Wicked Love 6
"LANCHESTER, prepare yourself for the baseball team training," wika ng coach ng baseball team.
Nasa field silang lahat ngayon at dahil si Tyron ang team captain, kailangan siya dapat ng Team.
"Kailan coach? Para matapos ko ang dapat kong gawin sa student council ng College namin." Seryosong sagot nito.
"Monday, start your trainings with your team. Tandaan niyo, hawak ng UNP ang titulo pagdating sa baseball tournament." Sambit ng kanilang coach.
Seryoso lang si Tyron at ang tanging sumagot lamang ay ang kaniyang mga kasamahan.
Naunang umalis si Tyron sa field at iniwan ang kaniyang mga kasamahan. May tatapusin pa siyang report sa student council para sa nalalapit na University tournament ng UNP laban sa ibang University.
Paliko na siya sa daan patungong student council room nang makita niya si Hazel na may kahalikang lalaki.
Napakunot ang kaniyang noo at ipinagsawalang bahala ang kaniyang nakita. Nanatili naman na walang ekspresyon ang kaniyang mukha na dumaan sa bahaging 'yon.
Nagulat naman ang dalawa nang tumikhim ito kaya mabilis na naitulak ni Hazel ang kahalikan.
"Papansin ka ba?" inis na bulyaw niya kay Tyron. Masama ang tingin nito sa kaniya.
Malamig lamang siyang tinignan ni Tyron. "Kung gusto mong gumawa ng kaligayahan, huwag sa paaralan. Dalhin mo ang kalandian mo sa motel hindi sa eskwelahan."
Umigting ang panga ni Tyron nang makaramdam siya ng palad na dumapo sa kaniyang pisngi.
"Masakit ba? Mas masakit pa ang mga salitang binitiwan mo kaysa sa sampal na 'yan. Gago!" inis na sigaw ni Hazel.
"You're breaking the rules, Ms. Cereneo!" pagalit na usal nito. "Akala ko ba matalino ka? Bakit pagdating sa simpleng rules and regulations, nilalabag mo pa?" sarkastikong ganti ni Tyron.
Natamaan sa sinabi ng Governor ng departamento nila.
Napakuyom si Hazel at akma muling magsasalita ngunit biglang sumabat ang lalaking kahalikan nito upang depensahan ang dalaga.
"Ano ba ang pakialam mo, Gov?" maangas na tanong nito. Jergen, he's the team captain of UNP volleyball team. "Gusto mo rin bang humalik sa kaniya?"
Tyron's jaw clenched. He balled his fist because of what Jergen says.
"Huwag mo akong aangasan," malamig na mungkahi ni Tyron. "...baka hindi lang si satanas ang makilala mo kapag hindi ko natantiya ang pananalita mo, gago." Matigas na sambit nito na halos lapitan na niya si Jergen at itulak ang dibdib nito.
Pumagitna si Hazel para manahimik ang dalawa. Aminado siyang kasalanan niya pero iniisip niyang may mali rin si Tyron.
"Tama na 'yan!" suway niya. "Ano ba ang pakialam mo, Tyron? Ano naman kung halikan ko siya, magmake-out riyan sa tabi-tabi? Halikan mo rin kasi ang mga babaeng patay na patay sa iyo!" angil ni Hazel.
Tyron looked at her intently. Ang kaniyang mga mata ay halos mamula na dahil sa galit.
"Huwag mo akong igaya sa iyo! Kulang na lang maghubad ka sa harap ng lalaking 'yan, e!" pasigaw na saad niya.
"So, are you jealous? Ano naman kung maghubad ako sa harap niya? Wala namang magseselos." Giit niya.
Hinila ni Tyron ang palapulsuhan ng dalaga at madiin na hinawakan 'yon at hinila ito palapit sa kaniya.
"Huwag mong hintayin na ako mismo ang puputol sa sungay mo, Ms. Cereneo." Malamig niyang turan. "Don't dare to break the school rules again or else... may kalalagyan kang babae ka." Dugtong niya at marahas na binitawan ito.
Namula ang palapulsuhan ni Hazel at hinilot-hilot niya 'yon.
"Nakaka-bwesit na 'yang pagiging lider mo!" asik ni Hazel. "Ako na lang ang palagi mong sinisita, hindi ko alam kung nagpapapansin ka ba—" pinutol ni Tyron ang sasabihin niya.
"You don't even fit to my standard, woman..." sabi nito. "And don't assume, I'm not like you, who always break the rules and always caught in act."
Nangangalaiti sa galit si Hazel. Nais niyang sapakin ang binata pero may mga kamay na pumigil sa kaniya at si Jergen 'yon.
"Inggit lang 'yan dahil walang nagkakagusto sa kaniya kasi malamig siyang makitungo sa mga tao sa paligid niya." Singit ni Jergen at nakatingin kay Tyron habang sinasabi ang katagang 'yon.
Tinulak ni Tyron si Jergen. "Gago ka!" malutong na mura niya. "Huwag mo akong igaya sa iyo na babaero, tarantado! Huwag mong idamay sa listahan ng mga babaeng niloloko mo ang babaeng 'to." Utas niya.
"May magagawa ka kung ayaw ko?" hamon ni Jergen.
"I can make your life a living hell," he coldly said and glances at Hazel. "And you, don't be stupid. Use your brain not your fucking heart." He firmly uttered and walked away.
Natahimik ang dalawa, walang nagsalita sa kanila. Basta na lamang iniwan ni Hazel si Jergen at nagtungo na lamang sa kanilang classroom.
"Oh, why are you frowning?" The Vice president of their class asked her.
She rolled her eyes. "Nakakita lang ng demonyo," sagot niya.
"Mukhang pinuputol ang sungay mo, ah." Humalakhak ito.
"Shut up, Fei..." iritadong saad niya.
Iniwan na siya nito kaya minabuti na lamang niyang umupo sa kaniyang upuan at yumuko na lamang para matulog.
Kinusot niya ang kaniyang mga mata at natagpuan na lamang ang kanilang classroom na siya na lamang ang tao.
Tumingin siya sa kumalabit sa kaniya at walang iba kung hindi si Tyron na kinaiinisan na naman niya 'yon.
"Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" inis na tanong niya. "Bakit hindi ka na lang kaya umuwi kaysa mang-istorbo— putangina, alas sais na?!" bigla niyang sabi nang mapagtanto ang oras.
Umarko ang kilay ni Tyron. "What do you think?" sarkastikong tanong nito.
Kinuha niya ang kaniyang bag at tumayo na pero sa hindi na naman inaasahang pagkakataon, tumama ang ulo ni Hazel sa baba ni Tyron.
"Aray!" daing niya at tiningala ang binata pero kamuntik nang magdikit ang kanilang labi.
"Bulag ka ba? Kita mo na ngang tatayo ako, humaharang ka pa!" puno ng iritasyon sa boses ni Hazel.
Imbes na magsalita si Tyron at mas minabuti na lamang niyang umatras ng isang hakbang palayo sa dalaga.
"Umuwi ka na," iyon na lang ang tanging binanggit niya.
Concern ba siya? Tanong naman ni Hazel sa kaniyang isipan.
"'di umuwi ka mag-isa!" asik nito.
Kumunot ang noo ni Tyron at ikinuyom ang kaniyang kamao.
"Sa dorm ako umuuwi," malamig na sumbat niya. "Kung ayaw mong umuwi, dumaan ka na lang sa matataas na bakod sa likod dahil sarado na ang gate at wala akong susi roon." Litanya niya.
"Wow! Kaibigan mo ang President ng buong student council tapos wala kang susi? Nagbabasa ka ba sa student handbook?"
Ano na naman kinalaman ng student handbook sa susi? Tanong ni Tyron sa isipan niya.
"What's the connection of the key between the student handbook?" patutyang balik tanong nito. "Ikaw yata ang hindi nagbabasa ng student handbook, sigurado ka ba na gusto mong mag-abogado?"
"Why? Are you doubting me, Mr. Lanchester?" Taas kilay na tanong nito.
Nagkibit-balikat lamang ang binata. "If you're capable to be a lawyer, then beat me..." he trailed off. "That's when I will accept defeat to a rebellious woman." He added, nonchalantly.
"Rebellious, huh..." she mocked. "Hindi mo nga kayang putulin ang sungay ko, talunin ka pa? Nagpapatawa ka ba?" natawa siya.
"I'm not a clown," he firmly uttered. "Ikaw ang nakakatawa sa ating dalawa..." tumigil siya at nag-angat ng kilay. "You know why? Because you are acting like a childish brat and you're immature."
"Parang ikaw hindi ah?" sarkastikong ganti nito. "Hindi ko alam kung nagpapapansin ka sa akin—wait!" She smirked.
"Nagpapapansin ka ba sa akin, Mr. Lanchester?"
He scoffed. He laughed sardonically. Itinuro pa niya ang kaniyang sarili.
"Ako? Magpapapansin sa isang katulad mo?" he asked, chuckling but he became serious. "Hindi ko gustong magpapansin sa iyo, hindi ka naman kapansin-pansin..." dugtong niya.
Napairap si Hazel.
"Tapos palagi mo akong sinisita? Hindi sa nag-a-assume ako pero mukhang ang lakas ng tama mo sa akin, Gov." mahabang litanya niya.
He clears his throat as he look at her intently. "Baka ikaw ang malakas ang tama sa akin..." he mumbled. "You're getting too much of my attention." He added, meaningfully.
Kumunot ang noo ni Hazel at hindi maintindihan ang ipinaparating ni Tyron sa kaniya.
Gago ba siya? Mura niya sa kaniyang isipan.
"Lakas mo kasing magpapansin... pati atensyon ko, palagi na lang nasa iyo."
Huling sabi ni Tyron bago tumalikod at naglakad papalayo sa dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro