Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

IKA-APAT NA GABI

SA ika-apat na gabi ng simba. Apat na beses ko ring tinanong ang sarili ko kunng papayagan ba kita. Kung papayagan ba kitang maging parte ng buhay ko. Kung papayagan ba kitang maging buhay ko. Hindi ako nag-atubili at pinuntahan kita. Pinuntahan kita sa ating tagpuan. Pinuntahan kita sa simbahan.


Sabi mo, maghihintay ka. Sabi mo, may ipagtatapat ka. Sabi mo, may ipapakita ka kaya narito ako, naniniwala sa iyong mga salita.


Nakahinga ako nang maluwag nang makita kita. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kitang naghihintay sa ilalim ng kampana. Akala ko wala ka. Akala ko wala ka na. Hindi ko alam kung bakit dito tayo nagkita. Hindi ko alam kung bakit moa ko niyaya. Niyaya mo ako. Niyaya mo akong lumabas tayo ng gabi.


Nakangiti mo akong sinalubong. Ngiting naging dahilan ng aking tuluyang pagkahulog.


"Donne, buti nakarating ka."


Hindi moa ko tinanong. Hindi kita tinanong kung bakit nandito tayo pero bigla ka na lang nagsalita. Salita na sa mga katanungan ko ay tumugon.


"Kaarawan ko kasi ngayon."


Kumurap ako. "Bakit ngayon mo lang sinabi?"


"Wala lang. Gusto lang kitang sorpresahin."


Hindi naman ako ang may-birthday pero bakit ako ang sinorpresa mo? Bakit ako ang nabigla?


"Happy birthday, Van." Ang tanging nasabi ko na lang dahil sa hiya.


Ngumiti ka ulit. Sumama ako sa iyo papunta ng wishing well. Hindi moa ko niyaya at hindi mo rin ako pinilit. Sumama ako s aiyo dahil ayokong masayang ang kahit isang saglit sa mahalagang araw na ito. Hindi ko hahayang maalala mo lang ang gabing ito dahil birthday mo lang. Gusto kong maalala mo ang gabing ito na kasama ako. Kasama mo ako.


Hindi ko alam kung nakakaasiwang pakinggan pero ikaw ang unang babaeng binilhan ko ng regalo. Hindi ko alam pero alam kong sobrang nakakapanibago itong ginagawa ko, pero ayos lang, ayos lang kung para naman sa iyo.


Umupo ka sa tabi ng balon. Sa balon kung saan ko ibinulong. Ibunulong ko ang mga salitang wala sa aking bokabularyo. Binulong ko ang salitang tayo. Lumapit ako sa iyo at inilabas ang cake na binili ko.


Sa unang pagkakataon, nakita ko. Nakita ko kung paano ka nagulat. Nakita ko kung paano ka umiyak sa galak. Nakita ko ang mga luha sa iyong mata ay pumatak.


"Salamat," bulong mo.


"Walang anuman," nakangiti kong sabi. "Dapat pala hindi na kita sinorpresa, umiyak ka pa tuloy."


Tumawa ka. "Sira."


Nagulat ako nang bigla kang pumikit ng ilang segundo habang nakasalikop ang mga kamay mo. Sa iyong pagdilat, kaagad mong hinipan ang kandilang unti-unting natutunaw.


"Ayan, tapos na akong humiling. Pwede na tayong kumain."


Doon ko lang napagtanto na iyon pala ang ginawa mo. Kaya ka pala pumikit. Kaya ka pala nanahimik. Pasensya ka na. Hindi ko kasi ginagawa iyan. Hindi ako naniniwala sa mga hiling. Hindi kasi ako humihiling tuwing sasapit ang kaarawan ko.


Hindi natin napansin ang oras. Hindi natin napansing tatlong oras na pala ang nakalipas. Ngunit, imbes na tumakbo ako pauwi at kumaripas. Nanatili tayo. Nanatili tayong nakaupo at pinagmasdan ang mga bituin sa nagmimistulang Paraiso. Nanatili tayong namamahinga at nagpapalitan ng ating mga salita. Nanatili tayo. Nanatili ako sa iyo.


Nagulat ako nang bigla kang tumayo at tuwang-tuwang itinuro ang madili na kalangitan.


"Donne! May bulalakaw! Nakit mo ba?"


Napaangat ang tingin ko sa mabituing langit. Hindi ka nga nagkamali nang makakita ako ng bulalakaw na dagling dumaan sa langit. Hindi ka nga nagkamali dahil napakaganda nito.


"Ang ganda, no? Dali! Humiling tayo!"


Hindi na ako nakaangal pa nang pumikit ka at nanahimik bigla. Napatingin ako sa iyo. Bakit ba? Bakit ba sa lahat na lang ng bagay humiling ka?


"Ano bang hiniling mo?" tanong ko sa iyo.


"Hiniling ko lang ang bagay na imposibleng mangyari."


Nagsalubong ang kilay ko. "Kung ganoon, bakit ka pa humihiling kung alam mong imposible pala iyon mangyari?"


"Kaya nga tayo humihiling dahil imposible ang kahilangan natin."


Iniwan akong nakatulala sa iyong mga salita. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig mong sabihin. Ngunit, imbes na magtanong, tumitig ako sa iyo. Naglalaro sa isipan ko ang isang tanong. Humiling ka sa balon. Humiling ka sa mga kandila. Humiling ka sa mga bulalakaw. Ngunit, ano ang kahilingan mo?


***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro