/18/ Hopes and Burdens
Too much hope
is bad
because it might
kill your
dreams
in instant
/18/ Hopes and Burdens
[JUNIPER]
WE stopped by at Lizzie's Kitchen to buy a customized cake and cupcakes for Rosy, dahil biglaan ang pagkakaimbita sa'min kagabi ay hindi namin napaghandaan ang regalo. Fortunately, Lizzie, the owner of the shop, accommodated us. Nagpasadya kami ng cake na Frozen na cartoon ang tema, tinanong kasi ni Theo si Frida kung ano ang paborito ni Rosy na palabas.
Almost one hour kaming naghintay para sa cake at kaagad kaming bumyahe papuntang Bulacan.
"Huwag mo nang paiiyakin si Rosy kapag nakita mo siya ha." biglang biro ni Theo habang nagmamaneho, he insisted that he'll drive kaya hinayaan ko na lang din siya.
Hindi ko pinahalata sa kanya na nag-aalangan ako, "Theo, sa ganda kong 'to magpapaiyak ba 'ko ng bata?"
Bigla niya kong tinignan ng kakaiba, parang nawirdohan siya sa sinabi ko o baka naramdaman niya na ang off ng joke ko.
"Bakit?" hindi ko mapigilang itanong.
"Hindi lang ako sanay na nagbibitaw ka ng narcissistic joke." sagot niya habang nakatuon ang mga mata sa kalsada.
"Totoo naman na maganda ako, 'di ba?"
"Oo, alam ko naman 'yon." sumulyap siya sa'kin at ngumiti ng nakakaloko.
I became silent after. Seeing Rosy again kinda bothers me, akala ko hindi papayag si Theo na pumunta ng party pero dahil sa Tito Ivan niya ay pupunta siya, wala naman ako magawa at ayoko namang magpaiwan, ayoko ring mapalayo sa kanya ng isang araw, kaunting panahon na nga lang ang mayroon ako dito. It's our seventeenth day together, ayoko sanang bilangin ang mga natitirang araw dahil kumikirot lang ang dibdib ko.
"Oh, bakit natahimik ka naman bigla?" natauhan ako nang marinig ko ulit 'yung boses niya.
"Nothing... I'm just sleepy." pagdadahilan ko.
*****
"HAPPY birthday, Rosy!" the children and adults chorused as we sang together for the birthday celebrant.
Sa bahay ng pinsan ni Theo ginanap ang selebrasyon, maraming bisita ang mga dumalo at hindi magkanda-umayaw ang mga bata sa sobrang saya. May tatlong clown kasi ang inarkila para magtanghal at magpasaya, marami ring handang mga pagkain. Typical Filipino party, I'm glad that I experienced this kind of simple yet joyous celebration.
I can't stop myself from worrying, sinadya kong lumayo sa celebrant at napansin 'yon ni Theo dahil hindi ako lumapit kay Rosy. Ayokong makita na naman niya ang kundisyon ko, ang pagiging Heartless. At ayoko ring ma-bother lalo kapag nakita ko na wala ring puso si Rosy, gusto kong ma-enjoy ang araw na 'to na normal kami parehas.
"Hey, what's wrong?" tanong ni Theo nang makalapit siya sa'kin. "Okay ka lang?"
"M-medyo masakit lang 'yung ulo ko," pagdadahilan ko at rumehistro ang pag-aalala sa kanyang mukha. Noong una pa lang ay pinaniwala ko siya na may sakit ako kaya 'di niya maiwasang mangamba, I'm guilty for that.
"Alam mo, nagustuhan ni Rosy 'yung regalo natin sa kanya," pinasigla ni Theo ang boses niya at pilit akong ngumiti. "Juniper, can we stay for a little longer? Hintayin ko lang si Tito Ivan, sabi kasi ng pinsan ko hahabol pa lang daw si Tito at gusto akong makausap."
"Ano ka ba," marahan ko siyang hinampas sa braso. "Bakit ka nagpapaalam sa'kin? It's okay, Theo." natatawa kong sabi.
"Thanks." nabigla ako nang halikan niya 'ko sa pisngi.
Maya-maya pa'y dumating na ang tito ni Theo at naiwan akong mag-isa sa pwesto ko. Kinausap ako saglit ni Frida pero iniwanan niya rin ako dahil tinawag siya ng mga pinsan niya. I was left alone and I feel out of place because I can't go anywhere, nag-iingat ako na hindi kami magkalapit ni Rosy dahil ayokong gumawa ulit ng eksena.
Good thing is I managed to distract myself by observing the people around me. Naka-break sa page-entertain ang mga clowns kaya kanya-kanyang mundo ang mga bisita. Nagmistula akong invisible dahil walang nakakapansin sa presensya ko, wala namang nakakakilala sa'kin dito maliban sa ilang pinsan ni Theo.
Napatingin ako sa may gate at nakita ko ang isang lalaki na naka-baseball cap at mask, he looked strange because he's acting suspicious, sisilip-silip ito sa loob. Sa pagkakataong 'to ay tumayo ako at pasimpleng naglakad sa buffet area para kumuha ng dessert, tinignan ko ang lalaki at bigla itong umalis.
I shrugged off the thought when I returned to my table, maybe I'm just thinking too much dahil wala akong makausap dito. Hanggang sa mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang party, tanging malalapit na kamag-anak at kaibigan na lang ng pamilya ang natira. Hindi pa rin ako binabalikan ni Theo.
"Juniper!" nakita ko si Frida na papalapit sa'kin. "Mygad! Anyare sa'yo, tinubuan ka na ng ugat diyan, girl?!"
"Hi, Frida," bati ko sa kanya. "I'm just.... not feeling well."
"Siraulo talaga 'yong pinsan ko, iniwan ka lang dito?! Ay naku, pasensya ka na at 'di rin kita nasamahan kanina."
"It's okay,"sabi ko at kung anu-ano na ang kinuwento niya sa'kin. I admire how talkative and open she is, parang kahit ano ay kaya niyang ikwento sa'yo basta handa ka lang makinig. I listened to Frida's stories until Theo came at last.
"Sorry---"
"Walang sorry, sorry," putol ni Frida kay Theo. "Anong klaseng lalaki ka at iniwan mo ang jowa mo rito?! Kakagigil ka."
"Si Tito Ivan kasi---"
"Aish! Tito Ivan, Tito Ivan, mukha kang Tito Ivan!"
Magtatalo pa lang ang magpinsan nang maagaw ang atensyon naming lahat ng nanay ni Rosy.
"Nakita niyo ba si Rosy?"
Nagkatinginan ang mga tao at rumehistro ang pagtataka sa kanilang mga mukha.
"Uhm... Hindi ba nasa loob siya?" sagot ng isang babae.
"W-wala siya sa loob ng bahay!" biglang naghisterikal ang nanay ni Rosy, at nagulat ang mga bisita.
"Calm down, Rosa," nagsalita ang tita ni Theo na sa pagkakatanda ko ay Lara ang pangalan. "Baka nandiyan lang si Rosy, you know that kid is too playful."
"Tita Lara, I looked everywhere!"
Nagsimulang mag-panic ang mga tao sa paligid subalit hindi sila makakilos kaagad. I remained calm and my intuition tells me something. Akma akong aalis nang hawakan ako ni Theo.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"I saw a suspicious guy outside, I'll go after him." pero hindi pa rin niya ako pinakawalan.
"What? Are you telling that Rosy is kidnapped?"
Natahimik ang paligid nang sabihin 'yon ni Theo, they all heard it and they're afraid to admit that possibility. I can feel their gazes but I didn't mind it, tumingin ako sa nanay ni Rosy. She's probably thinking the same, she thought of it already because she's aware that Rosy's different.
Nagtitigan kami ni Rosa at kita ko ang pangamba sa kanyang mukha, her face tells it, she knew something.
"I'll be back." inalis ko ang kamay ni Theo at kaagad akong lumabas. Hindi niya ako hinabol dahil alam kong ayaw niya ring tanggapin ang posibilidad na may dumukot kay Rosy.
It's already dark and I noticed a familiar figure running towards a motorcycle. I ran as fast as I could and he's just about to ride it when I grabbed his collar.
"A-ano ba?!" reklamo ng lalaki at natanggal ang baseball cap niya sa ulo kaya mas napagmasdan ko ang mukha niya, sa tingin ko'y halos kasing edad ko lang siya, moreno ito at bilugan ang mga mata. "S-sino ka ba?"
"Ikaw ang dapat kong tanungin kung sino ka, kanina ka pa naniniktik sa party," mas hinigpitan ko ang hawak sa collar niya. "Nasaan si Rosy?!"
"Bitawan mo muna ako, miss," pero hindi ko sinunod ang utos ng lalaki, dumukot siya sa bulsa niya kaya naalarma ako. "Heto, tingnan mo."
Pinakita niya sa'kin ang isang badge at doon ko napagtanto, pulis ang lalaking 'to. Binitawan ko siya.
"Bago ako magpaliwanag kung sino ako, alam ko kung sino ang dumukot sa bata at pupuntahan ko siya ngayon."
"I'll go with you."
Nakita ko ang pagdadalawang isip sa mukha ng lalaki pero sa huli'y napabuntong hininga na lang 'to at binuhay ang makina. Sumakay ako at umandar ang sasakyan.
Wala pang isang oras nang matunton namin ang isang kubo, liblib ang lugar na 'to kung ikukumpara sa pinanggalingan namin. My heart pounded when I heard a child's cry, umibis ako ng motor pero natigilan ako nang makita ko ang lalaki, he looked calm but stressed.
"Wait, miss, makinig ka muna sa'kin," sabi ng lalaki pero hindi ako mapalagay. "Alam ko imposible 'to pero---"
I didn't wait for his explanation and I ran to the hut where Rosy's scream grew louder louder. Buong lakas kong binuksan ang pinto at tumambad sa'kin ang isang babae na may pintura ang mukha at si Rosy na nakaupo sa isang papag habang umiiyak. Natigilan ang babae nang makita ako.
"Ikaw 'yung..." tinuro ko 'yung babae. "...isa sa clown sa party."
"Huwag kang mangialam dito!" sigaw ng babae sa'kin, namukhaan ko siya dahil hindi pa rin niya tinatanggal ang make-up sa mukha niya, wala na siyang suot na wig at iba na rin ang suot niyang damit.
"Ibalik mo si Rosy sa pamilya niya!" sigaw ko.
"Hindi Rosy ang pangalan niya! Anak ko ang batang 'to, at Camille ang totoo niyang pangalan!"
This time I was flabbergasted, my mouth can't spout any words because I knew what Rosy's condition and this confirms one of my hunches. Rosy is not Rosy, that body belonged to somebody else---magkatulad si Rosy at Levi.
"Carla!" biglang pumasok sa loob ng kubo ang lalaki na nagpakilalang pulis. "Sinasabi ko na nga ba at tama ako ng hinala sa gagawin mo!"
"Yano, hayaan mo na akong makasama ang anak ko, utang na loob!" pagmamakaawa ng babae.
"Sinasabi ko na sa'yo na hindi sapat ang ebidensya para masabing kinidnap nila sa'yo ang anak mo, Carla."
"DNA test! Mapapatunayan ko na ako ang ina ng batang 'to!" lumuluha na si Carla at si Rosy ay hindi pa rin matigil sa pag-iyak.
"Maghulos dili ka lang, Carla. Hindi mo ba alam na sa ginawa mong 'to ay maaari kang makulong?!"
"Ako ang inagawan ng anak dito, Yano!" bumaling si Carla kay Rosy. "Tumigil ka na sa pag-iyak, anak, uuwi ka na sa bahay natin."
"No! You're not my mom! I wanna go home!"
Para lang akong tuod na nakatayo at nanunuod sa eksena nila. Until Yano finally noticed my presence.
"Miss, iuuwi natin ang bata pero kung maaari sana ay mapalampas mo ang ginawa ni Carla? Wala kang nakita, wala kang---"
"Are you telling me na pagtatakpan siya?" tinuro ko ang babae. "Pulis ka! Bakit mo pagtatakpan ang taong 'to?"
Napahilamos si Yano at hindi malaman ang gagawin.
"Hindi ka maniniwala pero totoo ang sinasabi ni Carla, anak niya talaga ang batang 'yan. Ninong ako ni Camille at matalik na kaibigan ko ang namayapa niyang ama, kaya nang mawala si Camille noon ay hindi kami tumigil sa paghahanap sa kanya."
Natahimik ako nang marinig ko ang paliwanag ni Yano, nakinig lang ako sa kanya.
"Kasama si Camille sa listahan ng mga batang nawawala noon, at ngayong kasalukuyan ay iniimbestigahan ko ang pamilya na may hawak sa kanya. Alam kong malabo na maniwala ka at iisipin mo lang na baka kamukha lang niya ang si Camille, pero maninindigan ako sa mahabang panahon na binunga ng imbestigasyon ko."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pagkatapos, parang nanghihina ako na isipin ang mga nalaman ko.
"Sa ngayon, paumanhin lang ang maibibigay ko. At ibabalik namin ang batang 'to sa pamilya niya."
*****
"THANK goodness!" hindi matapus-tapos ang pasasalamat ni Rosa sa'kin nang maibalik ko si Rosy sa bahay.
Iilan na lamang na kamag-anak ang natira sa bahay at nadatnan ko rin na may dalawang pulis na pinatawag. Pinili kong maniwala kay Yano at Carla kaya sinunod ko ang utos ni Yano sa'kin, ibinalik ko si Rosy sa pangakong hindi ko sasabihin ang ginawa ni Carla.
The authority questioned me as expected, Rosy's mother and grandfather wanted to punish the culprit. Tinuruan ako ni Yano kung ano ang dapat isagot dahil nagtiwala ako sa kanya. Sinabi ko sa mga pulis na natagpuan si Rosy ng isang barangay tanod dahil nakita nito ang pagdakip kay Rosy ng isang hindi nakilalang tao.
At first I didn't believe that Yano can bribe a barangay tanod, but he actually did. Kampante si Yano na hindi mate-trace ng mga pulis ang totoo dahil walang ibang witness at walang mga CCTV camera sa kalsada.
It was very exhausting for me and Theo noticed it. I just want to go home and sleep. Ayoko munang isipin ang mga rebelasyon na nalaman ko at kung ano ang maaari kong gawin.
"Juniper, my dear," lumapit sa'kin si Tito Ivan at hinawakan ang mga kamay ko. "Thank you so much for taking an action to find my granddaughter. Hindi ko alam kung paano ka mababayaran sa ginawa mo."
"I just did what I think is right," sagot ko at matipid na ngumiti. Napansin ko ang kakaibang pisil niya sa mga kamay ko kaya binitawan niya rin ako kaagad.
Pagkatapos naming makapagpaalam sa mga kamag-anak ni Theo ay bumyahe kami pabalik ng Maynila, at habang nasa byahe ay hindi ako nagsasalita. I want to sleep but I can't.
"Juniper—"
"Theo... Can we just... not talk about it?"
"Ang alin?" naramdaman ko na sumulyap siya sa'kin habang nagmamaneho.
"'Yung nangyari kanina. Na-stressed ako sa nangyari."
"I'm sorry."
"Don't apologize."
"Sorry for apologizing," nagkatinginan kaming dalawa at bahagya siyang natawa. "You know what; we need to chill for a while."
*****
"HERE," bumalik si Theo na may dalang isang tray na may dalawang tasa ng umuusok na kape.
Nang may madaanan kaming coffee shop sa isang gasoline station ay nag-stop over kami roon. Walang gaanong tao at nakakakalma ang ambiance kaya medyo nawala ang sakit ng ulo ko.
"Thanks."
"May isang bagay pa rin ang bumabagabag sa isip ko hanggang ngayon." Sabi niya pagkaupo sa harapan ko.
"Ano 'yon?" tanong ko sabay higop sa tasa.
"When we first met at Afterlife, you asked me this disturbing question... Will you cry when I die?"
Muntik na 'kong masamid sa iniinom ko nang sabihin niya 'yon. So, he can still remember the 'first' night we met. Hindi kaagad ako nakapagsalita kaya nagpatuloy siya.
"Nakaka-curious lang kasi saan ka humugot ng lakas ng loob na itanong 'yung ganon. Clearly, we're strangers, why would a stranger cry for you?"
"Ngayon mo pa talaga naisipang itanong 'yan, ano," sabi ko at nilapag ko sa mesa ang tasa. Sumandal ako sa sofa at medyo tumingala sa kisame. "Umiyak ka na ba, Theo?"
"Teka, ako ang nagtatanong pero bakit tinatanong mo ako." Marahan akong natawa sa itusra niya.
"I just wanted to get your attention that's why I asked it," our gazes met this time. "If I'll ask it again, will you cry when I die? Would you answer the same?"
We both went silent for a while. His expressions changed, I can see... sadness in his eyes.
"No. I probably won't cry."
Still, his answer hurts a little. I smiled at him.
"I knew you would say that." Sabi ko.
"Ako naman ang may tanong."
"Ano 'yon?"
"Will you marry me?"
"Sira ka ba?" nagulat ako nang itanong niya 'yon. "Seventeen days pa lang tayong magkakilala."
"Gano'n din ka-weird 'yong tanong mo sa'kin, alam mo ba 'yon?" so, trip niya lang 'yung tanong na 'yon? "Seventeen days na tayong magkasama pero pakiramdam ko matagal na kitang kilala. Ewan ko, mahirap ipaliwanag at i-justify. Hindi naman ligawan ang pinatatagal kundi ang relasyon ,hindi ba?"
"No, we can't marry."
"I knew you would say that." Nagulat ako nang gayahin niya 'yung sinagot ko kanina.
We just stared at each other, parang nagpapaligsahan kami kung sino ang unang kukurap, pero walang kumukurap sa'ming dalawa. The meaning of silence for both of us is the reminder of truth, na hindi kami pwedeng magtagal dahil may katapusan din ang lahat ng 'to.
"I won't sell Hema's Coffee to anyone, even to your ex-fiance," biglang sabi niya. "Because of you nabigyan ako ng pag-asa na bumangon ulit. That's my dream and I won't give up on it."
"And because of you, my remaining days are worthwhile to live." Balik ko sa kanya.
Biglang nag-ring ang cellphone niya at nagdalawang isip siyang sagutin 'yon.
"Nadia's calling?" bulong niya sa sarili at sa huli'y sinagot niya ang tawag. "Nadia? Why? Nasa Bulacan pa 'ko... Ano? A-anong nangyari?"
"Theo?"
Hindi na siya nakapagsalita at halos nakatulala na lang.
"Theo, anong nangyari?" kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat at takot.
"Tinawagan ako ni Nadia... dahil nakita niya... N-nasusunog ang Hema's Coffee."
Nawala 'yung sakit ng ulo ko nang mga sandaling 'yon. I insisted to Theo na ako ang mag-drive pabalik ng Manila at halos paliparin ko ang sasakyan sa sobrang bilis. Buong byahe na tahimik lang si Theo at ako ang panay na nagsasalita na nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya.
"Don't worry, it'll be fine, Theo." Pero mukhang kahit anong sabihin ko'y hindi nito mababago ang masaklap na katotohanan.
Pagdating namin sa Hema's Coffee ay tila winasak ang puso ko sa nakita... Hema's Coffee is burning. Wala kaming ibang nagawa ni Theo kundi tumayo lang at panuorin itong matupok ng apoy, habang ang ibang tao'y nagkakagulo at kakarating pa lang ng mga bumbero para agapan ito. Pero huli na ang lahat.
I don't think I have the right words to tell him that it will be alright, because it's not. I just held his hands tight...
Maya-maya'y parang may pumitik at bumitaw sa'kin si Theo, dali-dali siyang lumapit sa bumbero at nag-alok ng tulong. I suddenly remembered his words: "That's my dream and I won't give up on it."
He's not giving up yet on fighting for his dream.
Lalapit sana ako kay Theo nang mabunggo ako ng isang nilalang, nagmamadali kasi itong maglakad, muntik na akong matumba kaya inalalayan niya ako.
"Salamat—" natigilan ako nang makita ko ang kamay ng lalaki.
My heart almost jumped. It's a familiar snake tattoo... It's the same tattoo as the man who killed me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro