Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/15/ Another Heartless

I think fate is cruel
 to make us meet along 
the intersection point
of our lives
and then our paths
will part
forever


/15/ Another Heartless

[JUNIPER]


LIFE will never be fair. Some are born with a definite purpose and some don't. May ipinanganak na mayaman, may ipinanganak na mahirap. Kaya may ilang nagsasabi na nasa mga kamay natin ang magiging takbo ng kapalaran, pero kahit ano pa man ang gawin natin may dalawang bagay tayong hindi matatakasan: we will suffer and we will die.

Life is not fair because it snatched away the most precious thing to me: time. And now I was given a chance to have more of it, unti-unting pinapaalala sa'kin ngayon na lahat ng bagay ay may hangganan at katapusan.

From one moment I was dancing with him and having the time of my life and then a few moments later I met this kid in the party who reminded me of my grim fate.

"Mommy, she don't have a heart!" naalala ko pa rin ang takot sa mukha ng batang babae habang nakaturo siya sa puso ko at hindi nakatakas sa'king paningin na katulad ko'y wala ring puso ang batang babae.

I was dumbfounded to see the little girl and then Azrael, the 'angel', showed up.

"She's also a 'Heartless', delikado ka, Juniper, 'yung kausap ni Theo ay mukhang psychic, he can sense that something's wrong with you. Get the hell out of here." Utos niya at dali-dali akong umalis.

Akala ko magiging madali lang ang lahat kapag bumalik ako at ginawa ko ang bagay na gusto kong gawin bago ako mawala sa mundo, ang makapiling siya kahit sa huling pagkakataon—kahit na hindi niya ako naalala.

Pero hindi pala, hindi pala madali. Ang dami kong mga bagay na inakala, akala ko kaya kong pigilan ang damdamin ko pero hindi pala. Akala ko hindi niya ako mamahalin—pero heto at minahal niya ako sa ikalawang pagkakataon. Masarap na masakit sa pakiramdam na mahalin akong muli ng taong minsan kong sinaktan, kahit na hindi niya nalaman ang totoo.

Masakit dahil kahit na gusto kong ipaalala sa kanya kung sino ako at para ipaliwanag ko sa kanya na hindi ko siya iniwan, hindi pwede. Hindi pwede dahil nasa isang kasunduan ako na hindi ko pwedeng sirain.

"Maswerte ka alam mo ba 'yon," Azrael's words snapped me back to reality. Napatingin ako kay Theo at nangangambang baka maalimpungatan siya.

"Ilang beses ko nang narinig 'yan sa'yo." Mahinang sabi ko at nakita ko si Buddo na lalapit kay Azrael subalit tumagos lamang ito rito, he's a hologram program afterall.

"Maswerte ka dahil okay lang sa may-ari ng katawan na 'yan na gamitin ang katawan niya na—"

"Azrael," putol ko sa sasabihin niya. "Please."

"Dahil kung hindi ay violation 'yon at maaaring masuspinde 'tong kontrata mo."

"Alam ko. You don't need to remind me every single damn time."

"Concern lang din naman ako sa'yo, Juniper."

"Really? Ikaw?" pang-uuyam ko sa kanya.

"I'm an angel."

"No, you're just a program designed to monitor a Heartless like me."

"Whatever. You only got fifteen days left." And then he disappeared like a ghost.

Napaupo ako sa sofa at hindi ko maiwasang mapahawak sa sentido. Hindi ako mapakali at sinundan ako ni Buddo sa CR, tiningnan ko 'yung sarili ko sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili. I touched my face and it's real. When Theo and I made love last night it felt also real. Though this body is not really mine, to begin with, I know that I'm still Maria Juniper Lee.

Hinawakan ko 'yung dibdib ko at walang nadama na pagtibok ng puso.

I'm a Heartless; it means that I'm only a soul living in a temporary vessel. And even if I'm a Heartless, my love for him is true.


*****


"WHAT now?"

Iyon siguro 'yung huling tanong na gusto kong marinig mula sa kanya. The next day we found ourselves again in Hema's Coffee, renovation of the interior is done but reopening has still a long way to go.

Nandiyan na naman 'yung naninikip na pakiramdam kapag maiisip ko na may kaunting araw na lang akong itatagal dito sa mundo. Paano na siya? Paano na siya na wala ako? Nasanay naman na siya na wala ako kaya okay lang siguro kung mawawala ako ulit sa buhay niya. The thought that he can go on with life without me is painful as hell.

"Well, you need to comply to the law, i-update ang registration mo sa city hall and BIR, tapos 'yung operations management kailangan mong pag-aralan ulit—"

"Me?" turo niya sa sarili. Hindi ko alam kung matatawa ko sa kanya dahil sa itsura niya na mukhang batang inosente.

"Oo, ikaw. Sino pa bang sa tingin mong mag-aasikaso nito?"

Napatitig lang siya sa'kin at tila napaisip.

"I... I thought..." alam ko kung ano'ng nasa isip niya. "I... I'm sorry, it's just that...I thought there's 'we'."

"Theo," tawag ko sa kanya dahil nag-alala ako bigla nang makita siyang biglang natuliro. Kailangan kong ipaalala sa kanya na hindi rin naman magtatagal 'to. "There's no 'we'."

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at napalitan ng hinanakit nang marinig 'yon.

"Wala lang ba sa'yo 'yung nangyari sa'tin kagabi?" nagulat ako sa tanong niya kaya medyo naumid ang dila ko.

"Theo, alam mo sa umpisa pa lang na hindi rin 'to magtatagal." Kahit masakit, kahit alam kong masasaktan siya kailangan ko 'yong sabihin.

"Kung hindi rin pala 'to magtatagal bakit ka pa pumasok sa buhay ko?"

Parehas kaming natigilan matapos niyang sabihin 'yon. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, bakit ganito na ang nangyayari? Bakit kung kailan naihayag naming sa isa't isa ang mga damdamin namin bakit pinapakomplikado ng pag-ibig ang sitwasyon? Nagiging bulag siya sa katotohanan.

"Tell me, Juniper," hinawakan niya 'ko sa magkabilang balikat. "Nagsisinungaling ka, hindi totoong may taning ang buhay mo." Hindi ko pwedeng hayaan na isipin niya ang delusyon na 'yon.

"Napag-usapan na natin 'to, Theo," alam kong sarado ang isip niya ngayong binuksan ko ulit ang puso niya pero heto at sinasaktan ko na naman siya. "Hindi ako nagsisinungaling."

Kumawala ako sa pagkakahawak niya at dali-dali akong nagtungo sa storage room, hindi naman niya ako sinundan at pagpasok ko sa loob ay ni-lock ko 'yon. Tinakpan ko 'yung bibig ko dahil kanina ko pa pinipigilan ang paghikbi.

Sa ilang araw na magkasama kaming dalawa ay ngayon ko lang nailabas 'tong luha na 'to. Noong una ko pa lang siyang makita ay pinigilan ko na 'agad 'yung sarili ko na huwag umiyak pero ngayon hindi ko na kaya.

Bakit kung kailan nakuha ko 'yung gusto ko na mahalin niya ko ulit pero hindi pa rin kami pwedeng magtagal? Bakit naging malupit sa'min ang tadhana?

Ilang minuto rin akong nagtagal sa pag-iyak. I can't cry forever. Kailangan kong kumilos dahil may iilang araw na lang kaming magkasama.

"Just let him love you for god's sake." Biglang sumulpot si Azrael sa tabi ko.

"Hindi mo talaga alam ang salitang privacy at personal space, ano?" sabi ko sa kanya matapos kong pahirin ang luha sa pisngi ko.

"Sorry pero parte 'to ng trabaho ko. Ewan ko ba kung bakit pinapakomplikado mo ang sitwasyon, Juniper. Hayaan mo lang siya sa gusto niya dahil pagkatapos ng kontrata mo'y makakalimutan lang din naman niya ang mga nangyari." Kakamut-kamot niyang sabi at umupo siya sa upuan.

Oo nga pala, bakit ngayon ko lang naalala. Makakalimutan nga lang pala niya ako pagkatapos nito. Magigising na lang siya isang araw na parang galing siya sa isang mahabang panaginip. Parang mas masakit 'ata 'yon.

"Alam mo ba na sinabi ni Buddha na 'The root of suffering is attachment'? Nakalimutan mo na rin 'yung orientation sa'yo bago ka mag-start sa program, strictly no attachment to earthly things including love para hindi ka mahirapan once na na-expire na ang kontrata."

I just stared at him. Sometimes he's a good companion by being frank to me at times like this.

"Okay, I get it," sabi ko na lang para wala na siyang masabi pa sa'kin. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng storage room.

Nakarinig ako ng mga boses at pagdating ko sa may dining area ay nakita ko si Theo na kausap ang dalawang lalaki, si Hody at isang pamilyar na tao...

"This is Levi Ching, the owner of Raven Realty, he is interested in buying this commercial lot." Sabi ni Hody at nakipagkamay ang katabi niya kay Theo.

What the... This can't be.

"I'll be direct to the point, Mr. Gomez. I want to buy this commercial lot because this is remaining to complete the space I need for my new condominium project. Name your price and I will buy it." Wika ni Levi Ching at nanigas lang ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman niya ang presensya ko, napatingin siya sa'kin.

"Well, hello to you, Juniper."

L-Levi. What is he doing here?

Napatingin sa'kin si Theo at nagpabalik-balik ang tingin niya sa'ming dalawa ni Levi.

"Magkakilala kayong dalawa?" tanong ni Theo at kita ko na naguguluhan siya.

"Why yes," halos hindi na 'ko makahinga nang maunahan ako ni Levi sumagot. "I'm her fiancé."

That's not the only thing I found frightening.

Levi Ching, the man who wants to buy Hema's Coffee's lot, who is my former fiancé, is also another Heartless—like me. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro