Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

Minhye's P.O.V

"Hey, are you okay na?" Biglang lumapit sa akin si Felix nang makapasok ako sa classroom. Tumingin ako sa paligid pero si Hyunjin talaga ang hinahanap ko.

Nakita ko siya nakaupo sa tabi ng upuan ko, parang kakalingon niya lang sa cellphone niya. Suot niya ulit ang airpods niya.

"Minhye?" Tumingin agad ako kay Felix at tunango.

"Oo, okay lang ako, salamat nga pala sa kahapon," Ngumiti si Felix.

"I'm glad to know, kung hindi ka busy mamaya, wanna hang out?"

Ngumiti agad ako sa sinabi niya, "Sige! Kapag wala akong plans, I'll chat you."

"Mamaya ha?" Hindi niya maalis ang malapad na ngiti sa mukha niya. Tumango nalang ako habang natatawa sa kanya, ang cute kasi.

"Yes po," Umalis na ako sa unahan niya, tinignan ko saglit si Han pero yung tingin niya sobrang seryoso. Parang first time ah?

Umupo ako sa tabi ni Hyunjin at nilapag ang bag sa tabi ng upuan ko. Nagulat ako ng may naglapag ng papel sa lamesa ko at iyon ay walang iba kung hindi si Hyunjin.

"Ano ito? Basura?" Naiinis kong tanong sa kanya. Wala akong pake kung makapal mukha ko dahil lang sa favor ko. Sinong matutuwa sa nangyari kahapon?

"Kung basura ito, bakit ko ito ilalagay sa lamesa mo ito?" Nangirap pa siya bago umupo ng maayos.

Tinitigan ko yung papel pero binuksan ko na din dahil curious ako sa kung ano man ang nakasulat.

'Sorry na, hindi ko na ipapamukha sayo yun. Last na yung kahapon, hindi na mauulit iyon.'

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung sincere ito or dahil lang gusto niya ituloy para lubayan ko na talaga siya.

"Sincere yan," sabi ni Hyunjin habang hindi nakatingin sa akin.

"Ok."

"May lakad ka ba mamaya?" Tanong niya.

Inayos ko ang buhok ko, "Meron."

Nanlaki mata ni Hyunjin at tumingin na talaga sa akin, "Huh? Saan ka pupunta?"

Tinignan ko din siya at nginitian, "Kasama ko Felix mamaya, may problema?"

Mabilis na umiling si Hyunjin, "H-Hindi ah!" Nagkrus ang braso niya habang nakanguso ng konti.

Hindi ko nalang siya pinansin, bahala siya diyan.

▬▬▬▬▬▬▬

Felix's P.O.V

"Teka, magbobonding kayo ni Felix?!" Rinig ko ang boses ni Mi-Rae nang tinanong niya iyon kay Minhye.

"Gusto ko makabawi sa kanya eh."

Bigla nalang tumabi sa akin si Seungmin at Han.

"Oh, ano meron sainyong dalawa?" Seungmin asked.

"Wala, timang," Mabilis kong sagot.

"Weh, talaga ba?" Pang-aasar ni Han.

"Bakit?"

Umiwas ng tingin si Han, "W-wala."

Tinignan ko sila Minhye at Mi-Rae na masaya nag-uusap. Habang si Han at Seungmin ay may pinag-uusapan.

"Hoy, Felix!" Biglang tinulak ni Han ang braso ko kaya napatingin ako sa kanila. Tinignan ko din si Seungmin pero ganon din itsura niya, confused.

"Ano?"

"Narinig mo ba sinabi ko?"

Napakunot noo ako, "Ang alin?"

Sarkastikong tumawa si Han nang marinig ang sinabi ko, "Ayan, titig pa sa kanya!"

"Pinagsasabi mo? Wala akong tinitigan! Ano ba yung sinasabi niyo?"

"Si Han may crush sa kapatid ni Hyunjin," Nagulat ako sa sinabi ni Seungmin.

"Hoy! Ano gusto mo expose din kita? Backstabber ka ah!" Inis na sinabi ni Han.

"Malalaman din naman nila nuh," Mahinahon niyang sagot, "At tsaka anong ie-expose mo about sakin? Wala naman akong sikreto."

"Ikaw ha, child abuse ka," Asar ko kay Han.

"Tanga, 2002 si Minju," Umirap pa siya.

Nagulat si Seungmin sa sinabi niya, "So legit nga? Nagbibiro lang naman talaga ako kanina eh! Ikaw may kasalanan niyan ha!"

Minasahe ni Han ang noo niya napara bang naiiyak, "Ang salbahe mo, huhu."

"Actually, si Han lang nagsabi na nalaman niya na may relasyon na si Bang Chan at Seoyeon." Nasamid ako sa sarili kong laway.

"Kailan pa?"

Umupo ng maayos si Han, "Kagabi lang sinabi sakin ni Bang Chan eh, tapos nung isang araw pa daw sila."

"Nako, mukhang nag-propose si ate girl," Bigla namin narinig ang babaeng boses. Tumingin kami sa may-ari ng boses at nakita namin na nakatayo sila Minhye at Mi-Rae sa harapan namin.

"Alam niyo ba yun?" Tanong ni Seungmin.

Umiling si Minhye, "Wala siyang kinukwento samin."

"Sana ol kinacrushback," Pabulong na sabi ni Mi-Rae, nakita ko na siniko siya ni Minhye at may binulong.

"Minhye, may kayo ba ni Felix?" Nagulat kaming dalawa ni Minhye sa biglaang tanong ni Seungmin. Hays, daming tanong nito.

"Wala!" Sabay naming sinabi ni Minhye.

"Then, crush?"

Minasahe ko ang noo ko, "C'mon, stop asking about this."

"Naks english," sabi ni Han.

Tumahimik ulit kami pagkatapos ng ilang minuto. Wala pa din yung teacher namin, hays.

▬▬▬▬▬▬

Minhye's P.O.V

"Saan tayo?" Tanong ko agad sa kanya nang makita ko siyang naka-upo sa sofa namin. Sinabihan ko muna siya na uuwi muna ako para makapagpalit ng damit saglit bago gumala.

He shrug his shoulders, "Saan mo ba gusto?"

"Ikaw na mag-decide! Baka may gusto kang puntahan okay lang naman sa akin kahit saan eh!"

Umiling agad si Felix, "Ikaw na mag-decide."

"Hm," Sinubukan ko mag-isip nang magandang puntahan pero wala talaga. "Ikaw na kasi bahala!"

Tumawa nalang si Felix at tumango, "Maglakad-lakad tayo tapos kapag may nakita ka na magandang lugar, doon tayo."

Bago pa ako sumagot ay hinila na ako ni Felix papalabas ng bahay, hawak-hawak ang palapulsuhan ko pero malapit na din sa kamay ko. Ni-lock ko ang pinto gamit ang isa ko pang kamay. Wala pa si Kuya sa bahay eh, magkaiba ang oras ng uwian namin at baka tinambakan ng projects.

"Ramen nalang tayo?" Suggest niya.

"May malapit na convenience store dito, doon nalang tayo!" Patuloy kami sa paglalakad papunta doon sa convenience store na malapit lang dito.

Lumibot ako sa buong convenience store. Kahit bang ramen lang ang kakainin gusto ko din ng iba pang pagkain!

"Libre ko na," Nanlaki mata ko sa tuwa ng marinig yon.

"Yie, ang bait talaga ng bestfriend ko!"

"B-bestfriend?"

"Oo! Bakit? Ayaw mo ba? Sige back to frien-"

"Hindi joke lang! Kuha ka na ng gusto mo kuhanin tapos kain tayo ng ramen."

Lumibot ulit ako sa buong convenience store para makahanap ng gusto kong bilihin.

▬▬▬▬▬▬

"Hoy, thank you sa ngayon ha?" Nagsalita ako pagkatapos ng matagal na katahimikan. Rinig ko na tumawa ng mahina si Felix kaya napatingin ako, tsaka naman siya umiling.

"Wala iyon, dapat nga ako yung nagpapasalamat kasi pumayag ka," Kinurot ko ang braso niya kaya agad siyang umiwas at ngumuso.

"Sa susunod ulit!" Ngumiti siya bigla at tumango agad. Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay ko.

"Hindi ba magagalit si hyung?"

Tumawa ako ng mahina, "Sira, kaibigan mo naman yon e!"

"Eh inabot tayo ng gabi e."

"Hayaan mo na! Sige bye!" Paalis na dapat ako nang hinila ako ni Felix pabalik. Tinignan ko lang siya pero binitawan na niya din ako at ngumiti ulit.

"Bye na!" Umalis ka agad siya bago pa ako magtanong.

Sinarado ko ang gate nang makapasok ao at naglakad papunta sa mismong pintuan. Binuksan ko ang pinto at muntikan na bumagsak ang plastic bag na nasa kamay ko nang makita ko siya.

"Oh, nandiyan ka na pala," Sabi ni Kuya pero tinignan ko lang siya na nakaupo sa harapan ni Kuya.

"Gusto kang kausapin ni Hyunjin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro