Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six

PASADO ALAS ONSE na ng gabi pero gising pa rin si Aeneas, hindi siya makatulog kaka-isip sa nangyari kanina sa opisina niya. Kaya naman naisipan muna niyang uminom ng alak baka sakaling antukin siya. Naka-upo siya sa high stool sa harapan ng bar counter ng bahay niya. He's leaving alone. Bumukod na kasi silang magka-kapatid, tutol pa noon ang kanilang ina ngunit kalauna'y pumayag din ito. At mukhang nagagawa na rin ng mga magulang ang gustong gawin nang wala silang nalalaman. Napabuga siya ng hangin bago sinalinan ng Jack Daniels ang baso niyang wala na palang laman. Nilagyan din niya iyon ng ice cubes saka diretsong nilagok. Sumigid ang masarap at mapait na lasa ng alak sa lalamunan niya.

Hindi niya maiwasang isipin ang nangyari kanina, umiyak si Liviana sa kaniyang harapan at kasalanan niya iyon. He didn't mean to cussed at her. Bigla kasing kumulo ang dugo niya nang mabanggit nito ang nalalapit nitong kasal sa pesteng lalaking iyon para lang kumbinsihin siya. Fuck! Hindi iyon nakatulong! He rejected their proposal, it's not because their designs are not worth it, it is because he want to see her again. It's his way to be near her again! He knew that if he would reject their proposal, he can find a reason to see her again. Babalik at babalik ito sa kumpanya nila dahil kailangan sila nito. Plinano niya ang lahat, sinuhulan din niya ang iba pang Magazine Company para huwag tanggapin ang MyZtylex kung sakaling lumapit ang mga ito. He succeeded. Liviana is only his! Sa kanya lang. He will not let her marry another man. Never!

Inubos niya ang laman ng baso niya, pagkatapos ay iniligpit niya ang Jack Daniels na kalahati na ang laman at ang baso naman ay inilagay niya sa lababo. Umakyat na siya sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto niya. Pagkapasok niya sa kwarto ay hinubad niya lahat ng saplot sa katawan saka pabagsak na nahiga sa kama para matulog. Tomorrow is another day. Another plans.

MAAGANG pumasok si Aeneas sa Aerom Magazine. Nadatnan niya ang sekretaryang abala sa pag-aayos ng mga papeles na nasa lamesa nito. Bumati ito nang makita siya.

"Good morning, Sir."

He nodded. "Georgina, call or email MyZtylex. Tell them to have a lunch meeting with me."

"Copy, Sir."

Napatigil siya sa pagbukas ng seradura ng pintuan at muling humarap kay Georgina. "And I want Liviana Symmes to be their representative."

Tumango ito. "Okay, Sir."

Diretso si Aeneas sa kaniyang swivel chair pagkapasok sa loob ng opisina niya. Itinuon niya ang buong atensiyon sa trabaho. Wala pang isang minuto nang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina, inilapag ni Georgina ang dalang isang tasa ng kape sa gilid ng lamesa niya.

"Thank you, Georgina."

"You're welcome, Sir. Nakakuha na po pala ako ng impormasyon tungkol kay Finn Balladier," sabi nito.

Napa-angat siya ng tingin. "Give it to me," ibinigay naman nito ang impormasyong nakalap. "Thanks and you may leave now."

Binuksan niya ang brown envelop nang tuluyang makalabas si Georgina. Nagdilim ang kaniyang paningin nang makita ang litrato ng papakasalan ni Liviana at ang mas nagpa-init ng ulo niya sa nakalagay na impormasyon tungkol dito. It says, 'fiancè of the fashion designer, Liviana Symmes and to be married this coming August.'

Nagtatagis ang mga bagang na nilukumos niya ang pahinang iyon. He will not let that happen! Parang isang kabuteng tumubo ang sungay niya sa naisip. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang taong makaka-tulong sa kaniya.

Ilang ring lang ang nagdaan bago sagutin ng taong tinatawagan ang tawag niya. "Hey, fucking friend!Que puis-je faire pour vous?" his friend, Enzo Delvaux. (What can I do for you?)

"Hey, too, fucking friend! Do you know a certain Finn Balladier?" diretsong tanong niya. He understands and speaks French but he prefer speaking in English when he's talking to this fucker.

"Wait..." saglit na natigilan ang kausap sa kabilang linya. "Yeah, he's one of my company's highest paid and well known photographer. Why?"

Napangisi siya. "Exactly. He stole someone from me. I want you to fire him."

"What the fuck, Rom! What someone? I can't just fire anyone without any acceptable reason," naguguluhang bulalas nito.

"Yeah, I know. But heck! I bet you know Liviana Symmes, right? That bastard stole her from me! And I'm telling you, man! I want to ripped off everything that fucking bastard has!" nagtatagis ang mga ngipin na sabi niya.

"Okay. I get it. Liviana Symmes is your ex-girlfriend and you still want her but she's Finn Balladier fiancè and they're getting married next month and another fucking and, you won't let that happen. Am I right with this cliche scenario, fucking friend?"

"You're fucking right, fucking friend. I want to start ripped him off by you, firing him and lossing his job. Make sure that no company will accept or hire him. I'm willing to pay triple or you can name your price and I'm going to invest in your company if you made it."

"Man! I think you're really fucking serious to this woman, huh. Your offer is so tempting, man. But I can't fire a competent employee just for your sake!" walang pakundangang tanggi nito.

The hell! "Ngayon pa lang pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin! Hoy, Delvaux! Tang'na mo! Hindi ka maaasahang kaibigan!

"That's great to hear, fucking friend. Update me when you're done," Enzo said in a sarcastic tone.

"Our friendship is done!"

"You're fuck up, man! Let me see what can I do but don't expect."

"Whatever, Delvaux!" Pabagsak niyang tinapos ang tawag.

Napangisi si Aeneas at ibinasura ang brown envelop na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Finn Balladier. Walang sino man ang puwedeng mang-agaw sa mga pagmamay-ari niya. Especially, Liviana, she is his. He is Aeneas Romulus Winrich, he can do and have everything and whatever he wants. He will not let anyone goes his way. He can make their lives living like a fucking hell.

Nasisiyahan siyang ipinagpatuloy ang trabaho dahil ang pangalawang plano niya ay naisagawa na niya. Ang resulta na lang ang hinihintay niya. Inabala ni Aeneas ang oras sa trabaho hanggang sumapit ang alas onse y media ng umaga. Saktong isinusuot niya ang kanyang coat nang pumasok si Georgina.

"Sir, malapit na po ang lunch meething niyo with MyZtylex at Jalicarille Restaurant," anito.

"Okay. Huwag ka nang sumama, Georgina. Eat your lunch already, " aniya saka naglakad palabas ng kanyang opisina.

It may sounds girly but he's excited to see Liviana again. He wants to apologize for being rude to her. Nang makarating sa basement kung saan naka-parada ang sasakyan niya ay kaagad niya iyong pinaharurot papunta sa Restaurant kung saan magaganap ang meeting. Eksaktong alas dose nang makarating siya sa Restaurant. Pinagbuksan siya ng pinto ng guard na naroon.

Sinalubong siya ng isang lalaking staff pagkapasok niya. "Good afternoon! Welcome to Jalicarille Restaurant! Any reservation, Sir?"

"A.R.W."

"Okay. This way, Sir," wika nito matapos tingnan ang hawak na note pad.

Sumunod siya sa lalaking staff. Napakunot ang noo niya nang makitang ibang pigura ang naka-upo sa lamesang pina-reserve ng sekretarya. Kahit nakatalikod ang babae ay alam niyang hindi iyon si Liviana. Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng babae. Lumingon naman ito sa kanya at ngumiti ito nang makita siya.

"Good afternoon, Sir. Natutuwa po akong makita kayo ulit. By the way, I'm Jamina Abad, ako po ang pinadala ng MyZtylex," wika nito.

Naupo siya sa kabisera. "Okay, Miss Abad but I'm expecting Miss Liviana Symmes to be the one whom I'll have a meeting with."

"I'm sorry but Liviana is busy, Sir. Kaya ako po muna ang ipinadala para makipag-meeting sa inyo."

"Busy with what?" kunot-noong tanong niya.

Parang nag-aalangan pa ang babae na sabihin sa kanya ang pinagkaka-abalahan ni Liviana. "Ahm... Hindi po siya ang pumunta kasi... S-she's busy for the preparation of her wedding, Sir."

Napakuyom si Aeneas ng kanyang kamao. "If that's the case, then, I suggest, this meeting will be postponed. I'm giving your company a second chance, Miss Abad. And I want a meeting with Liviana Symmes. We'll resume the meeting anytime your company wants as long as Liviana Symmes will be the representative."

"Okay, Sir. Copy that. Thank you for giving us a second chance. Liviana Symmes it is, Sir,"

Tumayo siya sa kina-uupuan. "Okay, then. I have to go."

"Sige, Sir! Maraming salamat po ulit. Ingat po."

Nginitian lamang ito ni Aeneas bago tuluyang umalis. Nang makasakay sa kotse ay pabalibag niyang isinara ang pinto. Fuck it! Busy for the preparation, huh? Fuck that wedding! Tingnan lang natin kung matuloy pa ang kasalang 'yan. Pinaandar na niya ang kotse niya at pinasibad iyon. He's driving his car in so much speed. Parang walang mga sasakyan siyang nadadaanan. Hindi na siya magtataka kung habulin man siya ng mga pulis. Fuck them! Idineretso niya ang sasakyan sa race track na pagmamay-ari nila ng pinsan niya. His cousin from his mother side, Mark Ethan Lopez and him are both car racers, they love cars and racing. Kaya sosyo sila sa negosyo na may kinalaman sa mga sasakyan at ang race track na ito ay kabilang na roon.

Mabilis ang pagpapatakbo niya. Nasa kalagitnaan na siya ng race track nang mapa-preno siya bigla. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pinsan niyang nakahiga roon! What the heck! Mabuti na lang hindi gaanong mabilis ang sasakyang gamit niya, kung hindi, pinaglalamayan na ang pinsan niyang ito ngayon. He's really unbelievable! Ano na namang trip nito sa buhay?

Binusinahan niya ito nang malakas pero hindi man lang ito natinag. Napailing-iling siyang bumaba ng sasakyan. Nakapameywang na tiningnan niya si Mark Ethan. Walang'ya! Naka-sunglasses pa ang gago!

"Hey! Ano na namang trip mo? Wala ka sa tabing dagat, ang lakas ng loob mong mag-sunbathing d'yan! Race track 'to, gago!" sigaw niya sa pinsan.

"Fuck you! Istorbo ka sa pagpapa-tanned ko! Walang basagan ng trip! Tirik na tirik ang araw rito, hindi na kailangan pumunta sa dagat, gago!" ganti nito.

Napabuga siya ng hangin saka naupo sa hood ng kotse niya. "Stand up, you brute! Let's race! I'm mad!"

Tinanggal ng pinsan ang suot nitong sunglasses bago tumingin sa kanya. "Mag-race ka mag-isa mo! Can't you see, brute? I'm busy. So fuck off!"

"Gago! Kahit anong gawin mong pagpapa-itim, hindi ka iitim! Pulang-pula na ang balat mo."

"Jalica, wants his man to be dark, so I'm in here this fucking race track and sunbathing! Heck! My skin hurts already!" alburuto nito.

Woman problem, huh?

"Bakit kasi ang puti mo? Tuloy nagmumukha kang bakla kaya 'di ka magustuhan ng nililigawan mo," asar niya rito.

Ibinato nito sa kanya ang sunglasses. "Gago!" Bumangon ito saka isinuot ang damit na ginamit nitong higaan. "What are you doing here?"

"Cause I'm mad and I want to race."

"Why are you mad?"

"She's getting married," saad niya.

Naguguluhang tiningnan siya nito. "Who?"

"Liviana Symmes."

Napatango-tango ito. He knew her. Ito ang kasama niya tuwing haharanahin niya noon ang babae. "Oh! Isn't that good? Imbitado ka naman siguro?"

"That's no good!" he hissed.

Napatawa ito. "Patay na patay ka pa rin sa kanya ah. Who's the groom?"

"Finn Balladier."

"Not familiar. Madali lang idispatsa 'yon, mukhang hindi naman malaking tao eh. So 'couz, what do you want us to do? Any plan?" naka-ngising tanong nito.

Kilalang-kilala talaga siya ng pinsan. Maasahan talaga ito. "Of course, I have."

"Great! I would love to hear your plans," anito.

"Later, 'couz. Let's have a race first."

"Tell me your plans now so that you can leave already. Magpapa-itim pa ako!" tanggi nito.

Napa-ikot si Aeneas ng mga mata. "Magpakulay ka na lang ng charcoal, mas madali 'yon. But seriously, you can get your woman in just one snap. Anong silbi ng kaguwapuhan? Sabagay, pangit mo kasi."

"Tangina mo! Don't you know, 'couz? Mukha ko ang isa sa pinag-aagawan ng mga babae."

"Pero ang bestfriend mo, hindi na-attract sa'yo. Sinungaling ang nagsulat sa article na 'yon. Bakit pala hinayaan ko 'yong ipublish ng Aerom?"

"Whatever! Alis na!" pagtataboy nito sa kanya at hinubad nito ang damit saka inilatag iyon sa semento at nahiga ulit ito roon.

Desidido talaga ang pinsan sa ginagawa para sa babae nito. Talagang magpinsan sila. They will do everything to get their woman. Sa kahit anong paraan. At sisiguraduhin niyang kusang babalik sa kanya si Liviana. He'll make sure of that.

"Okay, sige alis na ako. Ma-sunburn ka sana."

Pumasok siyang muli sa loob ng sasakyan at ibinuwelta iyon paalis ng Race track.

Hope you like it!

Collaboration with deegagsWriter

Please check out her accout or stories para mabasa ni'yo ang pangatlo at pang-apat na story ng WINRICH BROTHERS SERIES.

Salamat!

💞velenexia_06💞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro