Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 4: Rosas

"Maaari bang iwan muna kita rito?" Tanong sa akin ni Dave nang makarating kami rito sa terrace. Kumunot ang noo ko. Bakit naman niya ako iiwan?

"Kailangang kausapin ko pa muna si Kuya Gabby. Titingnan ko muna kung good mood siya," tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"May mga magazine sa ilalim ng lamesa." Tinuro niya ang lamesang bilog na gawa sa kahoy na nasa center table. Puti ang kulay ng set at may bulaklak na rosas sa gitna.

"Magbasa-basa ka muna diyan habang hinihintay mo ako," tumango ulit ako at umupo sa upuang gawa rin sa kahoy. Halos hindi ako mapakali.

Lumipas ang mahigit kalahating oras ay wala pa rin si Dave. Sobrang naiinip na ako rito. Kaya napagpasyahan kong tumungo sa terrace. Natigilan naman ako nang makita ko ang magagandang tanim na bulaklak sa ibaba.

Napakamaaliwalas ang paligid. Siguradong alagang-alaga ang hardin. Masarap sa mata ang pagkakahanay ng mga iba't ibang klase ng bulaklak. Napansin ko ang maraming tanim na rosas na iba't iba ang kulay.

Paborito ko kasi ang mga bulaklak lalo na't nakakaakit ang mga rosas.

Tumingin ako sa pinto. Mukhang matatagalan pa si Dave sa loob.

Bumaba ako patungo sa hardin at dumeretso sa mga rosas.

"Ang gaganda n'yo naman," hinipo ko ang dilaw na rosas.

Gusto ko sana pitasin kaso baka magalit ang may-ari. Kaya ang ginawa ko na lang ay hinaplos ang mga bulaklak at inamoy-amoy, kung kailangan yumuko ay yuyuko ako para lang mahaplos ko ang mga bulaklak.

Sobrang natuwa lalo ako nang makalapit ako sa mga puting mga rosas na nasa dulo, bihira lang ako makakita ng ganung klase ng bulaklak.

Hihipuin ko na sana ang puting petals ng rosas na namumukadkad kaso bigla akong natinik sa sanga niyon.

"Awts!"

Inurong ko bigla ang aking kamay at napansin kong dumudugo ang hintuturo kong daliri.

Kinabahan ako bigla dahil takot ako sa dugo. Feeling ko kasi nanghihina ako. Gusto kong umiyak, hindi ko alam ang gagawin ko. Hinawakan ko sa may pulso ang aking kamay na nasugatan.

"Hindi ka kasi nag-iingat," sabi ng boses lalaking nasa likuran ko.

Sa gulat ko ay nilingon ko agad siya.

Nakatayo siya. Tingin ko ay nasa trenta anyos siya.

Nagulat ako nung napansin kong naka-swimming trunk siya. Kaya nagblush ako. Basa pa yung katawan niya pati ang buhok niya ay basa rin mukhang galing siya sa swimming pool.

Pero walang swimming pool sa paligid. Saan siya galing? Paano pati siya nakalapit sa akin nang hindi ko namamalayan?

Mas gwapo siya kay Dave, marami pating abs na halatang napunta siya sa gym. Napalunok ako nang laway. Kung ito si Gabby, pagdududahan ko siya na bakla dahil ang laki ng kanyang hinaharap.

Hindi na ako magtataka kung bakit pumayag agad si Nikki sa trabahong ito. Sa sobrang gwapo niya ay napatitig ako sa kanyang mukha.

"I've been watching you mula pa kanina," ang ganda ng boses niya na malagong.

"Hindi ako nagparamdam sa paglapit sayo dahil napansin kong interesado ka sa mga bulaklak. Let me see that..."

Bigla niyang kinuha yung kamay ko na nasugatan at pinahid nang isang kamay niya ang dugong namuo.

"Next time, mag-iingat ka sa paghipo ng mga ganyang may tinik na halaman."

"S-sino ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Don't you think it's me who should be asking that? After all, ako ang--"

"Kuya...!" Sabay kaming napatingin kay Dave na papalapit sa amin.

"Narito ka lang pala. Nalibot ko nang buong bahay, wala ka. Ang sabi ng isang maid mo nasa may swimming pool ka. Nagpunta rin ako roon kaso wala ka. 'Yun pala ay naikot kana rito."

"Nasa diving board kasi ako nang matanaw kong may tao rito kaya nag-check ako," tumingin sa akin si Gabby.

"N-nainip ako sa terrace kaya bumaba ako rito," paliwanag ko kay Dave. "Na-attract kasi ako sa mga bulaklak."

Kumunot ang noo ni Gabby. "Kasama mo siya?"

"Siya nga ang dahilan kaya hinahanap kita. Ang mabuti pa ay magbihis ka muna at sa loob na tayo mag-usap." Halatang nagdududa si Gabby habang tinititigan si Dave.

"Don't give me that look kuya Gabby," natatawang sabi ni Dave. "Alam mong narito ako para magtry na bigyan ka uli ng isang houswife na kailangan mo."

Tiningnan naman ako ni Gabby na parang nanunuri. Kinabahan naman ako.

"Okey," tumingin siya kay Dave. "Just give me some minutes." Umalis naman si Gabby.

"Mabuti pa ay sundan ko ang kapatid ko. Baka mawala na naman sa laki nitong bahay niya, nakakahilo ring maghanap." Tumango naman ako.

"Sigurado kang gusto mo rito maiwan?"

"Oo."

"Okey, sandali lang kami." Tumalikod na si Dave at sinundan ang kapatid.

Tumingin uli ako sa mga bulaklak pero sa pagkakataong ito wala sa bulaklak ang atensyon ko dahil nasa isang tao ang isip ko.

Ang gwapo pala talaga ni Gabby. Kaya pala maraming nag-aapply na maging wife for hire niya.

Ano kaya ang magiging reaksyon mo kapag ikaw ang hinipo-hipo at yumakap-yakap sa iyo?

Napapangiti ako sa aking iniisip. Hindi naman siguro masamang humanga sa isang tulad niya.


"JADE..."

Alam kong boses ni Dave yun mula sa terrace kaya napalingon agad ako sa kanila. Kalapit ni Dave si Gabby na ngayon ay nakasuot na ng stripe na sando at puting jogging pants. Sobrang luwag ng tabas sa armhole at leeg ng sando niya kaya exposed ang matipunong dibdib.

Kinawayan naman ako ni Dave kaya umakyat agad ako papunta sa terrace. Iniwan ko ang mga bulaklak.

Nang makarating ako dito sa terrace ay bigla akong kinabahan dahil pansin kong nakatingin sa akin si Gabby na pormal.

"Iiwan na kita, Jade," sabi ni Dave at bigla naman napakunot ang noo ko.

"Okey na ang usapan namin nitong kuya ko. Kaya mag-uumpisa kana ngayon."

Namula ako sa sinabi ni Dave. Medyo napahiya naman ako kay Gabby dahil sa pinasok kong trabaho.

"Ang maleta mo, ipinababa ko na sa isang maid."

"Ituturo sayo ni Lorena ang magiging silid mo." Malamig ang pagkakasabi ni Gabby sa akin.

"Si Lorena ay isa sa mga maid niya rito," nakangiting sabi ni Dave. "Halos ka-edad mo 'yon kaya tiyak makakasundo mo." Tumango lamang ako.

Sinabayan ko si Dave palabas hanggang sa may pinto ng malaking bahay na ito. Gusto kong sumama paalis dito ngunit wala akong magawa. Hindi ko akalain na ito na ang simula na makakasama ko si Gabby.

Natatakot ako na iiwan na talaga ako ni Dave rito. Hindi ko alam ang susunod na mangyayari. Good luck Jade!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro