26: STAY AWAKE
Chapter 26: stay awake
The armies picked up Seven harshly. With his arms behind his back, he was pushed against the floor at kinapkapan. Nakapalibot sa kanya ang napakaraming sundalo, but his calm demeanor is giving me chills. Kung totoo nga ang sinasabi niya, how did he know we were here?
Napakabilis ng mga pangyayari. After the armies confirmed he didn't have anything that could be considered a threat, pinatayo siya.
Seven may not have any weapon or tools, but unknown to them, it's his mind they should be fearing.
Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa dako nila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nandito siya. It could be a blessing or a curse.
Seven may have ways to escape Prism—or even Zone Z. But at the same time, him being here raises so many suspicions.
Gaya ko, hindi inaalis ni Kruger ang tingin kay Seven. Alam kong marami siyang iniisip. Knowing how smart Seven is, he's probably thinking it's not a coincidence that he's here.
Seven was brought to one of the pods upang imbestigahan, samantalang pinabalik naman kami sa trabaho.
"Seven knows something is up," mahinang sabi ni Kruger.
Nagkatinginan kami ni Bean bago ako sumagot. "So, is that a good or bad thing?"
Kruger shrugged. "Hindi ko alam. I cannot tell just yet."
Matagal bago nakalabas si Seven sa pod. We don't know what questions were asked or paano niya iyon nalusutan. Nang lumabas siya, suot na niya ang uniporme namin sa loob ng Prism.
Nagsialisan na rin ang mga sundalo, and Seven joined us with a grin. Pinagpawisan pa rin siya habang papalapit sa amin. We all stared at him, silently demanding an explanation.
"Seven," Kruger gave him a nod.
"Kruger."
I could feel the imaginary sparks between them. Walang may balak na sumuko, until Kruger sighed.
"This just keeps adding to the tab of my suspicions of you, Seven," sabi niya at komportableng naupo. "The fire... and now this?"
Seven smirked and looked at me. "I told you, lady luck is on my side. I was lucky enough to survive the fire in solitary confinement, at sinuwerte rin akong mapadpad dito nang tumakas ako sa infirmary."
Mukhang hindi kumbinsido si Kruger sa sinabi ni Seven. "Who knows."
"Curious, Kruger?" Seven smirked even more.
Bago pa man lumaki ang sagutan nila, nagsalita na ako. "Bumalik na lamang tayo sa trabaho natin. Walang patutunguhan ang pag-aaway ninyo."
Nilagpasan ko sila at lumapit na lamang sa mga flowerbeds na mino-monitor ko. Naramdaman kong may sumunod sa akin, ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy sa trabaho. Matapos i-input ang mga obserbasyon, maingat kong pinindot ang glass wall at lumabas ang holographic display ng mga punong nakahilera sa dakong iyon.
I silently watched the display, mula sa genetic health ng mga halaman at puno hanggang sa atmospheric condition ng Prism.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ginagawa niyo pa rin 'yan, kahit na mayroon namang artificial intelligence na gumagawa niyan?" Seven suddenly said as he popped up from behind me.
"AI can still fail, Seven. At least kahit paano, may ginagawa pa rin kami rito bago man lamang kami ibalik sa Quarters," sagot ko sa kanya.
"So, iyan ang sinabi nilang explanation?" He said in a low voice, more like something he's telling himself.
Hinarap ko siya. Napakuyom ang kamao ko nang makita ko ang mukha niya dahil naaalala ko lamang si Wolff. And when I remembered him, nararamdaman ko ang matinding galit.
"Hindi ko naniniwala sa sinabi mong napadpad ka lamang dito," wika ko sa kanya. "You knew something."
Hindi siya sumagot, ngumiti lamang sabay iwas ng tingin. Alam kong hindi tamang punahin ang kanyang hitsura sa mga sandaling ito, pero hindi ko mapigilang mapansin iyon.
He looked so good kahit na pawisan. Agad kong iniiwas ang tingin sa kanya at kinuha ang hindi ko pa nagagamit na bimpo at hinagis iyon sa kanya. He caught it immediately at napatingin sa akin nang nagtataka.
"Magpunas ka nga."
Pinunasan niya ang sarili, ngunit ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin. Nagkunwari akong abala, ngunit hindi ako mapakali. Kaya muli ko siyang nilingon at kinausap.
"Stop staring," sabi ko.
"How are you?" tanong niya, na ikinagulat ko. "After I passed out, hindi na kita nakita."
Right, ako pa talaga ang kinumusta niya, eh siya itong hinimatay noong huli kaming magkita. "Ikaw, kumusta ka na? Why did you pass out that day?"
"Marahil ay dahil sa fumes o ano mang kemikal nang masunog ang solitary confinement," he replied. Bahagya niyang hininaan ang boses matapos tingnan ang paligid. "Hindi mo pa sinasabi sa akin bakit ka bumalik."
Napaisip ako kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Seven. Una, magkamukha sila ni Wolff, and for whatever reason, that just screams red flag. Pero magkaiba sila. While Seven is the reason kung bakit nakatakas ako noon, Wolff is the reason why I am here now. Despite all confusions, pinaalala ko sa sarili na hindi ako dapat magtiwala kahit kanino.
"Ayaw kong pag-usapan ang tungkol doon," sabi ko sabay iwas ng tingin. "Alam kong napakakapal ng mukha ko kung itatanong ko pa 'to sayo, but this is me being desperate. By any chance, do you still have an escape route that I can use para makaalis ako rito?"
Hindi siya nagulat sa tanong kong iyon. He just stared at me na para bang napakaraming bagay ang tumatakbo sa isipan niya. Nagulat na lamang ako nang lumapit siya sa akin habang nakatitig sa noo ko.
What?
Umatras ako, ngunit patuloy lamang siya sa paghakbang palapit sa akin. Sinalakay ako ng kaba at patuloy na napaatras, ngunit naramdaman ko na lamang ang glass panel sa likod ko. There's no way to move hanggang sa tuluyang makalapit si Seven sa akin. Halos isang dangkal na lamang ang layo ng mga katawan namin nang huminto siya. Dahil mas matangkad siya sa akin, bahagya niyang ibinaba ang mukha, just so it would level with mine.
Unti-unting napakunot ang kanyang noo habang inilalapit ang mukha sa akin. I began to panic, ngunit bigla na lamang siyang may kinuha sa noo ko at napatayo nang maayos.
Tiningnan niya ang kamay kaya kahit kinakabahan, napatingin na rin ako.
"W-what was that?" tanong ko.
Mas lalo niyang tinitigan ang kung anong nasa kamay niya at ipinakita iyon sa akin. "This looks like... an adhesive residue."
I raised a brow. "Adhesive residue?"
"This is from when you had tapes, bandages, medical adhesives, or electrode pads removed from your body," sagot niya at muling napatingin sa noo ko. "You had a bandage removed?"
Kunot ang noong napahawak ako sa noo at umiling. "Walang kahit anong adhesive akong nilagay sa n-noo—" Bigla kong naalala ang panaginip ko. In that dream, I had so many electrodes connected to my body.
"Kung titingnan, mukhang bago lamang 'to. Sigurado ka bang wala?" paninigurado niya.
Hindi ako agad nakasagot. Natatakot ako sa maaring dahilan kung bakit nasa balat ko iyon. What if... what if my nightmares were real?
"Ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Kruger, hindi ko namalayang nakalapit na pala siya. Nakatingin siya kay Seven nang may pagdududa kaya bahagyang lumayo si Seven sa akin.
"Yup, may insekto lang sa noo niya," mabilis na sagot ni Seven.
"Insekto?" Tumawa nang tuyo si Kruger. "Walang insekto rito."
Pinagpag ni Seven ang kanyang kamay, tila ba nagpapagpag ng alikabok. "Then I must've thought it was an insect. I wonder what it is."
Mukhang hindi balak balewalain ni Kruger ang nakita niya. Naniningkit ang mga mata niyang salitan ang tingin kay Seven at sa akin. "May gusto ka ba kay Hope?"
Nanlaki ang mga mata ko at agad na sinamaan ng tingin si Kruger. Where did that come from?! Paglingon ko kay Seven, hindi man lang nabago ang ekspresyon niya, samantalang ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko.
"Hope? Is that your name?" tanong niya sa akin.
Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin. "I-iyan lang ang tawag ni Bean sa akin."
Ano bang pinagsasabi ni Kruger?! If that's his strategy para malaman ang intensyon ni Seven, it's not helping at all!
"Well, she's not bad," biglang sabi ni Seven. "Hope is pretty, kaya hindi ka magtataka kung magkagusto man ako sa kanya."
Pretty daw ako.
Kinalma ko ang sarili, pinipigilang magpaapekto. Hindi ko naman ito naririnig araw-araw, kaya siguro ganito ang pakiramdam ko. And knowing that it's coming from an attractive guy, medyo justified naman siguro kung mag-blush ako.
"Ano bang pinagsasabi mo, Kruger?" Sinamaan ko siya ng tingin bago ako nag-walkout. "Bahala nga kayo diyan."
Mabilis akong lumayo sa kanila. Wala akong pakialam kung magpambuno man sila o maglaro ulit ng mental chess.
Napakaraming bagay ang dapat kong isipin—isa na roon ang adhesive residue na nakita ni Seven. Posible kayang totoo iyon? Was I really being tested? Hindi ko lubos maisip kung totoo nga iyon. What if I was just losing my mind dahil sa dami ng mga nangyayari?
Agad akong lumapit kay Bean na abala sa ginagawa. Alam niya ang ilang bagay tungkol sa NEW at kung ano ang ibig sabihin ng annual picking. Maybe he can tell me more.
"Bean..."
Napahinto siya sa ginagawa at nilingon ako. "Your face is all red, ayos ka lang?"
Tinapik ko ang sarili kong pisngi at ngumiti. "Ayos lang ako. May itatanong lang sana ako. Remember Old Steve's device?"
Humarap siya sa akin, giving me his full attention. "What about it?"
"May alam ka tungkol doon, di ba?" Nagbuntong-hininga ako. "Can you tell me more about?"
Matiim niya akong tiningnan, parang sinisipat ang dahilan ng pagtatanong ko. "Nalaman ko lang ang tungkol doon dahil gaya ng prototype na ginawa ko, Steve's machine, the New-GEM, has the potential to be exploited for the sake of transhumanism."
Those were indeed dangerous machines when not used properly. Napabuntong-hininga ako ulit habang tumango. "P-paano mo nalaman ang tungkol sa annual picking?"
"It doesn't take a detective to guess that," sagot niya. "Hindi lahat ng nandito ay may kasalanan, hindi lahat ay kriminal. Some were wrongly accused, some failed to follow unjust rules. At lahat ay tinanggalan ng pagkakakilanlan nang ipasok sa Zone Z. The moment I stepped here as a prisoner, I am no longer a Marave, Hope. I'm just inmate 1101077, Bean, or whatever they chose to call me. Pero yung mga nakatakas o nabigyan ng pagkakataon na makaalis rito, don't you think they'd want their old life back? Don't you think they'd want to go back to their families? Hindi nila iyon magawa dahil ibang tao na sila. Their minds are owned by Sanip. They will be used to their full capacity for the benefit of Sanip."
That fact made me so sad. Tama si Bean, imposibleng basta na lang nila iaabandona ang lahat. Maybe the reason for their obedience is because they're no longer in control of their minds. Ganoon din kaya ang mangyayari sa akin?
"What's this all about?" Bean asked.
"Natatakot lang ako na ganoon ang mangyayari sa akin," sagot ko.
"Hindi malabo. You have no idea what lengths people are willing to go to in the name of advancement," sagot niya. "But Hope, don't stress yourself about it."
Tumayo siya at bumalik sa mga halaman niya. He picked another flower and handed it to me—same as the one he gave me before, the Lily of Hope.
I muttered a thank you at inamoy ang bulaklak. It didn't have a strong smell but it felt fresh, like a summer bloom. Nang mapansin kong nag-uusap pa rin sa malayo sina Kruger at Seven, agad akong nagtanong kay Bean tungkol kay Seven.
"Nga pala, Bean. What did Seven do nang hindi ka nakatakas?"
Bean's forehead furrowed as he looked at Seven. "Hindi ko alam. Hindi ko na siya nakita."
Naalala ko ang pagtataka sa mukha ni Seven nang malamang dalawang buwan na mula nang makatakas ako roon. Kung umaarte lamang siyang nagulat, he was doing a good job. But nothing in it tells me he's just pretending.
"Why?" pahabol na tanong ni Bean. "Is there something about him?"
Agad akong napailing. "N-no, but like you've said, hindi dapat ako basta-basta magtiwala."
Bean nodded in agreement. "That's the right thing to do. Kahit pa minsan ka ng natulungan ni Seven, mag-ingat ka pa rin sa kanya." He kept his voice low. "I don't know what's up with him pero hindi ako naniniwalang nagkataon lamang na napunta siya rito."
Diba?! Kahit saang anggulo tingnan, walang sinomang maniniwala na napadpad lang siya rito. Kung paano man niya nakumbinsi ang mga sundalo, who knows? That just screams so pathological liar and dangerous.
The day went on like the usual. Hindi nagpakita si Seven ng kakaibang kilos, sa halip ay ginawa na lamang ang mga dapat niyang gawin hangga't hindi pa tuluyang nalilift ang total lockdown sa quarters namin. May mga panahong nahuhuli ko siyang masuring tinitingnan ang mga salamin sa Prism, as if he's carefully assessing what those glass panels do. Hindi lamang ako ang tahimik na pinapanood ang bawat galaw niya. Even Kruger was noting even the sneezes that Seven does.
The day ended with us having our usual dinner. Pumasok kami sa kanya-kanyang pods kung saan kami namamalagi. Wala akong mapagsabihan na ayaw kong matulog. Natatakot ako na baka managinip na naman ako. Natatakot ako na baka hindi nga iyon panaginip, like how Seven found adhesive residue on my skin.
Pero dapat ko bang pagkatiwalaan si Seven? It was like a Wolff déjà vu once again if I do so.
Tumayo ako sa kama at inikot-ikot ang loob ng pod. It was small, but taking steps inside somewhat helped me calm down a bit. Ano ba itong napasok ko?
Will my life be different if only I didn't insist on seeing the kids when Zone Z enforced the no visitors rule?
It might be.
Will I not rot in this place if only I hadn't met Wolff and agreed to whatever he said?
Definitely.
Pinanuod ko ang repleksyon sa salamin. Tila lumalim ang mga mata ko. My skin looks so pale. Walang kahit anong saya na mababakas sa mukha ko. Mas lumapit pa ako sa repleksiyon ko. I looked so helpless and miserable.
Tatanggapin ko na lamang ba itong sinapit ko, or will I fight back and reject this? Looking at my face, hindi ako makakuha ng kahit anumang kasagutan doon, until I looked past me at napatingin sa bagay na nasa gilid ng kama.
The Lily of Hope.
My constant reminder.
Huminga ako nang malalim at kinuha ang bagong bulaklak na bigay ni Bean kanina at inayos iyon katabi ng nauna na niyang binigay.
In my head, I kept thinking that as long as I breathe, there will always be hope.
***
<Request Rejected...>
<Restarting in 3, 2, 1...>
<Please wait...>
The mechanical voice echoed in my ears like a sharp alarm. Why am I here again? Napapagod na ako sa panaginip na 'to, kaya sabi ko sa sarili ay kailangan kong magising. Sinubukan kong buksan ang mga mata, only to press them shut even more. The holographic data forming the words in front of me flickered as it floated.
Sinubukan ko ring ibaling ang ulo sa kabilang direksyon ngunit hindi ko magawa. It was like something was preventing me from doing so.
<Loading... 92%...>
<... 99%...>
Great, it was like watching new numbers. Hindi ko alam kung bakit tila nanikip ang dibdib ko. Muli kong sinubukang buksan ang mga mata ngunit tila may kung anong bagay ang pumipigil sa akin.
<100%...>
<Please wait...>
<Connection Successful>
<Welcome to N.E.W.>
<Accessing neural link...>
<Access granted>
Sinubukan ko ring ikuyom ang kamao. The words in front of me were new, iba sa mga naunang panaginip ko. Suddenly, the data in front of me disappeared, like a total blackout. Akala ko ay nagising ako sa panaginip, but then the data just returned, flowing like a stream in front of me. The alphanumeric characters scrolled faster—na hindi man lamang ako nagkaroon ng pagkakataong mabasa ang kahit isang linya.
Nang mawala ang mga letra at numero, tila napakatahimik ng paligid, maliban sa kung anong bagay na tila sumasabay sa kabog ng dibdib ko. Suddenly, my mind felt clearer na para bang kaya kong isipin ang mga pangyayaring nakalimutan ko na.
<Accessing memory patterns...>
May kung anong kirot sa bahagi ng utak ko, the pain felt so sharp na para bang gusto ko na lamang sumabog sa sakit. Bigla ko na lamang naalala ang isang batang lalaki na tangan-tangan ni Lola.
The memory floated right in front of my eyes— so clear as if it just happened yesterday.
His face was pale, his eyes and cheeks were puffy na tila ba galing siya sa pag-iyak. Sumilip ako sa maliit na siwang ng pinto—it was like watching a young me spy on a young kid.
Una kong napansin ay ang suot ng bata. He was wearing a silk pajama and a hoodie jacket that covered most of his face. His pajama, despite its simplicity, surely displayed his status in life. Napako ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak kay Lola.
Agad akong napakuyom. Sino siya para hawakan nang ganoon si Lola? Kinapa ko ang dibdib dahil sa kakaibang emosyon na naramdaman ko. My heart was throbbing, and I felt an emotion na hindi ko alam kung ano ang itatawag.
Maybe it was jealousy and anger combined. Wala na ngang panahon sa akin si Lola, nagdala pa siya ng ibang bata.
The kid turned in my direction at agad na nagtagpo ang mga mata namin. Padabog na sinarado ko ang pinto at tumakbo sa kama at nagtalukbong. I began plotting my revenge and planned which canned goods should I remove the label.
Ah, the young me is so evil.
Knock.
Knock.
Knock.
Nag-echo ang tatlong katok na iyon sa kwarto kaya mas lalo akong nagtalukbong ng kumot. Naramdaman kong bumukas ang pinto at may mga maliliit na yabag bago muling sumara.
I gripped tight on the sheets, ngunit sa bawat minutong nagtatagal ako sa ilalim ng kumot ay mas nahihirapan akong huminga kaya bumangon ako at nakasimangot na iginala ang tingin sa paligid.
Ang unang napansin ko ay ang batang nakatayo sa gilid ng pinto. He was fidgeting, and he was surely uncomfortable nang makitang magkasalubong ang kilay ko.
Inalis niya ang suot na hood sa ulo at pilit na ngumiti. "H-hello?"
He was the most beautiful kid I have ever seen—so beautiful like an art that was carefully crafted. Makapal ang kanyang kilay na bumagay sa kanyang tila nangungusap na mata. The young me was at a loss for words about his appearance, and the old me watching all of this could only think of the word ethereal na siyang salitang babagay sa kagandahan niya.
His skin was pale, like the kid was kept indoors all his life.
"Governess Emily said I s-should play with you while she prepares something—"
Young me began screaming, like an annoying undisciplined kid, ngunit napayuko lamang ang bata at nanubig ang mga mata. His cheeks were red, at ilang sandali lamang ay umaagos na ang kanyang mga luha.
I stopped screaming, but only to throw him a periodic cube of elements na kahit sa hinagap ay hindi ko maisip na mabubuo ko. Muli akong nagtalukbong at hindi pinansin ang bata.
What, I am such a brat!
Nang muli akong lumabas sa kumot ay nakaupo na ang bata sa sahig, habang binubuo ang periodic cube. He did it easily, like it was a usual 9-square cube!
But it wasn't! Kahit ngayong malaki na ako, ay hindi ko pa rin iyon mabubuo!
Bumaba ako sa kama at lumapit sa kanya, squatting on the floor to carefully take a look. Napasimangot ako nang makitang tila bore siya sa ginagawa as if the puzzle was too simple for him to solve.
"Anong ginagawa mo? Paano mo iyan sinasagutan?" Hindi ko mapigilang tanong.
The kid slightly shrugged. "You just have to arrange the squares with the chemical symbols and atomic numbers in a specific order."
"Ang yabang mo."
He looked at me with a pout and teary eyes. "...but that's how you do it. You have to align the elements properly by taking into account their position based on atomic properties like groups and periods. Halimbawa, this side here should be alkali and alkali earth metals, tapos dito naman—"
"Mang-aagaw ka lang naman ng lola."
I made a face. Was I really smart-shaming a kid before? I was such a badass!
Maingat na pinakita niya sa akin ang ginagawabna tila ba hindi narinig ang sinabi ko. "There are various ways to solve this. Pwedeng base sa atomic number or atomic mass. You can also arrange them according to their chemical groups, like this side here is for halogens, here are for noble gases, and so on. Pwede rin namang gaya nito, you can use electron configuration or valence electrons."
What a showoff!
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa bata. "Ako si Dana Nina Lopez. Dani ang tawag ni Lola sa akin."
The kid hesitated before leaning in to whisper.
"Wolff."
I blinked. "Wolf? An animal?"
He shook his head and leaned once again to whisper. "Wolff Bane."
A loud, piercing crack suddenly filled the room. Napatingin ako sa paligid at pilit hinanap kung saan iyon nanggaling.
The words once again flickered in front of me.
<Warning... Security breach detected>
Another shattering sound echoed through the room. This time, nabuksan ko na ang mga mata ko, and I turned my head just in time to see Seven standing by the massive glass wall. Nakakuyom ang kanyang kamao, and there was red liquid running down the shattered glass from his fist. Cracks spread like spiderwebs across the glass, and a loud siren blared from a distance.
His hand... it must have hurt so bad.
Muli niyang sinuntok ang salamin hanggang sa tuluyan iyong nabasag. Shards of glass rained down, catching the light from the flickering red alarms as he kicked away the jagged edges. Blood dripped from his knuckles, pero wala siyang pakialam. Determined, he shoved his body through the opening, forcing his way in.
Seryosong-seryoso ang kanyang mukha habang papalapit siya sa akin. His eyes were wild—full of rage, desperation, and something else I couldn't quite place. His breaths were labored, his chest rising and falling as he reached out, ignoring the fresh wounds on his hands.
"You need to wake up now!" sigaw niya sa akin.
Wait, why is he shouting at me?
<Warning. System error detected.>
<Rebooting...>
Sinubukan kong abutin ang mukha niya, ngunit tila may tali ang mga braso ko. Nagulat na lamang ako nang may kung anong hinila siya mula sa katawan ko, and I flinched when something ripped from my skin. Hindi iyon masakit, but the sudden pulling surprised me.
"S-seven?" nanghihinang sabi ko.
"Look at me!" he commanded, his voice a low growl.
Why is he angry? Wait, is he angry at me?
"W-wolff..." nakangiting sabi ko at akmang ipipikit ang mga mata. Seven really looked like Wolff.
Naramdaman ko ang init ng kanyang mga palad sa magkabilang pisngi ko. "I'll get you out of here, pero kailangan mong tulungan ang sarili mo. Stay awake."
His eyes searched mine, pleading, as though every second that passed was stealing me further away. I forced a smile and nodded, unsure what I meant by it.
Seven's jaw clenched tighter, frustration flooding in his face. Without warning, he raised his bleeding fist again and struck the beeping machine beside me. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari, pero wala akong lakas. Sure, he hit it so hard that sparks flew, and the connection suddenly stuttered.
<Neural connection terminated.>
<Data Corruption Detected>
<Critical failure encountered...>
<All data irreversibly lost>
<System shut down in 3, 2, 1...>
#
ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro