Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

Chapter Three

"Type ka nung Gael na 'yun. Halatang halata naman, eh," sabi sa akin ni Yuan nang ikwento ko sa kanya si Gael. Nakaupo kami pareho ngayon sa isang mat na nakalatag malapit sa pond. Hawak niya ang gitara and he's unconsciously strumming it habang nag-uusap kami. "Gusto mo kausapin ko?"

Napa ngiti ako nang bahagya sa sinabi niya pero hindi ko maitatanggi na may onting kirot iyon. Paano niya makakausap if he only exists in my dream?

"Ano naman ang sasabihin mo sa kanya?" tanong ko.

Napaisip si Yuan at napahinto siya sa pag gigitara. "Sabihin ko, kung hindi siya seryoso sa'yo, wag na siyang mag tangkang gumawa ng move."

I chuckled. "Hindi ko naman siya type, eh so kahit seryoso siya, wala pa rin mangyayari."

Nilingon ko si Yuan at nakita kong pinanliliitan niya ako ng mata.

"Medyo marami-rami ka nang binabasted ha?"

"Hoy grabe! Maka rami ka diyan! Wala naman nanliligaw sa akin!"

"Di ba may nanligaw sa'yo dati? Anong name nun? Jason ba o Jaxon?"

"Jerald," I corrected him.

"Oh ayun. Niyayaya ka palang mag dinner, binasted mo na."

"Eh hindi ko naman type! Ayokong mag aksaya ng panahon!"

He laughed, "hahanga talaga ako sa lalaking makakapagpa-oo sa'yo."

Meron na kaso hindi niya ako tinatanong, dahil hindi siya nag e-exist sa reality ko.

Napahinga na lang ako nang malalim at napatingin sa Mt. Fuji na nasa harapan namin.

Sa reality, doon sa old tatami house sa Shizuoka City, hindi palaging nagpapakita ang Mt. Fuji sa amin. May mga pagkakataon kasi na nagtatago ito sa likod ng mga ulap. Pero dito sa panaginip ko, lagi siyang nandiyan, nakatanaw, parang binabantayan ako.

Naramdaman kong humangin. Napapikit ako as I feel the wind kissed my skin, then I heard the sound of the wind chime.

Mukhang hindi na nga ata talaga ako magkaka boyfriend.

"Yung tungkol sa trabaho mo," sabi niya nung hindi na ako nagsalita.

I froze. Sa totoo lang, hindi ko talaga binabanggit kay Yuan ang about doon kasi pakiramdam ko any minute maiiyak na naman ako. Pero ewan, kilalang kilala nga niya siguro ako kaya he knows what's up kahit na hindi ko pa i-open up.

"Alam mo marami pang ibang lugar diyan who will treat you better," sabi niya.

"Yuan, big company ang Crown Entertainment. Maswerte nga ako na na-hire ako doon, eh. Tapos mga katrabaho ko pa puro mga big stars."

Napa buntong hininga si Yuan pero hindi siya umimik. Inilabas niya ang gitara niya at nag simulang tumugtog. Random chords na malamang ay ginawa lang niya on the spot.

Then he started singing.

'Lagi kang nakatingala sa mga tala

Pero kailan mo kaya mapagtatanto,

Na isa ka rin sa kanila?'

Tumingin siya sa akin at nginitian ako.

"Kung 'di nila kaya na i-appreciate ka, subukan mong i-appreciate ang sarili mo. Sa totoo lang, ano naman kung malaki silang kompanya? Pag may pinakawalan silang isang mabuti at masipag na empleyado, sila ang nawalan at hindi ikaw."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Kailangan ko pa nang lakas ng loob para gawin 'yan," sabi ko. "Feeling ko hindi ko pa kaya umalis. Marami pa akong kailangan matutunan. Mag i-ipon lang talaga ako ng experience at connection dito tapos aalis ako!"

Umusog siya sa tabi ko then he patted my head.

"Tama yan. Tsaka 'di mo kailangan makatrabaho ang mga sikat kung tulad naman sila nung Annabelle."

Natawa ako bigla. "Annalise kasi 'yon hindi Annabelle! Ginawa mo naman siya yung horror na manika."

Natawa rin si Yuan, "bakit? Bagay naman sa kanya?"

Nagtawanan kaming pareho.

My worries are still there. Alam ko pag gising ko, poproblemahin ko pa rin 'to. Kailangan ko pa rin 'to harapin.

Pero kahit saglit, kahit dito lang sa panaginip ko, I feel a lot better.

"Ano, tara tugtog?" Yuan asked while smiling.

Tumango ako and I smiled back at him.

"Game!"

~*~

I received an earful from my boss the next day. Nag bababa pa lang ako ng gamit ko sa desk ko sa office, sinisigawan na niya ako.

"Bakit hindi mo kasi dinouble check yung schedule ni Annalise? Dumoble lang yung gastos natin dahil sa na pack up na shoot!" sigaw niya.

"Dinouble check ko po. Nag send pa po ako ng calendar sa kanila pero hindi po sila nakipag coordinate sa akin nang maayos."

"Kahit na! Dapat lagi mong nireremind sa kanila ang schedule nila!"

"Nag remind po ako---"

"Yang mga bagay na 'yan kailangan pa bang ipaulit ulit sa inyo?!" tuloy tuloy na salita niya at alam kong no amount of excuse will make her listen to me. Decided na siya na kasalanan ko, eh. "Tawagin niyo na akong halimaw o ano, pero sinasabi ko sa inyo, walang ibang kompanya ang tatanggap sa inyo kung ganyan kayo mag trabaho! Para kayong mga de susi lahat! Dapat idinidikta sa inyo ang bawat kilos niyo!"

Ang dami pa niyang sinabi.

"Hindi ka na nag improve! Puro ka na lang ba ganyan? Patunayan mo naman na deserving ka sa project na binigay ko sa'yo!"

Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga ka-officemate ko at wala na lang akong ibang ginawa kundi yumuko at mag sorry.

"Tandaan niyo ang dami daming pwedeng pumalit sa posisyon niyo! Wag kayong tamad!"

She stormed out of my sight. Ako naman, nabato na lang sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ang init init nang mukha ko dahil sa kahihiyan. The awkward silence from my officemates is killing me. Dama ko na ni isa walang makatingin sa akin dahil sa nangyari.

Si Lyn, isa rin na producer na katabi ko, gave me a tight hug without saying a word and I appreciate it. Pero feeling ko naging breaking point ko rin yun kasi pinipigilan kong umiyak, pero dahil sa yakap niya, mas naramdaman ko na palabas na ang luha ko.

So I just excused myself at dumiretso ako sa restroom. Nag kulong ako sa cubicle at doon ako umiyak.

Ginawa ko naman lahat, eh, pero may kulang pa rin ba? Bakit ako pumapalpak?

Hindi ko ba deserve 'tong posisyon ko? Mali ba ang desisyon nila na pagkatiwalaan ako sa isang project? Hindi ba talaga ako nag i-improve?

Hindi ba ako magaling?

I feel so small and useless. Pakiramdam ko ang bobo bobo ko. It took me so long para i-build yung confidence ko, but in just a snap, bigla ulit gumuho ito.

Gusto kong sumagot. Gusto kong mag walk out. Pero wala akong lakas ng loob?

Napapikit ako habang tuloy tuloy na umiiyak and I imagined Yuan's face. I badly want to see him and talk to him. Walang taong nakakapag bigay ng comfort sa akin na tulad ng nabibigay ni Yuan, and it's sad, kasi sa reality walang Yuan. Sa reality, mag isa lang ako.

Bakit kasi hindi siya totoo? Hindi na nga siya totoo, may mga pagkakataon pa na wala siya sa panaginip ko. I know it's wrong for me to be so dependent on him kasi hindi ko alam baka isang araw mawala na siya nang tuluyan sa panaginip ko at hindi na bumalik. O baka hindi na ako ulit managinip. Hindi ko na mabalikan yung old tatami house sa Shizuoka City.

But him and that place are the only ones that can give me comfort right now.

Narinig kong nag bukas yung pinto ng restroom. Agad ko naman pinunasan ang luha ko kahit nasa loob pa ako ng cubicle. Ayokong may makarinig sa akin na umiiyak ako.

I heard the girl who entered the restroom humming to a song. Naririnig ko rin mula sa phone niya na may pinapatugtog siyang kanta. Ayun yung sinasabayan niya. Too Good at Goodbyes ni Sam Smith.

'I'm never gonna let you close to me

Even though you mean the most to me

'Cause every time I open up, it hurts.'

Tumigil yung babae sa pag hum sa kanta kaya naman mas napakinggan ko yung tugtog.

'So I'm never gonna get too close to you

Even when I mean the most to you

In case you go and leave me in the dirt.'

Dito ko lang na realize na hindi si Sam Smith yung pinapakinggan niya. It's just a cover of a Sam Smith song and the voice... it's oddly familiar but I'm not sure, so I listen intently.

'But every time you hurt me, the less that I cry.

And every time you leave me, the quicker these tears dry.

And every time you walk out, the less I love you.

Baby we don't stand a chance, it's sad but it's true.

I'm way too good at goodbye.'

Napatayo ako. Pakiramdam ko nag taasan lahat nang balahibo sa katawan ko as I was listening to that voice. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko ang boses na 'yun. Madalas ko siyang naririnig kumanta kaya alam ko.

Tuwing gabi, sa panaginip ko.

Lumabas ako ng cubicle at nakita ko yung babaeng nagpapatugtog sa tapat ng salamin at nag m-make up. I recognize her face but I'm not familiar with her name. Ang alam ko lang, taga kabilang department siya. Sa accounting ata.

"Miss," tawag ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. I can see that she's slightly weirded out nung makita niya ako. Siguro kasi ang gulo ng buhok ko, at maga ang mata ko kakaiyak, may luha pa ako sa pisngi at medyo kumalat na yung eyeliner sa mata ko.

"Miss, sino yung kumakanta?" I asked. I tried to sound casual but I can't hide the desperation in my voice.

"Ah ito?" sabi niya sabay turo sa phone niya. Napasilip tuloy ako. It's actually a youtube video. There's a guy with a guitar singing pero hindi kita ang mukha niya sa frame. "Si Musikero," pagpapatuloy nung babae.

"Anong itsura niya?"

"Ay naku hindi siya nagpapakita ng face. Pa mysterious! Pero ganda ng boses 'di ba?" sabi nung babae. "Actually nagiging matunog yung name niya sa social media ngayon. Gaganda kasi ng mga covers niya, and may mga inupload din siya sa Youtube and Soundcloud nung mga composed songs niya," pagpapaliwanag nito. "Why? 'Di ba promo producer ka? I-scout niyo?"

Hindi ako umimik. Pinanood ko lang yung video habang kumakanta siya at mas lalo akong kinilabutan.

Kahit hindi siya magpakita ng mukha, kilalang kilala ko siya.

Sa way ng pag hawak ng gitara. Sa boses. Yung mga labi na 'yan.

Si Yuan.

He's real. 

To be continued...

A/N

Hi dreamers! I hope you're enjoying the story so far! <3

Also, I hope you can help me promote this story by tweeting your reactions with the hashtag #WindChimeWP :) 

Thank you for reading. Next Sunday ulit! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro