/26/ Intersection of Fate
One of life's
greatest truth
is that life itself
is just an illusion
/26/ Intersection of Fate
[THEODORE]
"PASENSIYA na kung hindi ko napakilala ang sarili ko ng maayos, ako nga pala ulit si Yano," inabot nito ang kanang kamay at tinanggap ko 'yon. Naupo kami sa may sala habang ang pinsan kong si Frida ay abala sa may mini-kitchen sa paghahanda ng kape.
"Pasensiya na rin kung napagkamalan kitang boyfriend ng pinsan ko," sabi ko at lumingon sa amin si Frida.
"Hoy, pinagsasasabi mo?" mataray na sabi ng pinsan ko at lumapit siya sa'min, nilagay ang tray sa may lamesita at binigyan kami ng tig-isang tasa. "Alam ko ikaw, Theo, kaunti na lang iisipin ko na nababaliw ka na."
"Siguro nga," sagot ko kanya sabay higop ng kape.
"Ano'ng siguro nga? Alam mo bang tumayo ang mga balahibo ko sa sinabi mo kahapon, huwag ka namang manakot!" umupo siya katabi ni Yano, kaharap ko silang dalawa.
Tumikhim si Yano at natahimik na si Frida.
"Nakiusap ako sa pinsan mo na kung pwede kang puntahan dito dahil may gusto lang akong ibahagi—"
"Naku, kinukulit ko nga 'yang si Yano, ayaw talaga sabihin sa'kin!" sumingit na naman si Frida.
"Ano 'yon, Sir Yano?" tanong ko.
"Kahit Yano na lang ang itawag mo sa akin," sabi niya at tumango lang ako. "May mga bagay lang na bumabagabag sa'kin at gusto ko lang idetalye sa'yo."
Tumango lang ultit ako sa kanya at nakinig ako ng maigi.
Sinimulan ni Yano ang pagsasalaysay, matagal na niyang minamanmanan si Raul, ang kuya ni Nadia at siyang mismong inutusan ni Tito Ivan para sunugin ang Hema's Coffee, dahil si Raul ang dumakip sa batang matagal na nilang hinahanap, at ang batang 'yon ay si Rosy, walang iba kundi apo ni Tito Ivan.
"Pero sandali... Paano naging si Rosy ang batang hinahanap niyo?" tanong ko nang huminto saglit si Yano.
Nagpatuloy si Yano, wala silang ibang makitang resonableng paliwanag, ang alam niya'y kamukhang-kamukha nito ang batang hinahanap niya na nagngangalang Camille. Namalayan na lang ni Yano na nakatanggap siya ng tip mula sa isang tao na imbestigahan ang Villa Roma mansion kung nasaan si Tito Ivan. Sumingit bigla si Frida sa usapan.
"Actually, ako 'yung tumawag kay Yano para manghingi ng tulong dahil nawawala ka Theo."
"Ito ang ikinakabagabag ko," sabi ni Yano. "Kung sino ang nagbigay sa'kin ng tip tungkol sa Villa Roma mansion."
"Ako rin," si Frida. "May nagsabi sa'kin na nawawala ka Theo at tawagan 'tong si Yano, pero hindi naman kami magkakilala."
Hindi muna kaagad ako nagsalita at hinayaan ko lang sila magsalaysay.
Dumating si Yano sa Villa Roma mansion at wala ng ibang tao roon, natagpuan niya ang basement at sa isang silid doon ay natagpuan niya ang kinaroroonan ng krimen. May natagpuang pangalan at simbolo ng puso na nakaukit sa pader si Yano—Heartless Society.
At may natagapuan si Yano sa cellphone ni Tito Ivan, dito niya mas nakumpirma na si Tito Ivan ang mastermind ng arson at ang huling pakikipag-usap nito sa isang tao na nagngangalang Levi Ching. Ayon sa nabasa niyang pag-uusap ay pinasunog ni Tito Ivan ang Hema's Coffee para bayaran siya ni Levi Ching at ang pera na 'yon ay para sa 'bidding'.
Ayon pa kay Yano ay hindi niya maipaliwanag ng mabuti ang itsura ng silid kung saan ako natagpuan, may halong pagkamoderno at luma 'yon dahil sa mga aparato. Isang ritual lang ang naiisip ni Yano, iaalalay daw ako. Sa kung saan, hindi namin alam.
Sunod na inimbestigahan nI Yano si Levi Ching at nalaman niya na kasapi rin ito ng Heartless Society. Wala na siyang ibang nakalap na ebidensya at impormasyon tungkol dito.
Ang Heartless Society siguro ang tinutukoy noon ni Tita Lara kung saan naging kasapi si Tito Ivan. Hearing all of it is still unbelievable.
"It's Juniper."
"Huh?"
"It's Juniper who gave you the tip, it's Juniper who saved me," sabi ko sa kanila at nagkatinginan silang dalawa.
"Theo?" tawag sa'kin ni Frida, parang nauubusan na siya ng pasensiya na naaawa sa'kin. "Okay ka lang ba talaga?"
"Alam ko Frida, patay na siya. Pero sa mga alaala ko, buhay siya."
"Pero paano 'yon nangyari?" protesta ni Frida.
Hindi na ako nakasagot pa.
*****
DAYS quickly passed and the world quickly moved on.
Out of respect, I decided not to attend to Tito Ivan's burial. Nadala na ako sa nangyaring eksena noon sa burol, at para na rin sa ikatatahimik ng lahat ay mas mainam na wala ako roon. Nabalitaan ko mula kay Frida na hindi rin pumunta ang pamilya nila Arlo, at mukhang kahit na medyo humupa na ang mga bulungan ay habambuhay nang may lamat ang aming pamilya dahil sa insidente—dahil din sa akin.
Siguro napagod na rin akong mapagod. Nagsawa na rin ako na sisihin ang sarili ko dahil alam ko na kahit ano'ng mangyari'y hind ina maibabalik pa ang nakaraan.
Of course, now that my uncle is dead, wala na akong babalikang teaching position sa university. Tiyak kong kalat na kalat na rin doon ang tungkol sa ginawa ni Nadia at gugustuhin ko rin namang hindi na bumalik doon dahil tiyak na pagpipiyestahan nila ako.
They say that when you got nothing else to lose you start to don't give a fuck about life. And it feels like I already lost everything, but here I am.
Nagpasya ako na ibenta ang condo unit ko, ang pera na natitira sa'kin ay ipupundar ko na lang siguro ng maliit na negosyo. Babalik na lang ako ng Bulacan, sa luma naming bahay at doon ibuburo ko ang aking sarili pati na rin ang mga pangarap kong namatay.
Well, I'm not sure if this is what they call running away. I just want to hide from the rest of the world and never to be found.
If you'll ask who is the most fucked up person in the whole universe, I'll probably raise my hand because it would be me. I don't know what kind of curse I had or what kind of karma that I need to pay off, why all this fucked up things are happening to me?
For the first time, I'm asking directly the man above the clouds. Why me, God? Bakit sa'kin nangyayari ang lahat ng 'to? Isa ba 'tong parusa? How could you let those terrible things happen to me? My parents died when I was young, I was manipulated by my uncle and he messed my life and now this?
Alam ko hindi ako dapat nag-iisip ng ganitong bagay lalo pa't nandito ako sa musuleo niya, dito sa lugar kung saan nakahimlay ang babaeng minahal ko ng sobra.
Si Juniper.
MA. JUNIPER CONSTANTINO-LEE
Born : April 17, 1993
Died: June 17, 2019
When Tita Lara returned my lost memories I am sure that Juniper was with me for the past nineteen days. But now here's the grim truth, she's already dead. Parehas sila ng araw nang pagkamatay ng pinsan kong si Arlo.
Nang sabihin sa'kin ni Frida na patay na si Juniper, hindi 'agad ako naniwala. Pero napagtanto ko na kaya hindi ko maalala ay binura nga pala ni Tito Ivan sa memorya ko, at ngayong bumalik na sa akin ang lahat, tandang-tanda ko na.
Nilagay ko sa ibabaw ng nitso niya ang isang pumpon ng bulaklak na dala ko para sa kanya. Napahinga ako ng malalim.
"H-hi?" hindi ko alam kung bakit bigla akong nagsalita. "I'm sorry if I'm thinking why God can be cruel to us. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ako pumunta rito, siguro para makita ng dalawang mata ko na... na wala ka na talaga. Alam mo marami akong gustong tanungin at sabihin sa'yo—"
Natigilan ako bigla, sumisikip 'yung dibdib ko at nararamdaman ko ang paghapdi ng lalamunan ko. Para akong iiyak pero walang luha ang lumalabas sa mga mata ko.
"Pero bakit... bakit wala ka na?"
Everything's fucked up; everything in my life is hopeless. I lost it all. My parents, my family, my uncle, and the woman I love. What's the sense of living in this world? How can I go on?
Huminga ulit ako ng malalim.
"Hindi dapat ako nagsasalita ng ganito, alam ko na kahit ano pang sabihin ko rito ay hindi mo naman din maririnig pa kaya wala ring kwenta," I bitterly smiled in front of her grave. "I just wanted to say... that I'm sorry."
Dalawang oras din akong nakatambay dito sa himlayan niya at naghihintay sa wala. Mukhang kahit na umiyak ako rito ng dugo ay wala pa ring mangyayari kaya minabuti ko na lang na umalis doon.
Nakasakay na 'ko sa kotse sa may parking lot ng sementeryo nang maagaw ng atensyon ko ang isang babae na umibis ng sasakyan na katapat ko. Dapat bubuhayin ko na ang makina pero namalayan ko na lang 'yung sarili ko na sinusundan siya ng tingin. Matangkad ang babae, nakasuot ng puting bestida na hanggang tuhod, nakasuot din siya ng sombrero, at may dala-dala siyang isang pumpon ng bulaklak.
Tila nag-hang na naman ang utak ko pero sinasabi ng puso ko na kilala ko siya, kilala ko ang babaeng 'yon.
Bumaba ako ng sasakyan at muli akong pumasok sa sementeryo, dahan-dahan lang akong sumunod sa kanya at mas lalong lumakas ang kutob ko nang pumasok siya sa musuleo ni Juniper. Natigilan ako saglit. Parang kanina lang ay kinukwestiyon ko ang Diyos sa pagiging malupit niya at ngayong ay tila may sinagot ang langit sa akin.
"It's been a while," sumilip ako sa loob at nakita ko ang babae na nilagay ang pumpon ng bulaklak sa ibabaw ng puntod ni Juniper. Nagtago lang ako sa labas habang pinakikinggan ang mga sasabihin niya.
"I'm sorry if ngayon lang ako nakapunta, I just wanted to thank you... Thank you for giving me your heart," sabi nito. "I hope you used me well to spend time with him."
Hindi ko napigilan 'yung sarili ko at humakbang ako papasok sa loob, naramdaman niya kaagad ang presensiya ko kung kaya't napalingon siya at nagtama ang aming mga paningin.
*****
[GALILEE]
"HI?"
I saw him standing at the door, hesitating. He's smiling apologetically while his eyebrows are pointing upward. With that look, I knew he's still the same. I don't know for how long we just stared at each other until he stepped forward.
Sino ang mag-aakala na sa tinagal ng panahon na lumipas ay dito kami magkikita sa sementeryo? An intersection of fate, maybe?
Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang mas nakalapit siya. Though this heart belongs to someone she loves.
"Hi," I smiled back at him and silence permeated again. "I'm sorry, I just dropped by..."
Akma akong aalis nang pigilan niya ako. Parehas kaming napatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko at kaagad niya 'yong binitawan.
"You're... You're Galilee, right?" nagulat ako nang sabihin niya 'yon. Ibig sabihin... naalala na niya ako?
Tumango lang ako at bahagya siyang napayuko.
"I heard what you said earlier, is it true? Juniper gave her heart to you?" with his obvious question, I didn't immediately answer.
Tumitig lang ako sa maamo niyang mukha at hindi ko tuloy mapigilang maalala ang kahapon na minsan naming pinagsaluhan.
We were both young and foolish when we met during my university days. Magkalaban ang university namin sa cheer dance competition, it was a fierce battle because our alma mater wanted to secure a back-to-back win, however, we lost to their university. The aftermath was chaotic, palabas na kami noon ng stadium nang mabangga ako ng isa sa mga kalaban na school, someone helped me to get up and it's him.
It was love at first sight, cliché man sa pandinig pero hindi ba't ganoon naman talaga ang pag-ibig? Love is the most cliché thing on this planet because it rules and can never be broken. However, our love didn't last for long.
Pinaglayo kami ng tadhana at nakalimutan niya ako, sa dahilang parehas may kinalaman ang mga pamilya namin sa kanila—sa Heartless Society. Kailangan ko ng puso kaya wala akong magagawa kundi sumunod sa dad ko. Tinanggap ko ang katotohanan, hindi kami pwede sa isa't isa. Pero hindi roon natigil ang pagmamahal ko sa kanya, sinundan ko siya kapag may pagkakataon hanggang sa naging kaibigan ko ang bago niyang nobya, si Juniper.
At ang mas masaklap? Sino'ng mag-aakala na parte rin ng Heartless Society ang pamilya ni Juniper, at ako ang napili niya para gamitin niya bilang katawan sa Project: Afterlife.
"Paanong... Paanong naaalala mo ako?" mahinang tanong ko sa kanya.
Napahinga siya nang malalim at matagal bago sumagot. He told me what happened and I can't believe it. His memories are supposed to be erased but it was returned. Now, he remembers all, he also knew that Juniper spend time with him for these past nineteen days, and it was me who was physically with him.
"May gusto lang sana akong malaman," nagsalita siya ulit dahil hindi ako kumibo. "Paanong nangyari na ikaw ang kasama ko? Paano naging ikaw si Juniper sa alaala ko?"
Sa totoo lang ay hindi na ako umasa noon sa aming dalawa, pero heto siya ngayon. Lumingon ako sa himlayan ni Juniper at nakita ang nakangiti niyang larawan. I owed you for this heart, Juniper. And I know that Theo deserves to know the truth.
Muli akong tumingin kay Theo at nakita na naghihintay siya. Confusion is all over in his face, he looks really tired...and sad. Kumirot ang puso ko sa kalagayan niya ngayon, he's suffering and miserable.
"I'll tell you what Project: Afterlife is," so I told him everything he needed to know and he just went silent after. He didn't ask questions, parang naintindihan niya kaagad lahat. Pagkatapos ng isang malalim na buntong hininga'y muli siyang ngumiti, 'yung ngiting napipilitan na maging malakas.
"I see, thank you," iyon ang sinabi niya at pagkatapos ay umatras siya. "Good bye then." He slightly waved and he quickly vanished from my sight.
Ilang segundo rin ang lumipas bago ako lumabas para tanawin siya.
Totoong minahal ko pa rin siya kahit na pilit kaming pinaghiwalay. Tinanggap ko ang pagkatalo dahil natakot ako noon, natakot ako na baka hindi ako gumaling sa sakit na 'to at iiwanan ko lang din siya sa huli.
It's no coincidence to meet him here. I guess this is a proper farewell for us and I think it's time for me to let him go, oras na siguro para pakawalan ko siya mula sa puso kong matagal nang umaasa. Sabi nga nila, if you truly loved someone you'll let them go.
Happy endings don't exist at all, this is an endless reality, we can't reach the final end by happiness because we are bound to cease in the end.
"Good bye, Theo," tears fell down in my cheek.
*****
[THEODORE]
I was staring blankly at Hema's Coffee's ruins. Hindi lang ako makapaniwala na sa loob ng maikling panahon ay nagawa kong maibangong muli ang dati kong pangarap subalit para lang itong dumaan sa palad ko at muling gumuho.
My heart aches to think that Juniper's effort to help me rebuild my dream went in vain. Hanggang sa kamatayan ay hindi niya pa rin ako nagawang iwan.
Bago ako umuwi ng Bulacan ay naisipan kong huling pumunta rito para masilayan ang lugar na 'to. It's hopeless, but I'm not ready to give up yet. I don't know for how long it will take me to return here to rebuild this dream, kailangan ko lang siguro muna ng sapat na panahon para sa sarili ko.
"Woof!" biglang tumahol si Buddho na nasa passenger's seat, hinimas ko ang ulo niya.
"Alright, buddy, we'll stop by at supermarket to buy your treat." 'yon nga lang ay siguradong madaling araw na kaming makakuwi nito sa amin. Gabi na rin kasi at hindi pa 'ko kumakain ng dinner.
Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang Hema's Coffee, ang natitira nitong kalawanging signage na nakaligtas sunog. Hermes & Maria.
Walang anu-ano'y biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ang isang unregistered number na tumatawag. Sinagot ko 'yon.
"Hello?"
"This Levi Ching," nagising ang buong pagkatao ko nang marinig ko ang boses na 'yon.
"I'm sorry, Mr.Ching, pero kahit magkano pa ang i-offer mo sa'kin ay hindi ko pa rin ibebenta ang property ko." Ibababa ko na ang tawag nang magsalita pa siya.
"This isn't about that, Theo," may kung ano sa tinig niya at nakaramdam ako ng kilabot. "Nagkita kayo kanina ni Galilee, hindi ba?"
"P-paano mo nalaman?"
"Well, because I've been following you."
Nagtagis bagang ako, hindi na maganda ang kutob ko, "What do you want from me?"
"What do I want from you? Well... I want that 'thing' that your father left you, that 'thing' is what Ivan was so obsessed about to get from you." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon. A-alam niya ang sikretong 'yon?
"W-where are you?"
"Meet me now at Raven Residence's roof deck. Tell no one because something might happen to your beloved Galilee."
"A-anong ginawa mo kay Galilee?!"
Pero hindi na siya sumagot at naputol na ang tawag. Damn it.
I got no choice. I need to save Galilee from that man.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro