/6/ Winds of Change
"Everybody's looking for a love
To start a riot
But every time I look in your eyes
The world gets quiet"
/6/ Winds of Change
[THEODORE]
NAGISING ako nang marinig ko ang ingay na nagmumula sa living room, mga boses at tawanan ng mga babae. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at unang tumambad sa'king paningin ang pamilyar na alarm clock sa side table.
I tried to remember how I ended here in my bed but I can't. Mukhang napadami ang inom ko kagabi at hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari. There's only one person who's with me and I bet she's responsible why I'm here.
Bumangon ako at nakita ko si Frida at si Juniper na katabi si Buddo sa may living room. Huminto silang dalawa sa pag-uusap nang makita ako.
"Oh, gising na pala ang basagulero kong pinsan," komento ni Frida at humalukipkip.
"What are you doing here?" iyon ang unang lumabas na mga salita sa bibig ko. I grabbed my eyeglasses beside me and I wore it to see them clearly.
"What a warm welcome, cousin, dati namang pumupunta ako rito hindi mo naman ako tinatanong ng ganyan," may bakas ng kunwaring pagtatampo ang boses ni Frida at tiningnan niya ako ng malisyoso. "Porque ba may pinagkakaabalahan ka na ha."
"Shut up, Frida," geez, kay aga-aga inaasar ako nitong babaeng 'to. Tumayo ako para pumunta sa may dining table dahil naaamoy ko na may masarap na pagkaing nakahain doon pero na-realize ko na nakasuot lang ako ng puting T-shirt at boxer shorts, hindi ko maalalang nagpalit ako ng damit kagabi.
"You threw up last night," sagot ni Juniper sa tanong ko sa isip, she probably saw the question in my face. "I had to change your clothes dahil ang baho ng amoy."
She—what? I blushed on that thought and I heard Frida's devious laugh, tinitigan ko siya ng masama pero hindi pa rin siya natigil. Nasulyapan ko 'yung sarili ko sa salamin sa may sala at nakita kung gaano kagulo 'yung buhok ko.
"Kahit kailan talaga ay napakababa ng alcohol tolerance ng pinsan kong 'to," nang-aasar na sabi ni Frida sa pagitan ng pagtawa. "Palaging alagaing baby 'yan sa inuman!"
"Kain na," napalingon ako kay Juniper at nakitang hinainan niya 'ko. Parang wala lang sa kanya 'yung mga naririnig niyang pang-aasar sa'kin ng pinsan ko.
Kaysa sumakit lalo ang ulo ko ay umupo na lang ako para kumain. Bumalik si Juniper sa tabi ni Frida at ako naman ay tahimik lang na sumandok ng sinangag nang may maalala ako.
"Shit! Male-late na 'ko!" akma akong pupunta ng CR nang maalala ko kung anong nangyari kahapon.
"Theo," tawag sa'kin ni Juniper at nakita kong nakatingin sila sa'kin ni Frida na may bakas ng pag-alala.
Sa ginawa ko kahapon, walang wala na kong lugar na babalikan sa university. I just assaulted someone, and I might get sued for it. Napaupo ako at napahilamos na lang.
"Nabalitaan ko 'yung nangyari, tumawag si Nadia sa'kin kasi hindi ka raw niya ma-contact," narinig ko 'yung boses ni Frida, wala ng pang-aasar 'yung boses niya. "Kaya nga ko pumunta ngayon para kamustahin ka, mabuti na lang andito 'yung girlfriend mo."
Nag-angat ako ng tingin at itatama sana siya kaso mas sumakit lang lalo 'yung ulo ko kaya hindi na lang ako nagsalita. I'm a mess.
Tumayo si Frida at lumapit siya sa'kin para bigyan ako ng tapik sa balikat, I looked at her and I saw her concerned face, I remembered that look when she's the only family member who stayed beside me when everything's falling apart. Parang dejavu ang pakiramdam.
"Palamig ka muna, 'tol," Frida said to me and she faced Juniper. "It's nice talking to you, Juni."
"Aalis ka na?" tanong ni Juniper sa kanya.
"May work pa 'ko, dinaanan ko lang 'tong si Theo to make sure na buhay pa siya," biro ulit ni Frida at tinawanan niya 'ko.
"Thanks ha," sarcastic kong pasasalamat.
"See you around, cousin."
Nang makaalis si Frida ay naiwan kaming dalawa ni Juniper sa unit ko. Napahinga na lang ako ng malalim habang si Juniper naman ay at-home na nakaupo sa couch katabi ni Buddo.
"Do you know where my phone is?" I asked her. Kinuha niya 'yon sa center table at inabot sa'kin, she didn't say anything.
Pagtingin ko sa phone ko nang buksan 'yon ay tumambad sa'kin ang tadtad na call and text kay Nadia. Nag-isip ako ng pwedeng i-reply pero walang pumasok sa isip ko. Napansin ko na may email sa'kin 'yung Department Head namin at kaagad ko 'yong binuksan.
"What's wrong?" tanong ni Juniper at lumapit siya sa'kin.
"I got suspended from work," halos pabulong kong sabi. Medyo hindi ako makapaniwala, ineexpect ko kasi na makakatanggap ako ng mas malalang parusa katulad ng sampahan ng kaso at patalsikin sa university. Pero naalala ko siya. "Tito Ivan."
"Tito Ivan?" ulit ni Juniper. "Oh, siya 'yung uncle mo na college dean?"
Napatingin ako sa kanya at naalalang nagkwento nga pala ako sa kanya kahapon.
"Yeah, maybe he pulled some strings kaya hindi ako natanggal, knowing him... he has his ways and connections."
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa nangyari. I don't know how to feel about it, because it feels like Tito Ivan's been always saving my ass. May tanong na, paano na ako kung wala si Tito? How can I even stand up with my own feet without him? I owe him almost everything, he was there too when I lost my parents.
I looked at her when I felt her gaze upon me, and then my expression changed. This woman... Suddenly popped up out of nowhere in my life and now she's here. I didn't utter but I'm pretty sure she can read what's inside my mind because my face can't hide what I'm thinking.
"You..." and then I saw two suitcases beside the couch. "Moved in?"
She smiled widely when I uttered that and she gave me a nod.
"Yeah," pumanewang siya nang mapansing hindi ko nagustuhan ang ideyang 'yon. "Baka nakakalimutan mo na pumayag ka na sa offer ko, Hermes Theodore."
"I did?" sumimangot siya nang sabihin ko 'yon. Then I tried to remember at napapikit ako saglit, oo nga pala... Pumayag ako out of... impulse, I guess?
"You promised, Theo, walang bawian, we even do a pinky swear!" she exclaimed and I can't believe that. Me? Doing pinky swear? That's childish.
"I was drunk," bulong ko. "I... ah... Don't know."
"Honor that promise," seryoso niyang pahayag at humalukipkip siya. "If you're truly a man, you will honor your promise to a woman."
Mukhang kahit anong palusot kong gawin hindi ako mananalo sa kanya. In the first place ako naghila sa kanya papunta sa pub na 'yon kahapon, it's my will to drink until to get drunk. Oh the irony, I can still remember that we talked about 'Freewill and God's will'.
Humakbang siya palapit sa'kin habang nakataas ang isang kilay.
"Remember what we talked about last night?" oh, good timing dahil ipapaalala talaga niya sa'kin. "Remember what I said? May freewill tayo pero wala tayong freedom sa consequences. You insist freewill, so..."
"Okay, fine," tinaas ko 'yung dalawang kamay ko bilang pagsuko sa kanya. Nawala ang katarayan niya at napalitan 'yon ng galak, para siyang bata na binigyan ng candy. Umupo ako habang siya ay may kinuha sa loob ng maleta niya.
"What's that?" tanong ko at ipinakita niya sa'kin ang isang bagay, para 'yong sketchpad dahil blangko lang.
"This is Juniper's calendar," she's like a little girl who's showing her latest toy to her playmate, ganoon siya ka-excited. Sa kaliwang kamay niya ay hawak niya ang isang marker, kaliwete pala siya.
"Juniper's calendar?" amused kong sabi.
Sinulatan niya ang itaas na bahagi at ipinakita 'yon sa'kin.
DAY 1
"Today, you'll be my companion until my days are over," weird dahil nang sabihin niya 'yon ay parang masaya pa siya, na parang wala lang sa kanya na meron na lang siyang natitirang mga araw sa mundong 'to. "Kung meron ka na lang twenty-seven days na natitirang oras sa mundong 'to, anong gagawin mo?"
I tried to think... And then my stomach growled, hindi pa kasi ako nakakasubo kahit isang kutsara lang.
"Ah.. Siguro kakainin ko lahat ng gusto kong kaining pagkain?" iyon ang nasagot ko dahil nagugutom na 'ko.
"Brilliant!" and then she drew a plate with a spoon and fork beside it. "Today, magpu-food trip tayo sa Manila!"
Kumunot 'yung noo ko. Seryoso ba siyang pumayag siya sa lame suggestion ko?
"Magbihis ka na," utos niya sa'kin.
"What—"
*****
DAY one of being Juniper's companion, pumunta kami sa Manila Chinatown sa Binondo, it's the oldest Chinatown in the world, bago pa man kasi madayo ng Espanyol ang Pilipinas ay may mga Chinese traders na rin kasing dumadayo sa'tin. Kaya nga nilipat ni Legazpi ang capital from Cebu to Manila ay dahil sa economic activity ng mga Chinese.
As usual, abala ang mga tao sa Manila Chinatown, maraming mga mamimili, mga nagtitinda, at hindi mawawala ang traffic.
Hindi ko alam kung bakit dito napiling mag-food trip ni Juniper, siya ang nag-decide kung saan kami pupunta at mas pinili naming mag-commute kaysa mag-kotse.
Juniper's wearing a simple white-blouse, maong skirt, and leather boots. Nakatali 'yung buhok niya, messy bun as always, at nakasuot din siya ng shades. Ako naman ay naka T-shirt lang, maong shorts, at sandals.
Mabuti na lang dahil hindi ako kumain ng agahan, hindi ako ready sa biglaang food trip na gusto ni Juniper. She's leading the way, hila-hila niya lang 'yung kamay ko habang nagpapahila lang ako sa kung saang trip niya pumunta.
Sa isang restaurant na napuntahan naming ay napagkamalan siyang foreigner, 'yung accent niya kasi at itsura niya, hindi ko sila masisisi, kakaiba ganda nitong babaeng 'to eh, wala sa Pinas. Pinagsasasabi mo, Theo?
"Oh, bakit ka natulala sa'kin?" nakatitig siya sa'kin at may himig na panunukso ang boses niya. "Ma-inlove ka sa'kin niyan ng wala sa oras, Hermes Theodore."
Patay malisyang kinuha ko 'yung menu at sinubukang humanap ng oorderin.
"Naka-order na 'ko, kanina ka pa kasi lutang," nakangiting sabi niya sa'kin habang nakapangalumbaba sa mesa. Hindi ako kumibo at hinintay ang pagkain, kanina pa 'ko nagugutom kaya hindi na 'ko makapagsalita sa gutom.
Hanggang sa lumipas ang ilang sandali'y dumating na rin 'yung mga pagkain namin at laking gulat ko nang makita kung anong inorder niyang pagkain sa'kin, Lumpiang Sariwa at Bihon. 'Yon 'yung palagi kong inoorder sa restaurant na 'to dati.
"Dig in."
I dismissed the unnecessary thought at kumain lang ako. Pagkatapos, akala ko uuwi na kami pero naalala ko na 'food trip' pala 'to. Kumain din kami ng street foods, mga kakanin, na kung anong ma-trip-an niya. Hindi alintana sa kanya ang init ng panahon at pawis na tumatagaktak sa noo niya, hindi siya concern kung maarawan man siya, wala siyang arte sa katawan, nakikipagbiruan din siya sa mga locals.
"Ang swerte mo naman sa gerlpren mo, hijo," komento bigla ng katabi kong magtataho na binilhan namin kanina. Napatingin kami kay Juniper 'di kalayuan na bumibili ng Sampaguita sa mga batang yagit na lumapit sa kanya. "Kung ako 'yan di ko na pakakawalan 'yan!"
Hindi ko ho siya girlfriend.
Iyon ang sagot ko sa isip ko pero hindi ko nagawang sabihin kay manong magtataho. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa tumingin siya sa direksyon ko at kumaway sa'kin, pinalalapit ako sa kanya.
As a matter of fact, hindi ko nga siya kilala eh.
Pero heto ako sumusunod sa kanya.
*****
NAHIHIMBING na siyang natutulog sa kama, marahil ay napagod siya sa buong araw naming paglalakad sa Binondo.
Habang ako naman ay nandito sa sofa, nakaupo at nakatingin sa kanya. Hindi mapakali, hindi ako makatulog. Ang dami kong iniisip, dumagdag pa si Juniper sa mga 'yon. Napabuntong hininga na lang ako. Sinong mag-aakala na maaaring magbago sa isang iglap ang buhay mo sa loob ng isang araw.
Ilang beses na 'kong sinupresa ng tadhana pero hindi pa rin ako nasasanay. Palagi pa rin akong nasusupresa sa mga bagay na hindi ko nagpahahandaan.
I got suspended and I need to be this woman's companion in twenty-six days left.
Sometimes life is giving you no choice but to yield and to follow the path it throws at you. I wonder what I will gain if I continued to follow this path.
Where's Buddo? Hindi ko nakitang katabi ni Juniper ang aso ko kaya napatayo ako upang tingnan ang buong unit. Wala si Buddo.
Then I heard scratching under the bed, dahan-dahan akong yumukod para silipin 'yon at nakita ko si Buddo roon.
"Buddo? What are you doing there, Buddy?" kaagad na lumabas si Buddo sa ilalim at napansin ko ang isang shoebox. I lie face down so that I can reach it.
Nang makuha ko 'yon ay bumalik ako sa sofa, maalikabok ang kahon at kaagad ko 'yong binuksan. It's nothing but documents from Hema's Coffee. Hindi ko maiwasang malungkot nang maalala na naman ang failed business venture ko.
I returned the papers when a small photograph fell down. Pinulot ko 'yon at nakita ang isang polaroid photo ng isang babaeng naka-side view dahil nagmamaneho ito. Am I the one who took this photo?
I tried to remember who the woman is... But I don't know...
Suddenly I heard Tito Ivan's voice. "Theo, in this therapy, if you really want to forget her, I want you to burn all of her photographs, things, and memorabilia."
Naalala ko na sinunod ko si Tito sa suggestion na 'yon. It's for my therapy... to forget my ex-girlfriend.
Pinagmasdan kong maigi ang larawan, surely the therapy by Tito Ivan is effective dahil hindi ko na maalala kung sino ang babaeng 'yon. Pero habang patagal ng patagal ang pagtitig ko rito... Hindi ko maiwasang maisip.
The woman in the photo resembles Juniper.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro