Han sa kabilang tabi ni Mi-Rae nang pigilan siya ni Seungmin.
"Hoy, bawal diyan."
"Saan ako uupo?"
"Dito ka na sa tabi ko or sa tabi nila Hyunjin o Felix." Bumuntong hininga nalang si Han tsaka umupo sa tabi ni Felix.
"Bakit ba kayo nandito sa table namin? Alam niyo naman na mai-issue estudyante sa paaralan na ito."
"Hayaan mo sila, boring siguro ng buhay nila," Sagot ni Han.
"Kamusta nga pala yung pagtayo niyo kanina sa first class ni Mr. Park?" Tanong ni Felix kaya napatawa yung iba except kay Hyunjin at Felix pero agad naman nila pinigilan ang tawa nila.
"Tarantado kasi itong si Hyunjin eh," Sinamaan ko ng tingin si Hyunjin bago kumain ng burger.
"Gago, ikaw yung sumigaw."
"Oh, chill lang kayo! Para kayong aso't pusa na may sariling mundo eh!" Han interrupt.
"Oo nga! Baka naman may makarinig din sainyo na nagmumura kayo, detention slip naman makukuha niyo!" Pagpatuloy ni Mi-Rae.
"Goodluck," lang ang sinabi ni Felix.
Bumuntong hininga nalang ako, mas mabuti pang wag na patulan ang pagkapilosopo at palaban ni Hyunjin kaysa sa sumakit ang ulo ko.
▬▬▬▬▬▬▬
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro