Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three


CHAPTER THREE

MABILIS NA NAGLAGAY ng foundation sa mukha si Liviana saka nagpahid ng pulang lipstick sa labi. She puckered her lips then smiled at her foundation's mirror. Ngayon kasi ang scheduled meeting nila sa Aerom Magazine. Handang-handa na rin sila sa presentation nila. Kinakabahan man pero dapat push lang.


"Hoy, girl! Tama na ang pagpapaganda. 'Wag kang mag-alala hindi ka naman mapapansin ng may-ari ng Aerom Magz," untag ni Jamina sa kanya.

Nakilala niya si Jamina sa France nang mag-aral siya roon. Naging kaklase niya ito. Mabilis niyang nakapalagayan ito ng loob dahil may dugo rin itong Pilipino at marunong managalog kaya kalaunay naging magkaibigan sila.

"Excuse me? Hindi ako nagpapaganda para sa may-ari ng Aerom Magazine. I'm just being presentable. At isa pa, ikakasal na ako 'no," nakaikot ang mga matang sabi niya.

Humalukipkip ang kaibigan at tinaasan lang naman niya ito ng kilay.

"Ows? 'Di nga? Alam ko naman e," anito na parang hindi naniniwala at may iba pang ibig sabihin.

"Oo nga! Matagal na 'yon, okay? Wala na ang feelings ko sa kanya," aniya at kinuha na ang shoulder bag saka isinukbit iyon sa balikat.

Jamina knows everything. Kinuwento niya rito ang naging relasyon nila noon ni Aeneas na siyang may-ari naman ng Aerom Magazine. At totoo ang sinabi niya, wala na talaga siyang nararamdaman pa sa binata. Heto nga at malapit na siyang ikasal.

"Okay. Sabi mo e," kibit-balikat nitong sabi.

Mukhang hindi talaga kumbinsido ang kaibigan sa sinabi niya. Bahala ito. Basta siya, siguradong-sigurado siya sa lahat ng mga sinabi niya.

"Of course. Tara na nga. Bitbitin mo na 'yang laptop baka makalimutan pa natin."

"Ay! makautos wagas? Opo, bibitbitin ko na."

Nagkatawanan na lang sila bago lumabas na ng opisina niya. This is it. Pinagkatiwalaan sila ni Madame Myza sa proyektong ito at wala silang balak na i-disappoint ito kaya naman talagang pinaghandaan nila ito.

Sumakay na sila sa kotse niya at pinaandar iyon patungo sa Aerom Magazine building. Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating na rin sila sa destinasyon nila. Matapos iparada ang kotse sa parking lot ay kaagad din silang umibis saka magkasabay ng kaibigan na naglakad papasok sa malaking building ng Aerom Magazine.

May sumalubong sa kanilang isang babae, agad naman niyang mamukhaan ang babaeng naglalakad palapit sa kanila. Walang iba kundi ang sekretarya ng CEO na si Georgina. Maganda at sexy si Georgina. Morena ang kulay ng balat nito at matangkad din. Iyon nga lang may suot itong malaking salamin kahit na gano'n ay hindi pa rin nakabawas iyon sa taglay nitong kagandahan.

Did Aeneas fuck Georgina already? Out of this world na tanong niya sa isipan. Wow ah! Laswa ng tanong niya. Erase! Erase! Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya, e. Wala na siyang pakialam doon. E, ano naman ngayon kung Oo? Aenes is known for being a womanizer. He can fuck any woman he wants. Kahit pa siguro empleyada nito ay naikama na rin nito at hindi na iyon kataka-taka pa. Pero hindi naman siguro nito isinasabay ang pambabae sa trabaho...

"Di'ba?"

"Ha? Anong di'ba ang sinasabi mo riyan, girl!" takang tanong sa kanya ni Jamina.

Oh god! Ano ba 'yan! Pati ba naman 'yon, naisatinig niya?

"Ibig kong sabihin hindi pa ba tayo aakyat sa itaas?" palusot niya.

"Opo, Ma'am. This way, Ma'am," saad ni Georgina na nakalapit na pala sa kanila.

"Okay. Let's go."

Iminuwestra na nito ang daan at sumakay na sila sa elevator. Pinindot ni Gerogina ang 14th floor marahil kung nasaan ang conference room.

"Miss, nandoon na ba ang CEO?" biglang tanong ni Jamina na nakangiti pa na parang sinisilihan ang puwet.

Siniko naman niya ito pero walang epekto iyon sa kaibigan. Naku! Talagang babaeng 'to!  Crush na crush kasi nito si Aeneas, e.

Ngumiti naman pabalik si Georgina. "Yes, Ma'am."

"Ay shucckksss! Makikita ko na rin ang napakagwapong nilalang na itinadhana na maging ama ng mga anak ko!" over acting na tili nito.

She rolled her eyes.

"Tumahimik ka nga, Jamina. Nakakahiya ka na," saway niya sa kaibigan.

Inirapan naman siya nito. "Inggit ka lang!"

Ano? Siya naiinggit? No. No. No.

"You wish."

"Doncha worry girl! Ako na ang magpapa-anak kay Aeneas Romulus Winrich para sa 'yo. Parang representative gano'n. Imbitado ka naman sa binyag ng magiging anak namin, e," humahagikgik pang dagdag nito.

Oh god! Baliw na 'tong kaibigan niya! Hindi na lang niya ito pinatulan hanggang sa bumukas na ang elevator. Magkaka-sabay silang lumabas na tatlo. Mas nauuna lang ng kaunti si Georgina sa paglalakad at sila naman ay nakasunod lang dito. Tumigil sila sa isang kulay brown na pinto na may nakalagay na logo ng kumpanya.

Binuksan ni Georgina ang pinto ng conference room kaya agad din naman silang pumasok. Nabungaran nila ang malaki at malawak na conference room. Wala pang tao sa loob, eksakto maii-ayos pa nila ang mga gagamitin nila sa presentation nila.

"Sige po, Ma'am. Maiwan ko muna kayo rito habang inaayos niyo ang mga gagamitin niyo. Fifteen minutes pa po bago magsisimula ang meeting," ani Georgina.

"Thank you, Georgina."

Tumango lang ito sa kanya bago tuluyang lumabas. Sinimulan naman na nilang i-ayos ang mga gagamitin nila. Una nilang isi-net up ang laptop at projector. Madali na lang nilang nagawa iyon dahil hindi na problema pa ang projector board kasi mayroon nang nakakabit sa dingding.

"Girl, this is it! I'm so nervous," Jamina said.

Humugot naman si Liviana nang isang malalim na hininga.

"We can do this, girl. Matatanggap ang proposal natin. Just believe in ourselves," pagpapalakas loob niya rito at sa sarili saka itinaas pa ang mga kamay na parang nagda-dumble lang.

"Yeah! Fighting!" sabi pa nito.

Mabilis naman silang pumuwestong magkaibigan sa harapan nang bumukas ang pinto at magkaka-sunod na pumasok ang mga board members na kailangan sa meeting. Huli namang pumasok ang CEO.

Aeneas Romulus walked with almighty. Bakas ang kaseryosuhan sa mukha nito habang papasok. Afterall, he's a ruthless businessman. Bagay na bagay rin dito ang suot na black three piece suit na pinarisan ng black italian shoes. Maputi ito at maskulado ang hubog ng katawan na nasisiguro niyang may itinatago pa rin itong abs sa suot nitong suit. Ang magkahalong itim at brown nitong buhok ay nakaayos pakaliwa. Napakalinis ng mukha nito na walang anumang bakas ng balbas. His perfect frowned dark eyebrows down to pointed nose and his pinkish and kissable lips are still on the right place. And there's his blue eyes that can melt every fiber you have in your body every time those eyes looked at you. Mas lalong gumuwapo si Aeneas ngayon kumpara noon.

Wait! Stop! Ano ba naman 'yan! Kailangan niya ba talagang pagmasdang mabuti ang binata? Pero totoo talaga. Mas gumuwapo ito ngayon.

Napukaw si Liviana sa pag-iisip nang binati ng mga board members si Aeneas. Hindi man lang ito sumagot bagkus ay diretso lang ito sa pag-upo sa swivel chair na naka-puwesto sa pinakadulo ng conference table paharap sa kanila. Sinenyasan nito ang sekretarya na parang pinasasabi nito rito na simulan na nila ang presentation nila.

Nakita niyang tumango si Georgina saka lumapit sa kanila. "Ready na po ba kayo? Start na raw po kayo sa presentation niyo."

Tama nga siya. Kaagad namang tumalima si Jamina at nagtungo sa harapan ng laptop na nakakonekta sa projector. Kinuha naman niya ang remote ng projector. Nang makitang naka-play na ang presentation nila ay walang patumpik-tumpik siyang nag-present. Kinakabahan siya pero kaya niya 'to. Nag-thumbs up pa sa kanya ang kaibigan.

"A pleasant morning to all of you. I am Liviana Symmes of MyZtylex Fashion Company," pagpapakilala niya. "I am here to present our guaranteed and high quality fashion clothes that was designed by MyZtylex fashion designers, including me," she said then smiled at them.

"We want to propose our own designed clothes and our company to be featured by Aerom Magazine. We all know that Aerom Magazine is one of the well known and biggest magazine company not just in Asia but also in America and Europe. We have the best design clothes, hindi po papahuli ang mga designs namin. Magagandang tela ang gamit namin at pulidong-pulido po ang pagkaka-gawa at pagkaka-design ng mga damit. So, our main goal is to be known or popularized our design clothes all over the world. At para po mas ma-convinced kayo, hayaan niyo pong ipakita ko ang aming mga gawa," nakangiting patuloy niya.

Inisa-isa ni Liviana ang pagpapakita sa mga samples nila habang ipinapaliwanang ang mga iyon at nasisiyahan siya sa reaksiyon ng mga ka-meeting niya, namamangha at nagagandahan ang mga ito sa mga gawa nila. Pero ang CEO ay wala man lang reaksiyon, seryoso lang itong nakatingin sa ipinapakita niya. Oh god! Please! Sana magustuhan nito. Nakasalalay sa kanila at dito ang MyZtylex.

Ngumiti siya sa mga naroon nang matapos niyang maipakita ang lahat ng mga samples nila. "I hope nagustuhan niyo po."

"Very beautiful presentation, Miss Symmes. I like it. I can say MyZtylex is such a great fashion company," anang isang matandang lalaki na naka-upo malapit sa kanya.

"Yeah. I like it too. It would be very great if your comapany's design will be featured by Aerom. It's all worth it," segunda naman ng isang babaeng ka-meeting nila.

"Thank you, Sir and Madamé."

Nakakataba ng puso ang mga sinabi ng mga ito.

Sunod namang nagsalita ang isa sa mga naroon. "Great job! We like it. So, Mr. Winrich what can you say about their presentation?"

Tumingin sa kanya si Aeneas. Diretsong-diretso ang pagkakatitig nito sa kanya parang nanunuot sa kaloob-looban niya ang tinging ipinupukol nito sa kanya.

"NO," matigas na sabi nito sabay tayo at walang lingon-likod na lumabas ng conference room at kaagad ding sinundan ng sekretarya nito.

W-what?! Anong NO?! Hindi puwede 'yon!

Nakaawang ang bibig ni Liviana na nakatingin sa pintong nilabasan ni Aeneas. Maging ang mga kasama niya sa loob ay hindi rin makapaniwala sa pagtanggi ng CEO sa presentation nila.

Oh god! This can't be!

"Miss Symmes, we apologized for the CEO's answer but we will try our very best to convince him to approve your presentation," ani ng lalaking nagtanong kanina kay Aeneas.

Nagpa-alam na ang mga ito at lumabas na sa conference room. Nanlulumo naman siyang napahawak sa noo niya at naiiyak na tumingin kay Jamina. Pati ito ay bakas din ang pagkadismaya sa mukha nito. Sino ba naman ang hindi, 'di'ba?

"Girl, rejected. Paano na 'yan?" malungkot na tanong sa kanya ng kaibigan.

"Bakit gano'n siya? Maganda naman ang presentation natin ayon pa nga sa mga board members. Pinagpuyatan at pinagpaguran ng mga company designer 'yon at sa pag-compile natin doon para maging worth it. Oh god! Ayaw kong i-disappoint si Madamé Myza," naiiyak na sabi niya.

Naupo naman ang kaibigan sa swivel chair na nasa harapan niya. "Girl, personal issue yata ang dahilan kaya na-reject ang presentation natin."

Kaagad niyang nakuha ang ibig nitong sabihin. Tiningnan niya ng masama si Jamina. Bakit parang sinisisi siya nito?

"So, kasalanan ko gano'n? Sinisisi mo ba ako?" inis na tanong niya.

"Girl, hindi ko sinabing kasalanan mo. Over ka naman! Opinyon ko lang 'yon. Ang hot mo. Grabe! Grabe!" depensa naman nito.

"Mabuti nang magkalinawan tayo. And speaking of magkalinawan. Puwes! I will not let him just reject us like that! Ako mismo ang kakausap sa kanya. Hindi ako basta-basta tumatanggap ng rejection. Ipaglalaban ko 'to!"

Mabilis niyang tinungo ang pintuan at lumabas.

"Girl! What are you going to do?! 'Wag kang mag-eskandalo baka ipadampot tayo sa pulis!" histerikal na habol ng kaibigan sa kanya.

"Don't worry, hindi ako mag-e-eskandalo. Hindi ako gano'n," aniya saka patuloy lang na naglakad at pumasok sa elevator.

Nang makarating si Liviana sa kinaroonan ng opisina ni Aeneas ay diretso lang siyang pumasok sa loob na hindi na pinansin ang pagpigil sa kanya nina Gerogina at Jamina. Nang makapasok siya ay parang itinulos siya sa kinatatayuan. Parang nanonood siya ng live show na kasisimula pa lang. Hindi man lang namalayan ng mga itong may pumasok.

May babae kasing kahalikan si Aeneas at ang haliparot naman ay nakakandong sa binata paharap. Marahas na hinahalikan ni Aeneas ang babae at ang mga kamay nito ay naglalakbay sa kahit anong parte ng katawan ng babae ang mahawakan nito. Ang haliparot naman ay umuungol habang galaw nang galaw.

May gano'n? Oh god! Enough! It's too much.

"Sunog! Sunog! Sunog! Sana masunog ang mga kaluluwa niyo! Suuunnnoooggg!" sigaw niya para makuha ang atensiyon ng dalawa.

Nagtagumpay naman siyang mapaghiwalay ang dalawa. Aligagang tumayo ang babaeng haliparot mula sa pagkaka-upo sa harapan ni Aeneas. Inayos ng babae ang nakataas nitong dress. Kahit naman inayos nito ang suot ay parang hindi rin naayos. Ang ikli ng suot nito, nagdamit pa kung hindi na lang kaya? Masyadong liberated. Siya nga na tumira ng limang taon sa France, hindi naman siya naging gano'n manamit. Dalagang Pilipina kasi siya. E, itong babaeng kaharap niya? Dalagang Malibog!

"Leave," maikling utos ni Aeneas sa babae.

Agad naman itong tumalima palabas.

"What are you doing here? You're disturbing me."

Wow ah! Disturbingin niya bayag niya!

"Anong 'NO' ang sinabi mo roon? Maganda naman ang presentation namin ah! Hindi mo man lang tiningnan mabuti bago mo nireject! Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang pag-approve mo?!" hindi na napigilan ni Liviana ang galit.

Blanko lamang itong tumingin sa kanya bago tumayo at inayos ang nagusot na long sleeve at i-zinipper ang slacks na suot. Oh? Hindi pala kasisimula ang nakita niya kanina, talagang nagsimula na kaya pala may ungol. Nevermind! Erase!

"Just leave, will you?"

"Hindi! I need to know the reason why you rejected our presentation," pagmamatigas niya.

She saw how his jaw tightened. "Why? Kailangan bang sabihin ko sa'yo ang rason ko? Bakit? Kailangan bang may rason sa lahat ng bagay?"

"Yes! Kailangan para maintindihan ko," she said.

Napahampas ito sa lamesa. "That's bullshit! Then why did you leave me without any word or reasons five years ago?! Then you fucking tell me the reason why so that I could also understand!"


Dear Liviana and Aeneas,

   Oh ano? Ankonek sa trabaho, Aeneas? Hahahahaha! Balakayojan! Hahaha! Basta chill lang ha? 'Wag masyadong highblood baka mag-maintenance kayo nang wala sa oras. Hahaha!

Nagmamahal,
TAMAD NA OWTOR

Hope you like it!

Collaboration with deegagsWriter

Please check out her accout or stories para mabasa niyo ang pangatlo at pang-apat na story ng WINRICH BROTHERS SERIES.

Salamat!

💞velenexia_06💞

#Pabitin
#Nyahahaha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro