Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17

Minhye's P.O.V

"Ako na! Kaya ko!" Inaagaw niya sa akin ang face towel na hawak ko.

"Kapalit na ito nung pagpayag mo!" Sabi ko at muling inagawa ang face towel sa kanya tsaka ipinatong ang basang face towel sa ulo niya.

"May kapalit na yon ah? Which is lulubayan mo ko." Napabuntong hininga ako. Ang hirap ng pinagdesisyonan ko. Hindi madali para sa akin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Hyunjin sa akin.

Tumango ako, "Oo naman!"

"Sus, kahit hindi tayo close alam kong hindi ka okay." Napatingin ako sa kanya dahil napapansin ko sa tono ng boses niya na nag-aalala siya.

"Okay, fine."

"Anong okay fine?"

"Ginawa ko iyon para mas madalian ako na maka move-on sayo. Diba sabi ko kapag pumayag ka doon sa favor ko, lulubayan kita? Ginawa ko iyon para makasama kita bago kita tuluyang lubayan at makita na makasama mo si Yeji."

"I did it para nakatatak na talaga sa utak ko na layuan ka," Pagpatuloy ko.

"Now I get it," Tumango ng dahan-dahan si Hyunjin.

"But I'm sorry if I can't like you back," Napapikit ako sa sakit. Alam ko naman na never niya ako magugustuhan.

"I already know that, hindi mo na kailangan sabihin ng paulit-ulit dahil si Yeji nga ang gusto mo."

Umiwas ng tingin si Hyunjin at natahimik kami. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko.

"Uwi na ako," Kinuha ko ang backpack ko at isinuot iyon.

"Hatid na kita," Offer ni Hyunjin.

"Hindi na! Baka madagdagan pa kasalanan ko!"

"Delikado kaya," Pagdedefend niya.

"Mag 6:35 palang naman at tsaka malapit-lapit lang yung bahay ko!" Papunta na ako sa may pinto.

"Teka," Tumayo si Hyunjin sa hinihigaan at inunahan akong buksan ang pinto tsaka kami bumaba sa hagdan papunta sa front door.

"Papasok ka bukas?"

He shrugged his shoulders, "Pag hindi na ako masyado nilagnat. I guess?" Napakamot siya ng ulo.

"Alis na ako! Bye!" Binuksan ko ang pinto at kumaway sa kanya.

Natawa si Hyunjin at kumaway din, "Ingat, salamat nga pala."

Binuksan ko ang gate at sinarado pabalik tsaka ako umalis ng tuluyan sa lugar na iyon.

Hyunjin's P.O.V

Nang isarado ko ang pinto, bumalik ako sa kwarto ko at sakto naman na may nagchat sa akin.

suplado si Hyunjin
Active Now

6:39 pm

Woojin
Ang sarap nung chicken kahapon!

Changbin
Isama mo na yung milktea! Libre kasi ni Chan hyung HAHA

Bang Chan
Lagi talaga ako yung nanlilibre 🙂

Minho
Talo ka sa rock paper scissors e HAHAHA nakachamba kasi si Changbin

Changbin
Minsan lang manalo nuh HAHA

Jeongin
Sayang, wala si @Hyunjin

Hyunjin
Yun na nga ih

Hyunjin
Wala ako tapos iniinggit niyo ko mga depungal kayo

Seungmin
Ayan paulan pa

Han
Wawa ka naman WAHAHAHA

Hyunjin
Sama niyo!

Felix
Mana kay @Minho

Minho
Shh!

Minho
Nang-eexpose ka!

Minho
Nasaan nga pala si Minhye? @Bang Chan @Han alam niyo kung nasaan?

Han
Hala, wala diyan?

Bang Chan
Wala dito si Minhye

Han
Ano ba yan pinapabayaan mo si Minhye 😭

Hyunjin
Drama mo @Han

Han
Alam mo ba kung nasaan?

Bang Chan
Anong oras na ah? Wala pa din diyan?

Minho
Ay char, nandito na pala. Hindi kasi nagsasabi e.

Woojin
Ang tanda mo na Minho HAHA

Changbin
Mas matanda ka kaya sa kanya

Jeongin
boom bars

Felix
songs bro🤙🏻

Seungmin
Ingay ng gc ah??

Felix
Sino may pake?

Hyunjin
Attitude talaga HAHA

Felix
Bro, ikaw din.

Hyunjin
idc 👁️👄👁️

▬▬▬▬▬▬▬

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro