Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

09

Minhye's P.O.V

"Hi Hyunjin!" Lumapit ako kay Hyunjin nang makapasok siya sa gate.

"Hi." Malamig niyang sagot.

"Thirty days lang naman! Ang cold mo pa din!" Hyunjin scoffed bago tumingin sa akin na may ngisi.

"Hindi dahil pinagbigyan kita ay ibig sabihin magiging sweet ako sayo. Si Yeji lang ang gusto ko." Nilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang bulsa.

Tumawa ako kahit nasasaktan ako sa sinabi niya.

"Alam ko naman na si Yeji lang ang gusto mo! Bakit kailangan mo pa ipamukha sa akin? Alam mo? Gago ka!" Hinampas ko ang libro ko sa kanya ng dalawang beses at umalis sa harap niya pero bago ko gawin iyon ay may humawak sa palapulsuhan ko.

Tinignan ko muna ang kamay bago tignan ang may hawak sa akin, si Felix.

"Anong nangyayari dito, Hyunjin?" Hinigit ako ni Felix para magpantay kami ng pwesto.

"Kasi ba naman! Kung hindi niya ako pinilit na maging boyfriend niya, edi sana walang ganito na magaganap!" Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Pwede mo naman sabihin ng maayos hindi yung ipapamukha mo sa kanya na ayaw mo sa kanya."

"Kahit naman si Minhye nasa position ko ay hindi niya rin gugustuhin ito!"

Bumuntong hininga si Felix, "Mag-usap tayo mamaya," Tinignan ako ni Felix, "Tara na."

Pinatong niya ang braso niya sa balikat ko at nagsimula maglakad papunta sa loob ng building.

"Okay ka lang?" Concern na tanong niya.

"Yeah, I guess."

"Bakit ba kasi humingi ka pa ng favor sa kanya na maging kayo for thirty days?" Nanlaki mata ko sa gulat.

"Paano mo nalaman?"

"Kinwento niya kaninang madaling araw sa chat."

"Hula ko, badtrip." Umirap si Felix.

"Hayaan mo na yon. Kung ayaw niya, wag pilitin." Bumuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.

"Ang hirap kasi."

"Crush mo lang naman siya ah? Bakit mahirap?"

"Hindi ah."

Napakunot noo si Felix at tumigil sa paglalakad para makapagusap kami ng maayos.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Nahulog na ako sa kanya."

Tumango ng dahan-dahan si Felix, napakamot siya ng ulo tsaka umiwas ng tingin.

"Nahulog ka na sa kanya?" Lumipat ang tingin ko sa sahig at tumango.

"That's the reason I did that. Being his girlfriend in thirty days kahit fake. Kahit saglit gusto kong maramdaman ang presence niya." Mahinang tumawa si Felix.

"Hala? Hindi ba mas mahihirapan ka maka move on?" He bit his lower lip.

"Hindi naman iyon isang taon e," Tumango nalang si Felix.

"It's up to you," Yon nalang ang nasabi niya bago dumating ang katahimikan.

"Punta na tayo sa klase," Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinigit ako papunta sa classroom.

"Uy, pinagtitinginan tayo," Bulong ko sa kanya habang nakatingin sa mga estudyante.

"Does it look like I care about them? Ever since naman ma-issue na mga kaklase natin kaya hayaan mo na."

Nagulat ako sa sagot niya. Hindi ko inaakala na wala siyang pake sa kanila.

"Here we are," Tumigil kami sa harap ng pinto ng aming classroom.

"Ah okay, pasok na ako," Bubuksan ko na sana ang pinto kaso biglang humigpit ang kapit ni Felix sa aking palapulsuhan.

"Bakit-" Bago pa ako makatanong ay nagsalita na agad siya.

"Kapag kailangan mo ng kausap, nandito ako." Inalis niya ang pagkakahawak sa akin tsaka pumasok sa room, iniwanan ako na nakatulala.

Bumuntong hininga ako bago pumasok sa room at umupo sa pinakalikod.

"Oy pre!" Lumapit si Han kay Hyunjin na kakapasok lang din at nasa likod niya si Seungmin.

"Hey," bati niya pabalik kay Han. Lumingon sa akin si Hyunjin kaya agad ako umiwas ng tingin. Pumunta si Hyunjin sa pwesto nila Felix at nagusap pa sila. Napapansin ko na panay ang tingin nilang tatlo sa akin pero hindi ko sila pinansin at nagbukas nalang ng libro.

Nagtaka ako nang umupo si Hyunjin sa tabi ko at inilapag ang bag sa tabi ng kanyang upuan.

"Hindi naman ayan ang upuan mo ah?" Nagbabasa pa din ako habang nakapatong ang pisnge sa kanang kamay.

"Pake mo?" Tanong niya pabalik.

"Gagawin ko na ang sinabi mo." Nakakrus din ang braso niya.

"Hindi na-"

"Isang buwan lang naman. Ano pang iniinarte mo diyan?" Stressed na siya ngayon. Napansin ko dahil sa kakabuntong hininga niya.

"Sigurado ka?"

"Kailangan paulit-ulit?" Umirap si Hyunjin at isinuot ang airpods niya.

▬▬▬▬▬▬▬

Hyunjin's P.O.V

"Ayos na ba?" Tanong ni Felix nang makaalis si ma'am at umupo sa tabi ko. Inilapit niya ang upuan para mas mapalapit siya sa akin.

"Your wish is granted, tsk," Umirap ako sa inis at isinuot ang isang airpod ko. Hindi kami naririnig ni Minhye dahil nandoon siya sa unahan kasama si Mi-Rae.

"Mabuti," Ininom ni Felix ang kanyang tubig.

"Bakit ba kasi namimilit kayo?"

"Kasi nga, nasasaktan siya."

"Mas masasaktan siya sa ginagawa niya, nuh," Tumawa si Felix at tumuro sa akin.

"Bakit parang concerned ka?"

Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. Kagabi pa itong kupal na ito ah? Ay, kanina pala.

"Ikaw, kung hindi ka titigil, baka magbago isip ko tungkol doon sa stupid fake relationship with Minhye."

"Stupid nga ba?" He sweeps his hair back bago maging seryoso, "Malay mo-"

"Tigilan mo nga, Felix. Sinabi nang never ako mahuhulog doon!"

"Sige na nga!"

Nakakainis, sobra.

Gustong-gusto ko na hindi gawin yung sinabi ni Minhye pero ano magagawa ko? Si Seungmin, Han at lalong lalo na si Felix, namimilit ayaw ako tigilan. Ayan tuloy, natuloy nanaman.

"Goodluck nalang," Uminom ulit si Felix ng tubig. Nakikita ko ang maliit na ngisi niya nang bago siyang uminom ng tubig.

▬▬▬▬▬▬▬

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro