/5/ Beer and Rain
Second chance
is a false concept,
when you make
a single mistake
they will forget
all the good things
you did
/5/ Beer and Rain
[THEODORE]
"CAN you tell me what happened?" napatingin ako sa kanya at nakita ko ang nag-aalala niyang mukha. Biglang dumating 'yung waiter at nilapag sa mesa namin ang isang bucket ng beer at chicken barbeque na inorder naming dalawa.
We're here in a hidden pub far from the university. Wala akong ibang maisip na lugar na pwedeng puntahan para magpakalma at si Juniper ang nagturo ng lugar na 'to. It's a small place, Master's Bar ang nakalagay na pangalan sa pader sa may counter at may isang mamang kalbo, balbas sarado at maraming piercings sa tenga ang nag-pupunas ng mga baso.
Kahit na nasa basement area ang bar na 'to ay medyo rinig pa rin ang malakas na pag-ulan sa labas. Sa kalapit na mesa'y may isang grupo ng mga kabataan na sa palagay ko'y mga college students na sinasabayan ang ingay ng ulan.
"For our club!"
"Cheers!"
"Theo," muli akong napatingin sa kanya. "Ano na?"
Kinuha ko 'yung isang bote ng beer, binuksan 'yon at sinalin sa isang basong may yelo. Uminom muna ako bago ko siya muling tiningnan.
"It's a rough day."
"Mukha naman," sagot niya sa'kin. "You can tell me anything."
Napahinga ako ng malalim. What I did earlier is a big mistake, hindi ako dapat nagpadala sa galit. Ngayon, wala na akong mukhang maihaharap sa university. For sure ay patatalsikin ako dahil sa violent act na ginawa ko.
"I... ahh... Hinagisan ko ng dictionary 'yung colleague ko," nang marinig niya 'yon ay nanlaki ang mga mata niya, at imbis na matakot o ano ay sumilay pa ang malaking ngiti sa kanyang labi.
"What? Really? Why?" kitang kita ko sa mukha niya ang pinaghalu-halong pagkamangha, excitement, at kuryosdidad sa kung anong ginawa ko.
Uminom muna ulit ako bago ko siya sinagot, "Dahil napikon ako."
"At bakit ka naman napikon?" parang bata niyang tanong.
"He told me something that made me angry."
"And what is that?" saglit ko siyang tinitigan. She is very inquisitive and this will be endless if I don't tell her what really happened. Even though she's a stranger to me, I admit that what I needed right now is someone who will listen to my side because at this very moment everybody thinks I'm the monster.
"I used to own a coffee shop," she leaned on the table to hear me clearly, mas nangingibabaw kasi 'yung ingay ng mga kabataan sa kabilang table. "It's located near the university, Hema's Coffee."
"You owned Hema's Coffee? That's amazing," puri niya sa'kin at napangiti lang ako ng bahagya. "But it's closed now."
"Yeah..." napatingin ako sa kawalan. "Most of my colleague hates me. Primarily because I'm the nephew of one of the most influential person in the university, my Tito Ivan or Dr. Ivan as they call him, he's a college dean."
"You suffered power harassment from your colleague?"
Tumango ako, "And age harassment, kung meron mang ganon. Kahit hindi pa kasi ako tapos sa master's degree ko ay binigyan ako ni Tito Ivan ng regular spot sa Social Sciences Department para makapagturo, which is unfair kasi hindi naman ganoon ang sistema."
Though in this country's system, kahit saan ka pa pumunta, hindi mawawala ang tinatawag na 'palakasan', kapag may kakilala ka o kamag-anak ay mas privileged ka kaysa sa iba. Basta mayroon kang 'backer', hindi mo na kailangang pumila at maghintay ng matagal.
I can still remember Tito Ivan's offer to me, he calls it 'a once in a lifetime opportunity', at first I'm hesitant, pero sa huli ay nakumbinsi niya pa rin ako na tanggapin ang trabaho. He says that I'll grow better as an educator at the university.
"Nang tumagal ako sa university ay na-realize ko na hindi pala teaching ang passion kundi learning, eventually medyo na-bored din ako sa routine at sa mga pasimpleng parinig ng mga colleague ko," I stopped for a second but I still continued telling her my story. "Hanggang sa... Napatanong ako sa sarili ko kung ito ba 'yung gusto kong gawin hanggang sa tumanda ako."
"What do you mean?" she asked.
"I mean... Kung itong pagtatrabaho, pagtuturo, ito na ba 'yon? I had that kind of dilemma nang maka-graduate ako."
"I can relate," sabi niya. "Hindi naman required na alam mo 'agad ang sagot, hindi naman kailangan 'agad-'agad alam mo na kung anong gusto mong marating sa buhay mo."
Napangiti ako sa sinabi niyang 'yon, I had the exact thoughts before.
"And then I met someone," naglaho rin ang ngiti sa labi ko. "That someone made me realize that it's not too late for me to follow my passion."
"Take your passion and make it happen," bulong niya.
"What did you say?"
"Nothing, it's a just line from my favorite song. Just continue."
Napasandal ulit ako sa kinauupuan ko at sinubukang alalahanin ang taong 'yon pero masyado pa ring masakit, "Sa una hindi madaling sagutin ang tanong kung ano bang gusto kong gawin bukod sa matuto, at naalala ko ang isang idea na matagal kong ibinaon, sabi ko noong college pa 'ko na magtatayo ako ng sariling coffee shop kung saan pwedeng tumambay 'yung mga estudyanteng katulad ko."
"So from that simple thought you made it realize."
"Yeah, during those time para akong may super powers, parang kahit anong gustuhin kong gawin ay kaya kong gawin. Because that person made me believe that nothing's impossible, and so we did, we opened Hema's Coffee."
"What does the name means? Where did you get it?" hindi ko sukat akalaing magagawa niya pang itanong ang tungkol sa bagay na 'yon.
"It's from our first names... Hermes and Maria." I saw a little amazement in her eyes when I told her that, though para sa'kin wala namang nakaka-amaze sa bagay na 'yon.
"Hermes and Maria..." pabulong niya pang ulit at tumingin siya sa'kin. "So your full name is Hermes Theodore Gomez?"
I just nod. My story's not finished yet. Nandoon palang ako sa part na aalalahanin na walang 'happily and ever after', the sad part—the reality.
"We broke up, and like Murphy's Law, anything that could go wrong will go wrong, parang natumba lahat ng baraha na itinayo ko. I lose her, and I was in debt kaya nagsara ang Hema's Coffee. Sobrang inulan ako ng malas ng taong 'yon, siguro dahil hindi ko sinend 'yung chain message ten years ago," natawa siya sa joke ko at natawa na rin ako. "Ayun nga, pagkatapos na-depress ako for many months. Hindi ko alam kung paano ako babangon, walang nagbigay sa'kin ng second chance para ibangon ko 'yung coffee shop, kahit 'yung mga taong inaasahan ko—hindi rin ako natulungan."
"Sometimes that's what family does," aniya nang makuha kung sinong mga tao ang tinutukoy ko. "They're there for you when you are prospering, pero kapag wala na silang mahihita sa'yo iiwanan ka nila sa ere."
"I won't deny that," parehas kaming nakangiti ngayon, ewan ko ba. "I heard a lot of good things during my victories, they're proud of me for doing what most of people can't do—following their passion, ang dami kong natanggap na puri sa kanila, pero hindi ko alam na may ilan palang mga tao na hindi gusto na nakikita kang nagtatagumpay sa buhay."
"The haters hate those who do what they can't do."
"Right," napansin ko na ako lang umiinom sa'ming dalawa kaya inabutan ko siya ng bote. "Though hindi naman lahat iiwanan ka, may ilan sa pamilya pa rin ang susuportahan ka hindi man pinansyal pero pagmamahal nila sa'yo."
"You're lucky to have a family." Aniya ng hindi ginagalaw ang bote na binigay ko sa kanya.
"Are you an orphan?"
She nodded and she looked down.
"Kahit na marami kang kayamanan hindi ka pa rin magiging masaya sa mundong 'to kapag walang nagmamahal sa'yo," she said in a low tone. "All of us made a mistake that we wished to undo. We all have regrets when it's too late."
"What do you regret?" I kindly asked and she looked me straight in the eye.
"Sinaktan at iniwan ko ang taong mahal ko."
Hindi ko maiwasang matawa nang marinig 'yon at tumaas ang isang kilay niya.
"Bakit ka natatawa?" tanong niya.
"It's just funny... Dahil sa sitwasyon ko, ako naman ang iniwan at sinaktan," naglaho ang kunot sa kanyang mukha at napalitan 'yon ng kuryosidad. "Would you believe it? Iniwan ako ng taong mahal ko noong mismong araw ng kasal namin."
"T-talaga?"
"Oo," mukhang may tama na 'agad ako dahil nagiging madaldal na ko sa kanya. Anyway, I still continued talking because it feels like I need to. Ngayon ko na lang ulit na-open sa ibang tao ang tungkol sa nakaraan ko. "For no definite reason, hindi niya ko sinipot sa altar."
"That's Maria... right?"
"Yeah, yeah, Maria," I tried to remember Maria but her face is blurry to me anymore, and that's better. I don't want to remember her at all. "How can you believe that someone completed my life is also the one who wrecked it."
Siya naman ang napangiti sa pagkakataong 'to, "We don't know all the side of the coins. Maybe, both of our situations exist, nang-iwan at iniwan, because it's for a reason."
"God's will?"
"Naniniwala ka ba?"
"Hindi, kasi meron tayong free will."
"I won't deny," Juniper said. "We are free to decide for our lives but we are not free to the consequences."
"Therefore, walang God's will." Tila nabuhay ang pagiging Socrates ko dahil nakikipag-debate na ako sa kanya.
Umiling si Juniper at pumangalumbaba sa mesa, "Paano kung ayaw mo pang mamatay pero 'yon ang will Niya?" Hindi na ako makasagot dahil alam kong wala akong maisasagot sa sinabi niya. "Kapag malapit ka ng mamatay, Theo, wala ka ng ibang paniniwalaan kundi Diyos."
Parehas kaming nanahimik at tumingin sa kawalan. Nangibabaw ulit ang ingay ng ulan at ng mga kabataang nagkakasiyahan. Muli ko siyang tiningnan at ngayon ko lang siya nakita na may bahid ng kalungkutan ang mukha.
And then I remembered, she said she got only limited time to live—twenty-eight days to be exact. She looked strong on the outside but right now all I can see is a vulnerable woman, waiting for her days to end... Like a rose, slowly falling its petal.
"Juniper," tawag ko sa kanya at tumingin siya sa akin. "What if I accept your deal?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro