Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/21/ Unveiling Masks

"I've tried so hard to tell myself
that you're gone
But though you're still with me,
I've been alone all along"


/21/ Unveiling Masks

[JUNIPER]


WE never learn.

That's the reason why history keeps repeating itself, rather humans keep repeating history. Mali pala ang akala ko noon na sadyang mapaglaro lang ang tadhana at paulit-ulit nitong inuulit ang mga nangyari noon. Well, I guess, there's something that I didn't learn that's why it happened.

Hindi ko na dapat guguluhin si Theo at hahayaan ko na lang sana ang kagusuthan niya na lumayo ako pero mukhang hindi ko kayang gawin. Lalo pa't kailangan ko siyang protektahan mula sa taong inaakala niyang may totoong malasakit sa kanya.

"Ma'am," nag-angat ako ng tingin at nakita si manong guard at inabot ang isang cup ng mainit na kape. "Kape ka muna, ma'am, malamig ang panahon."

Napatingin ako sa labas at nakita ang malakas na pagbuhos ng ulan. Hindi ko na mabilang kung ilang oras akong nakatambay dito sa lobby at naghihintay na makita siya pero mula kahapon hanggang ngayon ay hindi lumalabas si Theo. Kada tunog ng elevator bell ay hindi ko maiwasang tumingin doon sa pag-asang baka makita ko na siya, pero bigo ako.

"Thank you," tinanggap ko ang kape. Siguro naaawa na sa'kin si manong guard dahil alam niya na ang tagal ko nang naghihintay.

"Juniper?" a familiar voice called me and then I saw Frida who's smiling widely. "My goodness, what are you doing here?" tumayo ako para salubungin ang yakap niya. "Nasaan ang magaling kong pinsan? Bakit iniwan ka rito?"

For a moment I don't know what I'm going to tell her, and then I saw her expression changed to sadness.

"Nabalitaan namin ang nangyari sa Hema's Coffee, that's why I'm here," hinawakan niya ako sa kamay. "Hinihintay mo ba si Theo?"

Umiling ako at huminga ako ng malalim, mukhang kailangan kong sabihin sa kanya.

"Frida, we... we already broke up." I chose those words para mas maintindihan niya ang sitwasyon. Frida's eyes widened and then we sat on the sofa.

"Ha? Ano?" halata sa kanya ang labis na pagkagulat at hindi malaman ang sasabihin. "Bakit ka nandito? Teka, I'm so confused. Humanda sa'kin 'yang lalaking 'yan!"

"Frida," I called her. "I wanted to see him but he's avoiding me. Can you help me?"

Ilang segundo kaming nagtitigan ni Frida, ang kaninang naaawang mukha ay napalitan ng inis ngayon dahil sa nalaman niya.

"Sige! Sugurin natin 'yang animal na 'yan!" hinila niya ako at wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Sa pagkakatanda ko'y may spare key si Frida ng unit ni Theo dahil madalas itong dumalaw noon, nang palapit na kami sa unit ay bigla akong kinabahan, baka kaladkarin niya ako palabas.

"Theo?" kumatok si Frida ng tatlong beses. "Si Frida 'to, 'insan."

Nakailang tawag at katok din si Frida subalit walang Theo ang nagbukas ng pinto. Kaya nagdesisyon na si Frida na buksan ang unit gamit ang susi na meron siya. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob at bumungad sa'min ang tahimik na unit ni Theo. Hindi bukas ang AC, magulo ang mga gamit, at maya-maya'y sinalubong kami ni Buddho.

"Hi, buddy!" dumamba ito sa'kin at hinimas koi to. "I missed you!"

"Theo?" tawag ni Frida at pumasok siya sa CR. "Walang tao? Saan nagpunta 'yun? Ano sabi ng guard sa baba?"

"Hindi rin nakita ni manong kung lumabas ba o hindi si Theo kaya hinihintay ko siya." Sagot ko.

Pumanewang si Frida habang pinagmamasdan ang buong unit, ako naman ay naupo sa sofa.

"Base sa ayos ng pamamahay ng pinsan ko ay mukhang hindi maganda ang pinagdadaanan niya, usually he's tidy," umupo si Frida sa tabi ko. "Now, can you tell me what happened between the two of you?"

"W-we just had a misunderstanding," tumayo ako at humarap sa kanya. "Frida, I'm sorry but I need to find him as soon as possible."

"Saan naman siya pupunta? Alam ko suspended pa rin siya sa trabaho niya."

"It's Thursday today, pumunta siya sa party ng Tito Ivan niya," speaking that name gave me shivers. Gustohin ko mang sabihin kay Frida ang nalaman ko pero hindi pwede.

"Party? Ni Tito Ivan? Parang wala naman kaming nabalitaang may party si Tito Ivan." Parang natamaan ako ng kidlat nang marinig ko 'yon mula kay Frida. Kung gano'n hindi alam ng mga kamag-anak nila ang tungkol sa party? At si Theo?

And then I remembered... there's something from Theo that Ivan wanted to have. His uncle is also the mastermind behind the Hema's Coffe's fire incident. Clearly, wherever Theo is, it's a trap that Ivan set up. Mas lalo akong kinabahan.

"Juniper?" narinig ko na lang ang boses ni Frida. "Are you okay? Namumutla ka."

"I'm sorry for the trouble, Frida."

Dali-dali akong lumabas ng unit. Kailangan kong mahanap si Theo sa lalong madaling panahon, hindi na 'ko pwedeng mag-aksaya ng oras. Tinanong ako ni manong guard sa reception nang makita niya ako pero hindi ko na siya pinansin.

Nang makalabas ako ng gusali ay naglakad ako patungo sa kung saan, walang katapusan, walang direksyon. Para akong lutang na naglalakad, wala sa sarili. Pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng pag-asa. Juniper, you can't be like this, you have to do something.

"Stop." Huminto lang ako nang marinig ko ang boses na 'yon.

"Azrael."

He's not wearing his usual smug smile and there's a slit of pity in his face.

"Do you want to find him badly?" I didn't answer because I'm not sure what he's up to. "I have an offer to you."

"A-ano 'yon?"

"I can find him," nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon.

"What, sigurado ka?"

"Well, because the truth is... one thing I'm sure is, Evangelion Gomez is part of the Heartless Society. No doubt about that, you already witnessed that Rosy's body is not Rosy's but to a girl called Camille."

"Paano mo mahahanap si Theo?"

"Dahil kasapi ng Heartless Society si Evangelion Gomez, I can trace him by my system to locate his location that might where Theo is."

"Y-you'll find Theo for me?" pero bigla akong natauhan, this is Azrael I'm talking to, I'm sure that he's not doing this because he's kind to me. I tried to compose myself.

"Very well, Juniper. This is a tremendous request, hindi 'to parte ng kasunduan natin sa Project: Afterlife, besides, what I'm going to do is privacy invasion, dahil may access kami sa records ng mga members ng Heartless Society ay kaya kong i-locate ang kinaroroonan nila."

"What's the cost then?"

"This is going to be your last day using Galilee Manzano's body. Pagpatak ng alas dose ng madaling araw, you'll be unplugged and your memory from the people you interacted, including Theo, will be erased."

Maaaring alam ni Azrael na wala na akong hihilingin pa dahil nagawa ko na ang mga gusto ko sa piling ni Theo, at tanging natitira na lang sa'kin ngayon ay ang mailigtas si Theo mula sa kamay ng uncle niya. Wala pa ring kasiguraduhan, pero wala na akong ibang choice. This is do or die. Well, if I am not going to succeed today, at least I tried, it's better than nothing.

"Deal."


*****


VILLA ROMA

It was a piece of cake for Azrael to find this location. Villa Roma, it's a huge hidden villa in the city, na pagmamay-ari ng isa ring kasapi ng Heartless Society. At ngayong gabi, hindi nga rin nagkamali si Azrael na isa itong engrandeng party.

I asked Frida's help to lend me a long off-shoulder gown, siya rin ang nag-ayos sa'kin, she tied my hair in a messy bun. At kahit kating kati na siyang kulitin ako kung para saan at bakit, may tiwala ako sa kanya na susundin niya ang mga binilin ko. Binigay ko kay Frida ang number ni Yano, at nagpadala ako ng message kay Yano kung ano'ng gagawin ko ngayong gabi. Aasahan ko silang dumating mamaya sa oras na mahila ko si Theo palabas.

Azrael is also walking beside me as we entered the lobby, I am amazed by how grand the mansion is. The marshals showed me the way to the ball before they let me in they handed me a masquerade mask. Pagpasok ko sa loob ng ball ay tumambad sa'kin ang maraming tao, pakiramdam ko'y napunta ako sa lumang era.

Almost all of the people here are old; they're wearing formal suits and masks. Everything's gold and classical music is playing on the background. How am I supposed to find Theo in this crowd? Sumulyap ako kay Azrael na nasa tabi ko pa rin.

"Where is Theo?" pabulong kong tanong.

"Careful, Juniper, all of them here are part of Heartless Society," tumango lang ako sa kanya at may itinuro siya. Sa kabilang panig ng silid ay nakita ko ang isang pamilyar na pigura. It's Theo! "You only have before midnight, good luck, Juniper."

"Thank you—" subalit pagtingin ko sa aking tabi'y wala na si Azrael. I quickly walked to Theo, but then in the middle of the crowd, someone pulled my waist.

"What a coincidence. You really look gorgeous tonight, Juniper."

"Levi!" even though I can't see his face because of the mask, I know it's him.

"I'm surprised to see you here," hindi niya ako binitawan at sa halip ay sumabay siya sa indayog ng musika kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Napansin ko na nasa gitna kami at sumasayaw din ang mga nasa paligid namin. Sinikap kong kumawala pero mahigpit ang pagkakahawak sa'kin ni Levi. "What are you even doing in this place? Representative ka ba ng namayapa mong lola na dati naming co-member?"

"Let me go." Mariin kong utos sa kanya pero hindi niya ako sinunod.

"Oh, don't spoil the night, Juniper. Habanera's is still playing, let's dance for a while," it feels like a dance with the devil. "Ah, I know, you're here because your lover is also here, am I right?"

"It's none of your business."

"Why so cold? Oh, I forgot, we're already dead," he laughed on his own stupid joke. "Anyway, you shouldn't be here, you know. They can easily recognize the likes of us." He looked around and he's right, almost everyone's here is also like me—like us, a Heartless. They're dancing using different bodies, they don't have hearts, at hindi ko maisip kung ano ba ang kaibahan ko sa kanila.

"For how long do you think you can live forever?" tanong ko sa kanya, hindi pa rin ako makakawala. Hindi siya nakasagot 'agad.

"Heaven is not real, Juniper. Project: Afterlife proves that heaven is a place on Earth. I'm not saying that we wanted to live forever, we just wanted to—"

"You're a monster for using someone's body," pinagtawanan niya ako nang sabihin ko 'yon.

"Don't be a hypocrite, Juniper, ano'ng tawag sa'yo? You're using also somebody's body to fulfil your own desires. We're just the same, a monster, you say."

"Hindi ko 'to ginusto—" then I remembered again the day I woke up to find I'm under Project: Afterlife. Ano'ng kaibahan ko sa kanya? Sa kanila na narito ngayon? "Bumalik ako pansamantala sa mundo para iligtas ang taong mahal ko. I don't have a heart like you but I know what love is, and love conquers all."

Nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa'kin ay sinamantala ko 'yon, buong pwersa ko siyang tinulak at dali-dali akong nagtungo sa kinaroroonan ng taong mahal ko.

"Theo!" sigaw ko at tinanggal ko ang maskarang suot ko. Nang humarap siya sa'kin ay mas binilisan ko ang paglapit sa kanya hanggang sa namalayan ko na lang na yakap ko siya. "I'm sorry. Theo, I'm sorry."

Hindi ko namalayan kung ilang segundo akong nakayakap sa kanya hanggang sa namalayan ko na lang ang pagyakap niya pabalik.

"Why are you apologizing?" bumitaw ako sa kanya at pinahid niya ang luha sa'king pisngi. "Why are you crying?"

Sunud-sunod akong umiling. Nag-uumapaw na 'yung halu-halong emosyong nararamdaman ko ngayon, hindi ko mahanap ang mga salita na gusto kong sabihin.

"W-we should get out here, Frida and my friend is waiting." Sabi ko sa kanya at hinila ko siya sa braso.

"Wait, we can't go on the main entrance, haharangin tayo ng mga bantay," pigil niya sa'kin at ako ang hinila niya patungo sa kung saan. "My uncle won't let go of me easily."

"Your uncle?" Kung gano'n...

Lumabas kami ng ballroom at tinahak ang isang mahabang hallway. Lumiko kami sa kanan at pagkatapos ay sa kaliwa. This place is like a maze, dama ko ang kaba ni Theo dahil hawak niya ang kamay ko. May makakasalubong kami nang buksan niya ang isang silid at pumasok kami roon.

"Theo?" bumitaw siya sa'kin at hindi ko siya makita dahil sobrang dilim ng silid.

"Sshhh..."

Biglang bumukas ang ilaw at laking gulat ko sa aking nakita.

"Why, hello, Juniper."

Si Evangelion Gomez, nakaupo ito habang hawak ang kanyang tungkod.

"T-Theo?" parang dinurog ang puso ko nang makita ko na lumapit siya sa kinaroroonan ng uncle niya.

"Good job my nephew," nakita ko ang walang emosyong mukha ni Theo habang nakatingin sa'kin. Ano'ng ibig sabihin nito? P-planado ang lahat? "I'm impressed how you managed to find this place, Villa Roma, wherein the annual party of the Heartless Society held. Your Azrael told you our location, am I right?"

Hindi ako makapagsalita. Nagkuyom ang dalawa kong palad. Naalala ko bigla ang mga sinabi sa akin ni Theo noon kung gaano kalaki ang utang na loob at tiwala niya sa uncle niya. Pero wala siyang kaalam-alam sa totoo nitong kulay.

Who would think that a decent and respectable man like Evangelion Gomez is a secret evil and manipulator? Right now, his mask is finally unveiled. 

"Theo!" sigaw ko at tumingin siya sa'kin subalit walang buhay ang mga mata niya. "This man is deceiving you! Siya ang nagpasunog ng Hema's Coffee! Theo, maniwala ka sa'kin!" Pero hindi man lang siya kumurap. Could it be?

"Walang saysay ang kahit na ano'ng sasabihin mo, hija," tumayo si Ivan. "He will only obey me."

"Y-you... You're the real heartless."

"I found it ironic, hija, alam mo ba 'yon? Naniniwala ka ba sa kasabihang 'history repeats itself'?" naglakad siya patungo sa may bar counter at kumuha ng goblet. "Nilayo ko na noon si Theo sa isang babae na anak ng isang co-member ko sa Heartless Society, pero sinong mag-aakala na iibig siya ulit sa isang babae na may koneksyon ulit sa Heartless Society."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Galilee Manzano, the body that you're using, is the first lover of my nephew. Dahil tutol ako at ang tatay ni Galilee sa relasyon nila, binura ko si Galilee sa memorya ni Theo."

A-ano?

"At ngayon, ang mas lalong nakakatawa, ang katawan ni Galilee ang ginamit mo para muling makapiling ang pamangkin ko. What a tragedy."

"Why are you doing this?!"

"Do you badly want to know the truth? Well then, this is not the right place to talk."

Bago pa 'ko makapagsalita'y may pumasok na lalaki sa silid—'yong lalaking may ahas na tattoo—ang taong pumatay sa'kin. Kaagad ako nitong nahigit.

"Raul, take her to basement."

At unti-unting nagdilim... ang aking paningin.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro