CHAPTER 2
Dedicated to fkyadm :))
Chapter 2
"Hon, sino ba kasi yung kausap mo kanina?!" Pangungulit pa din sa akin ni Gab hanggang ngayon kahit nakarating na kami sa Batangas University, kung saan kami magtatanghal bukas. Bago kasi ako matulog at pagkagising ko ay yun pa din ang tinatanong niya ngunit hindi ko naman sinasagot para maasar pa siya sa akin lalo. Gusto ko kasing makita ang magiging reaksyon niya kapag nakita na niya akong nakabrace!
Hindi ko alam kung bakit pero simula noon pa man ay natutuwa na talaga ako sa kanya kapag nakikita ko siyang naiinis or napipikon sa akin.
Time checked it's already seven in the evening. Sakto lang ang dating namin.
Thank you, Lord, for our safe travel!
Nang makarating kami sa malaking gymnasium ng Batangas University (BU) ay nandoon na ang mga kasamahan namin pati na rin ang mga makakalaban namin.
Bale sampung school ang maglalaban-laban bukas at ngayon pa lang ay kinakabahan na ako dahil ito ang unang beses na lalaban kami sa ganitong patimpalak.
Mahigit dalawang buwan din ang naging paghahanda namin para lang sa Brass Band Competition na ito and we're hoping na sana makasama man lang kami kahit sa top 3.
"Finally, nakarating din ang lovebirds!" Malakas na sigaw ng kaibigan naming si Jay-R mula sa bleacher ng gym kaya naman ang nangyari ay napalingon sa direksyon namin ang aming mga kabanda at ang mga walanghiya ay nagawa pang pumalakpak kaya naman nakakuha din iyon ng atensyon mula sa mga taga ibang school na naroon.
Natawa at napailing na lang kami ni Gab habang papalapit sa pwesto nila.
Una akong lumapit sa magkakatabing sina Jay-R, Rica, Mich at Eunice para yumakap at bumeso samantalang si Gab naman ay lumapit kayna Lloyd, Greg at Diether upang magfist bump na malapit din sa pwesto nina Jay-R.
Siyam kaming magbabarkada at magkakaibigan na kami simula pa noong Grade 10 and I'm very greatful dahil kahit magkakaiba kami ng course ay hindi nagbabago ang samahan namin. Kami kasing mga babae including Jay-R ay architecture ang course, samantalang sina Gab ay engineering. We make time talaga para makapagbonding kami kahit thrice a month lang sa kabila ng pagiging busy sa course lalo na sa mga plates namin kahit mga first year college pa lang kami.
"Ang tibay niyo ah, dadating kapag magsisimula na talaga! May ginawa pa siguro kayong milagro ano!" Pang-aasar sa amin ni Lloyd.
"Gago!" Natawa na lang kami ni Gab sa kanya at tinabihan na sila sa pag-upo matapos naming ilagay ang aming maleta sa gilid kung saan nandoon din ang gamit ng mga kasamahan namin.
Kaming mga babae ay nakaupo ngayon sa pinakababang hanay ng bleachers samantalang ang mga lalaki naman ay nasa likod na bleachers lang namin.
"Good evening, everyone!" Pagbati ng emcee mula sa stage kaya naman automatic kaming napalingon doon. "Before we start our short orientation, we are calling the attention first of your school trainor and school majorette to please proceed here in front to settle your registration. Thank you."
Kaagad akong tumayo ng marinig ko iyon.
"Sana all majorette!" Singhal na biro ni Jay-R na may kasama pang pag-irap kaya nagtawanan kami.
Vaklang toh!
Natatawa na lang ako habang nakaharap sa kanila at habang lumilingon-lingon sa kaliwa at kanan ko para hanapin ang trainor namin na si Sir Tonton at ng makita ko na siyang papalapit sa pwesto namin ay lumapit ako kay Gab upang humalik sa pisngi at magpaalam.
Nang malapit na kami ni Sir Tonton sa Registration Area ay may humarang sa aming harapan na walang iba kung hindi ang isa sa adviser namin sa banda at panganay na kapatid ni Gab na si Ate Gracielle, at walang sabi-sabing hinila ako sa braso papasok sa silid na nasa gilid ng gymnasium.
Nagtataka ko siyang tiningnan habang magkaharapan na kaming nakaupo sa maliit na sofa na nandoon.
Hinawakan niya ako sa dalawa kong kamay at nagsalita.
"Haven, listen okay? Nakalimutan kasi kitang iinform na ngayong gabi ay rarampa kayong mga majorette para sa tatanghaling Best School Majorette bukas." Problemado niyang saad sa akin pero kahit ganoon siya kaproblemado ay makikita pa din ang kanyang kagandahan. Kamukhang-kamukha niya si Gab at para siyang girl version nito. Mabait din siya katulad ni Gab at napakaswerte ko dahil isa ako sa pinalad na makilala at maging kaclose siya.
Natigilan naman ako at hindi kaagad nakasagot dahil sa kanyang sinabi.
"Ate Gracielle, paano po yun? Alam naman po natin si Gab sa mga ganitong usapan." Kinakabahan kong sagot sa kanya.
"Yun na nga eh. Kinakabahan na din ako ngayon kung paano sasabihin sa kanya. Last year nga hindi ka pa din niya pinayagan sumali sa Ms. Intramurals tas ngayon parang imposible ka din niyang payagan. Siguradong magwawala yun kapag nakita ka niyang rumarampa sa gitna ng gymnasium. Bakit kasi napakapossessive at napakaseloso kasi nang kapatid kong yun eh!" Pagrereklamo pa niya with matching pagpadyak pa.
Napangiti na lang ako sa pagiging problemado niya.
Ayaw kasi talaga ni Gab na sumasali ako sa mga ganito. Okay lang din naman sa akin na ayaw niya dahil iniisip ko din yung gagastusin kung sasali nga ako dahil scholar lang ako sa school namin at ayaw kong pagproblemahin pa sina Nanay at Tatay sa magiging gastusin.
Wala naman akong binabayaran sa pagsali ko dito sa banda dahil sakop na ito sa scholarship ko.
Grabeng paliwanagan pa nga ang nangyari noong kinausap ni Ate Gracielle si Gab tungkol sa pagiging majorette ko noong Grade 11 kami. Turn ko na din kasi that time na maging majorette dahil Grade 7 pa lang ay member na ako ng Brass Band ng Laguna University. Ang dahilan kasi ni Gab ay baka daw mas dumami ang magkagusto sa akin at maagaw ako sa kanya kapag naging majorette ako pero ilang araw matapos ang pag-uusap nila ng Ate niya ay pumayag na din siya basta daw hindi ganoon kasesexy ang isusuot ko at isasali din daw siya sa banda, kaya ayun nga isinali din siya at ang napili niyang instrument ay saxophone dahil isa iyon sa alam at paborito niyang tugtugin.
"Kailangan mo kasi talagang rumampa Haven dahil kung mananalo ka as a Best School Majorette ay idadagdag ang puntos niyon sa puntos sa magiging performance niyo bukas at napakalaking tulong niyon para magchampion kayo. Ito na rin kasi ang last year of teaching ko sa Laguna U kaya naman sana bago ako umalis ay baon-baon ko ang pagiging champion natin dito." Pagpapatuloy pa niya.
Bukod pa kasi sa pagiging teacher niya sa L.U ay nalaman ko din na dati siyang naging majorette kagaya ko at noong lumaban sila sa ganito ay sila ang nagchampion kaya naman hindi ko mapigilang mapressure pero thankful ako sa kanya dahil hindi siya nagdalawang isip na turuan ako lalo na sa mga steps sa sayaw habang gamit ang baton.
"Okay lang naman po sa akin Ate na rumampa mamaya ang kaso lang po si Gab." Namomroblema ko na ding pahayag sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita.
"Ako na ang bahalang kumausap sa selosong iyon. Stay here okay? Iyon nga pala ang isusuot mo. Kanina ko lang iyan binili." Saad niya sabay turo sa itim na clothes rack malapit sa may bintana kung saan nakasabit ang aking mga susuotin para mamaya.
Nang makaalis si Ate Gracielle ay tumayo ako at umupo sa black high stool chair na nasa harapan ng isang vanity mirror. Hindi muna ako kumilos or nagbihis dahil iniisip ko kung papayag ba si Gab or hindi pero sana pumayag siya kasi gusto ko din na magchampion kami. Hindi kasi naging biro ang paghahanda namin para lang sa competition na ito. Halos sa dalawang buwang praktis namin na iyon ay late na kami nakakauwi minsan na pagod na pagod.
Mahigit kinse minutos din ang itinagal bago makabalik si Ate Gracielle at kasama na niya ngayon si Gab na hila-hila ang aking maleta at habang may blankong ekspreksyon sa mukha kaya naman hindi ko napigilang kabahan.
Itinabi muna niya ang maleta ko malapit sa pinto atsaka naglakad patungo sa aking pwesto.
Nang makalapit siya ng tuluyan sa akin ay magsasalita pa lang sana ako ng kabigin niya ako para sa isang mahigpit na yakap sabay bulong sa akin.
"I love you so much, honey." Malambing na aniya.
Nakita ko naman sa kanyang likod si Ate Gracielle na nangingiti sa amin at nakathumbs up pa na hudyat na napapayag nga niya si Gab!
Napangiti ako ng malaki at ginantihan ko din siya ng mahigpit na yakap at bumulong din.
"I love you more, honey." Malambing kong tugon.
Nang kumalas siya sa aming yakap ay hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi at tiningnan sa kanyang mga mata.
"You agreed, hon?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
Lumingon muna siya sa direksyon ng Ate niya na masayang-masaya ngayon atsaka ibinalik sa akin ang kanyang tingin.
"I don't have a choice, hon. Ate said that idadagdag daw yung magiging points mo sa magiging performance natin bukas. Alam ko naman na gustong-gusto mo din manalo hon kaya naman pumayag na ako." Parang labag sa loob pa din niyang saad sa akin.
Mas napangiti naman ako ng malaki dahil sa sinabi niyang iyon sabay lapat ng aking labi sa kanya.
"Thank you, hon! Thank you! Thank you so much!" I said cheerfully while I'm giving him small kisses on his lips.
He tightly embraced me again and kissed the top of my head.
"Anything for you, hon. I love you." He sweetly said.
I pulled away from his embrace and respond to him.
"I love you more, hon!" Sabay patak ko muli ng halik sa kanyang labi.
"Is that what are you going to wear later, hon?" Tanong niya sabay turo sa clothes rack.
Napakagat ako ng aking labi at mabagal na tumango sa kanyang harapan. Siya naman ay napahinga muna ng malalim at napatungo habang kumakamot sa kanyang batok at muling sumulyap sa akin.
"Bakit ba kasi ang ganda-ganda at ang sexy mo hon eh!" Naiinis at problemado niyang saad kaya naman hindi na namin napigilan ni Ate Gracielle na mapatawa dahil sa reaksyon niyang iyon.
******
ALadyWriter
Please don't forget to vote, comment, share and follow! :) Thank you so much, loves! :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro