Chapter Two
CHAPTER TWO
"Hello, Aen," the woman greeted him.
"W-What are you doing here?" seryoso pero gulat at nauutal niyang tanong.
Bumalik na pala ito. Naglakad ang babae palapit sa kanya. Hell! She looks freaking sexy while walking towards him. Aeneas can't help himself to admire her beauty. Liviana Symmes is such a goddess. Mula noon hanggang ngayon.
"Kumusta ka na?" she asked while smiling at him widely.
Fuck! That's it? How dare this woman asked him how is he? She fucking left him five years ago and he can still remember how she broke him. And now, she's asking him, how is he? Kahit naman ito pa rin ang nilalaman ng kaniyang puso ay hindi niya maikakailang galit siya sa dalaga. Sa kabila ng mga hinanakit ay hindi niya ikakaila na walang nagbago ang kaniyang damdamin para sa babae. What the use of denying? Lolokohin lang niya ang sarili.
Natawa siya ng pagak. "I'm perfectly fine. So, what are you doing here? And who told you to enter my office without my permission? I can sue you for trespassing."
Nilapatan niya ng kaunting panunuya ang kaniyang tono. Walang kahit anong emosyon din ang mukha niya habang nakatingin kay Liviana. He have to show her that he's not affected by her presence.
"Hmm..." She stopped one meter away from him.
Siya naman ay naglakad patungo sa swivel chair niya at naupo roon. Isinandal niya ang likod at ulo sa upuan saka ipinatong ang dalawang paa sa lamesa at pinagkrus ang mga iyon.
"Kung hindi ka magsasalita, pwede ka nang lumabas ng opisina ko," he plainly said before closing his eyes. Pagod na pagod talaga siya.
"A-are you t-tired?" nauutal na untag sa kanya ni Liviana.
Shit! Seriously? What is this woman thinking? Ano ba talaga ang ginagawa nito rito?
Napadilat si Aeneas ng mga mata at blankong tumingin sa dalaga. "What? Are you fucking serious? Iyan ba ang sinadya mo rito? Para lang tanungin ang kalagayan ko? If yes, then you can leave now. Nasagot ko na kanina ang pangungumusta mo."
"I'm sorry for that," hingi nito ng paumanhin bago itinuro ang ibabaw ng lamesa niya. "I formally came here to invite you to my wedding. Nilagay ko ang invitation card diyan sa lamesa mo."
Saglit siyang natigilan. Did he heard it right? His ex-girlfriend was inviting him to her wedding?
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Wedding? Say if again. Your wedding?"
Tumango ang dalaga.
"Yes, my wedding. Sana makapunta ka. Sige, magpapaalam na ako at sorry ulit sa istorbo. I hope you can come." She smiled then left his office.
Nakatanga lang si Aeneas sa nilabasang pinto ni Liviana. She's leaving again but the difference is she bid her goodbye and the fucking truth that they are not lovers anymore. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni Liviana sa kanya. She was inviting him to her wedding?! Her fucking own wedding!
"Balladier and Symmes Nuptial," mahinang usal niya habang binabasa ang laman ng invitation card. "She's really getting married."
Hindi iyon puwedeng mangyari! He can't let that happen! Pinindot niya ang mouse ng computer na siya ring nagsisilbing intercom niya at naka-konekta iyon sa intercom ng sekretarya sa labas ng kaniyang opisina.
"Come inside, Georgina."
Matapos sumagot ang sekretarya ay ilang segundo lang lumipas nang bumukas ang pinto at pumasok si Georgina.
"Ano pong ipag-uutos niyo, Sir?"
"Know everything about, Finn Balladier. Everything about him. Ipaalam mo sa 'kin kaagad ang impormasyong makukuha mo," nagngi-ngitngit na saad niya.
"Noted, Sir," bakas sa boses ng sekretarya ang pagkabigla.
"You may now leave."
"Okay, Sir. Ipapa-alala ko lang po na thirty minutes na lang po ang natitira bago ang lunch meeting ni'yo kay Mr. Takunawa."
Tumango na lamang siya pagkatapos ay lumabas na ito.
HINDI MAKAPANIWALA si Liviana sa ipinakitang asal sa kanya ni Aeneas. He's being rude to her. Ramdam niya rin kanina ang lamig ng pakikitungo nito sa kanya.
Of course, What do you expect? You left him without even saying any word! Gaga ka rin, e!
Alangan namang salubungin ka niya nang isang mainit na yakap? That will never happen! Alam niyang nasaktan niya ito noong iwan niya na lang nang walang paalam. She had to do that. She had her own reasons. Kailangan niyang umalis para sa pangarap niya. Kailangan niyang pumunta sa France para maabot at maisakatuparan ang pangarap niyang maging isang fashion designer and she did. Mga bata pa sila noon, they're just 20 back then. Sa gulang nilang iyon ay alam niyang marami pa silang mga pangarap na gustong abutin. Hindi lang naman para sa kanya ang ginawa niya kundi para sa kanilang dalawa.
Kinaya niyang isakripisyo ang pagmamahal niya rito noon para sa kanilang dalawa. Hindi lang naman ito ang nahirapan at nasaktan sa pag-alis niya noon, pati rin siya ay sobrang nasaktan. Sino ba naman ang hindi, 'di ba? They're college sweethearts. Mahal na mahal nilang pareho ang isa't-isa noon pero nagbabago ang tao. Panahon nga nagbabago, tao pa kaya?
As years goes by, she's twenty-six now and he is too. Siguro naman nagmature na silang dalawa at nakapag-move on na sa isa't-isa. Wala naman sigurong magiging problema kung imbitahan niya ang binata sa nalalapit niyang kasal. Nasa tamang gulang na rin naman siya para mag-asawa at magka-pamilya.
She met her soon to be husband, Finn Balladier in France. He is a french and one of the well-known photographers in France. Well, magandang lalaki rin naman si Finn. Mahal siya nito at gano'n din siya rito.
Napukaw si Liviana sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa loob ng bag at mabilis na sinagot nang makitang ang matalik na kaibigang si Jamina ang tumatawag.
"Liv, nag-set na ang AeRom Magazine ng meeting para sa 'tin!" masiglang balita nito.
Napangiti siya nang malawak. "Oh, my gracious! That's great to know. Sige, papunta na ako riyan sa office para mapag-usapan natin nang maayos," aniya bago pinatay ang tawag.
Thank you, Lord! Sa wakas makikipag-meeting na rin sila sa AeRom Magazine na isa ngayon sa pinakasikat at malaking Magazine Company sa Asia, Europe, at maging sa America na ginamit pa sa isang kilalang modeling show na ipinapalabas ngayon sa America. AeRom Magazine is owned by Aeneas Romulus Winrich and she already knew that from the very start.
Isa rin ito sa dahilan kung bakit siya bumalik ng Pilipinas. Hindi lang para mag-imbita kundi may kinalaman din sa trabaho niya. Sa Paris kasi siya naka-base kung nasaan ang main branch ng MyzTylex. MyzTylex is a Fashion Company originated and based in Paris, France. It is owned by the great fashion designer, Myza Tylex. Pero ngayon nandito na siya sa Philippine branch ng MyzTylex para asikasuhin ang pakikipag-transaksiyon sa AeRom Magazine.
Paniguradong masayang-masaya ngayon ang buong MyzTylex. Hindi naman yata papahuli ang mga gawa nilang damit na siguradong magugustuhan ng madla. Isa pa, nadamitan na rin nila ang mga sikat na Hollywood actresses kaya nasisiguro niyang tatanggapin ng AeRom Magazine ang proposal nila. She's working at MyzTylex as a fashion designer. Natupad din niya ang pangarap na maging fashion designer. Hindi lang basta fashion designer kundi isa siya ngayon sa kilalang fashion designer sa Paris at gusto niya pang makilala sa buong mundo.
Inubos muna ni Liviana ang iniinom na kape sa isang coffee shop bago tumayo saka binitbit ang shoulder bag at lumabas na. Sumakay siya sa Porsch na niregalo ng Daddy niya sa kanya noon, mabuti at buhay pa hanggang ngayon. It's been six years since the last time she drove it. Pinaandar niya iyon at minaneho patungo sa temporary building ng MyzTylex Philippines.
NANG MATAPOS ang lunch meeting ni Aeneas kay Mr. Takunawa ay dumiretso siya sa Winrich Eagle Corporation. Eagle, malayang nakalilipad. Agila ang trade mark ng kompanya nila. Winrich Eagle Corp. produces legal weapons that can use in wars. Isa rin sila sa mga nagpo-provide ng mga kagamitang pandigma sa Gobyerno. Garantisado ang mga gawa nilang mga iba't-ibang klase ng baril, bomba, mayro'n din silang hi-tech na kanyon at marami pang ibang weapons. Name it and they have it.
Binati siya ng security guard nang makita siya. Tinanguan lang niya ang guwardiya. Lahat ng empleyadong nadadaanan niya sa lobby ay bumabati sa kanya. Malawak ang lobby ng kompanya at may naka-ukit pang simbolo ng agila sa front desk pati na sa marmol na sahig.
Pinindot niya pabukas ang private elevator nilang magkakapatid na may nakalagay ring logo ng agila. Pinindot niya ang 25th floor kung nasaan ang opisina nilang magkakapatid. Magkakahiwalay ang opisina nila pero nasa iisang palapag lang iyon. Nang makarating doon ay hindi muna siya dumiretso sa kaniyang opisina bagkus ay pinuntahan muna niya ang opisina ng nakatatandang kapatid na siyang CEO ng kumpanya. The one and only, Dominique Vaughn Winrich.
Hindi na siya kumatok, diretso na lang siyang pumasok. Gulat namang napa-angat ng ulo ang kapatid mula sa mga pinipermahang papeles.
"Hey, bud. You're back. Ngayon mo na ba kami ililibre?"
Pasalampak siyang naupo sa sofa. "Anong baril ang may pinakamalakas na tama kapag ipinutok sa isang tao?"
Napakunot-noon naman ang kapatid sa tanong niya. "Ano? What's gotten into you?"
Tumingin si Aeneas kay Vaughn na ngayon ay nakatayo sa harapan niya.
"She's back, Kuya. She invited me to her wedding! She's getting married!"
"Who? What do you mean?" nakapamulsang tanong ulit nito.
"Liviana is back, Kuya. She came back just to invite me to her fucking wedding! And all I wanted to do is to kill whoever that guy shes is going to marry!" nagpupuyos sa inis na saad niya.
"Oh? Is that so? I thought you already moved on?"
He blankly stared at his brother. "Seriously? You know how much I love her. You know that."
"Exactly, brother! You love her? Then don't just sit there, make a move." His brother is always supportive.
"Hell, yeah. I will," nakangising aniya.
Napailing-iling naman ang kapatid. "Just make sure that you can make her love you again. I'm looking forward to your wedding with that woman."
Pilyo naman siyang napangiti. "Soon."
Tumayo na siya sa kinauupuan at nagpaalam na sa kapatid. "Punta na ako sa office ko. Ililibre ko kayo mamayang gabi."
"Okay, then."
Pinihit na niya ang pinto pabukas saka lumabas na at naglakad patungo sa opisina niya. Nadatnan niya roon si Conrad, ang secretary niya rito sa Winrich Eagle Corp. Magkaiba ang secretary niya sa sariling kompanya at dito. Si Georgina ang pinagkakatiwalaan niya sa AeRom kapag wala siya roon o 'di naman kaya ay kung nasa ibang bansa siya at nangangarera. Ganundin kay Conrad. Mapagkakatiwalaan namang talaga ang dalawa.
"Hey, Con. Ano'ng balita?" bati niya sa lalaki.
"Sir, nakabalik na po pala kayo. Congrats po sa pagkakapanalo niyo ulit," nakangiting ganti nito.
"Thanks, Conrad. We'll celebrate later. Ano ang mga nangyari habang wala ako?" he asked again.
"Wala naman pong gaano, Sir. May tambak lang pong papeles kayong pipirmahan na galing po kay Sir Faunus."
"Oh, yeah. Wala akong masyadong trabaho sa kabila but I guess marami akong naiwan dito," napatango-tangong sabi niya.
"Opo, Sir. Nakalagay na po lahat sa lamesa niyo."
"Okay. Magtrabaho na tayo." Tinapik niya sa balikat si Conrad bago ito tinalikuran.
Malutong na napamura si Aeneas nang makita ang tambak na papeles sa ibabaw ng lamesa niya pagkapasok sa loob ng opisina. Kapag sinabing tambak, literal na puno ang lamesa niya. Apat na araw lang siya sa France pero sobrang tambak na trabaho naman yata ang naiwan niya.
Galing lahat ang mga papeles sa kapatid niyang si Faunus. Faunus Evander Winrich is such a demon. Faunus is Faunus.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kapatid, ilang ring lang ang nagdaan ay sinagot nito ang tawag.
"You fucking dickhead, brother!" kaagad na bungad niya rito sa kabilang linya.
Wala itong pakialam kung murahin niya nang murahin dahil mas malala pa ito sa pagmumura.
"What is it fucker? I'm busy you fucking moron," mukhang bad mood ang kapatid.
"Kaya pala may patawag-tawag ka pang nalalaman para i-congratulate ako, may pasabog ka pala sa 'kin. Ano'ng ginagawa ng maraming papeles dito sa lamesa ko? What the heck, kuya!" reklamo niya.
"Napirmahan na namin ang mga 'yan. Pirma mo na lang ang kulang. Make it faster, kailangan na 'yan mamayang hapon."
"What the fuck?! That instant?"
"Yes, bud," pagkasabi niyon ay pinatay na nito ang tawag.
Ibinalik niya sa bulsa ang cellphone saka nilapitan ang mga tambak na papeles na pipirmahan niya. Napabuga siya nang marahas na hininga. Sanay na siya sa maraming trabaho kaya matatapos niya itong pirmahan bago maghapon. Naupo na siya sa kanyang swivel chair saka sinimulang buklatin at basahin ang mga papeles na nakalagay sa mga kulay itim na folder na may logo ng kompanya pagkatapos ay pipirmahan niya.
This would be a very tiring afternoon. Lalo na't wala pa siyang pahinga.
Hope you like it!
Collaboration with deegagsWriter
Please check out her accout or stories para mabasa niyo ang pangatlo at pang-apat na story ng WINRICH BROTHERS SERIES.
Salamat!
💞velenexia_06💞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro