Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Dedicated to YuviKim6 :))

Chapter 1

"Hon, wake up." Pagyugyog ko sa braso ni Gab habang nakaupo ako sa kanyang gilid.

"Hon," ni hindi man lang gumalaw.

Malalate kami sa kabagalan ng isang 'to eh!

"Hon." Patuloy ko pa ring pagyugyog sa kanya.

"Hmm." Tanging tugon lang niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit sa aking baywang, sabay siksik ng kanyang ulo sa aking tiyan.

"Hon, bumangon ka na. Baka malate pa tayo." Pagpupumilit ko ngunit hindi na siya muli pang gumalaw.

"Isa, Gabriel!"

Wala pa din.

"Dalawa!"

Wala pa ding kibo.

"Tatlo!"

"Wag na wag mong papaabutin ng lima Gabriel Alexander dahil iiwan talaga kita dito!" Pagbabanta ko sa kaniya.

"Apat!"

Wala pa din talaga.

"Li-"

Hindi ko na naituloy pa ang aking pagbibilang dahil bigla siyang bumangon habang may ngiting mapang-asar sabay lagay ng dalawa niyang kamay sa magkabila kong pisngi at pinisil-pisil iyon na parang bola.

"Good morning , hon." Nakangiti niyang pagbati sa akin. "I love you." Dagdag pa niya sabay lapat ng kanyang labi sa aking labi.

"Mag-intindi ka na nga, hon! Malalate na tayo oh!" Kunwaring naiinis kong pahayag matapos kong tingnan ang aking wristwatch.

"You didn't respond, hon! You don't love me anymore?!" Pagmamaktol niya.

Pinipigilan ko lang ang aking pagtawa dahil sa ekspresyon niya ngayon na kunot na kunot ang noo at halos magsalubong na ang mga kilay. Idagdag pa ang magulong ayos ng kanyang buhok.

Ang sarap talagang asarin nito!

"Hon, I love you too, okay? So get up now and get ready dahil baka malate talaga tayo." Malambing ko nang saad sa kanya.

"Wala akong kiss?" Taas kilay na niyang tanong sa akin.

Napatawa na lang ako at napailing at pagkatapos ay hinalikan ko din siya sa labi.

Bago siya tuluyang tumayo ay niyakap muna niya ako ng mahigpit at tumungo na sa kanyang closet upang kumuha ng tuwalya.

"Mabuti na lang talaga at inayos ko na yung mga gamit mo kagabi na dadalhin hon kasi kung hindi, baka ngayon ka pa lang pagkagising mo mag-aayos." Saad ko sa kaniya habang inaayos ang ayos ng kanyang kama.

"Magsama na kasi tayo dito hon para ikaw na mismo ang gigising sa akin araw-araw." Tugon niya habang papalapit na ulit sa aking harapan at habang ang tuwalya ay nasa kanya nang balikat.

Last year pa kasi niya akong kinukulit na dito na din daw ako sa kanyang condo tumira ngunit hindi ako pumapayag dahil unang-una ay tiyak hindi papayag sina Nanay at Tatay, kahit sabihin pang magtatatlong taon na kami at legal kami sa buong pamilya namin both sides.

"Hon, napag-usapan na natin 'to di ba? Pumupunta-punta naman tayo sa isa't-isa ng alinhanan araw-araw di ba?" Malambing kong saad sabay yakap ng dalawa kong kamay sa kanyang batok ng tuluyan siyang makalapit sa akin.

"Hon, alam mo namang hindi sapat sa akin yung ganon." Buntong hininga niya. "Gusto kong segu-segundo at minuminuto kitang kasama pati bago matulog at pagkaggising ay ikaw ang gusto kong nakikita." Pagdadahilan niya.

"Wag na makulit hon, okay?" Ani ko habang inaayos na ang kanyang magulong buhok. "Maligo ka na at magluluto na ako. Bilisan mo, hmm?"

Huminga muna siya ng malalim at tumango.

"Basta kakausapin ko sina Nanay at Tatay tungkol sa pagtira mo sa akin dito! Tamang-tama at duon ang diretso natin bukas!" Determinado at naeexcite niyang pahayag.

Napakakulit talaga ng isang 'to!

Aalma pa sana ako ng patakan niya ako ng mabilis na halik sa aking labi at mabilis na tumalikod. At bago pa siya tuluyang makapasok ng banyo ay sumigaw muna siya.

"You're so gorgeous, hon!" Sabay sarado niya ng pinto.

Napangiti na lang ako habang naiiling at habang kinikilig.

Nakawhite Mickey Mouse t-shirt, navy blue leggings, and peach doll shoes lang ako ngayon habang ang aking mahabang buhok ay nakalugay dahil medyo basa pa.

Araw-araw na lang niya akong pinupuri at araw-araw din naman akong kinikilig!

Today is April 10 at ngayong araw din ay babyahe kami papuntang Batangas City dahil sa sasalihan naming Brass Band Competition!

Matapos niyon ay nagtungo na ako sa kusina upang magluto ng tinola. Buti na lang talaga at tinuruan akong magluto ni Nanay noong elementary pa lang ako dahil kung nagkataon, baka puro instant noodles at order lang sa fast food chains ang kinakain namin ngayon ni Gab dito sa unit niya dahil hindi rin marunong magluto ang isang 'yun.

Habang hinihintay ko na lang maluto ang manok ay hinanda ko na ang kakainan naming plato pati na rin ang mga baso, pitchel, maging ang kutsara't tinidor.

Nang masigurado kong luto na ang tinola ay isinalin ko na iyon sa isang mangkok at nilapag sa lamesa.

"Hon, let's eat!" Pagtawag ko sa kanya mula sa kusina.

"Wait a minute, hon!" Sigaw niya pabalik mula sa kanyang kwarto.

Mga ilang minuto lang din naman ang lumipas nang dumating na siya.

"Let's pray first, hon." Pag-aya ko sa kanya. "In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, Amen. Bless us, Oh Lord, and these thy gifts which we are about to receive from thy bounty, through Christ, Our Lord. Amen." Masaya kong pagdadasal.

Simula talaga nang ligawan niya ako at maging kami ay parati na kaming nagdadasal tuwing kakain at ako ang nagpasimuno nun. Walang palya talaga, as in. At siya pa ang naglelead madalas.

Naging madali lang ang aming pagkain dahil kung babagalan pa namin ay tiyak malalate na talaga kami.

Chineck ko muna ang lahat ng outlet kung may nakasaksak pa ba dahil minsan kasi ay nakakalimutang bunutin ni Gab, nakakatakot naman na pagbalik namin dito ay abo na lang ang lahat kaya mas okay na ang nag-iingat. Halos dalawang linggo din kasi kaming mawawala dahil nga sa Brass Band Competition, and after that ay diretso kaagad kami sa Puerto Galera para sa outing namin, manalo man or matalo which is my home town kaya magpapaiwan na kami doon ni Gab after ng outing namin.

Nang masigurado kong ayos na ang lahat ay pinuntahan ko na si Gab na naghihintay na sa akin sa may pintuan. Binalingan niya kaagad ako ng tingin ng papalapit na ako sa kanya habang nakakunot ang kanyang noo.

"Hon, did you carried this from here?" Hindi niya makapaniwalang tanong habang nakaturo sa malaki kong maleta na kulay black na may design na Mickey Mouse.

"Hmm. Yeah?" Kinakabahan kong sagot sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim at pumikit at muling nagmulat para tingnan ako.

"Hon, alam mo namang ayaw na ayaw kong nagbubuhat or nagdadala ka ng mabibigat di ba? You should've called me earlier para hindi ka nahirapan!" Parang nauubusan na pasensya niyang saad.

Lumapit kaagad ako sa kanya upang lambingin at yakapin siya para naman mawala agad ang pagkainis niya sa akin.

"Hon, hindi naman ako nahirapan atsaka wala naman akong sakit para pagbawalan mo sa mabibigat." Bulong ko malapit sa kanyang tainga.

Ginantihan naman niya ako ng yakap at muling huminga ng malalim.

"Kahit na, hon. Basta ayaw kong nahihirapan ka kaya sa susunod wag ka nang magpasaway please naman hon, para hindi ako mag-alala sayo." Nagmamakaawa na niyang tugon.

Sunod-sunod naman ang aking naging pagtango bilang tugon sa kanya.

Ayaw na ayaw niya talagang nagbubuhat ako ng mga mabibigat at hindi ko alam kung bakit kaya sinusunod ko na lang siya minsan dahil nakakalimutan ko din.

"Yes, hon. I'm sorry. I love you." Malambing kong saad habang nakayakap pa din ng mahigpit sa kanya.

Mas matangkad siya sa akin kaya naman kailangan ko pang tumingkayad palagi ng kaunti para mayakap siya.

"I love you more, hon. So much." He said and kissed the top of my head.

Matapos niyon ay bumaba na kami nagtungo papunta sa parking lot and as usual, hindi niya ako pinatulong sa pagdala ng maleta namin.

Natatawa pa din ako sa tuwing naaalala ko ang panggagaya niya sa Mickey Mouse kong maleta. Binigay kasi iyon ng Tita ko na isang dentist at nang makita niya iyon ay kaagad din siyang nagpahanap sa tauhan nila para daw magkapareho kami, para relationship goals daw. Humagalpak talaga ako ng tawa ng sinabi niya iyon! Corny pero nakakakilig!

Bata pa lang kasi ako ay favorite character ko na si Mickey Mouse kaya naman halos lahat ng gamit ko ay may picture ni Mickey Mouse. Pati phone cases, bags, shoes and madami pang iba.

Pagkasakay na pagkasakay namin sa kanyang sasakyan ay binuhay niya kaagad ang makina dahil kanina pa kami kinukulit ng mga kasamahan namin, kanina pa daw kasi sila nakaalis kaya naman medyo pinagdali-dali na din nila kami.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa lalaking pinakamamahal ko habang nagmamaneho siya.

He's just wearing an Adidas navy blue t-shirt, jeans, and white shoes.

Halos magtatatlong taon na kaming magkasama bukod pa ang sa isang taon niyang panliligaw sa akin.

Noong una talaga ay hindi ako naniniwala ng tanungin niya ako kung pwede siyang manligaw dahil kalat sa buong campus namin noong Grade 10 kami kung gaano siya kababaero at natakot din ako na baka pinagtitripan lang din niya ako.

Madaming beses ko na din siyang nireject noon ngunit consistent talaga siya kaya hinayaan ko na lang din. Akala ko nga ay ilang linggo lang at aayaw na din siya ngunit umabot ng isang taon ay determinado pa din siya na manligaw at mapasagot ako.

Araw-araw niya akong pinupuntahan sa classroom para bigyan ng bulaklak or mga pagkain.

Madalas din ay hinahatid niya ako sa tapat ng apartment ko kahit na ayaw ko.

Maging sa home town ko ay sumunod siya sa akin noong umuwi ako ng summer at nagpakilala siya kayna Nanay at Tatay at maging sa mga kapatid ko na manliligaw ko siya kahit wala naman akong sinabi na sundan niya ako, ngunit wala na din naman akong nagawa dahil nandoon na din naman siya kaya hinayaan ko na lang. Dahil sa kakapalan ng kanyang mukha ay nagpumilit siyang magstay sa aming bahay ng isang linggo kahit maliit lang iyon at sa loob din ng isang linggong iyon ay mas nakilala ko siya ng lubusan at mabilis niyang nakapalagayan ng loob ang aking pamilya.

Ganoon lang siya hanggang sa masanay na ako sa presensya niya, na hindi na ako sanay kapag wala siya sa tabi ko kaya naman hindi ko na din napigilan ang aking sarili na mainlove sa kanya kaya naman nung saktong isang taon niya akong kinukulit ay sinagot ko siya at para siyang babae nung time na yun dahil umiyak siya sa tuwa!

Naging madali lang kasi sakin na pagkatiwalaan siya dahil pinatunayan din niya sa akin na hindi na siya nambababae kaya naman kahit magtatatlong taon na kami ay never akong may pinagselosang babae dahil simula nang ligawan niya ako ay hindi na siya namamansin pa ng ibang mga babae. Yun nga lang, seloso siya lalo na kapag may mga lalaki lang na kakausap lang sa akin para magtanong halimbawa sa lessons or assignment.

Sobra-sobra siyang magselos lalo na noong Senior High School kami dahil nga magkaklase kami at nakikita niya kaagad kapag may kumakausap sa aking iba. Hanggang ngayon naman ay seloso pa din siya kaya naman nasanay na lang din ako.

"Don't stare at me too much, hon. Baka matunaw na ako niyan." Pagmamayabang niya habang nagmamaneho pa din.

"Stare my ass." Pang-aasar ko sa kanya.

"Wag ka na tumanggi, hon. Huling-huli ka na eh. Alam ko namang patay na patay ka sa akin." Lalo pang pagmamayabang niya sabay kindat sa aking gawi at sabay balik ng atensyon sa pagmamaneho.

"At ikaw hindi?!" Kunwaring naiinis kong tanong sa kanya.

"Siyempre, hon. Patay na patay na patay din ako sayo at mahal na mahal na mahal kita ng sobra." Malambing na niyang tugon at inabot ang kaliwa kong kamay upang halikan.

Sasagot pa lang sana ulit ako nang biglang tumunog ang aking phone na nasa may dashboard kaya naman dali-dali ko iyong inabot at nakita ko na si Tita Gie, ang Tita kong dentist ang tumatawag.

"Hello po?" Bungad kong tanong ng masagot ko ang tawag.

"Haven Hija, balita ko sa Mama mo uuwi ka daw dito?" Magiliw niyang tanong.

"Opo. Bakit po?" Tugon ko sabay baling sa may bintana.

"Dumaan ka dito bago ka umalis ha? Lalagyan na kita ng braces sa ayaw at sa gusto mo!" Kunwaring pagsusungit niya.

"Per-" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin ng putulin niya iyon.

"Not buts Haven Denisse. Alisin mo na yang hiya-hiya na yan. Para na din kitang anak kaya dumaan ka dito ha? Please hija. I want to see you." Pamimilit niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim at sumagot.

"Sige po." Saad ko na may ngiti pa din sa mga labi.

Wala na akong nagawa kung hindi pumayag dahil matagal na talaga niya akong kinukulit about sa paglalagay niya sa akin ng braces.

Actually, dati talaga ay may braces ako dahil pinagpilitan nina Nanay na magpalagay ako para hindi ako mabully dahil nung time na iyon ay lilipat na ako ng mas maganda at private na school kaso nga lang hindi ko na pinatuloy pa dahil nasasayangan ako sa pera, pwede kasing pampaaral na namin ang ibabayad doon kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na ipatanggal iyon. Yung time kasi na nagpabrace ako ay wala pa si Tita Gie dito sa Pilipinas kaya sa ibang dentist kami pumunta at ayun nga, ang mahal.

Matapos ang tawag ko na iyon with Tita Gie ay masayang-masaya ako dahil isa talaga sa mga gusto kong gawin at balak kong gawin sa first sahod ko kapag may trabaho na ako ay ang magpabrace ulit. Konti na lang din naman ang aayusin sa ngipin ko kaya I'm very thankful to have an Aunt like her! Wala pa din kasi siyang anak at asawa kahit 30 years old na siya kaya naman kami talagang magkakapatid ang iniispoiled niya.

"Hon, who's that?" Pang-iintriga ni Gab sa akin.

"Wala yun." Kunwaring walang ganang sagot ko habang ang atensyon ay nasa phone pa din.

"Anong wala? Bakit ang saya mo matapos ang pag-uusap niyo?" Naiinis na niyang tanong.

Ang sarap talagang inisin nitong honey ko!

"Sugar daddy ko." Chill kong sagot pero sa loob-loob ko'y natatawa na ako dahil sa magiging reaksyon niya. Napakaseloso pa naman nitong isang 'to!

Kaagad siyang napabaling sa akin habang kunot na kunot ang noo matapos kong sabihin iyon. Hindi makapaniwalang ekspresyon ang nakikita ko sa kanya ngayon.

Grabeng pagpipigil ang ginawa ko ngayon dahil nakikita kong parang sasabog na siya sa selos.

"Sugar daddy my ass! Who's that, hon?! Who's that?!" Galit na niyang tanong. Laking pasasalamat ko na lang na marami ang sasakyan ngayon dito sa kalsada tapos nagmamadali pa kami dahil kung hindi, baka kanina pa 'to huminto sa gilid para mapaamin ako.

"Wala nga. Basta!" Pagpipigil tawa ko pa din.

May naiisip na naman kasi akong kalokohan at excited na excited na ako sa magiging reaksyon niya!

******
ALadyWriter

Please don't forget to vote, comment, share and follow! :) Thank you so much, loveeeeees! :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro