Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/11/ She Doesn't Have A Heart

I wish this
isn't real
The reality
I know is not

like this


/11/ She Doesn't Have A Heart

[THEODORE]


"GOOD morning! Hoy, gising na! Tanghali na!"

Ugh... Sino ba 'tong maingay na 'to? Pagbukas ko ng mga mata'y tumambad sa'kin ang pinsan kong si Frida at saktong hinagisan niya ako ng unan sa mukha.

"What the hell?!" kaagad akong bumangon. "Anong ginagawa mo rito?!"

Tumawa siya na parang bruha, "Surprise!!!"

Sumulyap ako sa tabi ko at nakitang wala roon si Juniper, binalik ko ang tingin ko sa kanya at sumimangot ako.

"Bakit ba laging sinisira mo ang umaga ko?! Don't tell me si Sam ang nagsabi sa'yo na nandito ako?" hula ko at tumango siya, sabi ko na nga ba. Kahit kailan talaga magkasabwat ang dalawang 'yan lalo na pagdating sa pantitrip sa'kin.

Umupo si Frida sa kahoy na upuan, "Ikaw ha, sikreto mong pinupugad si Juniper your loves dito."

"Anong pinagsasasabi mo, tumigil ka nga." Hindi pa rin mawala ang inis sa mukha ko dahil sinira niya ang tulog ko. Maliwanag na rin sa labas at ramdam ko ang init, mukhang tanghali na nga. "Where's Juniper?"

"Chill ka lang, nasa baba at nakikipagtsikahan kay Mang Toni. Miss mo naman 'agad! Anyway, good timing ka, insan, may party sa bahay nila Auntie Feliz, birthday niya! Tara lets, sama mo jowa mo!"

"Hindi naman ako invited."

"Shunga! Kahit 'di ka invited, you're still a family!"

"We're going home." Kinuha ko 'yung salamin ko sa gilid at sinuot 'yon.

"Ano ka ba, excited na nga si Juniper mamaya eh."

"What?"

"Wala kang choice, pupunta ka ng party, at ipakilala mo naman sa madlang pipol ang maganda mong girlfriend, ayaw mo non?"

Well, first of all, hindi naman talaga kami ni Juniper. We just pretended na kami at itong si Sam ay sinabi kay Frida na nandito kami sa bahay. Mukhang hindi ko mapaghahandaan ang consequences ng desisyon na 'yon.

Pangalawa, hindi ako close sa mga ibang kamag-anak namin. Some of them are fond of me and some of them don't... simply because of my father, may mga relatives din kasi kaming naiinggit o hindi gusto ang reputasyon niya noong nabubuhay pa siya. Si Tito Ivan lang talaga 'yung tito na komportable ako.

Pangatlo, I don't really like to party or to attend social gatherings maliban na lang kung sobrang importante o may kinalaman sa trabaho. Sadyang hindi ko lang alam kung paano makipag-interact sa mga taong hindi ko naman ka-close.

"May choice ba talaga akong tumanggi?" tanong ko kay Frida kahit na alam kong hindi pa rin niya ako titigilan.

"Wala!"


*****


Huminto kami sa harapan ng isang malaking lumang bahay na bato, isa rin sa mga kilalang sinaunang bahay dito sa aming bayan.

"Uy, guys, una na ko sa loob, sunod kayo ha," wika ni Frida at kaagad na umibis ng sasakyan at naglakad papasok sa loob ng bahay.

Naiwan kami ni Juniper sa loob ng sasakyan.

"What's wrong?" tanong niya sa'kin, nakaupo siya sa passenger's seat, mukhang napansin niya na hindi ako komportable.

"Ah... I just..." hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.

"Theo, don't worry, you'll be fine. Nandito naman ako," I looked at her and I saw an assurance in her face. "Kapag gusto mo ng umuwi, we can go home immediately."

Tumango ako at bumaba kami ng sasakyan. Lumapit siya sa'kin at nagulat ako nang ayusin niya 'yung buhok ko.

"Hey, that's fine," awat ko sa kanya pero hindi pa rin siya tumigil.

"Come on, be confident," nakangiti niyang saad. "Let's go?"

Inalok niya ang kanyang kamay at walang alinlangang tinanggap ko 'yon. Sabay kaming naglakad palapit sa bahay na bato. Mas malaki ito kumpara sa ancestral house namin, it's one of the pride of our clan, dahil minsang naging Mayor ang lolo namin.

Nang makapasok kami sa loob ng lumang bahay ay tumambad sa'min ang maraming bisita, some of them are familiar to me but I can't remember their names, may iba na hindi ko talaga kilala at hindi ko sigurado kung kamag-anak ba namin.

Juniper is smiling confidently; she looked at me to give me again an assurance.

Nakuha kaagad namin ang atensyon ng mga tao sa loob. They're looking at us. Heto na, umaatake ang social anxiety ko, hindi ko alam kung paano ko iha-handle ang ganitong sitwasyon.

"Oh my god! Theo?!" mula sa kung saan ay sumulpot ang isang babae, si Tita Lara! She's the all-time favourite tita and a cool one. Hindi siya mukhang matanda dahil kaya niyang makipagsabayan sa millenials. Si Tita Lara ang bunsong kapatid ni tatay. "Ikaw pala 'yan!"

"H-hi, Tita Lara." Kukuhanin ko sana 'yung kamay niya para magmano pero kaagad niyang iniwas 'yon.

"Naku, ayoko niyan at tatanda ako," biro niya at nakipagbeso sa akin. Humarap siya kay Juniper. "At sino naman itong magandang dilag na 'to? Girlfriend mo?"

"Hello, Tita Tara!" masiglang bati ni Juniper at nakipag-beso siya rito.

"Ang galing talaga pumili ng pamangkin ko!" puri ni Tita Lara at wala akong nagawa kundi mapakamot sa batok.

"Well, well, well, nandito ka pala, Theodoro," napalingon kami at nakita si Auntie Feliz na palapit sa kinaroroonan namin. Mas tumanda siya kaysa noong huli ko siyang nakita, agaw pansin ang buhok niyang mala-Imelda Marcos, pati kasuotan na kulay violet. Principal si Auntie sa isang tanyag na eskwelahan ng bayang ito kaya marami ang rumerespeto sa kanya. "Anong masamang hangin at napadpad ka rito?"

"H-happy birthday po, Auntie," nagmano ako sa kanya at taas noo pa rin siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit simula bata pa lang ako ay mainit na ang dugo niya sa'kin.

"Ate, grabe ka naman sa pamangkin mo, siyempre nandito siya dahil naalala ka niya."

"Happy birthday po," sumingit bigla si Juniper at nagmano rin dito. Nakita ko ang pagtataka sa matapobreng mukha ni Auntie.

"At sino ka naman?"

"Nobya ni Theo, ang ganda no? Pang Miss Universe." Si Tita Lara ang sumagot at wala naman akong nasabi.

"Bueno, maraming salamat sa pagdalo. Enjoy the party." Ngumiti si Auntie at iniwanan kami. Mabuti na lang at may kaunti pa rin siyang puso at hindi niya na ako hinanapan ng regalo.

Then after that ay isa-isa kaming nilapitan ng iba pa naming mga kamag-anak, weird dahil nagmistula kaming magnet. Kabi-kabila ang pagmamano ko kahit hindi ko na kilala 'yung iba.

Hindi ko nga sure kung family reunion ba 'to o birthday party sa dami ng bisita ni Auntie Feliz. Dito mo halos makikita ang typical Filipino relatives.

Nandiyan 'yung beer-loving tito mo na kapag na-tipsy na'y hindi na maaawat sa videoke sa pagkanta ng 'My Way'. May mga tito naman na hindi maawat sa payabangan ng mga narating nila sa buhay.

Nandiyan din 'yung mga pinsan mong Balikbayan na cool manamit at may accent ang pananalita, sila 'yung laging maraming kwento tungkol sa nangyari sa kanila sa abroad. Meron ding mga spoiled brats mong pinsan na walang inatupag kundi mag-cellphone.

Hindi mawawala ang mga lolo at lola na nang-iispoil sa mga apo nila, mayroong mga superstitious na lola at iba'y panay kwento ng mga kabataan nila.

At ang mga tita, sila 'ata ang pinakamaraming klase. May tita ka na judgmental, ultimo timbang at pag-aasawa mo'y pakikialaman nila. May tita ka na 'banal', sila 'yung laging nagbibigay sa'yo ng mga rosary at mini Bible. May tita ka na maraming pinaglalaban tungkol sa politika, may tita na yayamanin at mahilig i-show off ang kanilang mamahaling brand bags.

Himalang naka-survive ako buong maghapon. Siguro dahil nada-divert ni Juniper ang atensyon nila imbis na sa akin nakatuon. Luckily, Juniper can handle them with grace, kahit anong itanong na ibato ay kaya niyang sagutin, hindi siya napipikon, mukhang nag-eenjoy pa nga siya!

Then I remembered wala nga pala siyang pamilya. Siguro nga mas na-aappreciate ng mga tao kung anong wala sila kesa sa mga taong binabalewala kung anong meron sila.

"Insan," tumabi sa'kin bigla si Frida nang pumunta ako sa isang sulok habang may hawak na wine. Nginuso niya si Juniper. "Kung ako sa'yo pakasalan mo na 'yan."

"Teka nga," bigla kong may naalala. "Parang nakalimutan mo na 'yung sinabi ko sa'yo noong isang araw ah."

Napaisip siya saglit, "Anong kwento?"

Napa-face palm ako, kahit kailan talaga ay kakaiba ang saltik nitong pinsan ko.

"Frida... 'Yung totoo tungkol kay Juniper... 'Yung sakit niya, 'yung deal namin."

"Ahh! Oo nga!" bulalas niya at halos marinidi ako sa boses niya.

"Ssshh!!!" saway ko sa kanya at kaagad naman siyang napatakip ng bibig. "May nahanap ka bang clue tungkol sa kanya?" binigay ko kasi sa kanya noon 'yung larawan na nakita ko sa ilalim ng kama ko.

"Negative, insan," inekis niya pa 'yung mga braso niya. "Hays, kung ako sa'yo just enjoy the moment whether it's true or not. Oh, English 'yan!"

Napailing na lang ako, "I got this feeling na kilala ko siya noon pero imposible 'yon... Pero posible..."

"Ang gulo mo ha. Imposible tapos posible?"

"Everybody, it's time for Zumbaaaa!" masiglang anunsyo ni Auntie Feliz sa lahat at nagalak naman ang ilang may edad. Oo nga pala, favourite past time ni Auntie Feliz ang pagsu-Zumba.

Inusod ng mga tao ang furnitures sa gilid at nagkaroon ng malaking espasyo sa sala na animo'y isang bulwagan.

"Tara, sayaw tayo!" yaya ni Frida pero tumanggi ako.

"Let's go everyboddyyyy!" pag-yaya ni Auntie Feliz at nagsimulang tumugtog ang isang 80s music na pamilyar sa lahat.

Game na game na sumali ang mga tito at tita, hindi rin nagpaawat ang mga lolo at lola. 'Yung mga pinsan kong bata ay halos hilahin ng mga magulang nila para sumali pero matitigas ang mga ulo. Nakita ko si Juniper na napapagitnaan ng dalawa kong tita, mukhang game din siya sa pakulo ni Auntie Feliz.

Sinusundan nila 'yung dance instructor na nasa harapan, madali lang naman ang steps at nakakasabay ang lahat dahil mabagal pa ang kanta.

"Theo! Join us!" biglang lumapit sa'kin si Juniper at umiling ako. "Huwag kang killjoy, this is my favorite song!"

Maya-maya'y unti-unting bumilis ang musika. At dahil kaliwa ang mga paa ko'y halos hindi ko masabayan ang indayog. Sumulyap ako kay Juniper at nakita ko ang ngiti niyang hindi matanggal-tanggal sa kanyang pisngi, she's radiating joy around her and it's infectious. Hindi ko na alintana kung ang tigas ng galaw ko o kung hindi ako makasabay.

What a feeling
Bein's believin'
I can have it all
Now I'm dancing for my life

Take your passion
And make it happen
Pictures come alive
You can dance right through your life

Namalayan ko na lang na nagpapalakpakan na lang ang lahat nang matapos ang tugtog. Hihirit pa sana ng isang sayaw ang lahat nang maagaw ang kanilang pansin ang bagong dating. Pinahinto ni Auntie ang tugtog at inutos sa iba na ibalik sa dating ayos ang mga gamit. Bumalik sa normal ang lahat.

"Evangelion!" Auntie exclaimed when he saw Tito Ivan. "How I missed you!"

Binati rin ng ibang bisita si Tito Ivan na akala mo'y isang celebrity. Minsan kasing tumakbo noon si Tito bilang Mayor ng bayang ito at muntikan na siyang manalo.

Madalas kong makita si Tito Ivan sa university pero hindi pa rin talaga kumukupas ang kanyang tindig. Kahit na medyo namumuti na ang kanyang buhok ay may kakisigan pa rin siya. May aura siya na kapag nagsalita siya'y makikinig ka sa kanya.

Hindi ako nakaligtas sa matalas na tingin ni Tito Ivan at kaagad siyang lumapit sa akin.

"Theo," tawag niya sa akin at nag-mano ako sa kanya. "Kamusta ka naman na, hijo?"

I didn't expect that he'll ask me that. He's been always kind to me since my parents died. At nito lang nasangkot ako sa gulo, hindi pa rin niya ako pinabayaan.

"I'm fine, Tito. I'm sorry kung—"

"Let's not talk about the past," tinapik niya ako sa balikat at bumaling ang kanyang tingin sa aking katabi. Napangiti siya. "The rumors are true, my nephew. Baka gusto mo naman akong ipakilala rito sa maganda mong nobya."

Nag-mano si Juniper kay Tito Ivan, "Maria Juniper Lee po."

"Maria?" napatingin sa'kin si Juniper at halatang nagulat siya.

"What a beautiful name, hija, kasing ganda mo," narinig kogn sabi ni Tito Ivan. "Anong gayuma ang pinakain sa'yo nitong pamangkin ko?"

Juniper gave him a nervous laugh.

"Hija, pwede ko bang makausap saglit 'tong pamangkin ko?" tumango lang si Juniper at umalis ito. Naiwan kaming dalawa ni Tito Ivan. "Theo, I think it's about time na itanong ko 'to sa'yo."

"Ano 'yon, Tito?"

"I think your father left something very important behind."

Napakunot ako at napaisip. Muling nagsalita si Tito Ivan.

"Sa tingin ko wala siyang ibang pinagkatiwalaan kundi ikaw."

"Ako?" turo ko sa aking sarili. "I'm sorry... Tito, I don't remember anything."

"Are you sure?"

Suddenly I remembered what I told Juniper last night. There's actually a thing that my father left me pero hindi ko maalala. Umiling na lang ako ulit at parang nawalan ng pag-asa si Tito Ivan.

"Evangelion! Halika rine at ipapakilala ko sa'yo 'tong pwede mong maging campaign manager!" biglang lumitaw si Auntie Feliz.

"Manang Feliz, talagang buong pangalan ko?" nakatawang saad ni Tito. "Oh siya, Theo." He taps me again before leaving me.

Kaagad gumala ang mga mata ko para hanapin si Juniper.

"Excuse me, sir?" biglang may nagsalita sa gilid ko at nakita ko ang isang pamilyar na lalaki.

"Yes?" I'm sure I met him somewhere.

"I'm your former student po, my name is Garnet."

"Garnet?" then I suddenly remembered him, the talented artist in my former class! "I'm surprised to see you here."

"Teacher po kasi ako sa school kung saan principal ang auntie niyo at imbitado kaming faculty. Kanina ko nga lang nalaman na pamangkin ka niya," nakangiting sabi niya.

"Teacher? Hindi ba't Architecture ang kinukuha mo?"

"Nag-shift po ako ng Education."

"Really? That's nice." Manghang sabi ko. Hindi ko kasi sukat akalaing magiging teacher ang isang tahimik na estudyante katulad niya. Ang buhay talaga.

"Are you with her?" biglang tanong ni Garnet sa'kin at may tinuro. Napatingin ako roon at nakita ko si Juniper 'di kalayuan na may kausap na bata.

"Yes."

"Something's wrong with her."

Napakunot ako, "I'm sorry?"

Garnet let out a sigh, "I know you won't believe me—"

Biglang umiyak ng malakas 'yung bata kaya naagaw nito ang atensyon ng lahat. Si Juniper naman ay hindi alam ang gagawin, she looks sorry that she made the little girl cry. Lumapit ang nanay ng bata upang patahanin ito pero mas lalo lang lumakas ang iyak ng bata. 

"Mommy! She doesn't have a heart!"



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro