/4/ Bent Out of Shape
The world is
not fair it will never be
for broken
it's not a
paradise as
it seems to be
/4/ Bent Out of Shape
[THEODORE]
I can't sleep. Sino bang hindi makakatulog sa sitwasyon ko ngayon?
Dilat na dilat pa rin 'yung mga mata ko habang nakatitig sa kisame. Bumangon ako sa kinahihigaan kong sofa, sinikap na huwag gumawa ng ingay. Tanging mga ilaw lang sa lampshade sa may side table ng kama ko ang nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto.
There she is, peacefully sleeping on my bed. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko si Buddo na nahihimbing din sa pagtulog sa tabi niya. My dog really likes that woman. Strange.
Wala ng mas wiwirdo pa sa mga nangyari kanina, now I'm letting this woman sleep on my bed just because I don't have the guts to throw her out. Why? Is it because I learned that she's dying? And about her offer?
You're mad, Theo. You need to sleep.
Napatingin ako sa orasan at nakitang alas tres y media na ng madaling araw. Oh, hell. I need to go back to sleep dahil may trabaho pa ako kinabukasan. Binagsak ko 'yung sarili ko sa sofa at nagtalukbong.
"Theo, gising na." it's the voice of a woman.
May yumuyugyog sa'kin kaya napilitan akong dumilat.
"What?" I annoyingly uttered. Umaga na? 'Agad-agad? Napabangon ako nang makitang maliwanag na, naamoy ko rin ang mabangong nilulutong Sinangag.
It feels like I just closed my eyes for a second, I glanced at the clock and saw that it's already past six in the morning. Halos dalawang oras at kalahati lang ang tinulog ko. Wala akong choice.
"May trabaho ka pa 'di ba?" kinusut-kusot ko 'yung mga mata ko at naaninag ang isang babae sa may mini-kitchen, abala sa pagluluto ng almusal.
I immediately grabbed my eyeglasses on the center table and I wore it. When my vision regained clarity, I saw Juniper—still wearing my Star Wars shirt, nakalugay ang maalun-along buhok niya na lagpas balikat.
So, she wasn't a dream eh? She's real.
"Good morning," she glanced at me and I saw her smiling. "Breakfast is almost ready." Bumalik siya sa ginagawa niya.
Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa dining table habang hindi maalis ang tingin sa kanya, pinagmamasdan ang bawat kilos at galaw niya. She's a confident woman, that's my first impression when I met her before, she has a mysterious aura that will entice anyone to follow her.
Her movements are graceful and well-coordinated, sigurado ang bawat galaw niya at parang kabisadong kabisado niya kung nasaan ang bawat kagamitan ng kusina. What am I thinking? Why am I describing her as if she's dancing tho she's not?
I shook my head to shrug the thoughts. Sa antok dahil sa kulang na tulog ay umupo na lang ako sa dining chair habang pinagmasdan ang buong condo unit ko, malinis at maayos ang mga gamit. Sumulyap ako sa kanya at naisip kung naglinis ba siya?
She suddenly turned around and she caught me staring at her, umiwas ako ng tingin at napakamot sa batok.
"Kain na," alok niya at nilapag niya ang isang bowl ng sinangag sa mesa, katabi nito'y isang plato ng scrambled eggs, bacon, hotdog, tuyo, at may pancake. Mayroon ding mainit na kape.
Natulala lang ako sa mga pagkaing nakahanda sa mesa, medyo hindi makapaniwala na may nakahandang agahan.
"What's wrong?" she asked.
Tumingin ako sa kanya at nagtama ang mga panginin namin, "It's just... Ngayon na lang 'ata ako ulit kakain ng matinong breakfast."
"Really?" hindi makapaniwala niyang saad.
Tumango ako at dinampot ang kutsara at tinidor. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang sumulyap sa kanya, may bumabagabag pa rin sa'kin.
"Uhmm..." napahinto siya at tumingin sa akin. "About last night..."
Tumitig lang siya sa'kin at hinintay akong magpatuloy na magsalita.
"About what you said..."
I can still clearly remember our conversation last night.
"I'm dying, Theo. I got twenty-nine days to live."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pero inaamin ko na unang pumasok sa isip ko kung anong kinalaman ko sa buhay niya. Like... Okay... You're dying and now you're in my unit.
She didn't wait for me to answer, "I made a test which you passed because I want you to be my companion for the remaining days of my life."
"Companion?" That even made me more confused. "What's in it for me?" I tried to speak honestly as much as possible to her.
"My inheritance, my entire fortune." She answered without blinking.
If what she said is true, then I'm wrong about my bad judgments about her. Or maybe it's true; maybe she's a con artist. Pero ano naman ang mapapala niya sa'kin? I'm not that rich like what she claims to be.
"What about my offer?" I snapped back to reality when I heard her voice.
Binitawan ko 'yung kutsara at tinidor bago ako muling tumitig sa kanya.
"To be honest, Juniper... I don't... believe you."
I saw a little hint of pain in her eyes when I said that, but she remained her composure.
"Sorry, not sorry pero hindi lang talaga ako makapaniwala. You're giving me your entire fortune when you die kapag naging companion mo ako sa loob ng twenty-nine days—"
"Twenty-eight days." Pagtatama niya sa'kin.
"It's not enough to convince me that you even made me undergo a test just because of that. I mean... wala ka bang mga kaibigan, pamilya—"
"I don't," she coldly said. "I don't have friends. I don't have a family. I don't have anyone."
"Meron bang taong ganon?" sagot ko, hindi pa rin naniniwala sa mga sinasabi sa kanya.
"Meron. Ako." Diretso niyang sagot sa'kin ng hindi man lang kumukurap.
"That's..." iniisip ko 'yung sasabihin kong salita pero nang makita ko 'yung mukha niya—flat, walang emosyon pero bigla kong naramdaman ang kalungkutan sinusubukan niyang itago sa puso niya. "...sad."
Ilang segundo lang din kaming natahimik, nakatitig sa isa't isa, hanggang sa ako ang unang kumalas.
"Look... I need proof that... that you're rich or something." What a dumb statement, Theo. Pero wala akong maisip, wala akong masabi.
"I need your faith first, Theo. We're talking about my fortune."
Napatingala na lang ako sa kisame sa frustration sa babaeng 'to. Mukhang kahit anong sabihin ko'y hindi ako mananalo sa kanya. The only way for me to get out on this freaking situation is to push her away.
"Juniper," tumingin ako ulit sa kanya at umiling-iling ako. "I can't. I'm sorry. May sarili rin akong mga problema, hindi kita kilala... I'm not that right person. Please, leave."
"Okay," just like that? Tumayo siya bigla. "But if you change your mind, I'll be there when you need me."
So in the end hindi pa rin niya ako titigilan?
"And by the way, kailangan mo na 'atang gumayak dahil may pasok ka pa, right?" tinuro niya ang orasan at nanlaki 'yung mga mata ko.
Crap, I'll be late.
*****
LUNCH TIME. Kakatapos lang ng pangalawang klase ko kaninang umaga at medyo lulugo lugo pa rin ako. Naglalakad akong pabalik ng faculty room nang tingnan ko ang phone ko at nakita ang message galing kay Sam.
Sam: What the fuckening fuck, Teddy?! Hindi mo man lang sinasabi sa'min na may girlfriend ka na?!
"Frida Mae." Nailing na lang ako. Wala namang ibang suspect ng pagkakalat ng tsismis kundi si Frida. Mabilis pa sa kisapmata na kumalat ang balita, hindi ko maimagine kung anong pinagsasasabi ni Frida kay Sam at sa mga kamag-anak namin.
Pagpasok ko ng faculty ay sinalubong ako ni Nadia at muntik ko ng makalimutan na nasa akin nga pala 'yung motor niya at 'yung kotse ko ay naiwan sa District.
Nakapamewang si Nadia habang inaabot ko sa kanya ang susi ng motor niya.
"Look, I'm sorry," I apologetically said to her.
"You made a scene last night, alam mo 'yon. Baka naman pwede mong ipaliwanag sa'kin," aniya nang makuha ang susi.
Napakamot ako sa batok, hindi ko naman pwede bastang ikwento sa kanya ang nangyari kagabi. It's complicated and crazy.
"I'm sorry," I apologized for the second time. "Emergency lang and it's... private."
Nadia stared me for seconds, "Okay. You owe me lunch at least." Biro niya.
"Sige ba. Saan mo gusto? Huwag lang sa mall."
"Let's go to—"
"Oh, andyan na pala 'tong si Theo," biglang sumingit si Sir Oscar, siya 'yung senior ko na nanghihingi ng yelo kagabi. At base sa timpla ng mukha niya... Mukhang ako na naman ang pag-iinitan. "Bili mo naman ng lunch sila Ma'am Castro sa SM."
Nagkatinginan kami ni Nadia at binigyan niya 'ko ng 'ikaw-kasi-look'. Wala naman akong nagawa.
"Sige, sir, ano po ba?" Inabot niya sa'kin ang isang listahan at nakita ang nakasulat na order na parang pang-fiesta sa dami. I'm their 'waiter' for today's lunch. Napagtanto ko na nakatingin sa'kin 'yung ibang professors na middle-aged, hinila ako ni Nadia palabas.
"Hayaan mo na, kaunting taon na lang at magreretire din 'yung matatandang 'yon," sabi ni Nadia habang naglalakad kami palabas ng pangatlong fast-food chain na binilhan namin.
"Let me help you," sabi ko at akmang kukuhanin sa kanya 'yung dala niya pero hinawi niya 'yung kamay ko.
"Dalawa na 'yang dala mo, kaya ko na 'to." Aniya.
"Thanks, Nadia. Kahit ako naman talaga ang inutusan nila."
"Sus, tayong dalawa lang naman ang palaging utusan sa faculty—"
"Kasi tayo ang pinakabata," dugtong ko sa sasabihin niya. "Kahit na iba naman talaga ang dahilan kung bakit nila ko pinag-iinitan."
Huminto si Nadia kaya napahinto rin ako sa paglalakad.
"Look, you deserve your spot in that faculty, Theo. Magaling ka, hindi nila 'yon matatanggi sa student evaluation na nakukuha mo."
Umiling ako at naglakad ulit kami, "Nadia, you're too kind to me."
"Past is past, Theo. Ano mang nangyari—"
"I don't want to talk about it," kaagad kong pigil sa kanya at natameme naman siya.
Hindi ko gustong maalala ang nakaraan, at mas lalong hindi ko gustong pag-usapan. Para sa'kin, hindi totoo ang kasabihang 'time heals wound', that's bullshit. How can you forget the pain if it hurts like hell? How can you forget the feeling of dying while you're still alive?
No matter how many years had passed, a wound is wound, it will never heal and it will be forever a scar.
Scars that you choose to forget but whenever you see or touch it, you can still feel the pain.
"I'm sorry."
"Don't be—" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na tao sa loob ng isang restaurant. Kaagad akong nagtago sa likuran ni Nadia.
"Huh? Anong problema mo?" si Nadia.
"M-may hindi dapat makakita sa'kin," sagot ko sa kanya.
Naglakad kami ni Nadia habang nagtatago ako sa gilid niya para hindi makita ni Juniper na busy na tumitingin sa isang menu. Suot na ulit niya 'yung leather jacket niya, parang 'yung suot niya noong una kaming nagkita.
Talaga bang maliit lang ang mundo at palagi kaming pinagtatagpo sa iisang lugar?
Thank goodness dahil nakalabas na kami ng mall nang hindi ako nakikita ni Juniper. Naglakad kami pabalik sa university na walking-distance lang at nang madaanan namin ang isang gusaling sarado ay hindi ko maiwasang malungkot, kasabay nang pag-alala sa sinabi ni Nadia. Past is past.
HEMA'S COFFEE
Nandoon pa rin 'yung pangalan ng coffee shop na sarado na ngayon. Kaya nga ayokong pupuntang mall galing ng university dahil lagi ko 'tong makikita—palaging ipapaalala sa'kin kung gaano kasakit matalo.
Nakabalik na kami ng university sa kabutihang palad. Naglalakad kami ni Nadia papunta sa loob ng pantry ng faculty nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Ang tagal naman nun?" narinig kong sabi ng isang matandang professor.
"Baka nagsumbong 'yon kay Dean ah," si Tito Ivan ang tinutukoy nila.
"Edi magsumbong siya, ano ba namang simpleng utos lang, parang 'di naman siya pinasok lang dito dahil kay Dean."
"Theo," tinapik ako ni Nadia at nakita ang itsura niya na sinasabing 'hayaan mo na sila'.
I know. Hindi sila titigil sa power harassment nila hangga't hindi ako umaalis dito. But I got nowhere else to go, Tito Ivan gave me a chance again to be here.
Kailangan kong mag-tiis, kahit mahirap.
*****
5 pm. Uwian.
Or so I thought, biglang sumungaw sa cubicle ko si Sir Oscar at nilapag sa mesa ko ang tatlong makakapal na libro.
"Scan mo raw sabi ni Ma'am Edna ngayon na raw, para sa thesis niya," walang pasubaling utos nito.
"Sir, I'm sorry pero hindi ko pa tapos 'yung mga nauna niyong pinagagawa sa'kin." Hindi naman na ito 'yung unang beses na nagprotesta ako at palagi akong natatalo.
Not this time. May limitasyon din ako. I'm not an office clerk, I'm a professor at this university and I this is not part of my job description.
"Ngayon na nga raw kailangan," yamot niyang sabi at napakamot pa siya sa ulo niyang napapanot. "Importante 'to, doctoral thesis, naiintindihan mo?"
"I understand sir, but this is not part of my job here."
"Aba—" pinigilan niya 'yung sarili niya sa pagsasalita at tumitig lang siya sa'kin.
Intimidation.
At kahit na wala siyang sinasabi ay alam na alam ko kung anong tumatakbo sa utak niya. Alam ko ang mga salitang gusto niyang sabihin.
I swear... If I hear it again. I think I can't control my suppressed rage.
"Okay, fine, you may go home," iyon ang sinabi ni Sir Oscar at dali-dali kong kinuha 'yung bag ko at naglakad paalis.
Kung kailan malapit na 'ko sa pintuan ay narinig ko ulit ang boses niya.
"Timpla mo na lang ako ng kape bukas, boy," natigilan ako sa paglalakad nang marinig 'yon. "Ay, wala ka na nga palang kapehan."
I glanced at my side and saw an old thick dictionary. Dahan-dahan akong lumingon kay Sir Oscar, nakita ko si Nadia na nakasilip sa'min at binigyan niya ako ng tingin na, 'don't do it, Theo'.
Sa loob ng isang taon, simula nang bumalik ako rito, dahil sa tulong ni Tito Ivan dahil walang wala ako sa sarili ko na maghanap ng ibang trabaho, sinikap kong hindi pansinin ang bawat parinig nila.
Mga parinig nila na wala akong karapatan dito, sa maraming dahilan: sa edad ko, sa credentials ko, dahil pamangkin lang ako ng college dean kaya ako napasok dito, at iba pa.
Sa loob ng isang taon, sinunod ko ang tila pang-aalipin nila na nagsimula sa simpleng utos hanggang sa naging mabigat. Sinubukan ko silang pakisamahan pero ngayon napagtanto ko na kahit anong gawin ko'y hindi nila ako tatratuhin ng ka-level nila.
Kung hindi dahil kay Nadia siguro ay matagal ko ng ginawa 'to. Kung hindi dahil sa mga titig niya na nagpipigil sa'kin, na sinasabing magtiis na lang ako.
I'm human, I have feelings. I may not cry but I can be mad as hell.
Dinampot ko ang makapal na dictionary sa podium at buong lakas na binato sa kanya.
Bullseye. Tumama 'yon sa ulo niyang panot at kaagad siyang bumagsak sa sahig. I heard screams and the remaining professors inside the faculty rushed to Sir Oscar.
"Theo!" tumingin ako kay Nadia at nakita ang takot sa kanyang mukha, takot na may halong pagkadismaya. "What have you done?!"
Bakit ganon? Bakit kapag gumanti ka sa mga taong nanakit sa'yo, ikaw pa rin ang mali? Bakit itinuro sa'tin na masamang gumanti?
Bakit kung kailan nagkaroon ka ng sapat na lakas ng loob para ipagtanggol ang sarili mo, sa kahit na anong paraan, mayroon pa ring limitasyon?
Segundo ang lumipas nang mapagtanto ko kung anong ginawa ko. I saw blood on Sir Oscar's head and almost all of them are screaming and yelling now.
Hindi ko alam ang gagawin ko pero... Run. That's what I thought.
Lumabas ako ng faculty at naglakad ng mabilis palayo roon. Hindi ko na iniisip kung saan ako mapupunta, may kusa 'yung mga paa ko kung saan ako makakarating.
Hanggang sa may nabunggo ako.
"I'm sorry."
"Geez, you looked like a mess." That voice.
"Juniper?" nakita ko siya, nakahalukipkip at nakataas ang kilay. "W-what are you doing here?"
"I told you, I'll be there when you need me."
I can't hide the surprise in my face. Napapikit ako saglit at muling dumilat. Huminga ng malalim.
She's here, again. I don't know what kind of willpower this woman has. But she's... she's still radiating like a sunflower, her beauty, her allure, everything about her... Gusto ko ng sagot pero hindi 'to ang oras.
"Hey—" siya naman ang nagulat nang bigla ko siyang hinawakan sa kamay. "Why are we running?"
"Ako naman ang may tanong sa'yo," sabi ko sa pagitan ng hingal.
All the students on the campus are staring at us.
"What?" she asked.
"Will you run away with me?"
I heard her chuckle.
"I'm already running with you, Theodore Gomez."
-xxx-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro