Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 2: Secret

"Bakit ngayon ka lang?" tanong sa akin ni Jona na kadarating ko lamang dito sa boarding house.

"Namasyal. Naglakad. Nag-isip," sagot ko.

"Nakapag-isip kaba naman?"

Hindi ko siya pinansin at diretso lang ako sa kama. Hihiga na sana ako ng biglang nagsalita si Jona.

"Naroon kanina si Nikki." Sabi ni Jona.

"Wait. Nikki? As in Nikki Montes yung kasama natin dito sa bahay?" Sabi ko at hindi makapaniwala.

"Yes! May iba pa bang Nikki? Hello Jade!" sabi ni Jona at nag roll eyes siya.

"Maraming Nikki sa mundo pero buti at naisip niyang magparamdam. Isang linggo na simula nung umalis siya dito at may dalang mga damit."

"Hay nako. Hayaan mo na 'yun malaki na siya at alam na niya ang kanyang mga ginagawa."

"Saan daw ba siya galing?" tanong ko.

"Nagtrabaho daw," sagot ni Jona

"Trabaho? madaming dalang damit? Hmn, okay!" napangiwi na lang ako. Now i know kung bakit siya nawala.

"Until now hindi kapa din sanay sa trabaho namin. Hay nako Jade. Kawawa magiging boyfriend mo wala ka man lang kaalam alam."

"What? Tigilan mo nga ako."

"Akala ko nga nakakita na ng Sugar Daddy si Nikki. Hindi pala. Kakaibang trabaho daw yung pinasukan niya."

Nagsalubong ang kilay ko. Kakaiba? Ibig sabihin iba sa iniisip ko?  Imposible. May kakaiba pa ba sa kanilang ginagawa?

"Ano kayang trabaho 'yon na tumagal pa ng one week?" tanong ko agad. Medyo nacurious ako.

"I don't know. Ayaw niyang magkwento kanina dahil nagmamadali. Nasa mall yun ngayon at nagsha-shopping. Tingin ko ay mapera ang bruha ngayon. Libre niya daw tayo ng dinner mamaya sa labas."

Wow ha! Galante ang Lola. Sige lang.
Pagod na pagod ako ngayon kaya naupo na lang ako sa katabing bangko at inalis ko ang sapatos na suot ko. Bahala sila. Basta ako naiinis ako naalala ko nanaman ang t-bird na yun kanina. Grgrgr. Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi ni Jona.

Napapailing na lang ako sa naiisip ko. Hindi ako makamove on. Naisip ko pang sumama sa t-bird na yun para lang sa mga kagustuhan ko at plano ko pa na magpaligaw ulit. Ahrg! Nakakainis. Dahil ba sa dalawa kong kasama dito sa bahay ay naimpluwensyahan na nila ako? Ewan. Bumalik na ako sa kama na dapat ay kanina ko pa hinigaan.

"Girl." tawag sa akin ni Jona na ngayon ay nakaupo sa kalapait ko.

"Hmn...?" kunyari tulog na.

"Girl alam mo curious ako sa sikreto ni Nikki."

"Edi tanungin mo siya." sagot ko.

"Secret nga daw e. Nakakainis yung babaeng yun. Basta mamaya kukulitin ko siya." Tumango lang ako.

Nakahiga ako habang iniisip kung paano ko masosolusyunan ang problema ko. Wala na akong interest sa kanila. Bahala siya mag-isip at hinayaan ko na lang.

"Gising na girl," sabi ni Jona at niyuyugyog ako sa pagkakahiga.

"Natutulog pa ako." sagot ko habang nakapikit pa.

"Isang oras kana kayang tulog. Bangon na!" sigaw ni Jona.

"Hindi kapa nakain ng dinner Jade. Let's Go na girl! Libre ko." narinig kong sabi ni Nikki.

"The Magic Word! Hahaha!" natatawa lang si Jona.

Bumangon naman agad ako. Ayaw ko rin naman na maiwan dito sa boarding house ng mag-isa. Masarap pati kapag libre kaya naman inayos ko agad ang aking sarili. Yes! The magic word ng lahat "Libre". Minsan lang yan kaya sulitin.

Nakarating kami dito sa Rivera Restaurant. Madami ang nakain kaya ng makahanap kami ng matatapos na ay nilapitan agad namin ni Jona ang lamesa upang mareserve agad namin iyon habang si Nikki naman ay umoorder.

Sa mga oras na ito hindi muna kinulit ni Jona si Nikki dahil baka mag-iba daw ang isip at bawiin ang magic word.

Masaya kaming kumain simula ng dumating yung mga pagkain na order. Nabusog at nagpicture taking pa kami. Wala kaming pakialam sa mga tumitingin sa amin. Hindi na bago, tuwing kasama ko kasi yung dalawa asahan mo na pagtitinginan kami. Ikaw ba naman may kasamang dalawang sexy at maganda. Damay damay na kahit hindi ako naka sexy short may laban naman ang beauty ko. Haha.

Nabusog kaming lahat. 9:00pm na ng makarating kami dito sa boarding house. Hihiga na dapat si Nikki sa kanyang higaan pero pinigilan siya ni Jona.

"Ooppss! Wag ka muna hihiga baka lumaki ang tyan mo." sabi ni Jona na kinagulat naman ni Nikki.

"Naglakad na nga tayo pauwi kaya natagtag na tayo, pagod ako i want sleep."

"Hoy! Wag mo kaming tutulugan." Bantang pagbibiro ni Jona.

"Bakit?" Nalilitong tanong naman ni Nikki. Ako tahimik lang bahala sila.

"Hindi ka namin patutulugin, usapan na namin ni Jade na pipilitin ka namin magkwento."

"Ano bang ikwe-kwento ko?"

"Ikwento mo sa amin kung paano ka nagkaroon ng malaking halaga ng pera. May koneksyon ba yun sa odd job na ginawa mo?"

"Huwag na nating pag usapan yun." Walang ganang sagot ni Nikki, tatalikod na sana siya para humiga at yakapin ang unan kaso bigla naman nilapitan ni Jona si Nikki at pinagkikiliti.

"Sabi ng wag kang matutulog hanggat hindi ka nagkwekwento sa amin at hanggat hindi mo sinasabi kung ano yung ginawa mo dun," natatawang sabi ni Jona.

Tawa ng tawa si Nikki, "T-tama na... S-sige na... haha.. magkwekwento na ako." saka lang siya tinigilan ni Jona at bumaling sa akin.

"Oh magkwekwento na raw girl si Nikki. Halika na rito..." lumapit  naman ako sa kanila.

Bumangon si Nikki sa pagkakahiga na yakap yakap pa din ang unan at sumandal sa dingding na kalapit ng kama niya.

"Actually girls, Yes! Doon ko nga nakuha ang pera sa trabaho ko kaya lang hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa naging resulta."

"Pasuspense pa aba. Diretsuhin mo na kami..."

"Nagmamadali ka Jona? May lakad ka ba ngayong gabi?"

"Wala sige na tuloy muna."

Sumimangot naman agad si Nikki.
"Actually, may friend ako na kababata ko na taga sa amin na nagtip sa akin ng trabahong yun. Kasi nauna na siya sa akin."

"Anong trabaho ba?"

"Jona ang kulit mo. Darating tayo diyan."

"Makinig na lang muna tayo Jona." Sabi ko. Totoo naman na makulit na siya masyadong excited malaman.

Hindi na sumagot pa si Jona.

"Nakipagbreak kasi yung boyfriend ng friend ko. Itong si Cess naman ay gusto magkapera at naghanap ng libangan kaya pinasok niya yun at tinggap niya ang odd job na sinasabi ko."

"Ano nga kasing odd job yun?" Hindi makatiis na singit ni Jona.

Bago ulit nagsalita si Nikki ay tumingin siya sa akin na nag-aalangan, parang pinag-aaralan ang magiging reactions ko.

"Okay, sige na. Alam na ni Jade yan. Hindi na virgin tenga niyan simula ng nakasama tayo." Pagbibiro ni Jona at napangiti na lang ako.

"Sa totoo lang mas madali ang naging gawain ko doon kaysa sa gawain ko sa dati kong mga naging trabaho. That's what I thought  noong una pero mas mahirap pala.", paliwanag ni Nikki.

"Ano ba kasing trabaho? Babatukan na kita." Pagbabanta ni Jona kay Nikki.

"Sige na nga. Kasi yung trabahong ipinagawa sa akin noong nagbayad sa akin ay..."

Tumingin pa siya sa akin na nag-aalangan kung sasabihin ba niya bago nagsalita ulit.

"Wait. Babaguhin ko yung words para kay Jade. Yung hindi masyado masamang pakinggan sa kanya. Ang trabaho kasing ipinagawa sa akin ni Dave--"

"Oh? Sino naman si Dave?"

"Yun nga yung nagbayad sa akin. Kapatid yun ni Gabby."

"Sino naman si Gabby? Ang labo mo magkwaneto."

"Si Gabby yung nangangailangan ng Wife for Hire."

What? Parehas kami ni Jona na napatitig kay Nikki.

"Hindi mo kasi ako hinintay na ikwento ko ng buo."

"Sige na nga kwento mo na."

"Good. Ganito kasi yan si Cess ang may kontak kay Dave. Boss niya yun sa pinapasukan niya. Siya ang napili ni Dave na maging wife for hire para sa kapatid nitong may pagkabakla."

Nagulat uli kaming dalawa. As in bakla? Magsasalita ulit si Jona ngunit napigil naman agad siya ni Nikki.

"Wag kang epal hindi pa ako tapos patapusin mo muna ako."

"Okay."

"Ibig kong sabihin sa Wife For Hire ay asawang bayaran lang pwedeng iterminate o sesantihin anytime. Kaya ganoong klase ng asawa ang gusto ni Dave para sa kanyang kapatid dahil hinala niya ay nababakla na yun."

"Teka. Wait... ano naman ang koneksyon ng pagiging bakla sa pagkakaroon ng wife for hire, Nikki?" singit ni Jona na naguguluhan pa rin.

"Actually, ang gusto ni Dave para sa kapatid niyang si Gabby ay isang tunay na asawa kaya lang... parang imposibleng magkaasawa pa yung si Gabby."

"Bakit naman?" tanong ko. Lalaki pa din naman yun diba?

Tumingin sa akin si Nikki.

"Kasi... panata niya sa sarili niya na hindi na mag-aasawa. Nangako kasi siya sa kanyang dating girlfriend na si Analyn bago namatay."

Napatingin naman ako kay Jona na nakakunot ang noo niya at nailing.

"You mean... Nikki hindi na talaga mag-aasawa yung Gabby?", tanong ni Jona.

"YES!"

"Dahil sa sinumpaan na namatay na asawa?"

"Koreksyon. Girlfriend hindi pa asawa. Nagsama sila sa iisang bubong pero hindi sila kasal."

"Ah. Bakit naman namatay yung Analyn?"

"Namatay Six Years ago ang girlfriend ni Gabby dahil sa isang car accident, nangyari yun before Marriage nila. Si Gabby ang nagdadrive ng kotse. Kasalanan ni Gabby ang nangyari at sinisisi niya ang sarili niya hanggang ngayon. Bilang parusa sa sarili ay nangako siya na hindi na mag-aasawa."

"Diba ang Wife For Hire ay parang asawa na rin?"

"Iba yun Jona, asawa lang iyon sa kama at hindi legal. Walang Love na involved. Puro sex lang at ang may idea nun ay si Dave para may makasama si Gabby sa bahay."

"I see. So si Dave pala ang may idea ng lahat." sabi ni Jona at tumingin sa akin at ngumiti.

"Ang bait naman ni Dave akalain mo yun handang sumugal ng pera para lang sa kapatid at maibalik nito ang interes sa babae."

"Dalawa lang kasi silang magkapatid."

"Mabuti at pumayag si Gabby."

"Gusto rin siguro ni Gabby yun para lang maibalik  ang virility niya. Sustentado sa luho ang babaeng tutulong gumawa niyon. Very glamorous pa ang magiging buhay dahil ang yaman ni Gabby."

"Ilan na ba ang naging wife for hire ni Gabby?"

"Bale pang tatlo lang ako. Una sa akin si Cess pero may isa pa raw na executive na nauna sa kanya."

"Pumayag na maging wife for hire ang isang executive?"

"Sex tripper daw iyon. Mahilig sa sex. Malaki pati ang bayad. Biruin mo 50,000 monthly."

Nagulat uli kaming dalawa ni Jona.
"T-totoo?"

"Yup! Pero wag mo ng isiping pasukan Jona."

"Bakit ikaw nakalusot?"

"Hindi na ako masyado in-screen dahil personal recommendation ako ni Cess. Alam doon ay normal student lang ako."

"Kung nakafake ka, pwede rin ako."

"Bahala ka."

Ngumingiti lang si Jona na balak atang pasukan ang pinasukan ni Nikki.

"Ngayon na nakapagkwento na ako baka naman pwede niyo na akong patulugin."

"Nope. Hindi kapa tapos."

"Anong hindi pa tapos? Nasabi kona kung paano ako nagkapera."

"Oo pero bakit tumagal ka ng isang linggo doon? Anung nangyari?"

"Hindi ko na nakasundo si Gabby."

"Na snob ang beauty mo? Hahaha!" Natatawang sabi ni Jona.

"Nakakainis nga e.  Natuluyan ng naging bakla ang Gabby na yun."

"Hahahaha baka naman yung mga libido ni Gabby ang namatay na."

"Hindi. Alam kong nadoon pa din yung urge. Ayaw lamang magfunction ng organ niya. Kaya siguro  napahiya sa akin at ako ang napagdidiskitahan kaya pinaalis niya ako after one week na walang nangyari."

"At bakit naman may pera kapa rin?"

"May three months advanced payment. Hindi ko ma sinauli iyon at hindi na rin syempre binawi ni Dave sa akin."

Hanggang ngayon ay tahimik pa din akong nakikinig sa kanila.

"NakakaChallenge ang Gabby na yun ah."

"Gusto mong i-try? Sabagay wala ding mawawala dahil puro hipo-hipo at yakap yakap lang ang nangyayari."

"Paano ka nakakasiguro? Malay mo sa akin siya magrespond?"

Napapailing na lang akong tumayo at bumalik sa higaan.

"Hayaan mo Jade. Kapag nabayaran na ako ng three months downpayment ay hati tayo. Para malutas mo na ang mga problema mo."

Paglingon ko kay Jona ay parang natigilan siya sa kanyang biro. Mukhang may nakakalokong iniisip ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro