Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wicked Love 4

ASAR kong ibinalibag ang pinto sa loob ng restroom ng mga babae. Hindi pa rin ako makapaniwala na natalo ako ng gagong 'yon sa isang debate.

Hinarap ko ang salamin, gigil pa rin ang aking hitsura.

"Tatalunin talaga kita sa susunod, Lanchester. Kapag may pagkakataon akong sumabak ulit sa mga debate, ikaw naman ang lalampasuhin ko!" Gigil na usal ko habang kaharap ang salamin at nakasandal sa sink ang aking dalawang kamay.

Nanatili ako sa loob hanggang sa nagbukas ang pinto at sunod-sunod na pumasok ang mga feeling wannabe bitches ng UNP. Akala naman nila kaya nilang tapatan ang isang Cereneo.

"Look who's here," maarteng sambit ni Trina.

Ito ang isa sa mga bumuo ng fans club ng Tyron Lanchester na 'yon. Akala mo artista kung ipangalandakan nila at kulang na lang palagyan nila ng billboard ang buong eskwelahan ng mukha ng lalaking 'yon.

Mas lamang pa rin sa kakisigan ang Presidente ng buong University Student Council. Mas lampas ng sampong paligo si Kuya Ramses kaysa sa lalaking 'yon at mas mabait kung tutuusin si Kuya Ramses.

Inangatan ko ng kilay si Trina maging ang mga alipores niya.

"Oh, look who's here," panggagaya ko sa boses niyang parang palaka. "The wannabe bitch..." dugtong ko.

Kung mahaba ang kaniyang sungay, ibahin niya ang mas mahaba kong sungay na walang kahit sinong makakaputol.

"Anong sinabi mo?" pagalit na tanong niya.

"Wala ka yatang cotton buds sa bahay niyo at mukhang marami ng tutuli sa tainga mo," nakangising saad ko.

Pansin ko ang pagkuyom ng kaniyang mga palad at maging ang galit na nananalaytay sa kaniyang mukha.

"Hindi ako bingi! Walang hiya ka talagang babae ka!" sikmat niya at agad na sumugod sa akin na hindi ko man lang naiwasan ang kaniyang kuko na kumalmot sa makinis kong mukha.

Napaatras ako nang muli niya akong dambahin pero dahil mas nakabawi ako ng puwersa, marahas ko siyang itinulak sa sahig dahilan para mapahiga siya roon at pinagsasampal ko siya.

"Putangina mo!" mura ko sa kaniya.

Nagtilian naman ang mga alipores niyang lampa.

"O-Oh my gosh! Help me! Girls what the fuck are you doing?!" galit na sigaw niya at inutusan ang alipores niya ngunit walang kahit isa sa kanila ang kumilos dahil muli akong nagsalita.

"Subukan niyong lumapit at tulungan ang babaeng ito, kayo ang isusunod ko na manghihiram ng mukha sa aso." Banta ko sa kanila kaya napansin ko ang takot sa kanilang mga mukha.

"H-Huwag kayong maniwala..." nahihirapang usal ni Trina na tila may lakas pa rin ng loob na humingi ng tulong. "S-She's a b-bitch! She's seducing my man!" hirit niya.

Natawa ako. Tumayo ako mula sa pagkakaibabaw sa kaniya at hinila ang buhok niya.

"Hihingi ka pa talaga ng tulong?" tanong ko at hinila siya patungo sa sink.

Binuksan ko ang faucet at inilublob ang mukha niya sa lababo hanggang sa mahirapan siyang huminga at saka ko lang siya ini-angat muli.

Naghihikaos siya sa paghinga at talagang humingi ulit siya ng tulong kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa buhok niya dahilan para humalinghing siya.

"Wala akong ginagawa sa iyo, hindi ba?" malamig kong tanong. "Kinalmot mo ang mukha ko, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin sa iyo?"

"I-Ikaw ang... nagsimula," putol na sambit niya. "Fuck you!" mura pa niya.

"I don't fuck girls, bitch. I slapped and punch," usal ko at sinampal siya sa mukha.

Napaupo siya sa sahig habang umiiyak. Nilapitan naman siya agad ng mga alipores niya at masama akong tinignan.

Sakto naman na bumukas ang pinto at iniluwa roon ang mukha ng lalaking kinakainisan ko.

Walang iba kung hindi si Tyron Ezekiel Lanchester.

Bwesit! Usal ko sa aking isipan. Ano ba ang trip niya? Palagi na lang siya sumusulpot.

"Ms. Cereneo, what the hell are you doing... again?" malamig na turan niya sa akin.

Ako na naman ang may mali? Natawa na lang ako sa aking isipan.

"What? What did I do?" inosenteng tanong ko sa kaniya at binitiwan si Trina.

Umigting ang kaniyang panga, bakas ang galit sa kaniyang mukha.

"T-Tyron... sinaktan niya ako..." humihikbing sumbong ni Trina.

Napairap na lamang ako dahil sa ka-dramahan niya.

Nakakasulasok.

Best actress ang gaga. Lumapit pa kay Lanchester at ikinawit ang kaniyang kamay sa braso nito.

"Inilublob niya ako, Gov. Kinakausap ko lang naman siya ng maayos..." sumbong niya.

Tinaasan ko ng kilay si Tyron. Ano kaya ang gagawin at sasabihin nito sa akin? Detention na naman siguro.

"Ms. Cereneo, mukhang sumusobra ka na sa paglabag ng mga batas mula sa ating departamento," ani Tyron. "Nagagawa mo nang saktan ang mga kapwa estudyante mo, hindi ka na nahiya sa posisyon na mayroon ka." litanya nito sa akin.

Tulad ng dati, ganoon pa rin ang sasabihin niya. Pinapalabas niya na hindi ako karapat-dapat sa posisyon ng Higher Supreme Council ng buong UNP.

"Pinapalabas mo ba na nakakahiya ako?" malamig kong tanong sa kaniya.

"Hindi ko sinasabi na nakakahiya ka," giit ni Tyron gamit ang kaniyang tagalog accent . "Ang akin lang, bilang student leader, you should learn to obviate your actions. Mahiya ka naman dahil dinadamay mo lang ang mga ibang leaders sa mga pinaggagagawa mo." asik nito sa akin.

"So, pinapalabas mong ako ang may mali? Ako na naman ang may ginawang kasalanan..." I paused and looked at Trina, up and down. "Nagpaawa lang sa iyo, ako na naman ang pinupuntirya mong may mali," I scoffed. "Putangina Lanchester, mag-a-abogado ka pero sa isang panig ka lang nakikinig," sarkastikong sumbat ko sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo. "Who wouldn't Ms. Cereneo? If you are always making a trouble at ikaw and sentro ng atraksyon ng gulo?"

"Hindi ba puwedeng depensahan ang sarili ko sa ginawa niya?" malamig pa rin ang aking boses. "Tangina... nakakaputangina naman kung hindi ko puwedeng depensahan ang sarili ko laban sa ginawa ng babaeng ito," turo ko kay Trina.

Kumibot ang gilid ng kaniyang labi, mas lalong lumalim ang kaniyang pagkaka-kunot noo. Bumaling siya kay Trina at tinanong ito.

"Is that even true, Ms. Salcedo?"

Umiling si Trina, bakas ang takot sa kaniyang mukha dahil sa paraan ng pagtatanong ni Tyron sa kaniya.

Magsasabi ba ng totoo ang sinungaling kung hindi mo susubukan ang tapang niya?

"Talaga ba, Trina? Hindi ba, ikaw ang nauna sa ating dalawa?" seryosong tanong ko.

Umiiling-iling lamang siya pero kita ko na kung paano manginig ang kaniyang mga labi at biglaang pagputla ng kaniyang mukha.

"I didn't... I can't even do that!" kinakabahan na sagot niya at ikinawit ang mga kamay sa braso ni Tyron. "She's the first one who attacked me..." usal niya at tumingin sa kaniyang mga kaibigan. "Right girls?" pinandilatan pa niya ang mga ito ng kaniyang mga mata.

Walang nagsalita kahit isa sa mga kasama niya.

"Sa mundong ito, wala kang magiging kakampi dahil sa pagkakamaling ginawa mo," sabat ko. "Ikaw ang unang sumapak sa akin, baka nakakalimutan mo ang kalmot na ginawa mo rito sa mukha ko?" turo ko sa aking sugat sa mukha.

"Ito ang rason kung bakit ko ginawang depensahan ang sarili ko. Walang kahit na sino ang sumampal sa akin, ikaw lang kauna-unahang gumawa nito sa akin kaya huwag mong asahan na hindi kita babawian." malamig na dugtong ko.

Tila natuod siya sa kaniyang kinatatayuan. Umawang ang kaniyang labi at napailing-iling na naman at mas pinaawa pa ang kaniyang ekspresyon.

"Hindi ko gagawin ang bagay na 'yon kung hindi mo inaagaw ang atensyon ni Tyron!" sigaw niya.

Lumabas rin ang ipinuputok ng butsi ng gaga. Dahil na naman sa lalaking kinakainisan ko. Ano ba ang mayroon sa kaniya at kinababaliwan siya ng babaeng ito? Paano siya magugustuhan ng lalaking malamig makitungo at tila walang interes sa pag-ibig?

Napansin ko ang pag-awang ng labi ni Tyron. Hindi makapaniwala na siya na naman ang dahilan. I almost laughed with his expression. Tangina, nakakatawa ang kaniyang mukha.

"See? It's all because of you again, Mr. Lanchester."

Bumalik ang tingin niya sa akin. Kunot ang kaniyang noo. "Stop what you are thinking because I don't date, I don't even have interest to love." he said, annoyance flashes in his voice.

"Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan ng babaeng ito sa iyo, e..." kibit-balikat na sabi ko at tumingin kay Trina. "Mukhang ang baba naman yata ng standard mo pagdating sa lalaki, Trina," pang-asar ko sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo. Bakas ang galit sa mukha niya. Akma niya akong sasampalin ngunit nahila 'yon agad ni Tyron na siyang ikinagulat ko.

"Stop hitting her, Ms. Salcedo." he said with his cold voice while holding her wrist. "Hit her one more time, I'll be the one hitting you with my fucking bare hands," he added, nonchalantly.

Ipinagtatanggol ba niya ako?

"W-What... are you..." hindi matapos-tapos ni Trina ang kaniyang sasabihin kaya pinutol na lamang ni Tyron 'yon.

"I'm not siding her either you, I just don't want you to hit someone... not in front of me, not from my sight." his tone was dangerous yet cool.

Ah, hindi niya ako ipinagtatanggol. Mabuti naman 'yon para hindi ako pagdiskitahan ng mga babaeng obsess sa kaniya.

"I don't hit girls but if you tried to hit someone in front of me..." he trailed off and looked at me with his cold expression. "I won't even hesitate to hit a face in just a snap." Tyron added and Trina just gulped.

Natakot ang buong sistema ni Trina. Mabilis na tumulo ang kaniyang mga luha at napaluhod. Niyakap pa niya ang binti ni Tyron na siyang ikinairap ko.

"Huwag kasing magbait-baitan, hindi ka anghel..." singit ko sa gitna ng kaniyang pag-iyak. "Hindi ka anghel kapag kaharap mo ay isang apo ng demonyo..." ngising turan ko sa kaniya.

"Bwesit ka!" asik niya sa akin at nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ni Tyron sa kaniya.

Nagkibit-balikat ako at tumawa ng nakakaloko bago bumaling ng tingin kay Tyron. "Payo lang, huwag mong pansinin ang nagiging baliw sa iyo, mahirap na. Baka mas lalo pang mabaliw at talagang sa mental na dadalhin." usal ko kay Tyron.

"Shut up, Cereneo." pagalit na usal niya. "If you won't shut your mouth, I'll be the one shutting it out." dugtong niya.

Napahawak ako sa aking dibdib. "Kalmahan lang natin, Gov. Nakakagulat ka naman, baka atakihin ako sa puso niyan," pang-asar ko at sumipol pa.

"I want to see you in my office later and get your fucking detention slip," sambit niya at binitiwan si Trina. "And you, all of you, I want you to clean the girls restroom the whole week." usal niya kay Trina maging sa alipores nito. "Understand?"

Nagmadaling tumango ang mga kasama ni Trina na tila isang katulong na hindi pwedeng humindi sa utos ng kanilang amo. Natawa na lamang ako sa aking isipan.

What a fucking scene. Funny yet dramatic.

"Follow me, Ms. Cereneo. I want to see you in my office." sabi niya at inayos ang kaniyang coat bago tumalikod.

I smirked and glances at Trina. I raised a brow at her and walk towards her, closer.

"I told you, don't play along with a two-faced angel," I devilishly mumbled. "Angels have it's own horns, and I have mine."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro