Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19

Minhye's P.O.V

"Wala ka ng lagnat?" Tanong ni Seungmin kay Hyunjin na kakapasok lang.

"Konti, kaya ko naman," Simpleng sagot niya.

"Asan si Yeji?" Kahit binulong lang ni Hyunjin yon kila Felix, Seungmin at Han, rinig ko pa din.

"Hindi pa nakakadating. Baka maya-maya pa iyon." Sagot ni Felix.

"Ah, okay," 'yon nalang ang nasabi ni Hyunjin bago umupo sa tabi ko.

"4:30 pm, let's meet up at the school gate," Biglang pakikipag-usap ni Hyunjin sa akin habang kinukuha ang cellphone at airpods niya.

"Sure."

"Strictly, don't be late or else I'll go home," Tangina ang strict nito ah? Daig pa magulang ko sa pagka-strict.

"Pasalamat ka crush kita, gago," Sabi ko sa sarili ko ng pabulong habang inaayos ang gamit ko sa bag.

"Next time, lower your voice," Narinig pa niya ako?!

"Assuming?"

Tinigilan niya ang pagcecellphone at tinitigan ako. Nagtitigan muna kami bago siya lumapit ng konti sa mukha ko.

"Hawak ko cellphone ko ngayon, gusto mo pakita ko sayo kung paano mo kinukuha attention ko sa mga chats mo?" Sabi niya na may kasamang ngisi. Napalunok ako sa sariling laway ko sa kaba at umiling. Kinakabahan ba ako dahil sa lapit ng mukha niya sa akin?

"Ehem! Classroom ito! Ehem!" Napatingin agad ako kay Han na pumalakpak habang nakatingin sa amin habang si Felix at Seungmin ay parehong nakakrus ang braso. Si Mi-Rae naman ay nakatitig kay Seungmin.

"Alam ko," Seryosong sagot ni Hyunjin bago isuot ang airpods at umayos ng upo.

"May tama ito," Umirap ako at ipinatong ang aking pisnge sa aking kamay.

Sakto naman, dumating si Yeji.

"Ayan na!!" Sigaw ni Taehee, isa sa mga maingay naming kaklase.

Tinignan ko si Hyunjin na para bang walang alam kaya isiniko ko siya.

"Ano nanaman?!" Naiinis niyang tanong. Inalis niya ang isang airpod para marinig ako.

"Timang, crush mo oh," I glanced at Yeji, a sign na nandoon ang crush ng crush ko. Sakit :)

"Hi Hyunjin!" Nakangiting kumaway si Yeji kay Hyunjin at hindi naman nagdalawang isip si Hyunjin na kumaway pabalik.

"Hi!" Ang lapad ng ngiti niya.

"Yie! Kayo na ba o walang label?" Epal talaga itong si Jeonghwan. Bida-Bida masyado.

Nagulat si Yeji sa sinabi ni Jeonghwan, "Hala? Hindi kaya kami!"

"Hoy, Jeonghwan! Tigilan mo nga!" Pag-istorbo ni Felix kay Jeonghwan habang sikretong tumitingin sa akin. Napansin niya siguro na nagseselos ako.

"Bakit? Nagtatanong lang naman ah?" Walang kaalam-alam na sinabi ni Jeonghwan.

"Kung sila man o hindi, sana naman silang dalawa lang ang tinatanong mo. Hindi yung isisigaw mo." Seryosong sabi ni Felix.

"Okay, fine," Lumapit si Jeonhwan kay Hyunjin, "May kayo?"

"Chismoso?" Naiinis na tanong ni Hyunjin.

"Curious lang naman e!"

"Hindi kami, Jeonghwan," Mabilis na sinagot ni Yeji.

"Hm, okay," Sumuko na si Jeonghwan sa pagtatanong at umupo na sa upuan kagaya ng ibang estudyante dahil time na.

Bumuntong hininga ako at pinigilan ang luha ko. Oo, sobrang sakit.

"Good Morning Class," Dumating na si Mr. Park.

Nagsimula na ang klase ni Mr. Park.

▬▬▬▬▬▬▬

"Okay ka lang? Mukhang kanina ka pa bad mood." Concerned na tanong ni Seungmin habang umupo silang tatlo sa mga bakanteng upuan na malapit sa akin. Tinignan ko saglit si Mi-Rae sa aking kanan at nakita kong namumula siya dahil nasa harapan niya lang si Seungmin.

"Alam mo na yon, Seungmin! She's just on her period!" Lalo akong na-badtrip kaya binatukan ko siya ng malakas.

Minasahe ni Han ang kanyang ulo habang nakanguso, "Ouchie naman besprend!"

"Ayan napapala ng mapang-asar!" Pikon kong sinabi.

"Hayaan mo na kasi si Hyunjin," Ani Felix.

"Crush mo pa din iyon?" Tanong ni Seungmin.

"Correction, mahal na niya," Pagsagot muli ni Felix.

"Hala?" Sabay na sinabi ni Mi-Rae at Seungmin sa gulat kaya lalong namula ang babae.

"Bakit hindi ka nagsasabi?!" Naiinis na tanong ni Mi-Rae.

"Ah, tinanong mo ba?"

"Hirap maging marupok," Nagpunas ng pekeng luha si Han at nagdrama.

Sinuntok ko ang braso niya at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi ba kayo kakain?" Pag-iiba ko agad ng topic.

Umiling silang lahat.

"Diet?" Tumango sila na parang bata.

"Hindi, gusto lang muna namin mag stay dito," Ani Seungmin.

"Hm, bahala kayo," Kinuha ko libro ko at nagbasa-basa.

"Wow, totoo ba yan? Nag-aadvance study ka?" Pang-aasar na tanong ni Mi-Rae.

Tinaas ni Felix ang paa niya at pinatong sa desk ni Hyunjin. Nakaupo kasi siya doon sa upuan ni Jihye which is unahan lang ni Hyunjin.

"Look, she's just scanning it," Sinarado ko nalang ang libro.

"Epal ka nuh?"

"Nagsasabi lang naman ng totoo yung tao," He defend.

"Minhye," Narinig ko ang boses ni Hyunjin na kakapasok lang.

"Bakit?"

"Sayo na ito."

Nagulat ako ng ihagis niya ang isang pack ng chichirya sa lamesa ko.

"Kung magbibigay ka ng pagkain, wag naman sana yung junkfoods," Sabi ni Felix ng makita ang chichirya na nasa lamesa ko.

"Atleast nagbigay, hindi ba?" Umupo si Hyunjin sa kanyang upuan, "Tsaka, baba mo iyang paa mo, ang baho e."

"Sira-ulo ka ba?" Pikon na tanong ni Felix habang ibinaba ang kanyang paa.

"Sayo na din ito," Hindi pinansin ni Hyunjin si Felix. Pinatong niya sa desk ko ang isang bote ng tubig.

"Uhm, thanks," Kinikilig na sabi ko.

"ANG RUPOK!" Panira talaga ito si Han aba.

Tinignan ko siya para bigyan siya ng masama ng tingin kaya nanahimik agad siya.

"Yie, sana ol~" Tinulak ng tinulak ni Mi-Rae ang braso ko sa kilig. Bakit parang mas kinilig ang kaibigan ko kaysa sa binigyan?

"Hoy, nagpaparinig yung babae," Tinignan ko si Seungmin kaya napakunot noo siya. Ayaw ko mag name drop at baka magkaroon pa ng world war 3.

Binuksan ko na ang lagayan ng chichirya at kumain na.

"Hoy! Penge!" Inilabas ni Han ang kamay niya tsaka tinapat sa kamay ko.

Tinignan ko lang siya bago belatan. Pagkatapos niya mang-asar, biglang mambuburaot? Aba, bahala ka boi!

"Damot!" Tampo na sabi ni Han. Nakakrus ang kanyang braso at nagpapacute nanaman.

Umirap nalang ako at pinagpatuloy ang pag kain ng chichirya.

▬▬▬▬▬▬▬

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro