Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26

Minhye's P.O.V

"27 days nalang," sabi ko pagkatapos magpatugtog gamit ang guitar.

Napabuntong hininga ako, ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko sa kanya iyon. May gusto siyang iba, pero ako tong si tanga na pinagpipilitan ang sarili sa kanya.

"I will never not think about you~" Kinanta ko ang chorus habang nagpl-play ng guitara.

Pero tumigil din ako at binalik ko ang guitar sa lagayan.

Sakto naman, may pumasok sa kwarto ko. Si Kuya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Sinarado niya ang pinto tsaka nakakrus ang braso, "Akala mo nakalimutan ko yung kanina? Umamin ka nga, bakit ka hinatid non?"

Inalis ko ang guitar sa hita ko at tumayo. Kailangan ko talaga sabihin sa kanya yung ginawa ko.

"Sorry, Kuya," Pabulong kong sinabi. Habang nakayuko.

"Huh? Hindi kita maintindihan."

Tinignan ko siya at sakto naman na pumatak ang luha ko, "Sinabi ko sa kanya na bigyan niya ako ng thirty days na makasama siya bago siya tuluyang mapunta kay Yeji."

Nagulat si Kuya sa sinabi ko at napabuntong hininga bago tumingin sa ibang direksyon.

"Ano ba naman yan, Minhye? Mas sinasaktan mo sarili mo sa ginagawa mo eh!"

"Oo, alam kong masakit, pasensya na kung nagmahal ako ng sobra." Mas nagulat pa siya sa sinabi ko.

"M-mahal? Pero-"

Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya, "Nung una, crush ko lang siya pero nang malaman ko na gusto niya si Yeji, pakiramdam ko mahal ko siya."

Alam kong sobrang gulat siya ngayon dahil hindi niya inaakala yon. Pero yun ang totoo.

"Wag kang mag-alala, Kuya. Hindi mo ako makikita na umiiyak once na tapos na ang lahat, iiwasan ko lang siya, simple lang naman yon, kahit hindi." Hininaan ko ang boses ko nang sinabi ko ang dalawang words na yon.

"Minhye, tigilan mo na yan. Hangga't maaga pa." Pinunas ko ang luha ko bago siya tignan.

"Kuya-"

"Lee Minhye," Seryoso niyang sinabi.

"Promise Kuya, hindi na ako makikipag-usap sa kanya kapag tapos na ito. Sana naman pagbigyan mo ako dito."

Ginulo niya ang buhok sa stress. Pasensya na Kuya, alam kong nag-aalala ka lang sa akin.

"You're old enough, kaya hahayaan na kita. Pero sana wag kang magbago para lang o dahil lang sa kanya."

Tumango lang ako.

"I won't break my promise," Binigyan niya ako ng maliit na ngiti bago lumapit sa akin at yakapin ako.

"Maghanap ka nalang ng iba, yung mahal ka din ng buo o kaya mas okay pa yung unahin mo pag-aaral mo," Tumango ulit ako habang kayakap siya.

"Sige, Kuya," Yun nalang ang nasabi ko.

"Mabuti naman at naglakas loob ka na sabihin sakin yan, basta kapag may gusto kang sabihin, nandito ako lagi ha? Wag mong kakalimutan na kahit mapang-asar ako ay mahal kita."

Umalis siya sa pagkakayakap para tignan ako.

"Oo naman! Kilala na kita nuh! Halos parehas lang tayo pero girl version mo ito."

Ginulo niya buhok ko, "Ikaw talaga, sige na tulog ka na, wag ka na muna magpuyat."

"Oo na, goodnight Kuya!" Umalis siya sa harapan ko at papunta na sa pinto.

"Goodnight panget kong kapatid!" Sinamaan ko siya ng tingin. Bago pa ako makapagsalita ay nakaalis na siya sa kwarto ko.

▬▬▬▬▬▬▬

Hyunjin's P.O.V

"HWANG HYUNJIN!" Nagulat ako nang marinig ko ang lakas na sigaw ni Minju.

"Bwiset ano yon?!" Tanong ko pabalik at binitawan ko ang cellphone ko bago bumaba.

"Ang ingay mo eh nuh?" Umirap si Minju bago lumapit sa akin at tumayo sa harapan ko. Sobrang seryoso ang mukha niya.

"Crush mo ba si Ate Yeji?" Bigla niyang tanong.

"Hays, yun lang pala! Makasigaw ka akala mong may nangyari e!"

Nanlaki mata ni Minju, "So totoo? Eh bakit may nalalaman ako na hinahatid mo si Minhye?"

"Wala ka na don!"

Tumuro siya sa akin, "Sira-ulo ka ba Kuya? Ano? Two timer ang peg?! Sino ba talaga ang gusto mo sa kanila? Naguguluhan ako sayo!"

Nanahimik lang ako at umiwas ng tingin. Baka may sabihin pa siya kapag nagsalita ako eh.

"Subukan mo lang saktan si Ate Minhye, sasampalin talaga kita!"

Hindi mo kasi alam yung gusto niyang gawin ko eh, nuh? Bakit ako yung sasampalin dito?

"Tapos ka na ba?" Walang emosyon kong tanong sa kanya.

She scoffed, "Kuya!"

"Siya may gusto non, hindi ako," Sasabihin ko na sa kanya, para hindi ako mapagkamalang two timer at baka isumbong pa kila Mama at Papa.

Nakakunot noo siya ng sinabi ko yon, "What do you mean?"

"Thirty days with her. Siya mismo nagsabi non sa akin at ang kapalit non ay lulubayan na niya ako. Okay ka na?"

"Huh? Hindi ba-"

"Siya ang kausapin mo tungkol diyan, siya ang may gusto non. Hindi ko nga din gusto yun pero pinilit lang ako nila Felix para daw tuluyan na niya akong lubayan."

Minasahe ni Minju ang noo niya, "Pero si Ate Yeji talaga gusto mo?"

Umiwas ako ng tingin tsaka kinagat ang labi ko.

"Kuya! Ano?"

Tumango agad ako, "Oo, siya," Pabulong kong sinabi.

Ginulo niya ang buhok niya sa inis.

"Hay nako! Bakit ginawa ni Ate Minhye yon?"

"Mukha ba akong si Minhye? Go ask her." Bago pa siya magsalita ay umakyat na sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto dahil baka pumasok bigla si Minju at magtanong ulit.

Kinuha ko ang cellphone ko at may tinawag.

"Hello? Bakit ka napatawag?"

"Hindi ko na kaya."

▬▬▬▬▬▬▬

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro