Wildflower
WILDFLOWER
Sabi nila ang babae ay dapat sa bahay lang. Dapat magluto, mag-alaga at maglinis ng bahay. Limitado lang ang kakayahan at magagawa, pero para sa akin na isang babaeng maraming pangarap at pinagdadaanan maling-mali sila. I am Sophia Elizabeth Valdeza, isang aspiring writer na kayang ipahayag ang nararamdaman sa iba’t ibang klase ng kategorya na kasalukuyang nag-aaral ng Criminology. Para sa kanila, sisiw lang ang magsulat pero hindi nila alam na bawat salita at talata ko ay may kahulugan.
Kasalukuyan akong nandito sa hardin,kung saan pinagmamasdan ko ang ganda ng wildflower. Sobrang gaganda at mababango. Lunes ngayon at mamaya may pasok para sa 4 na subjects. Third year college na ako at masasabi kong sobrang nakakapagod talaga, lalo na kung ang kurso mo ay crimimology pa. Gusto ko kasing patunayan na hindi lang ako magaling sumulat, kundi kaya kong humarap at ipaglaban ang bayan at masugpo ang kasamaan.Hindi ko lang din maintindihan bakit nalagay ako sa mga kinulang sa higpit ng turnilyo. Normal naman sila pero ang pag-iisip nila ay hindi tama. Palagi nilang sinasabi ito lalo na yung lalaking galit na galit sa akin. “Magaling ka ‘diba, buhatin mo ‘yan! Akala mo kasi kung sino kang babae lang naman! Hindi mo ako kayang patumbahin.”
Kapag may mga activities kasi kami lagi siyang umaapela, akala mo ang dami kong kasalanan sa kanya. Pero wala naman siyang nasasabi pagkatapos dahil hindi ako pumapayag na matalo o maapi sa anumang aktibidad namin.
Mayroon kasi akong kaklase na lalaki na mahusay naman talaga, pero ang ugali sobrang purol na kailangan hasain na para tumalas.
Lahat tuloy ng mga kaklase kong babae ay takot sa kanya, may iba nga na nag-iba ng kurso dahil sa kayabangan at pambubully niya. Bading ‘yata iyon pumapatol sa babae. Puro lang naman salita, hindi niya naman hawak ang batas at kagustuhan ng bawat isa para sumunod sa kanya. Kahit na madalas magkrus ang landas namin, lumalaban ako ng patas sa kanya. Papatunayan ko sa kanya na kayang gawin ng babae ang lahat ng bagay.
Isang gabi, nakahiga na ako sa kama at sunod-sunod na tumunog ang phone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang groupchat ng Criminology. Kami lamang mga estudyante ang naroon at lima na lang kaming babae ang natira sa batch namin. Puro apelyido ang nickname namin sa groupchat. Ngunit si Vince Delaforte lang ang may nickname na ‘pogi’. Pogi sana kung mabait, kaso hindi mayabang at epal sa buhay ko.
Delaforte (pogi) : Isang babae tutuloy pero susuko na rin bukas.
Cruz: Tibay niyan pre, siya na lang yata matitira sa lahi niyan HAHAHA
Smith: Hoy bro, tigilan ninyo na Sophia Elizabeth magiging prinsesa pa yan!
Delaforte: Prinsesa mo? Yieee! Sige pre ako na magiging pari ninyo BWAHAHAHA
Kung ano-anong pang-aasar ang banat nila at sineen ko lang iyon. Wala akong paki kung anong gawin at sabihin nila. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan patapos na.
Ngunit naging makati ang kamay ko na tumipa.
Valdeza: Alam ninyo sayang laki ng mga katawan ninyo, mga wala naman kayong magawa sa buhay. Tsaka ikaw Delaforte, kung broken ka ‘wag mo lahatin ang babae. MAGPAKALALAKI KA ‘WAG KANG MAG ALA BADING DIYAN!
Bumanat pa siya sa group chat pero hindi ko na pinatulan at pinansin pa. Tinabi ko na lamang ang phone ko sa gilid ng lamesa at binabaan ng volume.
***
Maaga akong nagising para makapag linis ng dorm mamaya. Wala naman kaming klase ngayon dahil may emergency ang P.E. teacher namin. Sabado ngayon at P.E. class lang ang mayroon kami. Kahit walang pasok, gumising ako ng maaga para magawa ang dapat kong gawin at tumambay sa hardin. Namimiss ko na kasi ang mga bulaklak lalo na ang wildflower.
Bumangon na nga ako at nagsimulang mag-asikaso.
Hindi kalakihan ang dorm ko pero gusto ko palaging malinis ito, kaya kapag walang pasok ay sinusulit ko ang paglilinis. Malayo sila mama at papa rito, nasa Bulacan sila habang ako nandito sa Maynila para tapusin ang pag-aaral ko. Kahit na mahirap mahiwalay sa kanila, titiisin ko para sa magandang kinabukasan at sa pangarap ko. Papatunayan ko rin kay papa na mali ang iniisip niya.
“Wala kang mamarating sa buhay! Pambahay ka lang!”
“Hindi mo kaya ang mga nagagawa namin!”
“Babae ka lang, gaya ng mama mo. Babae lang na dapat nandito at gumagawa ng gawaing bahay.”
Ito yung mga salita niya tumatak sa akin bago ako umalis sa Bulacan, hindi kasi boto si papa na mag-Criminology ako. Pero kahit ayaw niya, suportado si mama. Hindi ko lang maintindihan bakit imbes na suportahan na lang ako, siya pa mismo ang umaayaw. Nakakalungkot lang isipin pero ito ang reyalidad, hindi porket kadugo mo kakampi mo na.
Hindi ko namalayan na nagtutubig na pala ang aking pisngi, pinunasan ko iyon ng kanan kong kamay at pinili tapusin ang paglilinis.
“Laban lang Sophia, matatapos din lahat ng ’yan.” Tinuloy ko na ang pagwawalis sa sahig para makapagpahinga at makaligo. Hindi ako pwedeng gabihin dahil ang hardin ni Aling Summer ay magsasara ng alas kwarto ng hapon.
Dalawang oras ang lumipas at saktong alas tres ay narito na ako sa hardin ni Aling Summer, nakita ko ang magandang tubó ng wildflower. Naglakad-lakad ako at pinagmasdan ang mga iyon. Ang payapa kasi kapag sila ang nakikita ko, para kang malaya at maningning ang paligid.
“Nandito ka pala, gusto mong samahan kita tumambay?” Isang pamilyar na boses ng lalaki ang nagsalita sa likod. Napalingon ako at hindi nga ako nagkamali, isa sa kabigan ni Vince, si James Salcedo.
“Oo, tatambay sana ako para mag-relax. Bakit nandito ka? Kung mangiinis ka lang iba na lang. Wala ako sa mood.”
Ngumisi lang ito dahilan ng pagtaas ko ng kilay.
“Hindi ako gaya ni Vince, magkaibigan nga kami pero hindi kami magkaugali. Alam kong sobra na siya, pasensiyahan mo na lang sana.”
“Pasensiyahan? Hindi tama ang ginagawa niya, palagi siyang nagmamagaling na akala mo kung sinong nilalang.Tandaan mo ’to, babae man ako kaya ko. Kayang-kaya ko!”
“Chill Sophia, hindi ako nandito para makipag-away o makipagtalo. Ako na humihingi ng tawad para sa kaibigan ko.”
“Alam mo James, sayang ka eh. Huwag mong akuin ang paghingi ng tawad kung wala kang ginawang kasalanan. Tsaka hindi naman ako nakikipagtalo sayo, nagsasabi lang ako sayo. Teka nga, bakit ka pala nandito?”
“Naiintindihan ko, tama ka naman. Siguro nga mahina ako, piniling manahimik at itama ang mga nakikitang kamalian.Galing ako sa court, nagpahangin lang at sakto nitong pauwi na ako nakita kita rito.”Nag-iba ang mukha nito na tila ang kaninang masigla ay biglang nanlumo.
“Mahilig ka pala sa wildflower?” tanong nito.
Mabilis akong sumagot. “Oo, ang ganda kasi nila tsaka nabubuhay sila kahit walang tulong ng tao.”
Napaisip tuloy ako, nakakatakot ba talaga iyon kumag na ‘yon? Sa totoo lang, malaki lang katawan niya pero puro kayabangan lang ang alam.
“Wala Sophia. Hayaan na basta proud ako sa pagiging matapang mo. Natatapakan kasi ang ego niya kaya siya laging gano’n sayo,” dagdag kong sabi. Sa totoo lang din, bihira ko makausap ‘tong si James pero pakiramdam ko naman ay kakaiba siya kay Vince.
Bumutonghininga muna ako at sandaling hinawakan ang wildflower. Bawal pumitas pero pwedeng puntahan at hawakan ang mga ito.
Nakatangin pa rin ako sa mga bulaklak rito. Nasa loob kasi kaming dalawa, iba’t ibang klase ng mga bulaklak ang mga nandito.
“Siguro nga natatapakan ko na yung ego niya pero gusto ko lang din magpakatotoo sa sarili ko at sa mga taomg nasa paligid ko. Gusto kong matapos ang pag-aaral at matupad ang mga pangarap ko, James. Hindi si Vince ang magpapataob sa akin.” Buong lakas kong paliwanag sa kanya.
“Tama ka, Sophia. Hindi ka nga lang basta babae. Babae kang may lakas at boses.” pagkatapos niyang sabihin ‘yon, bumaba na si haring araw. Para bang pagpapaalam at pamamahinga at lalaban ulit kinabukasan.
“Babae man ako pero mayroon akong paninindigan at pangarap.” Bulong ko sa aking sarili.
Mayamaya ay lumapit sa akin sj James. “Alam kong matutupad mo ang mga pangarap mo at mapaplatunayan mong karapat-dapat ka.” Ngumiti ito at umalis.
Napangiti naman ako sa sinabi niya at mas lumakas pa ang loob ko na magpatuloy sa mga ginagawa ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro