Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/25/ These Memories


We secretly cling 
for hope
to find love
to find meaning
in this cruel life

/25/ These Memories

[THEODORE'S POV]


"MR. Gomez?"

Napatingin ako sa pulis na kaharap ko ngayon at hindi ko sigurado kung ilang beses na niyang tinawag ang pangalan ko bago maputol ang pagtitig ko sa kawalan. I don't know what's happening, I just woke up this morning without no clear memory and now I'm here in a police headquarters, receiving appalling and terrible news.

"Ayos ka lang ba, Mr. Gomez?" tanong ng isa pang pulis na babae.

Tinanong ko sa sarili ko ang tanong na 'yon. Ayos lang ba ako? Matapos kong marinig ang kagimbal-gimbal na balita. Tito Ivan is the mastermind arsonist of Hema's Coffee, he kidnapped me last night and now he's dead. The police rescued me and it was strange because I woke up in my room the next morning, sabi nila'y dinala ako sa ospital at pagkatapos ay pinilit ko raw umuwi ng bahay para sa aso kong si Buddho.

"Mr. Gomez?" tawag ulit ng pulis na babae. "Sigurado ka bang wala kang ibang natatandaan?"

Sunud-sunod akong umiling at napabuga ng hangin. Paano ko ipapaliwanag sa kanila na ang huling memorya na natatandaan ko ay na-suspend ako sa university dahil sa ginawa kong pananakit sa senior professor namin, that was nineteen days ago.

What the hell I've been doing these past nineteen days? And Hema's Coffee? Paanong na-renovate ulit 'yon at pinasunog ni Tito Ivan? This makes no sense. And the worst part? My uncle was murdered by my friend, Nadia, she's my co-professor too, and according to the authorities, it was Nadia who saved me and killed my uncle.

The authorities are still keeping some information, I don't know what it is but I'm sure it's related to Tito Ivan's secret.

In the end, I still told the police the truth, that my last memory was nineteen days ago.

"Kailangan mong sumailalim sa therapy, Mr. Gomez. We found out that your uncle is also a hypnotist, he manipulated you psychologically." Sabi ng pulis na kaharap ko.

Hindi ko matanggap ang bagay na 'yon. How could Tito Ivan do that to me? At ngayong wala na siya ay hindi ko malalaman ang dahilan niya kung bakit niya 'yon ginawa sa'kin. My head is spinning and it hurts, nakaka-frustrate, nakaka-drain ng energy, parang gusto ko na lang magkulong at huwag nang lumabas kahit kailan.

"Mukhang iyon nga ang kailangan ko," sagot ko at bigla akong may naisip. "C-can I talk to her?"


*****


"NADIA?" I softly called her when she got out. Binigyan lang kami ng ilang minuto para makapag-usap ngayon. She's wearing an orange shirt, the prisoner's shirt, naka-posas din ang dalawang kamay niya. According to the police, Nadia confessed what she did at dahil doon ay masasampahan siya ng kaso.

"It's good to see you, Theo," bahagya siyang ngumiti at umupo kaharap ko. May namamagitang glass wall sa aming dalawa pero kitang-kita ko ang panghihina niya.

Marami akong gustong itanong kay Nadia pero biglan akong naumid, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ni hindi ko nga siya matingnan ng direkta.

"Sabi nila," napatingin ako sa kanya nang magsalita siya, "gusto mo raw akong makausap."

Isang matipid na tango lang ang sinagot ko sa kanya. My mind is still processing the words that I need to tell, parang computer na biglang nag-hang at bumagal.

"Alam ko kung bakit," sabi ni Nadia. "Kasi gusto mong malaman kung bakit ko 'yon ginawa."

Hindi ko maiwasang mapakunot nang makita ko na ngumiti siya. Paano niya pa nagagawang ngumiti ngayon? Has she gone mad already?

"I killed your uncle because I wanted to be free."

"I-I don't understand," nagkuyom ang dalawa kong palad. "Bakit mo ginawa 'yon, Nadia?!"

Tumingin bigla si Nadia sa malayo at ako naman ay habol ang hininga, naninikip 'yung dibdib ko sa labis na emosyong nararamdaman ko ngayon.

"Natatandaan mo pa ba noong nasa university pa tayo?"

"H-huh?" napamaang ako sa sinabi niya na 'yon.

Tumingin ulit sa akin si Nadia at nagsalita, "Palagi tayong inaalipin ng mga senior professor, tinutulungan natin sila sa doctoral thesis nila ng walang kapalit. Pero ikaw, dahil sa uncle mo hindi ka nila inaabuso ng sobra."

"Nadia—"

"Nakapasok ako bilang university professor dahil sa uncle mo. Marahil inaakala ng lahat na dahil sa pagiging researcher ko ako natanggap pero hindi," umling si Nadia. "May relasyon kami ng uncle mo, Theo."

"W-what?"

"He's been taking care of us since our parents died, high school ako noon at ang kapatid ko namang si Raul ay nag-drop sa college. Evangelion Gomez supported us financially, my brother became very loyal to him, and to the point he's willing to kill for him."

Namalayan ko na lang na nakanganga ako at hindi makapagsalita. Titig na titig kami sa isa't isa ni Nadia at alam kong hindi siya nagsisinungaling. But then, I still can't believe it.

"Your uncle is working on a very sensitive project, inutusan niya si Kuya Raul na mag-kidnap ng mga bata para sa project. Natuklasan 'yon ni Arlo , hinabol siya ni Kuya Raul na naging sanhi ng car accident ni Arlo."

"Wait," itinaas ko 'yung kamay ko para pahintuin siya sa mga sinasabi niya. This is too much. Ano 'tong mga naririnig ko kay Nadia? Anong kalokohan 'to? "What the hell are you talking about, Nadia?!"

"Arlo died because of your uncle, Theo."

"Saang project involve si uncle? Mag-kidnap ng mga bata? How...how could he... no... no he's not that kind of person! At bakit nadamay si Arlo rito?! Arlo died because of an accident!"

Nadia stared me for seconds, at nagulat ako sa tingin niya sa'kin. There's pity in her eyes. Bakit? Bakit niya ako kinaaawaan?

"Ginamit ka lang ng uncle mo, Theo."

"Nadia!" sigaw ko sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

"Nang malaman ko na ikaw na ang susunod niyang magiging biktima ay nakuha ko 'yong pagkakataon na 'yon para tapusin ang lahat. Gusto ko nang maging malaya mula sa pangongontrol niya sa'ming magkapatid, kaya aaminin ko sa'yo ang totoo. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko."

Sumandal ako sa upuan, tumingala at bumuga ng hangin. Why is this happening?

Ilang sandali pa'y dumating na ang warden at sinundo si Nadia. Bago umalis si Nadia ay muli itong tumingin sa'kin.

"Good bye, Theo. I hope you'll find the truth and you'll be free."


*****


MABILIS lang ding nakarating sa mga kamag-anak namin kung ano ang nangyari. Of course, kung ako ngang hindi makapaniwala ay mas lalong hindi nila matanggap ang mga nangyari. Despite of what happened, pumunta pa rin ako sa burol ni Tito Ivan.

It was quiet when I arrived, or it's just that they all went silent when they saw me. Knowing my Auntie Feliz, who's the closest to my Tito Ivan, she probably told our relatives not to disclose the truth to other people. Pero masyadong kontrobersyal ang mga pangyayari, at hindi malabong kumalat ng paunti-unti ang balita.

Huminga muna ako ng malalim bago ako tumapak sa loob ng bahay. Nakita ko ang anak ni Tito Ivan, nakatingin sa'kin, habang kalong niya ang natutulog na si Rosy. Naramdaman ko rin ang mga titig ng iba pang mga tao na nandito.

Pakiramdam ko naging telepath ako ng mga sandaling 'to dahil parang nababasa ko ang mga nasa isip niya.

He's the nephew that Ivan kidnapped? Why? What's special with him? Did Ivan really do it?

Dahan-dahan akong lumapit sa mga tito at tita ko na magkakasamang nakaupo para magmano.

"Ikaw pala, Theo," sabi ng ilan sa'kin. Ang iba'y hindi man lang ako binati o tinapunan ng tingin.

I can feel their hostility to me. Gusto ko silang tanungin kung ano ang maling ginawa ko pero wala akong lakas ng loob. Sa mata ng batas ako ang biktima pero bakit parang kasalanan ko? Bakit parang ako ang may mali? Marahil hindi ko nga talaga kasalanan pero damang-dama ko na hindi nila gusto ang presensiya ko rito dahil isa lang ang malinaw sa kanilang mga isip, kasalanan ko kung bakit namatay si Tito Ivan.

Hinanap ng mga mata ko si Frida, ang tanging pinsan ko na maaari kong maging kakampi, pero wala siya sa kahit saang sulok ng silid. Wala na siguro akong magagawa. Sisilip na lang ako kay Tito Ivan at aalis na rin ako.

Humakbang ako palapit sa kabaong pero napahinto ako nang narinig ko ang isang dumadagundong na boses.

"Ano'ng ginagawa mo rito?!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Auntie Feliz na nakaduro sa'kin, maya-maya'y sumugod siya at kaagad siyang inalalayan ng isa naming pinsan. "At talagang nagawa mo pang magpakita rito?! Kung hindi dahil sa'yo hindi mamamatay ang kapatid kong si Evangelion!"

Hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko kanina lang, sa mata nila ako ang may mali.

"Wala ho akong kasalanan, Auntie, nandito lang ako para makiramay," mas nanlisik ang namumugtong mga mata ni Auntie Feliz at mas lalo akong dinuro nito.

"Hindi ka kailangan dito!"

"Tama na 'yan, Ate Felicidad!" napatingin kami parehas sa nagsalita, namalayan ko na lang na nakalapit sa amin si Tita Lara.

"Walang kasalanan si Theo rito," tumingin sa'kin si Tita Lara at hinawakan ako sa balikat.

"Tama si Lara," nagulat ako nang makita ko si Auntie Elma, ang nanay ng pinsan kong si Arlo, nasa pintuan siya kasama ang iba ko pang pinsan, nakita ko si Frida roon. "Natanggap ko ang balita mula sa mga pulis, si Ivan ang dahilan kung bakit namatay ang anak kong si Arlo."

Naglakad palapit sa amin si Auntie Elma at hinarap niya si Auntie Feliz.

"Kailangan mong tanggapin ang katotohanan na demonyo ang ipinagmamalaki mong kapatid," sabi ni Auntie Elma at akma siyang sasampalin ni Auntie Feliz pero nasalag niya ito.

"Please po!" naagaw ang atensyon ng lahat sa sumigaw. Si Rosa 'yon na umiiyak, ang anak ni Tito Ivan. "Alam kong malaki ang kasalanan ng daddy ko pero sana huwag naman nating bastusin ang lamay niya."

Naunang umalis si Auntie Elma at ako naman ay akay-akay ni Tita Lara, lumabas kami ng bahay. Sa labas ay tumigil kami ni Tita Lara.

"Pwede ba kitang makauap sandali, Theo?" sabi ni Tita Lara sa akin.

"S-sige po."

Ni-request ni Tita Lara na lumayo kami roon kaya sinabay ko siya sa sasakyan at tumigil kami sa isang coffee shop sa town proper. Matapos naming umorder ng kape ay nagulat ako nang biglang umiyak si Tita Lara sa harapan ko.

"T-tita Lara?"

"This is my fault. Hindi sana 'to mangyayari kung may ginawa ako noon," bulong niya at pinahid ang tumulong luha, tumingin siya sa'kin. "I'm so sorry, Theo. Hindi ko alam kung paano mo ako mapapatawad."

"W-wait, Tita Lara, I don't understand."

Humugot ng malalim na hininga si Tita Lara bago muling tumingin sa'kin.

"M-matagal ko nang alam kung anong klaseng tao si Kuya Ivan," simula niya. "Noon pa man ay alam ko na kung gaano kalaki ang inggit na nararamdaman niya sa tatay mo, sa kuya naming si Tadeus. He was obsessed on acquiring a power to influence people, dahil pangarap niyang maging mayor ng bayang 'to na tinanggihan lang ng tatay mo."

Habang nakikinig ako kay auntie ay hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan, ang mukha ni tatay at ang pagkahanga ko sa kanya dahil sa pagiging marangal niyang tao.

"Kuya Ivan... as revenge... he used you..."

"W-what?"

"Hindi ko sinasadyang nakita noong dumalaw ako sa bahay nila, naroon ka dahil madalas kang kuhanin noon ni Kuya Ivan."

Ah, I remember. Oo, tama si Auntie, natatandaan ko 'yon noong bata pa lang ako ay palagi akong dinadaanan ni Tito Ivan sa bahay nila para dalhin sa kanila at makipaglaro kay Rosa. Gusto raw niya kasi ng anak na lalaki, pero isang anak na babae lang ang biniyaya sa kanila ng Diyos.

"It was that time when your dog died, you are crying relentlessly, kahit na dinala ka na noon ni Ivan sa kanila at nakipaglaro sa'yo si Rosa ay hindi ka pa rin tumatahan. When Ivan told you those words, you stopped crying."

"I still don't get it, Tita..."

"Ivan kept repeating those words, 'You will never cry', as he swings his pendulum, he hypnotized you," I was in awe when she said that. Paano? Posible ba 'yon? That's ridiculous. "I confronted him after, but he gave me a cold shoulder, wala raw mali sa ginawa niya dahil balang araw malaking utang na loob mong tatanawin 'yon sa kanya. That then I realized that he's projecting his hate for your father, to you."

Memories instantly flashed in my mind, all of my memories with Tito Ivan, 'yung mga panahong siya ang umalalay sa'kin noong mga panahong hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. I remembered his smiles, warm hugs, advice, and then... all of it... was just a lie? In reality, he hates me and he saw me just his tool?

I can't come up with the right words; I don't know what to tell her. My heart is hurting so bad.

"I'm sorry kung ngayon ko lang sinasabi 'to sa'yo, it's just that... I don't know what to do before, I was... I was confused and scared."

"Why?"

"My husband, Larz, asked Ivan's help on his scientific research and he agreed. I was involved in it too. I was afraid that if turn against my brother, our research won't be successful."

Napayuko ako, hindi ko na 'ata kaya, ang bigat-bigat na.

"Isang paraan lang siguro kung paano ako makakabawi sa'yo, Theo," napatingin ako sa kanya. "Let me regress your memories."

"What do you mean?"

"I will try to hypnotize you to return your memories. I've been doing past life regressions for two decades, wala sigurong masama kung susubukan ko sa'yo."


*****


MEMORIES.

Isa 'yan sa mga dahilan kung bakit nagdudusa ang mga tao. People cling on memories because that's the only thing they have from the past, they cannot change it and they cannot visit it anymore. Pumasok na noon sa isip ko... Paano kung... Paano kung nabubura ang alaala ng isang tao? Para hindi ka na masaktan, para hindi ka na kumapit pa sa nakaraang hindi na maibabalik.

"Tita Lara," tawag ko sa kanya, nakahiga ako ngayon sa isang chaise lounge. Madilim ang silid at tanging ilaw lang ng lampshade ang nakabukas.

"Yes, hijo?" she softly answered.

"I just want you to know... that I don't hate you for not telling me the truth earlier. Thank you for being brave for me."

Tumango lang siya at pinunsan ang tumulong luha.

"I will return what Ivan stole from you. Now, close my eyes and follow my voice, okay?"

I closed my eyes and carefully followed her instructions. It was hard at first but then... minutes later I felt lighter and something inside my mind suddenly opened.

I can hear my aunt's voice.

"Follow me," the voice says and my consciousness just followed the thought. I saw a light at the end of the hall and even without a physical body, I tried to catch on it faster.

When I entered the light, an old memory returned.

"I'm sorry, Theo, but Buddo died."

"No!"

I was five and I was crying loudly. Buddo, my first dog, died in the veterinary clinic.

"Dadalhin ko na lang sa bahay namin, baka tumahan na siya kapag nakalaro niya si Rosa." It was Tito Ivan, binuhat niya ako at dinala sa bahay nila. Then nag-fast forward ang memories, nakita ko 'yung batang sarili ko na nakaupo sa stool, kaharap si Tito Ivan, he's swaying pocket watch in front of my face while he muttered those words:

"Hindi ka pwedeng umiyak Theo, dahil lahat ng mga nabuhuhay sa mundo ay namamatay."

Like magic, I stopped crying. I never knew this memory exists not until now. So, that's the reason why I'm not crying. He really controlled me.

I heard Tita Lara's voice again but it's faint. The memories suddenly began to flash faster, from my entire childhood, puberty, and adulthood. Then I saw two unfamiliar women. I had a girlfriend during college but we broke up, next... I saw another woman whom I almost married but she didn't show up. They... They're part of my life? This is how much Tito Ivan stole from me?

"This is for the best, Theo, let me help you to ease the pain, let me help you to forget her." It was Tito Ivan, offering me a solution when my life is rock-bottom, when my fiancé didn't show up to our wedding and when Hema's Coffee closed down.

My life became boring and dull afterward, I've been living alone for two years while teaching at the university. Then... Somebody came again.

In a flash, I remembered what happen these past nineteen days.

I wasn't alone. I was with her.

"Take your passion and make it happen."

Juniper... I was with you?

Juniper... She... she made me return to live my life? During those days she helped me... she helped me to realize my dream again... she taught me how to love again...

Pero bakit... bakit mukha ni Galilee ang nakikita ko? Alam kong si Juniper siya pero bakit si Galilee ang kasama ko?

It's definitely, Juniper.

Siya ang totoong nagligtas sa'kin mula kay Tito Ivan.

"I'm here, Theo. You're safe now."

"I still can't believe that we made this far, Theo. I came back because... God knows how much I love you. And everything happened before this... I don't regret it."

"Juniper... Why are you telling me this?"

"Juniper!" bigla akong napabalikwas at nagmulat. Napatingin ako kay Tita Lara at nakita ang gulat niyang itsura.

Kinapa ko ang pisngi ko at naramdaman na basa 'yon. Am I crying? These memories... it felt so real.

"Theo?" my aunt called, tumayo ako at kaagad na hinanap ang phone ko sa ibabaw ng cabinet. I quickly dialled my cousin's number.

"FRIDA!"

"Oh bakit, pinsan?" sawakas sinagot na rin niya 'yung tawag.

"N-naalala ko na! I was with Juniper these past nineteen days! She's the one who saved me! Frida, she's with us—"

"Hold your horses, pinsan!" tumigil ako nang sumigaw siya. Bumukas ang ilaw at nakita ko si Tita Lara sa sulok na nag-aalala ang tingin. "S-sigurado ka ba sa pinagsasasabi mo? Okay ka lang?"

"Oo, I'm telling you, Juniper is with me!"

Then she went silent on the other line, I heard her sigh.

"Juniper is already dead." 

https://youtu.be/05V4CgSL0lw

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro