Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16

Minhye's P.O.V

"Sa wakas!" I deeply exhaled ng mabuksan ni Hyunjin ang gate ng kanyang bahay.

"Ang ingay mo!" Sarkastiko akong natawa ako dahil hindi ako makapaniwala na ako pa yung maingay.

"Gago lang? Pinapunta mo ako dito tapos ako maingay? Sige uwi na ako, bye!" Paalis na dapat ako nang hinawakan ni Hyunjin ang aking kamay.

Tangina, namumula ako panigurado!

"Pumasok ka na," Bumalik ang tingin ko sa kanya tapos sa kamay niya.

"Ang init mo ah?"

"I know, kaya mo siguro ako nagustuhan dahil ang hot ko." I chuckled tsaka ko inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Tara na nga! Malamig dito sa labas nuh!" Tumabi siya para papasukin ako at isinarado ang gate bago sumunod sa akin papasok.

"Ikaw lang tao dito?"

"Hindi may hayop din," Sagot niya nang makapasok na kami.

"Asan?" Tumingin ako sa paligid. Ang ganda ng bahay niya sa totoo lang.

"Katabi ko," Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas kaagad ang braso niya.

"Pakyu!"

"Yung aso kasi, tanga!" Ibinuhat niya yung aso na nasa kabilang side niya at ipinakita sa akin.

"Ang cuteee!"

"Masyado ka kasi natamaan sa hayop ih," Natatawa niyang sinabi. Nakakainlove yung tawa niya

"Sorry na! Akala ko nangaasar ka nanaman e!" Nakangiti pa din siya pero sa aso siya nakatutok.

"Kkami pangalan niya."

"Hala, ang cute ng name!" Umupo siya para ilapag ang aso sa sahig. Hinawakan ko ang ulo at tinapik tapik.

"Asan nga pala si Minju?"

"Pumunta ata sa mall," Sagot naman niya.

"Akin na yung pagkain!" Bigla naman niya ikinuha niya ang pagkain sa kamay ko at pumunta sa kusina habang naiwan kami dito ng aso niya.

"Wow! Ang daming pagkain, ah?" Sigaw niya upang marinig ko ng maayos.

"Nakakahiya sayo e! Mukhang kasalanan ko na nagkalagnat ka!"

"Thanks then!" Tinignan ko siya na nakaupo sa stool at kumakain na. Hmp, bahala siya.

Nakikipaglaro pa din ako sa aso niya hanggang sa nagsalita nanaman siya.

"Hoy! Ano kakain ka ba o hindi? Masyado ka naman nainlove kay Kkami!" Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nakita ko siya na kinakain na ang bibimbap na ginawa ko sa bahay.

"Masarap?" Tanong ko sa kanya.

"Oo," Sumubo ulit siya nang bibimbap. Halata naman e! Paubos na nga yung bibimbap!

"Ang galing nung gumawa e," Kinuha ko ang isa pang lagayan at binuksan iyon. "Asan chopsticks?" Tumayo si Hyunjin at pumunta sa may cabinet kung saan nakalagay lahat utensils nila.

"Oh," Inabot niya sa akin ang chopsticks.

"Thanks!"

Nagsimula na ako kumain ng gawa ko. Shems, sarap nga nito.

"I'm done," Sabi niya habang may laman pa din ang bibig niya. Sumandal siya sa sandalan at nakatitig lang sa harapan.

"Nakainom ka na ng gamot?" Umiling si Hyunjin.

"Ayaw ko," May tama ba ito at ayaw uminom ng gamot?

"Asan yung gamot?" Tumayo ako at lumibot sa kusina niya.

"First cabinet."

Tumingkayad ako para maabot yung mataas na cabinet at buti nalang naabot ko.

"Hanapin mo diyan," Inilapag ko ang lagayan ng gamot sa harapan niya. Kumuha din ako ng pitcher para mayroon siyang tubig.

"Effort ah?"

"Yun na nga e, ang effort ko tapos sa iba ka nakatingin. Saklap," Tumawa ako para hindi mahalata na seryoso ang sinabi ko tsaka kumain ulit.

"Thank you," Nanlaki mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig yon.

Tumingin ako sa kanya na nainom ng tubig.

"Alam kong gwapo ako, Minhye," May ngisi niyang sinabi nang mapansin na matagal na ako nakatitig.

"Bwiset," Bulong ko at itinuloy ang pag kain.

"May assignment ba?" Umiling agad ako.

"Swerte ka, kung kailan absent ka tsaka walang assignment."

"Dapat lang," He sweeps his hair back at ito ang dahilan para makita ang noo niya.

"Doon ka na nga sa kwarto mo! Ako na magliligpit dito magpahinga ka na!" Naiirita kong inutos.

"Hintayin na kita," Tangina, paano hindi kiligin?

"Oh, baka sabihin mo na may gusto ako sayo. Bwisita ka kaya hihintayin kita."

Panira! Imbis na bisita bwisita!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro