28
Minhye's P.O.V
"Tanga ka ba? Bakit ka kasi pumunta dito?" Hinigit ko siya papalabas ng loob ng bahay. Nandito kami ngayon sa garden.
"Bawal ba? Bakit? Dahil busy kayo mag-date ni Lee Felix?"
Napakunot noo ako, "Anong date ka diyan? Ang tinatanong ko bakit ka pumunta dito!"
"Para mag-sorry!"
"Nag-sorry ka na ah?"
Lumuhod siya at ngumuso, "Sorry na po."
Minasahe ko noo ko at napapatawa nalang sa pinaggagawa nitong lalaking ito.
"Siraulo! Tumayo ka nga! Nang-aasar ka lang e!" Tumayo siya agad.
"Ano bang klaseng sorry gusto mo?"
"Kumain ka ng eggplan-"
"Pucha! Wag nalang! Manigas ka!"
Tumawa ako nang sinabi niya yon. Taena, saya asarin nito.
"Okay na nga iyon eh, naiintindihan ko naman nararamdaman mo. Umuwi ka na."
Tumingin sa sahig si Hyunjin at tumahimik kami ng ilang minuto.
"Pwede ko bang malaman?" Tanong ko pagkatapos ng matagal na katahimikan.
"Ang alin?"
"Kung may nagbago, sa nararamdaman mo." Pahina ng pahina ang boses ko.
"Minhye-"
"Di ako mag-iinarte," Mabilis kong sagot.
"Pwede bang alamin nalang natin sa huling araw?" Sinabi niya din ka agad.
Tumango nalang ako, "Sige, para handa ako."
"Uhm, sa chat nalang ulit tayo mag-usap," Tinignan niya ako, "Magpahinga ka na, baka pagod ka na," Hinawakan niya ang braso ko at tinapik-tapik.
"Sige, ingat," Nakangiti kong sabi bago siya maglakad papunta sa gate habang nakasunod ako.
"Bukas nalang ulit, bye," Kumaway siya sa akin kaya ginawa ko din iyon bago siya tuluyang umalis.
Pumasok na ako sa loob ng bahay, nang makapasok ako ay tumayo agad si Kuya.
"Oh? Ano pinagusapan niyo?"
"Tungkol sa project," Agad kong sinagot.
He scoffed, "Iba ang sinabi niya sa akin. Nagdadahilan ka nanaman."
"He apologized," Lumapit sa akin si Kuya Minho habang nakakrus ang braso.
"Para saan?"
"Sa kasungitan," Kahit naman masungit yon di ko kailangan sorry niya. Sana naman gumana na itong dahilan ko.
"Hm, okay," Tumango siya ng dahan-dahan.
"Kapag sinaktan at pina-iyak ka niya, sabihin mo sa akin agad hindi yung nagdadahilan ka pa, mali-mali pa yung naiisip mo na dahilan."
"Sorry na, mana sayo e," Pinitik niya ang noo ko nang sinabi ko iyon, "Aray! Kuya naman e!"
"Magpalit ka muna ng damit mo," Sabi niya at umupo ulit sa sofa, pinagpatuloy ang panonood ng tv.
"Aish," Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Humiga na muna ako sa kama dahil tinatamad pa ako magpalit.
Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang madaming chat sa gc.
cute kami, sino aangal?
Active Now
5:36 pm
Mi-Rae
Hoy @Seoyeon
Mi-Rae
Gigil mo si akuh
Seoyeon
Teka, anong ginagawa ko?
Mi-Rae
Kaya ba puro bang chan sinasabi mo kahapon?
Mi-Rae
HOW DARE YOU 😾
Mi-Rae
MALALAMAN NAMIN SA IBANG TAO NA JOWA MO NA YON?
Mi-Rae
TAPOS NUNG ISANG ARAW PA?!
Minju
Hoy-
Minju
congrats unnie 😭
Minju
buti sinagot na niya proposal mo
Hyebin
what the-
Hyebin
Kaya pala puro bang chan sinasabi
Seoyeon
Sasabihin ko naman eh 🥺
Hyebin
Kailan pa?
Minju
Kapag end of the world na?
Mi-Rae
Tapos isa pa ano-
Mi-Rae
MAY NAGKAKACRUSH KAY LIL MINJU!
Hyebin
Yie sino yan?
Minju
auto reject :)
Seoyeon
sino sino?
Mi-Rae
Di pa din tayo bati @Seoyeon
Seoyeon
sorry na po 🥺👉🏻👈🏻
Hyebin
Hoyyy sino??
seen
6:23 pm
Minhye
hoy late ako HAHAHA
Minju
Kaya nga siguro may iba na si Kuya
Minhye
Ikaw ba talaga yung pinakabata samin? 😤
Minhye
Mi-Rae
You damay mah bebe 😭
Hyebin
Luh, may kayo?
Seoyeon
Sorry na bibe ghorls 🥺
Minhye
Paano muna naging kayo?
Minhye
Nanligaw ka?
Hyebin
mas nalaman ko pa kay Mi-Rae na nasa ibang classroom kaysa sa kaibigan ko na classmate ko din 👁️👄👁️
Seoyeon
ganito kasi ayarnn
Seoyeon
dati ko pa siya chinachat
Mi-Rae
Tapos wala kaming alam.
Seoyeon
LEMME FINISH GR
Seoyeon
Anyways, I lied :)
Seoyeon
Alam niya na dati ko pa siyang crush :)
Seoyeon
Tapos ayon na nga, I confessed kahit alam na niya.
Seoyeon
Tapos pumayag siya na maging boyfriend ko siya yie.
Minhye
Taena mo bhie
Mi-Rae
So ako nalang yung hindi pa nagcoconfess sa crush?
Minju
weak ka kasi e HAHAHAHAHA
Mi-Rae
Alam mo? Alam mo yung ganap?
Minju
nuuu
Minhye
Puro parinig yan, ayaw mag name drop duwag kasi HAHAHAHA
Mi-Rae
Hindi po kasi ako maharot at marupok nuh?
Minhye
GAGA
Mi-Rae
You started it with a meme
Minhye logged out
Mi-Rae
LUH BAKIT NAG-LOG OUT AGAD
Hyebin
Yare ka prend
Mi-Rae
WALA AKONG GINAGAWA!
seen
▬▬▬▬▬▬▬
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro