Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/3/ She is Dying

I'm tired of
And I kinda want to
disappear
But sometimes
I'm wishing
There will be magic
To save me
From Dying

/3/ She is Dying

[THEODORE]


"NASAAN na 'yung yelo, Theo?" I ignored my senior's question when I returned. Kaagad kong hinanap si Nadia at nagulat siya nang makita ang itsura ko, nervous with determination.

"Theo? Okay ka lang?" tanong ni Nadia.

"Nadia, pahiram ako ng motor mo, give me the keys," kumunot ang noo ni Nadia nang marninig niya ang sinabi ko. Naramdaman kong may kamay sa balikat ko at nakita 'yung senior ko na nanghihingi ng yelo pero hindi ko ulit siya pinansin. "Nadia, just give me the keys!" mukhang nataranta naman si Nadia at dali-daling kinuha sa bag niya ang susi ng motor.

"Theo, 'yung yelo—hoy!" pagkakuha ko ng susi ay patakbo akong umalis doon.

Lumabas ako ng gusali at kaagad na sumakay sa motor ni Nadia na nakaparada. Sinuot ko 'yung helmet, binuhay ang makina at pinaharurot ang motor.

I honestly don't know what I'm doing. Basta ang alam ko mabilis kong pinapatakbo sa main road 'tong motor para mahabol 'yung van na dumakip sa misteryosang babaeng 'yon. Even though I don't know here, there is still unanswered question like how did she know me and why did she show up here in Manila.

My instinct just kicked in when I saw her abduction; I need to save her for no definite reason. She asked for help and I need to do something. Hindi ko kayang magbulag-bulagan sa nakita ko kaya wala akong nagawa kundi... ito.

Ilang sandali pa'y nakita ko 'yung van at bigla itong lumiko sa isang eskinita, bahala na nandito na ako. Lumiko rin ako at nakita kong nakahinto ang van sa tapat ng isang gusali—parang isang warehouse. Pinarada ko sa gilid 'yung motor at dahan-dahang lumapit sa gusali.

I can't hear any noise from inside, there's just a dim light. Napalunok ako at biglang kumabog 'yung dibdib ko, what if they're armed? I can't help but think of the possibility of dying here, just because of a stranger woman.

Gusto kong mapa-face palm, am I trying to be hero? I don't know... I'm confused. Kailangan kong kumalma, huminga muna ako ng malalim. Kung mamamatay ako ngayon, siguro oras ko na talaga. Ganoon naman 'yon 'di ba? Kapag oras mo na, oras mo na talaga. Kung hindi, better.

Wala akong masilip na kahit na ano sa loob dahil sa mga nakaharang na kahon, mukhang storage 'to ng isang factory. I carefully sneaked inside at bigla kong narinig ang isang musika na nanggagaling sa radyo, a song from 80s.

I held my breath as I walk without trying to make a noise, sinusundan ko kung saan nanggagaling 'yung music at natigilan ako saglit nang makita ko ang isang babaeng nakaupo, sa tabi niya'y may mesa at lumang radyo na nakapatong. Nakatalikod siya mula sa akin at walang ibang tao kaya dali-dali ko siyang nilapitan.

"Hey—" I stopped when she stood up and turned around. "Are you... okay?" nakakunot kong tanong, tiningnan ko siyang maigi at mukhang wala namang nangyari sa kanya ng masama, 'yung mga kamay at paa niya naman ay hindi nakagapos.

Mas kumunot 'yung noo ko nang ngumiti siya at humakbang palapit sa akin, napaatras ako ng kaunti. I looked around, expecting some goons to appear and take me as a hostage.

"You really came," she said with an amazed tone.

"What do you mean?" this is getting odd. What the hell is happening here?

Instead of answering me, lumapit siya sa upuan at inikot 'yon paharap sa'kin, umupo siya at dumakwatro.

"This is just a drill," she coldly said. "Like... this is just a test. And you passed the test, Theo."

Hearing that there's only one thing I can think of, she fooled me. Isa lang 'tong malaking prank. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, napahilamos na lang ako at muli siyang hinarap.

"Tell me, woman—"

"It's Juniper."

"Ano ba talagang kailangan mo sa'kin?!" hindi ko na napigilang itaas 'yung boses ko. If she's a con artist or whatever, dapat lang akong magpakita sa kanya na hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. "I'm calling the police—"

"No need for that," tumayo siya at muling lumapit, wala man lang bakas ng kaba o takot sa kanya.

"Are you going to murder me?" I asked and then she laughed. Kahit na tumatawa ay hindi pa rin nawala ang kanyang poise. I saw this in movies, serial killers who are charismatic and gorgeous. Napalunok tuloy ako dahil sa mga iniisip ko.

"I'm not a killer, Theo. And by the way, nalaman ko ang pangalan mo dahil kilala kita." What a simple answer but I need to know more.

"Paano mo naman ako nakilala?" tagaktak na 'yung pawis ko sa sobrang init dito sa loob ng warehouse. Amazingly, this woman is not sweating at all! She still blooms and she's so cool about this.

"I knew you in the university," I saw a slight change in her expression; parang may ininda siyang sakit at napahawak siya sa dibdib. "T-Theodore Gomez, you're a professor. And I... need you... your time."

"My time?" nakakunot kong saad. Napansin kong sinusubukan niyang huminga ng maayos, pero hindi ko siya basta pwedeng pagkatiwalaan.

"Kagaya nga ng sinabi ko kanina, I need your help," she pleaded. "Ikaw ang napili ko."

Napailing na lang ako, I can't believe that I'm still here listening to her ridiculous ideas. Tinalikuran ko siya at lumabas ako ng gusali. I heard her footsteps behind me. Pagkalabas ko'y nakita kong wala na 'yung van, naglakad ako palapit sa motor nang hawakan niya 'yung braso ko.

I stopped and I faced her. I'm not giving any shit to this stranger anymore.

"I'm serious, Theo, pwede bang makinig ka muna sa'kin?"

"Please, stop bothering me." Pakiusap ko sa kanya. She really went this far just for this? Pinaglalaruan niya ba 'ko? I can't believe this woman.

"No, hindi kita titigilan—" parehas kaming natigilan nang may nakita kaming naglalakad palapit na isang grupo—isang gang, base sa mga itsura nila, itsurang hindi gagawa ng matino. There are five of them and I looked accusingly at her.

"Are they your men or what?" pang-aakusa ko sa kanya.

"I don't know them." Sagot niya sa'kin.

"What? Anong hindi mo sila kilala? Ano na namang gimik 'to?"

"I'm telling the truth."

"Boss, mukhang may dayo sa teritoryo natin," narinig kong sabi ng isang lalaki na nasa bandang likuran. Hindi pa rin sila tumitigil sa paglalakad at napansin kong may mga hawak silang pamalo na bakal. This is not good.

"Uhm... I'm sorry, paalis na talaga kami," sabi ko at akmang aalis pero nakita kong may dalawa pang lalaki sa likuran namin na naglalakad palapit. Crap.

Napatingin ako kay Juniper at nakitang hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya. Hinawakan ko siya sa braso at tumingin ako sa kinaroroonan ng motor ni Nadia na naka-park 'di kalayuan. Pwede kaming tumakbo papunta roon kaso kung hindi lang dahil sa dalawa pang palapit sa'min.

Huminto sila at napapalibutan na nila kaming dalawa. Wala pa silang sinasabi pero alam kong hindi na 'to maganda, may mangyayaring masama sa'mi kapag hindi pa kami umalis dito.

"Boss, pasensya na talaga pero kailangan na naming umuwi," hawak ko pa rin si Juniper at sinubukan kong dumaan kaso hinarangan nila kami.

"Woa, boy, hindi pwedeng alis na lang kayo basta ng walang binibigay sa'min," sabi ng pinaka-leader nila, kalbo ito, may tattoo sa ulo at malaking peklat sa leeg.

Hindi na ako nagdalawang isip, nilabas ko mula sa bulsa 'yung wallet at cell phone ko at inabot sa kanila.

"Cool na ba tayo?" sinubukan kong ngumiti at muling tinangkang umalis pero hindi pa rin nila kami pinadaan.

"Kulang pa 'to, boy," sabi ng leader at humakbang palapit lalo sa'min. "Ganda nitong girlfriend mo, ah. Iwan mo na lang sa'min."

Nanlaki 'yung mga mata ko sa narinig ko. Shit, I don't have a choice. Mas hinigpitan ko 'yung pagkakahawak ko kay Juniper at buong lakas kong binunggo 'yung dalawang lalaking nakaharang, pero nahila ako ng isa at nakatanggap ako ng isang suntok.

Napabitaw ako kay Juniper, nahilo 'yung paningin ko at anumang sandali ay pwede akong matumba. I can't... I can't be beaten; we need to get out here. Tumayo ako ng maayos at sinuntok ko 'yung sumuntok sa'kin para makabawi pero may humawak sa dalawang braso ko at nakatanggap ako ng suntok sa sikmura, sunud-sunod.

"Theo!" narinig ko 'yung sigaw ni Juniper pero wala akong magawa kundi mapangiwi sa sakit. Binitawan ako ng nakahawak sa'kin at bumagsak ako sa sahig.

We...we need to get out here. Nakita kong palapit sila kay Juniper at namimilipit pa rin ako sa sakit kaya hindi ako makatayo. Get up, Theo! Tinukod ko 'yung siko ko para tumayo nang sunud-sunod akong makarinig ng pagbagsak.

"What the..." pagtayo ko ay nakita ko siya, kaagad siyang tumakbo palapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Juniper?"

Nang bumitaw siya sa'kin ay hinawakan niya 'yung pisngi kong tinamaan ng suntok, napangiwi ako ng bahagya. Sinilip ko kung anong nangyari at nakitang nakabulagta 'yung pitong lalaki sa sahig.

Nang makita niya 'yung reaksyon ko'y nagkibit balikat lang siya at hinila niya ako papunta sa motor ni Nadia. Sumakay kami at umalis doon na parang walang nangyari. Naramdaman ko 'yung pagyakap niya sa likuran at hindi ko maiwasang kilabutan. What now?

So when we're kilometres away from that area, hininto ko 'yung motor sa gilid ng kalsada malapit sa sakayan ng jeep. Its past twelve am already, may klase pa ako kinabukasan ng umaga. Parehas kaming bumaba ng motor at hinarap ko siya.

"Look, Juniper," huminga muna ako ng malalim. "I'm still confused and I think it's time to part our ways here. Kakalimutan ko na lang 'yung mga nangyari ngayong gabi. Ingat ka—"

"You're leaving me here?" is it just my imagination na nakita ko siyang nalungkot sa sinabi ko?

"Yeah, I'm going," sumakay ako ng motor at himalang hindi na siya nagprotesta.

I don't know that woman and I can't just accept what she did to me earlier—hindi ko maiwasang sumilip sa side mirror at nakita ko siyang nakatayo pa rin kung saan ko siya iniwan. Look straight ahead, Theo—don't look back...

Sa isang iglap biglang bumuhos ang ulan. Damn. Wala pa bang mas lalala sa gabing 'to? Hindi ko na naman napigilang sumilip sa side mirror at nakita ko siyang nakatayo pa rin siya, walang pakialam kung nababasa ng ulan. Nilamon ako ng kunsensya at kaagad ko siyang binalikan.

Bahala na.


*****


LUMABAS siya ng banyo at hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya, she's wearing my Star Wars shirt, it's oversized for her. Pinupunasan niya ng towel 'yung buhok niya para matuyo 'yon.

"Theo," tawag niya at nginuso niya 'yung hawak ko. Atsaka ko lang napansin na umaapaw na pala 'yung mainit na tubig sa tasa nilalagayan ko. Crap.

"Woof!" it's Buddo the third, my Rottweiler dog, nakaupo ito sa sofa at tinahulan si Juniper nang makita siya.

"Buddo, sit!" kaagad kong saway, hindi kasi friendly ang aso ko sa ibang tao dahil mostly ako lang talaga ang nakakasama niya at tuwing weekend joggings ko lang nailalabas si Buddo.

"Aww, come here," imbis na matakot ay yumukod pa sa sahig si Juniper at tinawag si Buddo. Kaagad namang tumayo ang aso ko at dali-daling lumapit sa kanya habang kumakawag ang buntot. "His name is Buddo?"

"Yeah," sabi ko habang nilalagyan ng creamer 'yung tasa habang sumusulyap sa kanila. Buddo likes her huh, dapat na ba kong magselos?

Lumapit ako sa kanila at inabot ko kay Juniper 'yung tasa. Si Buddo naman ay bumalik sa sofa.

"So, uhmm—"

"Annyeong!" parehas kaming napapitlag nang bumukas bigla ang pinto at niluwa roon si Frida na maraming dalang shopping bags. Natigilan siya nang makita niya kami ni Juniper, pabalik-balik 'yung tingin niya sa'ming dalawa. Crap! Nakalimutan kong may susi nga pala si Frida ng apartment ko dahil minsan siyang nag-isleep over ditto sa condo!

"Oww, I'm sarreh, sumimasen, I don't mean to interrupt you!" pagkasabi'y muling lumabas si Frida. Napahilamos na lang ako at kaagad ko siyang sinundan sa labas.

"Frida, wait!" nahabol ko siya sa hallway at nang harapin niya ko'y kitang kita ko ang malisyosong ngisi ng pinsan ko. "It's not what you think, that woman and I are not—"

Tinapik ako ng pinsan ko sa balikat, god I hate her annoying face right now, "I'm glad that my cousin is not gay after all."

"What?!" napalakas 'yung boses ko nang marinig ang kalokohang 'yon. Tumawa si Frida, gusto ko siyang sakalin ngayon sa sobrang lakas niyang mang-asar.

"Rumors, Theo, rumors. Hindi maiiwasan kasi ano ka ba naman, no girlfriend since birth? Siyempre as a concern citizen and your cousin, minsan naiisip na namin na ganon ka," binali niya pa kunwari 'yung kamay niya na senyas na pagiging bakla. Mas lalong sumasakit 'yung ulo ko sa babaeng 'to.

"Teka, anong no girlfriend since birth? I had a girlfriend before!"

"Theo, wag kang mag-ilusyon," umiling-iling si Frida at tinulak niya ko pabalik. "Bumalik ka na nga sa condo mo at 'wag mong pinag-iintay ang chix mo."

"Frida—"

"She's hot, ah, my cousin has a good eye."

"Frida Mae!"

"Balik ako pag tapos na kayo—este balik ako next time." Tapos tinakbuhan na niya ko. Napabuntong hininga na lang ako at lihim na nanalangin na sana huwag niyang ipagkalat sa buong bayan ang nakita niya.

Iiling iling akong pumasok sa loob ng unit ko at nadatnan ko si Juniper sa may sofa, nasa lap niya si Buddo na mahimbing na natutulog, habang humihigop ng kape. Really? Buddo? Nawala lang ako ng ilang minuto pinagpalit mo na 'ko?

"Who is she?" tanong ni Juniper.

"My cousin, Frida."

"It looks like she got the wrong idea between us," she teased. Gusto ko sana sabihing huwag na siyang dumagdag pero huli na dahil nakangisi rin siya. I glimpsed at her legs—it looks soft—Theo, stop. Kahit sino nga 'atang makakita sa'min ngayon ay ganoon ang iisipin. This gorgeous woman is in my unit with me. Samuel and the others had no idea.

Umupo ako sa kitchen stool, sumulyap ako sa orasan at nakitang ala una na ng madaling araw. I cleared my throat before I speak.

"So, what do you want me again? To help you? You need my time?" I recalled of her words, words that doesn't make sense. "You even fooled me—na sabi mo test—at pumasa ako. Why?" I'm running out of patience to this woman. Kung wala lang talaga akong puso at maitim ang budhi ko, baka iniwan ko na siya kanina o hinila ko na siya ngayon palabas ng unit ko.

This was the stupidest thing that I've done in my life. Letting a stranger inside my house, letting her sit on my couch with my dog, I even gave her a hot drink. If she's a real murderer, or a thief—teka, Theo, huminto ka nga. She's staring at me—she's staring sadly at me as if she knows what inside my head.

"I know that you're judging me," and I'm right. "But it's okay, it's normal, Theo. That's what humans do in order to protect themselves, they think of the worst thing so that they can prevent themselves from the pain," I heard her sigh. "Pero minsan kahit na sikapin nating hindi masaktan, masakit pa rin."

"Oo, tama ka," sagot ko sa kanya. "I'm judging you, I'm thinking of the worst thing about you. Kaya hindi ako makatulog kasi iniisip ko kung nanakawan mo ba ko o sasaksakin mo ako sa pagtulog."

Marahan siyang natawa nang marinig ang honest thoughts ko, "Because that's what you are."

"Humans are judgmental so that they can protect themselves," ulit ko sa sinabi niya kanina. "And if you're going to murder and rob me tonight—hindi ako magdadalawang isip—"

"I'm dying, Theo."

Natigilan ako sa sinabi niya. What did she say?

"I only got twenty-nine days to live."

She's dying? 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro