Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

IKA-PITONG GABI

NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi. Naghahabol ang hininga. Puno ng pawis at tuyo ang labi. Ang sama ng panaginip ko—sobrang sama. May humahabol sa iyong lalaki. Umiiyak kang tumatakbo habang hindi ka mapakali kung saan ka pupunta o kung sino ang lalapitan mo.

Hind ko alam pero parang pamilyar sa'kin ang panaginip na iyon. Sobrang labo ngunit napakapamilyar ng sumunod na pangyayari. Tumatakbo ka hanggang sa mahuli ka nito. Hindi ako mapakali dahil parang totoo.

Bumangon ako sa kama ko at kinuha ang aking telepono. Tatawagan kita kahit ala una pa ng umaga. Hindi ko na kayang maghintay pa hanggang mamaya sa simaba. Gusto kitang makita. Gusto kong marinig ang boses mo. Gusto kong masiguradong maayos ka. Gusto kong masiguradong ligtas ka.

Nakaramdam ako ng kaba nang hindi mo agad sinagot ang tawag ko. Tumawag ako ng ilang beses pa bago mo ito sinagot.

"Donne?"

Halata sa boses mo na galing ka pa sa mahimbing na tulog.

"Van, pasensya na. Alam kong naistorbo kita, hindi lang kasi ako mapakali. Ayos ka lang ba? Nasaan ka ngayon?"

"Sandali lang, ayos ka lang ba? May nangyari ba sa iyo?" Alalang tanong mo.

"Masama ang panaginip ko."

Narinig kitang tumawa na siyang ikinunot ng aking noo.

"Tumatawa ka ba? Pinagtatawanan mo ako?"

"Hindi. Para ka kasing bata. Kung anuman ang napanaginipan mo, huwag mo na iyong alalahanin. Panaginip lang iyon at hindi iyon magkakatotoo."

Bumuntong hininga ako. Tama. Panaginip lamang ang lahat ng iyon. Wala akong dapat na ipag-aalala. Bigla kang tumahimik mula sa kabilang linya kaya't imbes na ibaba ang telepono, isang magandang ideya ang pumasok sa isipan ko.

"Van, may hihilingin sana ako sa iyo."

Akala ko'y nakatulog ka na sapagat ilang sandali muna ang nagdaan bago ka muling magsalita.

"Ano naman iyon?"

"Pwede bang kantahan mo ako hanggang sa makatulog ako?"

Nakarinig ako ng kung anong may nalaglag galing sa linya mo. Lihim akong napangiti.

"Ano?!" sigaw mo. "Nagpapatawa ka ba? Alam mo namang pamatay ang boses ko."

Wala sa sarili akong tumango. Tama ang sinaabi mo. Literal.

"Kaya nga kantahan mo ako para makatulog ako."

"Sapak gusto mo?"

"Huwag sapak, kiss na lang," biro ko.

Bigla kang sumigaw at alam kong minura mo na ako.

"Papatayin talaga kita sa simbahan mamaya," bantam sa akin.

Tinawanan lamang kita. Alam ko namang hindi mo iyon kayang gawin. Bukod sa ramdam kong gusto mo rin ako kahit di mo man sabihin, walang matinong tao ang papatay sa loob ng simbahan.

"Sige na kasi," pangungulit ko sa iyo. "Pangako, ngayo lang ito. Hindi ako tatawa. Hindi ako magsasalita. Makikinig lang ako."

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan nating dalawa. Pinikit ko na rin ang aking mata dahil alam kong napilit na rin kita. Bago ka pa man kumanta, pinindot ko ang record button ng telepono. Sana mapatawad mo ako sa ginagawa ko. Ilang sandali pa ng paghihintay narinig ko na ang boses mo. Napapangiti ako habang nakapikit. Hindi pa rin nagbabago ang boses mo. Mahina lamang na parang pakiramdam ko ay nasa malapit ka lang at bumubulong. Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal niyon hanggang sa makatulog na ako.

Tulad ng inaasahan, nagkita na naman tayo sa simbahan. Alam mo bang nagtataka na si Mama kung saan ako nagpupunta sa tuwing humihiwalay ako ng upuan sa kaniya. Gusto na kitang ipakilala sa kaniya kaso pinipigilan ko pang mangyari iyon. Kakaiba kasi ang Mama ko, kakaiba siya mag-isip. Baka isipin niyang buntis ka, oo, ganyan ang klase ng kaibahan niya.

Nadatnan kitang nakaupo dahil hindi pa naman nag-uumpisa anng misa. Nakalugay na naman ang buhok mo at nakasuot ka pa rin ng uniporme. Nagtataka ako kung bakit iyon pa rin ang suot mo hanggang ngayon, ang alam ko ay tapos na naman ang pasukan dahil holiday season na. Dala ng kuryusidad ay tinabiha kita, sakto namang napalingon ka sa akin.

Tinanong pa kita kung bakit ka nakauniporme, ang sagot mo'y may klase ka palang dadaluhan dahil may mga aralin kang hahabulin. Dumagdag sa aking pagtataka ang namumugto mo na namang mga mata.

"Bakit ganyan na naman kamugto ang mga mata mo?"

Sa halip na sumagot ay tiningnan moa ko ng masama.

"Paanong hindi maging ganito kamugto ang mata ko? Inantala mo ang pagtulog ko tapos pinakanta mo pa ako ng ilang oras," reklamo mo.

Ngumiti lang ako. Napansin kong tinitigan mo ang buong mukha ko saka kumunot ang iyong noo.

"Ikaw din naman, 'e. Namumugto rin kaya ang mata mo."

Napahawak ako sa aking noo upang takpan ang kalahati ng aking mukha.

"Kulang lang din ako sa tulog," palusot ko. "Ang ganda kasi ng boses mo kaya hindi ako masiyadong nakatulog."

Umiling ka na lamang sa sinabi ko. Humingi pa ako ng paumanhin sa iyo dahil sa ginawa ko kagabi. Nakakatawa dahil parehong mugto ang mga mata natin. Ayan, sobrang bagay na tuloy tayo.

Sa kalagitnaan ng misa, napansin kong isang sensitibong paksa ang pinag-uusapan ngayon, patungkol ito sa mga kaluluwa ng mga taonng sumakabilang buhay na. Ayon pa rito, ang kaluluwa raw ng mga tao ay babalik sa pinaggalingan nito. Pinagdiinan pa na hindi raw totoo na may mga gumagalang multo sa mundo. Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga multo. Sabi pa nga ng karamihan ay kathang-isip lamang sila ng mga tao. Kung mayroon man akong napulot sa misa ngayon, iyon ay ang katotohanang namamatay pala talaga ang isang tao.

Sa lahat ng mga simbang dinaluhan ko sa buong buhay ko, ngayon lang napukaw ang aking imahinasyon. Bukod sa palagi kitang kasama sa pagsisimba, nagkaroon rin ako ng interes sa paksa ngayon. Kapansin-pansin rin ang matagal mong pananahimik. Aaminin kong ngayon lamang tayong dalawa naging seryoso sa pagsisimba. Aaminin ko ring ngayon lamang ako nakinig ng homiliya. Sa tuwing katabi kasi kita wala akong ibang iniisip kundi ang kung ano ang gagawin natin pagkatapos ng simba. Kung anong pag-uusapan natin para hindi ka mabagot sa akin. Kaya ngayon lamang talagang may nanuot sa'king homiliya. Nakakapagtaka dahil sa lahat, itong paksa pa talaga ang mati-tiyempuhan ko.

Natapos ng misa at nanatili kang tahimik. Niyaya mo akong pumunta sa Estar de Vuelta ngunit pati ang pagtahak natin ng daan patungo roon ay nanatili kang walang imik. Ilang beses kitang tinanong kung ano ang dahilan ng iyong katahimikan ngunit isang iling lamang ang naging tugon mo sa'kin. Nakarating tayo nang wala man lang nagsasalita sa atin. Umupo ka kaagad sa puting bato na gusting-gusto mong inuupuan at tumabi naman ako sa iyo.

Tiningnan kita habang nakatulala ka. Hindi ko alam pero mukhang may problema ka yata. Hindi mo man sabihin ngunit batid kong may kinalaman ito sa pamumugto ng iyong mga mata.

"Kanina ka pa tahimik, anong problema?" tanong ko sa iyo. Tulad kanina, isang iling lang din ang iyong ibinigay.

"May iniisip lamang ako."

"Ano iyon? Baka makatulong ako? Alam mo namang nandito lang ako palagi sa iyo, 'di ba? Alam mo namang maaasahan moa ko sa lahat ng bagay. May umaway ba s aiyo? Sino? Tara, gulphin natin, sabihin mo lang kung sino. Ano Van, gusto mo—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng mga hikbi galig sa iyo. Bigla akong kinabahan nang makita kitang umiiyak.

"Bakit ka umiiyak? Van, ano bang problema?"

Humarap ka sa akin at kitang-kita ko kung paano tumulo ang iyong mga luha. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong nababaliw na ewan dahil hindi ko alam kung anong dahilan ng labis mong pagtatangis. Hindi ka man magsalita ngunit parang nangungusap sa akin ang iyong mga mata. May pinapahiwatig ito na hindi kayang sabihin ng iyong mga bibig. Ang magaganda mong mga mata ay nagbibigay sa akin ng pangamba. Pangangambang hindi ko alam kung malalagpasan ko pa. pangangambang naghahatid sa akin ng takot. Takot na baka mawala ka.

"Van, magsalita ka naman," pakiusap ko sa iyo. "Tinatakot mo ako, 'e."

"Donne, hindi totoo ang lahat ng ito."

Nagsalubong ang aking kilay sa sinabi mo.

"Anong ibig mong sabihin? Anong hindi totoo?"

"Hindi totoo ang lahat ng ito. Hindi ako totoo."

Umiling ako. "Anonng hindi totoo? Paanong hindi ka totoo? Tingnan mo, nahahawakan kita. Nakakausap kita. Ano ba Van? Huwag ka ngang magbiro ng ganyan."

Niyugyog ko ang balikat mo bakasakaling matauhan ka at sabihing biro laman ang lahat ng sinabi mo. Pinakawalan mo ang mga hikbing kanina mo pa pinipigilan at huminga ng malalim bago muling subukang magsalita.

"Donne, hindi ako nagbibiro. Hindi ako totoo, isa akong—"

"Hindi! Huwag mong sabihin 'yan! Uuwi na ako. Alam mo naman ang daan pabalik, pasensya ka na hindi na kita maihahatid pa."

Mabilis akong tumayo at tumalikod. Madali kong pinunasan ang luhang naglalandas sa aking pisngi. Inumpisahan ko nang maglakad papalayo sa iyo. Hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong makiusap sa iyo na sabihin at ipaliwanag sa akin ang lahat sapagkat gulong-gulo na rin ako. Ngunit, hindi ko mapigilang matakot. Natatakot ako na baka tama ang mg hinala ko. Natatakot ako na baka tama ang sinabi mo. Natatakot ako. Nakakatakot isiping ang katotohanang hindi ka pala totoo.

"Isa akong multo."

Napatigil ako sa paglalakad. Mariin akong napapikit nang sinabi mo na nga ito. Hindi! Hindi ako naniniwala. Nagsisinunggaling ka lang! Hindi iyan totoo.

"Donne, isa akong akong multo. Isa akong multo. Naririnig mo ba ang sinasabi ko? Isa akong multo, Donne. Patawad dahil hinayaan ko ang aking sarili na mapalapit sa iyo. Patawad kung hinayaan kitang saktan dahil lang desperado na ako. Patawad dahil hindi ko sinabi s aiyo ang aking kwento. Patawad kung pagtapos ng lahat ng ito ay iiwan lang kitang mag-isa sa mundo."

Hindi na ako nakatiis. Nilapitan kita at niyakap ng mahigpit. Maririin kong ipinikit ang aking mga mata habang rumaragasa ang luhang matagal ko nang pinipigilan. Hindi ko lubos maisip na pinaglaruan lamang pala tayo ng tadhana. Hindi ko lubos maisip na magiging ganito ang pagtatapos ng kwento nating dalawa. Nakakatawa. Nakakatawa lang. Natatawa ako dahil ang sakit. Sobrang sakit nito.

"Donne, isa akong multo," pag-uulit mo.

Dahan-dahan akong tumango. "Alam ko, matagal ko nang alam."

Gulat kang napabitiw sa mga yakap ko at makahulugan akong tiningnan. Hinawakan ko ang mga kamay mo habang itinatago ang aking mga hikbi.

"Paano? Kailan mo nalaman?"

Umiling ako. "Hindi na importante iyon. Maghahanap tayo ng paraan. Humingi tay ng tulong para maging tao ka ulit."

"Hindi, Donne. Hindi mo naiintindihan. Isa na akong multo at patay na ako. Hindi na ako mabubuhay pa," walang pagdadalawang-isip mong sabi.

"Bakit naman? Hindi naman iyon imposible, 'di ba? Sabihin mo sa'king hindi pa ako nababaliw. Mabubuhay ka pa, 'di ba? Sabihin mong mabubuhay ka pa."

Umiiling-iling ka. "Kahit sabihin ko pa, hindi naman iyon totoo."

Humikbi ako. Kung gayon, walang kahit na anong nakikita at nahahawakan ko ay totoo? Hindi rin ba totoo ang nararamdaman ko sa iyo?

"Hindi! Hindi pwedeng wala tayong gagawin, Van! Hindi pwede 'to. Maawa ka naman sa'kin."

Naramdaman kong hinaplos mo ang pisngi ko at pinatahan ako.

"Donne, makinig ka. Kahit anong gawin naitn, hindi na ako mabubuhay pa, iyon na ang aking kapalaran. Kailangan mo lang akong tulungan na makalaya upang makatawid na ako sa kabila. Gusto ko na ring magpahinga."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kailangan mong hanapin ang katawan ko ngunit bago iyon sa tingin ko ay dapat mo na ring malaman ang lahat. Dapat mong maalala ang nakalimutan mo. Dapat mong maalala kung paano nagsimula ang ating kwento."

Mula roon ay nakaramdam ako ng kakaibang enerhiyang humihila sa'kin. Unti-unting nanlabo ang paningin ko at humihina naman ang boses mo sa aking pandinig hanggang sa wala na akong ibang makita kundi kadiliman. Nakita ko ang sarili ko na tumatakbo. Tumatakbo na parang may tinatakasang tao. Tumatakbo ako sa mahabang daan papasok ng isang masukal na kanto.

Sa unang tingin, hindi ko agad nakilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung papaano pero parang bumata ako. Bumalik ako sa isang pangyayaring naganap na halos siyam na taon na ang nakalipas. Nakikita ko ang sarili ko noong sampung taong gulang pa lang ako. Alam ko, alam kong ako ang batang ito. Ang damit ko, naalala kong iyon ang suot ko noong paskong namatay ang Papa ko.

Nakakapagtaka dahil wala naman akong maalala na may pinuntahan akong masikip na lugar noong paskong iyon. Nakakapagtaka ngunit ano ang ginagawa ko rito? Lahat ng katanungan ko ay nasagot nang mapagtanto kong hindi pala ako tumatakbo upang makalayo. Tumatakbo ako dahil may hinahabol ako. Nakitang kong tinawid ko ang daan papunta sa kabila at nagtago sa tambakan ng sirang kagamitan. Nagpalinga-linga ako upang hanapin ang taong sinusundan ko.

Sandali akong nanatili at nagmatiyag sa paligid hanggang sa may narinig akong babaeng sumigaw. Tumakbo ulit ako at sinundan ang palahaw na iyon at tsaka ko natagpuan ang kagulat-gulat na pangyayari. Kitang-kitang ko kung paano halayin ang isang babae. Sumisigaw ito habang ang lalaki naman ay walang awat sa paghalik sa kanyang leeg at ang kamay nito'y kung saan-saan na naglakbay.

Nanlaban naman ang babae at pilit kumawala sa yakap ng lalaki ngunit suntok at sampal lang ang kanyang natatamo sa tuwing sinusubukan niyang lumayo. Gusto kong sumigaw at pigilan ang isang karumal-dumal na krimen ngunit para bang napako ako sa aking kinalalagyan. Sinasabi ko sa sarili ko na tulungan ang babaeng ito ngunit nagtatago lang ako at nakikinuod sa pangyayari.

Napapikit ako. Umaasang panaginip lang ang lahat ng ito ngunit nagkamali ako dahil totoo pala. Totoong pinanunuod ko ang isang pangyayaring nangyari na sampung taon na ang nakaraan. Ngunit bakit parang nakalimutan ko ang lahat ng ito?

Hindi ko inaasahan ang biglang pagsakit ng utak ko nang makita ko ang kabuuang mukha ng lalaki. Hindi! Hindi ako nagkakamali. Bakit? Paano nagawa 'to ng sarili kong ama? Paano niya masisikmurang halayin ang isang menor de edad? Ngunit parang sinampal ako ng katotohanan nang mapansin kong nakauniporme siya ng pulis at nasisiguro kong siya nga ang ama ko dahil naaninag ko ang apelyido namin na nakaukit sa may dibdib niya.

Halos hindi ako makahinga nang simulan nang hubaran ni Papa ang babae. Simula sa pang-itaas hanggang sa wala nang saplot ang natira. Patuloy na umiiyak ang babae sa tuwing na nalalatayan ito ng halik galing sa aking ama. Napapikit na lang ako nang simulang maghubad si Papa ng pantalon niya. Sampung taong gulang pa ako noon at wala pa akong kamalay-malay sa bagay na hindi ko pa nararanasan o hindi ko dapat maranasan.

Tinakpan ko ang tenga ko at kumanta ng samu't saring kanta para lang maglaho sa aking pandinig ang nakakabinging daing ng babae. Dumaan ang ilang minuto nang mapansin kong tumahimik ang paligid. Nanginginig man ay pinahiran ko ang luha sa aking pisngi at dahan-dahang sumilip sa kinaroroonan ng aking ama.

Nakadapa ang babae at ang mukha nito ay nakaharap sa direksyon ko. Labis na lamang ang aking pagkabigla nang mapagtanto kong ikaw ang babaeng iyon. Ikaw ang babaeng ginahasa ng aking ama. Hinalay ka niya ngunit wala man lang akong ginawa. Impit akong napaiyak nang makita ko ang pamumugto ng mga mata mo at muli ay may luhang tumulo mula rito. Nakatingin ka lang sa'kin na pawang humihingi ng tulong.

Sinuot na muli ng aking ama ang kanyang uniporme. Nakakatawa lang dahil siya dapat itong nagtatanggol sa mga naaapi ngunit iba ang inaasahan ko sa tunay na nangyari. Naalala ko noong mga panahong gustung-gusto kong maging katulad niya ngunit ngayon pinagsisihan ko na.

Napahinto ako nang binunot niya ang kanyang baril at itinutok ito sa katawan mong nakahandusay. Hindi ko alam kung gaano ko kagustong agawin ang baril na iyon at iputok mismo sa kaniya. Gusto kong suntukin ang sarili ko kung bakit wala pa rin akong ginagawa. Nanatili lang akong nakatingin sa iyong mga mata at ganoon ka rin sa'kin. Gusto kong tumakbo at pigilan si Papa ngunit sa tuwing iniisip ko iyon ay nauunahan ako ng takot at kaba.

Tatlong putok ang umalingawngaw sa buong paligid. Aakalain ng mga tao na paraan ito ng iba upang salubungin ang pasko kaya't ni isa ay wala man lang nakapansin dito. Tatlong putok at lahat ng iyon ay tumama sa'yo. Nakita kitang nag-aagaw buhay ngunit nanatili parin akong nakatingin sa'yo. Maka-ilang beses kong sinumpa ang aking ama nang sinilid at pinagkasya ka niya sa isang sako.

Hinila ka niya patungo sa pinakamalapit na ilog. Hindi ko alam kung tama ngunit patuloy ko pa rin siyang sinusundan. Tama nga ang hinala ko at daglian ka niyang itinapon mula sa tulay ng ilog na ito. Napaatras ako nang mapansin kong pabalik na siya sa direksyon na dinaanan namin kanina. Pilit kong siniksik ang sarili ko sa loob ng sirang refrigerator na walang pintuan. Napahinto ako nang makakita ako ng isang tubo, kinuha ko ito at hinawakan.

Kumakalampag ang dibdib ko habang papalapit ang tunog ng yapak niya. Ganoon na lamang ang aking pagkagimbal nang bigla itong huminto sa kinaroroonan ko at yumuko. Buong akala ko'y nakita niya ako ngunit nagtali lang pala ito ng nakalag na sintas ng kanyang sapatos. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang aking lakas ng loob ngunit nakita ko na lamang ang aking sarili na hinahampas ang ulo niya. Napadapa at napadaing siya sa sakit. Narinig ko pang tinawag niya ang aking pangalan, ngunit patuloy pa rin ako sa paghambalos ng tubo sa ulo niya.

Napatigil lamang ako nang mapansin ko ang pulang likido na dumaloy mula sa ulo niya. Napagtanto kong hindi ko dapat saktan ang aking ama. Nabitawan ko bigla ang hawak ko at umiyak habang sinusubukan kong gisingin si Papa. Ngunit kahit anong pilit at sigaw ko ay nanatili pa rin siyang nakapikit. Unang pumasok sa isip ko ay si Mama.

Tumakbo ako nang tumakbo upang makauwi at humingi ng tulong kay Mama. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak habang iniisip kung kasalanan ko ba na mawawala si Papa. Lumabas ako sa kantong pinasukan namin kanina at matuling tinakbo ang mahabang daan patungo sa malayong kabahayan. Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang may bigla sumulpot na kotse sa aking harapan. Parang binubulag ako ng mga ilaw nito at ang kanyang sinag ay nakakahipnotismo. Tumilapon ako ng ilang metro at kumalat ang sariwang dugo mula sa sugat na natamo ko.

Gustuhin ko mang sagipin ang aking batang sarili ngunit anong magagawa nito kung nangyari na ang pangyayaring iyon? Gustuhin ko man ngunit wala akong kapangyarihang baguhin pa ang naganap na. Kung kaya ko lang sana. Sana kaya kong baguhin ang ating tadhana.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro