Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four


CHAPTER FOUR


NAGULAT SI LIVIANA sa pagsigaw ni Aeneas. Ang mga matang nakatingin sa kanya ay puno ng galit at ng mga emosyon pang hindi niya kayang pangalanan. Tinanong lang naman niya kung bakit nito ni-reject ang presentation nila pero bakit biglang gano'n ang naging reaksiyon at tanong nito? Business matter ang sadya niya hindi ang ibalik ang nakaraan.


Oo, aaminin niyang hindi siya nagpaalam o nagbigay man lang ng rason kung bakit niya ito iniwan noon. Pero kailangan pa bang ibalik nito ang nakaraan? Confrontation na ba 'to? Kung Oo, puwes hindi pa niya kayang ibigay ang mga sagot sa mga tanong nito kung sakali. Hindi sa ngayon at hindi na mangyayari.

"I'm asking the reason for rejecting us and not the past, Sir. Bakit naman ni'yo biglang naitanong ang gano'ng bagay? Hindi po ba dapat business muna ang unahin bago ang personal na buhay?" 'yon lang ang nasabi niya dahil hindi niya rin maipaliwanag ngayon ang nararamdaman.

She's confused! Hindi niya alam! At mukhang tama ang kaibigan sa rason kung bakit na-reject ang proposal nila.

Nanlilisik naman ang mga matang tumingin sa kanya ang binata. "Damn it! Business? Bullshit! I can do whatever I want! I can mix business and pleasure and now? Business and personal matter together! You're asking me the reason why? Then I already answered your fucking question! That's the purpose of my question. To answer your fucking damn question! Are we clear now, Miss Symmes?!"

Kahit natatakot siya sa nakikitang galit nito ay nakuha pa rin niyang sumagot. "Tama pala talaga ang kaibigan ko kung gano'n. You're so unprofessional, Mister Winrich."

Naniningkit ang mga matang tumingin ito sa kanya at naglakad palapit sa kanya. Siya naman ay napa-atras dahil baka masaktan siya nito nang wala sa oras.

"Am I? Am I really unprofessional?! If that's what you think then so be it. Sinagot ko lang ang tanong mo. And what could I possibly gain from your company, huh? As fas as I remember, MyZtylex is already bankrupt. So tell me, Miss Symmes, ano ang mapapala ko sa kumpanya niyo? Wala 'di'ba? Kung ang mga gawa niyong damit ang ipinagmamalaki ni'yo marami ring ganyan ang nag-aalok sa amin. Maraming lumalapit sa amin na mas malaki at kilala. I'm telling you, sampung porsyento lang ang abot ng mga designs niyo, wala pa sa kalahati! So, tell me now, Miss Symmes! Are you really worth it?"

Malakas na dumapo ang palad ni Liviana sa kaliwang pisngi ni Aeneas. Sobrang pang-iinsulto naman ang ginawa nito. She can't take it! Lalo na kung ang kumpanya nila ang pinag-uusapan. She's been working there for almost five years. Through up and downs hindi niya iniwan ang MyZtylex. Kahit ngayon pa na nahaharap sa bankruptcy ang kumpanya. Hindi naman maiiwasan na may mas malalaki at kilalang fashion company na kakompetensiya nila at idagdag pa ang balimbing na nakapasok sa kumpanya nila na espiya pala galing sa kalaban nila. Halos lahat ng designs nila ay ninakaw ng mga ito. Kaya nga sila lumapit sa Aerom Magazine para ipa-advertise ang MyZtelyx at umaasang matatanggap ang presentation nila pero hindi rin naman pala. Ito na lang ang tanging pag-asa nila para muling maka-ahon.

"Maayos kaming nagpunta rito hindi lang para insultuhin mo! Oo, papalubog na ang MyZtylex at nandito kami na nagpapatulong nang maayos pero hindi ni'yo pala kami kayang tulungan at ininsulto niyo pa kami! Baka nga wala talaga kayong mapapala sa amin," naiiyak na sabi niya.

Pilit niyang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya nang bumagsak. Hindi siya puwedeng umiyak sa harapan ng binata.

"Maraming salamat na lang po sa oras na inilaan ni'yo sa amin," aniya at tumalikod na dahil nalaglag na nang tuluyan ang mga luha niya.

Bago pa man siya makalabas ay pinigil siya nito sa braso saka siya ipinihit paharap at isinandal sa pinto. Walang sabi-sabi siya nitong hinalikan. Nang maglapat ang mga labi nila ay napapikit na lang siya. His soft lips kiss her lips with so much force. He tried to open her lips using his tongue, when he succeeded he slide his tongue inside her mouth. He's devouring every part of her mouth. Gusto niyang itulak si Aeneas pero parang nabato ang buong katawan niya para pigilan ito at ang tanging nagawa niya ay kumapit sa batok ng binata at sumabay sa galaw ng mga labi nito.

Naramdaman niyang humahaplos ang isang kamay nito sa hita niya pataas sa balakang niya at ang isa naman ay bumaba sa kaliwang dibdib niya saka marahan iyong pinisil. A soft moan escape from her mouth. Natigilan siya nang mapagtanto ang ginagawa nila. No! Mali 'to! May fiancè na siya at parang pinagtaksilan na rin niya ito sa pagtugon niya sa mga halik ni Aeneas. Ang kaninang nabatong katawan ay parang isang putik na lumambot at buong lakas na itinulak si Aeneas. Matagumpay naman niyang naitulak ito palayo sa kanya.

"What? You didn't like my kiss?" blankong tanong nito sa kanya.

Napalunok siya. "H-hindi. Bakit mo ginawa 'yon?"

Napataas ang isang sulok ng labi nito. "Really? So, that explains why you responded, huh."

Oo na! Nagustuhan niya pero mali!

"Mali 'yon! May fiancè akong tao sana huwag mo nang ulitin iyon," saad niya saka tumalilis na palabas at baka kung ano na naman ang mangyari.

Napatampal si Liviana sa noo at napahawak sa pisnging namumula yata. Oh god!

"Girl, anyare? Okay na ba?" salubong ni Jamina sa kanya.

Malungkot siyang napatingin rito. "Hindi."

Nanlulumo namang bumagsak ang mga balikat nito. "Sayang. Akala ko mai-aahon na natin ang MyZtylex."

"Makakahanap pa siguro tayo ng ibang paraan. Never give up. Tara kunin na natin 'yong mga gamit natin sa conference room para makaalis na tayo."

Tumango naman ang kaibigan at sabay silang nagpaalam kay Georgina bago nagtungo sa conference room. Nang makuha na nila ang mga gamit ay kaagad din silang umalis.




       WALANG HUMPAY na napamura si Aeneas nang maka-alis si Liviana. Pabagsak siyang na-upo sa kanyang swivel chair at napahilamos sa mukha. Napahugot siya ng isang buntong-hininga nang maalala ang mga nakitang luha sa mga mata ni Liviana kanina. Kung hindi ba naman siya gago. He shouldn't have said those harsh words to her. Nainsulto niya ito pati na ang kumpanyang pinagta-trabahuan nito. She just pushed him to his limits and he knew that he's being unprofessional by bringing up that 'fucking question'. Alam niyang hindi dapat gano'n ang naging sagot niya. Fuck him! It's his fucking fault!

Hindi niya dapat ipakita sa dalaga na hanggang ngayon ay ito pa rin ang laman ng puso niya. Gusto niyang ipakita kay Liviana na naka-move on na siya sa pang-iiwan nito sa kanya noon. But fuck! Sa pagtanggi pa lang niya sa proposal ng mga ito at ang pagtanong ng gano'ng bagay rito ay masasabi na kaagad na apektado pa rin siya at totoo iyon. He really is! And the fact that she's getting married to other man. Sa kaalamang iyon ay parang gusto na niyang pumatay. Kaya niyang gawin iyon.

Tumingala si Aeneas saka ipinikit ang mga mata. Pagpikit pa lang niya ay biglang lumitaw sa isipan niya ang eksena kaninang halikan niya si Liviana na tinugun naman nito. Hindi pa rin nagbabago ang lasa ng labi nito. Her lips taste like honey and he really likes it.

Napamulat siya ng mga mata nang makarinig ng katok sa labas ng pinto niya. Bumukas iyon at pumasok ang sekretarya.

"Yes? What is it, Georgina?"

"Sir, malapit na pong mag-ten. You have a meeting today with the CEO of Lombardi Shipping Company, Mr. Nathaniel Lombardi," imporma nito sa kanya.

He nearly forgot that, good thing he have a very patient secretary who always reminds him.

"Okay. Saan ang meeting?" he asked then stood up to fix his suit.

"SNB Chill Lounge Bar, Sir."

"Nice. Lombardi is really fond of bars."

Nathaniel Lombardi and him are good friends. Nagkakilala sila sa isang bar noon. Actually, they're business partners, ang shipping line nito ang nagde-deliver ng mga magazine nila sa Europe kung saan may branch sila lalong-lalo na sa Spain.

Iniwan niya ang sekretarya at sinabihan niya itong hindi na siya babalik pa ng opisina dahil dideretso siya sa Winrich Eagle Corporation pagkatapos ng meeting niya. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaharurot iyon papunta sa SNB Chill Lounge Bar.

Mabilis na natapos ang meeting nila ni Nathaniel Lombardi. Dumiretso siya sa Winrich Eagle Corporation dahil may board meeting na magaganap.

Nang sumapit ang gabi ay nagtungo silang magka-kapatid sa SNB Chill Lounge para mag-inuman. Ngayon niya ililibre ang mga kapatid sa pagkaka-panalo niya sa France. Sa VIP room sila pumunta. May waiter na nag-assist sa kanila. Nang makuha ng waiter ang order nila ay nagpaalam na ito at umalis.

"Where's Augusancho?" kunot-noong tanong ni Faunus.

"Dunno," he replied.

"I'll just call him," tumayo naman si Dominique para tawagan si Augu.

"He's not answering his phone."

Nagkibit-balikat si Aeneas. "Maybe he's driving. On the way na 'yon. 'Yon pa! Adik din 'yon sa alak e."

His brother, Aug has this very bad habit of not answering his phone when he's driving. Kahit na may Bluetooth headset ito.

Bumalik sa pagkaka-upo ang kapatid at bumaling sa kanila ni Faunus. "So, how's life brothers?"

"I'm okay with my life. How about you? Just tell me if you're not okay with your life so I will kill you now. This instant," Faunus while staring at Dominique.

Faunus and his mouth. Seryoso at prangka lang ang aura nito kaya ang pangit-pangit nito e.

Napahalakhak naman si Dominique.

"No thanks, bro. I can manage. Kapag hindi na ako masaya sa buhay ko papatayin kita. That easy," nakangising ganti naman nito.

Alam niyang biruan lang ng mga ito iyon. "Kahit ngayon magpatayan na kayo."

"Ako kaya ang bumaril sa inyong tatlo ngayon? How's that, brothers?" biglang singit ng isang boses.

Sabay silang tatlo na napabaling sa may pintuan kung saan nanggaling ang boses. And there is, Augusancho. Naglakad ito palapit sa kanila at pabagsak na naupo sa tabi niya.

"What takes you so long?" tanong niya rito.

"Nagka-problema kasi sa Farm at kailangang ako mismo ang umayos. Actually katatapos lang kaninang 6 pm at ang layo ng Bar ng ugok na si Nicholas sa Flower Farm ko, akala ko nga late na ako sa inuman e."

As of the cue, pumasok ang dalawang waiter dala ang kalahating case ng beer at pulutan. Inilapag ng mga ito ang order nila sa lamesa.

" 'Yan la po ba ang order niyo, Sir?" tanong ng isa sa mga waiter.

"Padagdag ng lechon kawali para sa baklang 'to," sabi niya sa waiter at itinuro si Augu.

Tumango ang waiter bago umalis. Masamang tingin naman ang ipinukol ng kapatid sa kanya at nginisihan lang niya ito.

"Who said that I'm gay?"

"Sinabi ng mga flowers sa farm mo," nakatawang sagot niya.

"What's wrong with having a flower farm? It doesn't mean that I'm gay already. Kayo rin naman mahilig sa mga bulaklak!"

"Ibang bulaklak ang sa amin. Flowers needs water. Dinidiligan lang namin katulad sa pagdilig sa mga tanim ni'yo sa Flower Farm mo," Faunus said.

Dominique and him booth agreed to Faunus. Iba talaga ang kapatid niyang 'to.

Binato sila nito isa-isa ng tanzan na pinagbuksan ni Dominique. "Whatever!"

"Okay. Let's just drink!"

Kinuha nila ang nabuksang bote ng beer at itinaas iyon sa ere.

"Cheers!"

"Cheers sa mga flowers ni Aug!"

"Cheers sa mga flowers na dinidiligan ni'yo! Mga adik sa sex!"

"Cheers para kay Liviana! Happy wedding!" sigaw ng nakakatandang kapatid.

What the fuck!

"Hey, brother! Ako papatay sa 'yo!" asik niya sa kapatid.

Nagtawanan naman ang tatlo at sabay-sabay na itinungga ang bote ng beer. Mga ulol!

Hindi niya hahayaang maikasal ang babae sa iba. Hinding-hindi. Never!

Hope you like it!

Collaboration with deegagsWriter

Please check out her accout or stories para mabasa niyo ang pangatlo at pang-apat na story ng WINRICH BROTHERS SERIES.

Salamat!

💞velenexia_06💞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro