Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five


CHAPTER FIVE

ILANG ARAW na ang nakalipas mula nang ma-reject ang proposal nila sa Aerom Magazine. Nasabi na rin naman nila kay Madamè Myza na hindi na-approve ang kanilang proposal. Alam niyang nadismaya at nalungkot ang ginang pero wala, 'yon talaga ang kapalaran ng presentation nila. Sobrang nakakalungkot talaga, hindi na niya alam kung ano na ang gagawin pero laban lang nang laban. Sinubukan nilang mag-set pa ng meeting sa ibang Magazine company pero wala pa rin kahit anong pilit nila sa mga ito, hindi raw sila maisingit sa schedule at ang iba nama'y rejected. Bakit hindi na lang sila diretsuhin na ayaw ng mga ito sa kanila dahil palugi na ang kompanya nila, 'di ba? Hindi 'yong marami pang rason. Nakakakulo 'yon ng dugo.

Kaya naman wala silang ibang pagpipilian kung hindi ang lumapit muli sa Aerom Magazine. Kailangan nilang sumubok muli para sa kompanya. Try and try until you succeed, 'ika nga nila. Kahit anong mangyari dapat makumbinsi nila ang Aerom o si Aeneas na tanggapin ang kanilang proposal. Nakaka-stress pero hindi siya dapat sumuko. Malakas ang fighting spirit ng isang Liviana Symmes. Kakayanin niya 'to!

Napabaling si Liviana sa cellphone niyang nagri-ring. Napabuntong-hininga siya bago inabot ang cellphone niya na nakapatong sa center table. Nang makitang ang fiancè ang tumatawag ay kaagad niya iyong sinagot at kahit papaano ay medyo gumaan ang kaniyang pakiramdam.

"Hey, babe! I miss you," bungad sa kaniya ng fiancè gamit ang matigas na Ingles.

Napangiti siya. "Miss you too."

"When will you come back?" Finn asked. Nababanaag niya ang kalungkutan sa boses nito.

"When I finally settle our proposal with Aerom Magazine," she replied.

"I told you, babe. You don't have to work anymore, I can provide for you once we got married. So, please, babe,"

Talagang pilit siyang kinukumbinsi na huwag nang magtrabaho pa. Balak din naman niyang huwag nang magtrabaho pa pagkatapos nilang maikasal dahil gusto niyang focus lang siya sa magiging pamilya nila.

"I know babe but I just can't leave MyZtylex hanging, they need me, maybe? And you know how much I value MyZtylex. Once we settle the problem, I promise, I will resign and not work anymore," paliwanag niya.

Napabuntong hininga naman ang fiancé sa kabilang linya. "Okay babe, I understand. I just called because I miss you badly. I need to go babe 'cause we still have a photo shot . Je t'aime, mon amour."

"Okay, babe! Take care and I love you too," pagkasabi niyon ay pinatay na niya ang tawag.

Ipinatong niya ang cellphone sa may tiyan. Tumihaya siya sa pagkakahiga at nag-isip ng epektibong paraan para makumbinsi niya ang Aerom Magazine. Kung akitin niya kaya ang CEO? Mas madali 'yon, di'ba? Naipilig niya ang ulo sa naisip. Hindi puwede 'yon! A big no! Ano ba naman 'tong utak niya, kung ano-ano ang naiisip e!

Napa-padyak siya ng mga paa dahil walang planong nabu-buo sa utak niya. Ano ba naman 'yan! Nasasabaw na naman siya! Pinagbutihan niya ang pag-iisip, napangiti siya nang may ma-isip na. Kailangan niyang maghanda ulit ng panibagong presentation at dapat mas gandahan niya ngayon. Bumangon siya sa pagkakahiga saka mabilis na tinungo ang kwarto niya. Nang makapasok ay kaagad siyang naupo sa study table niya at inihanda ang laptop niya. Pinag-isipan niyang mabuti kung paano pagagandahin ang pangalawang proposal nila para sa gano'n ay magustuhan na ng CEO. Personal o business matter man ang dahilan nang pag-reject ni Aeneas, basta siya, hindi siya susuko.

Maganang sinimulan niya ang paggawa sa proposal nila, naroong tatawagan niya si Jamina para tanungin kung ano ang mga suhestiyon nito para mas mapaganda pa at maging convincing ang proposal nila. Kailangang pagpuyatan niya ito para handang-handa na pagdating ng umaga.

Nang sumapit ang umaga ay nagising siyang positive vibes lang. Kaagad siyang bumangon at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa sabitan. Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang banyo na malapit lang sa kusina. Sa isang apartment kasi siya nakatira, malaki naman kaya sulit pa rin. Kung sa condo unit o sa hotel nama'y magastos, tutal mag-isa lang naman siya kaya sa isang apartment na lang siya. Ang ama naman ay wala rito sa Pilipinas, nasa France na rin ito. Matapos nitong ibenta ang mga ari-arian nila kasama na ang bahay nila ay sumunod na ito sa kanya pagka-alis niya para mag-aral sa France, 'yon pala balak na nitong mag-settle roon kasama siya, patay na rin kasi ang kanyang ina dahil sa panganganak sa kanya kaya na-isip niyang mabuti na ring mag-sttle na ang ama sa France kasama siya at pabor naman iyon sa kanya kaya pumayag siya. Wala naman na talaga siyang balak umuwi nang Pilipinas kung hindi lang dahil sa trabaho niya.

Mabilis siyang naligo dahil hindi puwedeng ma-late siya sa pagpunta sa Aerom Magazine. Yeah right, siya lang mag-isang pupunta dahil si Jamina ay may inaasikaso rin kaya naman solo flight siya ngayon. Ipinulupot niya ang sky blue na tuwalya sa katawan bago lumabas ng banyo. Nang makapasok siya sa kuwarto ay kinuha niya ang isusuot na naka-hanger sa loob ng kabinet. Tinanggal niya ang pagkakabuhol ng tuwalya at hinayaan iyong dumausdos pababa. Sinipat niya ang katawan sa full length mirror.

"Ang ganda at sexy ko talaga," puri niya sa sarili. Idagdag pa ang mestisahin niyang kulay. Thanks to his father genes. Isa kasing Amerikano ang kanyang ama.

Isinuot na niya ang isang white button shirt na pinarisan niya ng blue flare pants at white nude heels. Pagkatapos ay tinuyo niya ang buhok gamit ang blower at saka mabilis na naglagay ng make-up. Nang matapos ay sinipat niyang mabuti ang itsura sa salamin.

"Perfect! Ganda mo talaga, Liviana!" komento niyang muli sa sarili.

She has this habit to compliment or talk to her self. Minsan pa ay haharap siya sa salamin para lang umarte, mag-speech at kung ano-ano pa. Kung may makaka-kita siguro sa kanya ay malamang sa malamang sasabihan siya ng baliw. Well, wala siyang pakialam, sa gano'n talaga siya.

Kinuha na niya ang shoulder bag at lumabas na. "Gora na! Here I come again, Aerom Magazine! Wait for me, babes!"

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na si Liviana sa building ng Aerom Magazine. Ipinarada niya ang kotse sa parking lot ng kumpanya. Umibis siya palabas ng sasakyan buhat ang lalagyan ng laptop na gagamitin niya. Binati siya ng guwardiya nang makita siya.

"Good morning po. Ano pong kailangan niyo, Ma'am?"

Nginitian niya ito. "May appointment po ako sa CEO, Manong Guard," sagot niya pero ang totoo ay hindi pa siya nakapag-set ng appointment.

"Ah, gano'n po ba. Pa-thumb mark po muna rito, Ma'am," sabi nito saka ipinakita sa kanya ang isang high tech na kagamitan kung saan siya magta-thumb mark. May ganito na ngayon? Bakit noong unang pumunta sila ay wala? Anyways, mabilis siyang nag-thumb mark bago tuluyang pumasok sa loob.

Dumiretso si Liviana sa elevator dahil kung sa receptionist pa siya dadaan, maraming proseso pa ang magaganap at siguradong hindi rin naman siya hahayaang maka-punta sa CEO dahil wala pa siyang appointment kay Aeneas. Tutal alam na rin naman niya kung nasaan ang opisina ng lalake. Basta kapag pinakuyog siya palabas ni Aeneas dahil wala siyang appointment, lalaban siya. Tumunog ang elevator hudyat na nakarating na siya sa 15th floor. Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago lumabas ng elevator. Nakita niya ang sekretarya ng CEO na si Georgina, abala ito sa pagtipa at nakatuon ang buong atensiyon sa desktop nito kaya hindi siya napansin.

Tumikhim si Liviana para kunin ang atensiyon nito. Napa-angat naman si Georgina ng ulo, nanlaki pa ang mga mata nito marahil sa gulat nang makita siya.

"Ma'am Liviana? A-ano pong ginagawa niyo rito?"

Tipid siyang ngumiti. "Gusto ko sanang maka-usap ang CEO."

"Sandali lang po, Ma'am," wika nito saka kinuha ang tablet na nakalapag sa ibabaw ng folder. May pinindut-pindot pa ito roon bago muling tumingin sa kanya. "Wala po kayong appointment sa kanya, Ma'am. Pasensiya na pero hindi ko po kayo puwedeng papasukin sa loob. Kailangan niyo po munang mag-set ng appointment."

Lihim siyang napaikot ng mga mata. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Nakakainis! "Pero kailangang ngayon na. Ganito na lang, puwede bang pakisabi na lang na nandito ako?"

"Hindi po talaga puwede, Ma'am. Malilintikan po ako kay Sir Aeneas, kailangan mag-set muna kayo ng appointment."

Napipikon na talaga siya! Pramis! Hindi pa naman gano'n kahaba ang pasensiya niya. "Sige na. Try to call him and let's see what will he say," pilit niya.

"Hindi po talaga puwed----"

Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Georgina. Napikon na siya. Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang pinto ng opisina ni Aeneas at binuksan iyon saka diretsong pumasok.

"Georgina, I told you not to disturb me. Get the fuck out!" sabi ni Aeneas sa naiinis na boses.

"Good morning!" masiglang bati niya dahilan para mapa-angat ang ulo ni Aeneas na busy sa pagtingin sa mga folder na nasa lamesa nito.

"Fuck! What are you doing here? Who told you to enter my fucking office without any permission for the second time?" kaagad na bulalas nito.

"Me and it's just me and me and me!"

Itiniklop nito ang ginagawa saka nakabusangot na tumingin sa kanya. "What the fuck are you doing here, again?"

Kakapalan na niya ang mukha. Push lang, Liviana. Naglakad siya palapit sa lamesa nito at inilapag sa visitor's seat ang dalang laptop. "I am here, again, to present another proposal and I assure you that this time, you will not reject it again because it's really worth it."

"Oh, really? How sure are you?" tanong pa nito saka sumandal sa swivel chair nito.

"I'm one hundred percent sure." siguradong-siguradong sabi niya.

Napataas ang isang sulok ng mga labi ng binata. May nakaka-ngisi ba ro'n? Wala naman ah! She's really sure of it!

Tumayo si Aeneas sa kina-uupuan nito. "Whatever you say, Miss Symmes. I will not accept your proposal. My answer is still no. Once is enough. Kaya kung puwede lang, umalis ka na dahil nakaka-istorbo ka sa trabaho ko. I'm a busy man and you're just wasting my time."

Sinalubong ni Liviana ang mga tingin nito. She will not give just like that. "No and no and no! Whatever you say too, Mr. Aeneas Romulus Winrich. I will not accept no for an answer kaya hindi ako aalis nang hindi naa-approve ang proposal namin."

Matiim siyang tiningnan ng binata. Pakiramdam niya hinahagod siya nito ng mainit na tingin mula ulo hanggang paa. Nang makitang tumigil ang mga mata nito sa bandang dibdib niya na sumisilip ang cleavage dahil nakabukas ang dalawang butones ng white button shirt na suot. Manyak! Shit! Pa-simple niyang iniharang doon ang mahabang buhok na umalon-alon pa ang dulo.

"Alam kong maganda ako kaya hindi mo na ako kailangan pang titigan nang ganyan," pukaw niya rito.

Ngumisi ito sa kanya. "Of course, I know. You're more beautiful when...naked."

Say what?! "Bastos! Bastos! Bastooooos! Bakit, nakita---"

Oh, Liviana! May amnesia ka na ba?! Anong klaseng tanong 'yon? You know very well! Siya ang naka-una sa 'yo, remember? Aarrrrgghhh! Mariing kastigo niya sa sarili.

"You tell me," hindi mawala-wala ang pagkaka-ngisi nito.

"Hindi 'yan ang pinunta ko rito! I'm here for our company. Give me a chance to present our proposal, again," paki-usap niya.

Biglang sumeryoso ulit ang mukha nito. "Try harder to convince me. Get out," bumalik na muli ito sa ginagawa.

"Sige na. Please, one more chance."

No answer.

"Please! Pretty please! Promise, may mapapala kayo sa amin."

Still no answer.

Naiinis na siya! Alam niyang siya ang may kailangan kaya wala siyang karapatang mainis pero wala ba talagang second chance sa bokabularyo ng taong 'to?

"Alam ko na, ipagluluto kita ng special carbonara at adobong may nilagang itlog," suhol pa niya. Alam niyang isa ang mga iyon sa paboritong pagkain ng isang Aeneas Romulus Winrich.

Wala pa ring sagot, nakatutok lang ito sa ginagawa. Isa na lang kapag hindi siya nito pinansin talagang hahampasin na niya ito ng dalang laptop. Isa na lang talaga!

"Parang-awa mo na. Imbitado ka naman sa kasal ko eh."

Napa-angat ito ng tingin. Tagumpay ka, Liviana! But wait, bakit namumula ang magkabilang tainga nito pababa sa batok. Ibig sabihin galit ito. Bakit naman ito magagalit? What happened? Binuksan nito ang kahon ng kabinet na nasa likod nito at may kinuha roon. Tumayo ito at naglakad papunta sa harapan niya. Iniabot nito sa kanya ang invitation card sa kasal niya.

"Keep that fucking invitation card."

Naguguluhan siyang napatingin sa binata. "Para sa 'yo 'yan."

"Damn it! I don't want that fucking invitation card!" sigaw nito.

Sandali nga, kanina pa siya nito minumura. "Puwes kung ayaw mo, eh di 'wag! Hindi 'yong minumura mo pa ako! Kanina ka pa, ah! Fucking fuck! Fuck! Fuck! Fucking fuck you!"

Wala na ang pagtitimpi niya at sigurado siyang goodbye proposal na rin. Pero galit na talaga siya, bahala na!

"Ang arte mo! Nakiki-usap na nga 'yong tao tapos hindi mo pa siniseryoso. Nagpapatulong naman kami sa maayos na paraan. Hindi ka lang kasi marunong maawa! Sa inyo kami lumapit kasi alam namin na kaya niyo kaming tulungan pero hindi pala! Kailangan namin 'to oh!" gumaralgal ang boses na patuloy niya.

Naiiyak siya kapag galit siya at mababaw lang talaga ang luha niya kaya hindi niya mapigilan na mapa-iyak.

"I'm sorry... I didn't mean to curse at you. Just, just try more harder," wika nito at akmang pupunasan nito ang mga luha niya ay tumalikod na siya paalis bitbit ang laptop.

Kahit hindi na! Bwisit! Walang puso! Hindi man lang marunong maawa! Ibang-iba na ito sa dating Aeneas na kilala niya.

Hope you like it!

Collaboration with deegagsWriter

Please check out her accout or stories para mabasa niyo ang pangatlo at pang-apat na story ng WINRICH BROTHERS SERIES.

Salamat!

©velenexia_06

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro