Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wicked Love 9

NOVEMBER 24.

Ngayong araw ang University Meet at halos busy ang mga student council sa lahat ng preparasyon. Hindi rin mahagilap si Hazel dahil busy ito sa mga pagkain ng bawat players sa iba’t-ibang laro.

Habang naglalakad sa gitna ng matirik na araw ay hindi niya maiwasan mapatingin sa baseball field kung saan naroon ang baseball team ng University nila. Bitbit ang mga pagkain, taas noo siyang pumasok sa gitna ng baseball field.

She just smirked.

Sige lang, tignan niyo lang ako, hindi naman ako mauubos. Hazel thought.

Nang makarating siya sa bench ng baseball team ay napasipol ang iilan sa kaniya dahil sa suot niyang maikling palda at spaghetti strap na damit.

“Hi, boys!” masiglang bati niya.

Natulala ang iba. Inilibot niya ang kaniyang paningin at napansin niya sa isang tabi si Tyron na nakakunot ang noo at hindi maipinta ang pagmumukha.

“By the way, this will be your food, guys,” inilapag niya sa extra table ang bitbit niyang sandwich at may Gatorade pa.

“Dapat pala isinali sa pageant si Ms. Cereneo, e!” kantiyaw ng isang players. “Maganda, matalino, mabait at panigurado, panalo siya sa lahat ng mga babaeng kasali sa pageant!” dugtong pa nito.

Sumang-ayon naman ang bawat players maliban na lamang kay Tyron na nakakunot ang noo at nakahalukipkip sa gilid

.

“What are you looking at?” malamig na turan niya.

“Bagay sa pageant si Ms, Cereneo, hindi ba, captain?”  lakas loob na tanong ni Adiel.

Napairap si Tyron. “Bilang student leader nga sa school hindi niya bagay, sa pageant pa kaya!” he said, smirking.

Nagpanting naman ang tainga ni Hazel dahil sa naging sagot nito. “So, kung hindi ako bagay sa pageant, anong kinalaman ng posisyon ko sa HSC?” taas-kilay na tanong nito.

“Student leader ka, pero nilalabag mo naman ang rules and regulations ng University,” diin pa nito. “Parang pageant lang ‘yan, you’re representing the University’s name pero baka labagin mo pa ang rules and regulations sa pageant para lang manalo.” mahabang dugtong niya.

Aba! Kapal nang mukha ng lalaking ito, akala mo naman bagay sa kaniya ang pageant at pagiging baseball player. Inis na turan ni Hazel sa kaniyang utak.

“For your information, Mr. Lanchester, hindi ako mandaraya kung sakali man na kasali ako sa pageant. Why would I even do that? Perhaps, I know I’ll win with that pageant.” Hazel muttered, confidently.

Tulala naman ang mga ibang players dahil sa sagutan ng dalawa pero bago pa humantong sa exciting part, umawat na ang ilang players para matigil na sila.

“O, siya! Tama na at baka kung saan pa mapunta ang usapan. Parang pageant lang, pinag-aawayan niyo, e.” nakangiwing usal ni Drake.

“Oo nga, pero bagay naman kay Ms. Cereneo talaga ang pageant. Siya ang iboboto ko kapag talagang sasali siya and I do believe, she would compete confidently beautiful and with a heart.” sabi ni Carter at ngumiti.

Wow! Pia Wurtzbach ‘yan? Natatawang sambit ni Hazel sa kaniyang isipan.

“She’s not even pretty,” Tyron muttered, arrogantly. “She’s not even tall, such a shorty…” he added, turned his back and didn’t even bother to look back.

Nakabusangot naman ang mukha ni Hazel at pinipigilan na lamang ang kaniyang inis.

“Bwesit! Mabulunan sana siya!” angil niya.

“Hayaan mo na, Ms. Hazel, baka may dalaw lang siya. Kanina pa wala sa mood ang captain namin, e…” humagikgik pa si Drake.

“But anyway, thank you sa pag-support sa akin kung sakaling kasali ako sa pageant pero sad to say, I don’t want to join. Mas gugustuhin ko pang sumali sa debate kaysa rumampa at ngumiti, nakakapagod lang ‘yon.” Hazel said and flipped her hair.

“Manood ka, Ms. Hazel para hindi kami matalo sa game,” singit ni Rancho.

She pouted like a kid. “Titignan ko, kung hindi ako busy.”

Napalingon silang lahat nang muling magsalita sa likuran si Tyron pero nakatalikod ito sa kaniyang team mates.

“Let her be. Huwag niyo siyang utusan na manood, kung gusto niya, gusto niya. Walang pilitan, tapos ang usapan.” malamig at ma-otoridad ang boses ni Tyron.

“And you?”

“What about me?” Hazel roared.

“Get out of here, no one needs you,” he trailed off. “You’re just distracting my team. Maghanap ka ng mga taong iistorbo-hin mo.” dugtong nito at umalis na papunta sa field.

Hazel crumpled her fist with annoyance.

“Tangina!” mura niya. “Kapal ng mukha ng lalaking ‘yon! Sana madapa siya sa game mamaya!” sumpa niya at naglakad paalis sa baseball field.

Galit na galit ang mukha niya at nakisama pa ang sikat ng araw na tumatama at pumapaso sa balat niya.

The audacity! Gigil na turan niya sa kaniyang isipan at ipinagpatuloy ang paglalakad. 

“Bakit nakabusangot ka?” kapagkuwan ay tanong ni Ramses. “University meet dapat masaya ka,” dugtong pa nito.

Inirapan niya ang HSC President. “Baka sa sobrang kasiyahan ko, mapalo ko ng baseball bat ang ulo ng kaibigan mong tarantado!” aniya.

Nagulat naman ang reakyon ni Ramses, may pahawak-hawak pa siya sa kaniyang dibdib. “Hala! Katakot ka naman, Ms. Cereneo!” natatawang saad ni Ramses.

Hazel is pissed. “Gigil mo si ako, Kuya Ramses!” she stomped her feet in annoyance. “Ang kapal pa ng mukha ng kaibigan mo na ipahiwatig sa akin na hindi ako bagay sa beauty pageant!”

“Teka… teka, si Tyron ba ang tinutukoy mo?” nagtatakang tanong niya.

“Sino pa ba?”

“Alam ko na, nagpapapansin lang ‘yon sa iyo,” Ramses chuckled. 

Halos mabilaukan si Hazel sa unang sinabi ni Ramses sa kaniya.

“Siya? Nagpapapansin? Huwag ka ngang magpatawa, hindi ka clown, Kuya Ramses.” sarkastikong angil niya.

“Totoo nga,” giit niya.

Aambahan sana ni Hazel ng suntok si Ramses pero hindi naman niya maaabot ang binata dahil sa tangkad nito.

“Shorty,” Ramses teased, chuckling.

“Hindi ako maliit, matangkad ka lang!” inis na pakikipagtalo niya. “Pareho kayo ng ugok mong kaibigan, sana lumiit kayong dalawa!” dugtong niya na may halong pagsumpa bago naglakad paalis sa harap ni Ramses.

Tanghaling tapat na at naririnig ni Hazel ang bawat hiyawan ng mga tao sa soccer field, pumasok siya roon at iginaya ang sarili patungo sa bench ng mga players ng UNP soccer team.

“Magandang tanghali, Ms. Hazel. Namumula na po ang balat niyo.” puna ng isa sa team.

Ngumiti lang si Hazel. “Naglakad kasi ako sa gitna ng tirik na araw,” mariin na sagot niya.

“May payong ako, gusto mo sa iyo na lang?” the guy offered.

Labis na nagtataka si Hazel dahil sa halos na puntahan niyang field, may kaniya-kaniyang pakulo ang bawat isang miyembro ng team.

“May payong ako, naiwan ko lang,” tipid na sagot niya.

“-I mean, sa iyo na lang ako,” nakangising banat ng binata.

Naubo si Hazel at naghiyawan ang mga team mates ng lalaking hindi niya naman kilala.

“Sino ka nga ulit?” may bahid ng sarkasmo sa tinig nito.

“I’m Brian, future engineer…” the guy introduced himself, stood up and offer his hand of a handshake. “…at kung hindi palarin, future criminal na lang para ipaglaban mo ako,” pilyong dugtong nito dahilan para sumipol ang kasamahan nito.

“’Yon, oh! Ibang klase naman ang banat ni Engineer Brian!” hirit ng team nito.

Hazel chortled, sardonically. “Mag-aabogado ako pero baka kulang pa ‘yong isang buong hacienda niyo kapag ako naningil,” sabi niya at ngumisi.

“Baka puwedeng singsing na lang?” hirit muli ni Brian.

Hazel’s expression gets serious. “I prefer to marry myself…” she trailed off and looked at Brian, up and down, “…rather than marry a boy who’s literally talks with nonsense and playful acts.” Hazel muttered, seriously.

She then turned her back on them but before she make a step, she looked back and said something.

“Flowery words are not new to me, I play fair, tho… I win, dangerously.” she blurted. “A piece of advise, if you are going to marry, please make sure that you have plans for yourself first before you prioritized in settling down with someone.” she added and walked away.

It’s indeed true. Before you marry, make sure that a man has plans for you, plans to pursue you and plans to spend the rest of his life with you… and not only plans to use you in bed.

Narinig pa niya ang asaran ng mga soccer team kay Brian pero hindi na lamang pinansin ni Hazel ‘yon at dumiretso sa auditorium.

Sinalubong siya ng malamig na aircon at sari-saring palamuti sa paligid. Namangha siya sa bawat disenyo ng auditorium. Bumungad naman sa kaniyang harapan ang naghihikaos na kaklase niya at tila kinakabahan pa.

“What’s with the face, Jesse?” Hazel asked.

“Ano… kasi, Hazel-”

“Ano nga? Diretsuhin mo ang dila mo kung ayaw mong habang buhay na ‘yan maging baluktot,” panakot niya.

Napalunok naman ang bisexual na si Jeserus o mas kilala bilang Jesse.

“Nag-back out sa pageant si Thalia,” sagot nito. “Paano na ang College of Law?”

Kumunot ang noo ni Hazel. “Bakit ngayon mo lang sinabi?” bakas ang inis sa tono.

“N-Ngayon ko lang rin nalaman…”  nakayukong sagot nito.

“So, what do you want me to do?” Hazel folded her arms over her chest.

Jesse bit his lower lip. Pinaglalaruan niya ang kaniyang hintuturo sabay tingin kay Hazel.

“Ikaw na lang…” putol nito, “ikaw na lang ang pumalit, please?” dugtong nito at kumurap-kurap na tila nagpapa-cute sa harap ng HSC secretary.

Hazel scoffed. Itinuro pa niya ang kaniyang sarili. “Ako? Sasali sa pageant bilang kapalit ni Thalia? My gosh! Kadiri!” maarteng sagot niya.

“Please, Hazel! Ikaw na lang ang pag-asa namin!” paki-usap nito.

“Bakit hindi mo sinabi sa Governor ng department natin? Mukhang alam niya kung sino ang bagay sa pageant na ‘yan,” taas kilay na tanong niya. Bakas rin ang pait sa boses niya.

“Paano sasabihin, nasa laro siya ngayon. Kasisimula pa lamang ng laro nila at halatang mainit ang labanan ng MLUC at UNP.” paliwanag nito.

“E ‘di sana sinabi niyo sa Vice-Governor.”

“Hindi namin siya mahagilap,” agap ni Jesse. “Ikaw na lang kasi, please?”

Hazel rolled her eyes at nilagpasan na lamang niya si Jesse kaya naman hinabol siya nito.

“Sandali, saan ka pupunta? Ikaw na lang, Hazel, please? Ikaw na lang ang pag-asa ng department natin.” pakiusap ni Jesse habang hawak ang palapulsuhan ni Hazel.

Hazel heaved a sigh.

“Tangina, sige na! Bitiwan mo na ako! Ako na ang papalit basta ikaw ang gumawa ng make up ko!” bulyaw niya.

Iba’t-ibang mga babae ang nakita niya mula sa ibang schools at pansin rin ni Hazel na maganda ang makakalaban niya.

“Shit. Malapit na magsimula ang pageant. Kung bakit naman kasi nagkasabay-sabay ang bawat game, hindi ko tuloy makikita ang gwapong si Tyron!” reklamo ng katabi niyang kandidata.

Napabusangot na lamang siya at inirolyo ang kaniyang mata dahil sa iritasyon. “Huwag ka nang umasa na mapapansin ka niya.” paalala niya.

“Ang guwapo kaya niya, parang gusto ko na lang magpatapak sa kaniya-” pinutol ni Hazel ang sasabihin nito.

“Girl, kung ako sa iyo, hanap ka na lang iba. Huwag sa hambog at masungit.” suhestiyon niya.

Kumunot naman ang noo ng kandidatang katabi niya.

“Wait, do you know him? Are you his spokesperson?”

Nagkibit-balikat si Hazel. “No. Kadiri!” maarteng sagot niya at nagpanggap na nasusuka. “That’s a piece of advice, girl. Huwag mong gugustuhin ang lalaking masungit na palaging nagpupuna ng kapwa.”

“Well, even if he’s masungit, I still like him pa rin,” maarteng sagot ng katabi. “God! I can’t wait to see him,” the girl even licked her lower lip.

Hazel just rolled her eyes again and didn’t bother to listen with the woman beside her as she whines.

Umalis saglit si Jesse sa kaniyang tabi kaya siya na lamang ang gumawa sa paglagay ng kolorete sa kaniyang mukha. Hindi masyadong makapal, sakto lang.

Tinitigan niya ang kaniyang sarili sa harap ng salamin, mas lalo siyang gumanda. Jesse curled her hair but it’s just only on its tip.

“Perfect!” mula sa kaniyang likod, pumalakpak si Jesse at agad siyang nilapitan. “Sabi ko na, e. Pak na pak, ikaw ang winner for today’s pageant!”

“Ingay,” iritadong sambit niya.

“By the way, I think all athletes from the ball games will be here to watch later.” imporma ni Jesse sa kaniya.

“Pakihanap ng pakialam ko, Jesse.” pambara niya.

“Oh, nanalo pala ang baseball team ng school natin,” muling sambit ni Jesse.

“O, e ‘di congrats sa kanila,” mapait na saad niya. “Sana natamaan na lang ng bola ‘yong captain nila.” bulong pa niya na hindi naman narinig ni Jesse.

“Girl, ang hot kaya ni Tyron kanina. Siya ang nagpanalo ng game!” kilig na kilig na kwento ni Jesse.

“Baka buhusan kita ng hot water riyan kung hindi ka pa titigil sa kakasalita?” masamang tingin ang ipinukol ni Hazel sa kasama.

“Ikaw naman, ang bitter mo ‘te!” singhal niya.

“Wala kang pakialam,” ani Hazel.

Nagkibit-balikat na lamang si Jesse at kinausap ang ibang kandidata. Nag-scroll lang si Hazel sa kaniyang twitter account at napansin niya ang isang tweet mula kay Tyron. Binuksan niya ang profile nito at halos malula ang mata niya sa dami ng followers ng binata.

Tyron

@kiel_lanchester

 

3 Following  - 15K followers

Hanep! Dinaig pa ako ng lalaking ‘to. Saad ni Hazel sa kaniyang isipan.

Wala naman itong ibang background kung hindi ang lady justice symbol at ang kaniyang profile naman ay isang baseball bat.

A few moments of looking at Tyron’s profile, a tweet popped up.

Tyron

@kiel_lanchester

Mas bagay ka sa akin.

Iyon ang nakalagay sa tweet ng binata. Kunot ang kaniyang noo at napairap na lamang siya sa biglaang pagdagsa ng likes at re-tweet nito, tinatanong kung sino ang sinasabihan niya.

She exited his profile and just turned off her phone. The pageant will get started at exactly 3pm and it’s already time to prepare at the back stage.

“Basta, go with the flow na lang sa pag-pose, Hazel. Kaya mo na ‘yan. Sa ganda mong ‘yan tiyak magugulat ang crowd.” hangang-hanga na usal ni Jesse.

“Magugulat talaga sila sa ganda ko, walang bago roon.”

“Huwag magbuhat ng sariling bangko, tandaan, maganda rin ako.” nag-pose pa ito sa harap ni Hazel.

“Saan banda?” barado nito.

“Oo na! Ikaw na ang maganda, ambisyosa!” napairap na lamang si Jesse.

Hazel laughed, sardonically. “At least hindi nagmamaganda,” kibit-balikat na sagot niya.

Ready na ang lahat. Humugot ng isang malalim na paghinga si Hazel. Nagsimula nang magsalita ang MC at rinig na rin niya ang bawat cheer ng crowd.

Ipinagdasal na lamang niya na hindi siya matatalisod. Nagsimula na ang unang kandidata sa pagrampa at malapit na rin siya.

“Kaya mo ‘yan, Hazel…” paalala niya sa kaniyang sarili. “You’re not a Congressman’s daughter for nothing. Be bolder, be fierce.” pinaypayan niya ang kaniyang sarili.

It’s her time. The MC started to announce her name.

“Alright, for our last candidate… candidate from UNP, from the College of Law, candidate no. 25!”

Ngumiti siya palabas ng backstage at rumampa sa gitna. Ngumiti siya sa mga judge at halos magwala ang crowd dahil sa pagiging natural niya sa entablado.

She looked fierce. “My name is like heaven grace, bolder, wiser and with principle. Hazel Grace Cereneo, from the College of Law!” she introduced herself. The crowd started to rumble, shouting her name that she already won.

Isang tao ang nahagip niya sa gilid. May nakapatong pa na tuwalya sa balikat nito na tila katatapos lang sa laro at agad na dumiretso sa auditorium. It was Tyron, still wearing his white jersey, looking intently at her.

She posed once again and walk back in the backstage. Pinaypayan niya ang kaniyang sarili at halos matumba siya sa paglalakad para lang makaupo sa kaniyang pwesto kanina.

“Why is he here? Why is he watching? And why is he looking at me?” maraming tanong ang bumabagabag sa kaniya.

Gusto man niyang komprontahin si Tyron, pero hindi niya rin magagawa dahil on-going ang pageant.

“Akala ko ba hindi bagay sa akin ang pageant…” napailing siya at napangisi. “Pero bakit nanonood ka at nakatitig sa akin?” mahinang bulong niya.

Ramdam ni Hazel ang pagtibok ng kaniyang puso. Wala naman siyang sakit sa puso pero bakit ang bilis ng tibok nito. Hindi niya alam, walang sagot sa bawat tanong niya.

“Akala mo ganda lang ang ambag ko, Tyron?” she blurted, smirking at the mirror. “I can win… I can prove you that I’m a better role model and a leader.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro