Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: Our Little Secret

Chapter 9: Our Little Secret

"Like what my grandmother told you, Maverick Chua was my supposed fiancé..." I told him with a sigh.

"And what happened?"

I looked at him. "I'm marrying you instead..."

Nagkatinginan kaming dalawa. "You'll marry me instead of him?"

Tiningnan ko siya na nakunot na ang noo ko. "Yes."

"Why?"

"What why?"

Hindi siya sumagot.

Pagkatapos ay nagbuntong-hininga na lang ako. "I don't like that guy..." I said as I looked at other things around us.

Pero nang tingnan ko rin siya muli ay nakita kong may ngiti na sa mga labi niya kahit pa sinubukan niya pa itong itago sa akin. "And you do like me. I get it now." aniya na tunog pang mahangin...

Kumunot naman lalo ang noo ko sa kaniya. What is he talking about—well, I kind of already expected this from him, too. Na mag-f-feeling na naman siya at iisipin niyang may gusto nga ako sa kaniya. Kahit wala naman talaga...

I sighed. I just need him para hindi na nga ako ipakasal ng pamilya ko kay Maverick Chua.

Then as I was looking at him I realized something. My first impression of him was that he's just someone who's serious, and somewhat dangerous looking, then a man you cannot joke around with. That's what I thought of him at first.

But not until today when I realized that he can actually be playful, too. Like how he's acting now. Na para bang binibiro niya rin ako sa paraan ng mukhang inaasar pa niya ako tungkol sa pagkakagusto ko raw sa kaniya. Tsk.

Napailing na lang ako. And I didn't anymore pay him more attention. But in my peripheral vision I can see the smile on his face...

Tahimik na lang akong nagbuntong-hininga at kinain na lang 'yong cake dito sa office niya. Sometimes he lets me come here in his office. After my classes at the university para makapagkita lang din kami. Pinag-uusapan din kasi namin iyong tungkol sa magiging kasal namin. At kung saan kami titira pagkatapos ng kasal. Definitely I would have to move in Harrison's house after the wedding.

But before our wedding ay magkakaroon din muna kami ni Harrison ng isang formal engagement party.

"You like cake?" he asked me after a while.

Tumango naman ako sa kaniya. "Yes. Pero hindi naman ako palaging kumakain nito."

"Why not?"

I looked at him. "Because it's sweet?"

"Oh. I thought... Well, you can always have anything if you want something. Just tell me what you want." aniya.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya nang ilang sandali bago ko binaling na lang muli ang atensyon ko sa pagkain ng meryenda rito sa loob ng malaking office niya.

Then our engagement party happened. Ang dami ng inimbita kahit sa engagement party pa lang namin. Wala namang sinasabi si Harrison at mukhang okay lang din sa kaniya. At halos mga businessmen lang din naman ang nandoon at mga pamilya rin nila na pinakilala na rin sa akin.

"We didn't know that the De La Cernas has such a beautiful young daughter!" ngumiti sa akin ang isang bisita sa engagement party namin ni Harrison na wife din ng isang businessman. I think she has the same age as Tita Rachel.

Ngumiti lang naman ako...

And I was already expecting that some people might say a bad thing about me again even here. Kasi hindi naman lihim sa mga kakilala ng pamilya ko na anak lang ako ni Papa sa ibang babae...

So sometimes when I attend events or parties like this with my family members I always find some people looking at me like they find me unsightly...

But now no one was actually giving me any of that look. Sa katunayan ay parang gustong-gusto pa nga akong lapitan at kausapin ng mga tao na nandito ngayon sa engagement party namin ni Harrison.

"Are you all right?" Harrison beside me asked me.

Tumingin ako sa kaniya at tumango naman. "I'm okay..."

"Aren't you tired? Your heels are so high. You can take a rest." he told me.

Umiling naman ako sa kaniya. "Okay lang ako." I reassured him.

Pero nanatili pa rin sa akin ang tingin niya nang ilan pang sandali. Na para bang hindi pa rin siya kumbinsido na okay lang nga ako. "You don't have to be anxious of anyone. You don't owe them anything. If someone upsets you, tell me immediately." he said it like in a very protective manner.

Nagparte naman ang mga labi ko pagkatapos ng sinabi niya. At nanatili rin akong nakatingin sa kaniya. We were looking at each other's eyes...

Pero pagkatapos ay may bago na naman muling mga tao ang lumapit pa sa amin ni Harrison. They congratulated us on our engagement and talked to us a bit more...

Pero napapatingin pa rin ako kay Harrison sa tabi ko. Hindi agad nawala sa isipan ko ang sinabi niya sa akin kanina. Para bang alam niya kung ano ang iniisip ko, including my worries...

Well, I was told before by my sister and friend, Claire, that I can be transparent as well sometimes. That I can become too expressive, even without saying anything. Dahil daw sa mga mata ko na madaling makita kung nag-aalinlangan ako...

And just after some more wedding preparations, my wedding day with Harrison already came...

Our wedding was held in a big church. At ang dami rin talaga naming mga imbitado. Ang daming mga inimbita nina lola at pati pa ng mga auntie ko. Mabuti na lang ay wala namang reklamo si Harrison. At kapag sinabi ko sa kaniya na okay lang sa'kin ay wala na rin siyang marami pang tanong o sinasabi.

I was also a little nervous when I'm already walking alone in the long aisle of the huge church. Pero na appreciate ko pa rin ang ganda ng mga decorations ngayon dito sa simbahan para sa araw ng kasal namin ni Harrison. Kaya doon na lang ako nag-focus at kay Harrison na naghihintay sa akin sa dulo...

My wedding dress was kind of heavy for me. Hindi naman kasi ako ang talagang pumili nito. At sina lola pa rin. Dahil sa totoo lang ay may hinanda na rin sana akong isang simpleng white dress lang naman na ako lang din ang gumawa. And I just thought I could wear it on my wedding day, and a beach wedding...

Nang na mention ko nga rin ito kay Harrison isang beses, nasabi ko na lang din kasi sa kaniya habang nag-uusap lang naman kami tuwing magkasama. Sometimes I end up telling him more things than one about myself and my thoughts whenever we're together. Kasi naman si Harrison minsan ay parang ang dami rin talaga niyang mga tanong sa akin na sinasagot ko naman at kung saan-saan din napupunta ang mga pinag-uuusapan namin madalas. But it's usually just about how our days went, what I like and dislike, and things like that.

Sinabi pa niya sa akin na pwede naman daw kaming lumipat ng venue ng kasal namin kung beach wedding daw ang gusto ko. Pero agad ko na lang din siyang tinanggihan dahil almost ready na ang lahat para sa magiging church wedding namin nang time na 'yon. At ayaw ko nang magkagulo-gulo pa kung sakali dahil lang sa change na gusto ko para sa kasal namin.

At okay na rin ako rito ngayon. Ang mahalaga lang naman sa akin ay makasal kami ni Harrison...

Pagkatapos ay napabaling pa rin ako ng tingin sa mga taong dumalo sa kasal namin ni Harrison dito sa simbahan ngayon. And they were all smiling as they watched me walking down the aisle...

And some people might think that we're truly in love... me and Harrison...

But little did they know that this was merely a contract marriage between us...

It's our little secret... that we must keep from everyone.

Naglahad sa akin ng kamay si Harrison nang nasa harapan na niya ako pagkatapos ko ring madaanan ang napakahabang aisle. Nilagay ko rin ang kamay ko sa kamay niyang nakalahad, at pagkatapos ay humarap na kami pareho sa altar ng simbahan.

Author's note: hi! Chapter 20 of With You was already posted in Patreon and/or Facebook VIP Group! To join VIP, kindly message me directly on my Facebook account Rej Martinez or my Facebook page Rej Martinez's Stories. Membership fee is 150 per month. For more questions please message me directly on Facebook! Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro