Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wicked Love 3

"Behind the smiles on my face, it's vicious and wicked. Sometimes, a smile is inevitable yet that makes you strong."

- H. G. Cereneo

**

KINABUKASAN, nagkaroon ng isang debate sa departamento nila Hazel. Nakipagtagisan siya ng talino sa kaniyang kapwa kamag-aral at sa huli, nagwagi siya sa buong klase.

Matapos ang debate, napairap na lamang siya nang pumasok sa klase nila ang Second Year student mula sa criminal law section. Nang makita ang gobernador ng kanilang depaetamento ay nagtungo siya bigla sa kaniyang sariling upuan mula sa likod.

Ramdam niya ang nakasunod na tingin ni Tyron ngunit nanatili lamang na kalmado ang kaniyang sarili at hindi hinayaan na masindak rito.

"Alright class, makikipag-tagisan rin ang mga Second year mula sa Criminal Law section. Sino muna ang susubok sa kahusayan nila?"

Walang nag-atubiling magtaas ng kamay maliban kay Hazel na may nanghahamon na reaksyon sa kaniyang mukha. Nagbulungan na naman ang mga bubuyog sa paligid kaya napangisi siya.

"Ako, sir!" ani Hazel. "Gusto kong subukan sa ganitong larangan ang talino ni Governor Lanchester!" dugtong niya.

Umangat ang isang kilay ni Tyron mula sa gilid ng pinto na matamang nakikipagtitigan sa dalaga. Umigting ang kaniyang panga nang mapatingin ang lahat sa kaniya.

"What?" malamig na aniya.

Nagsiyukuan ang lahat. Walang umimik ngunit nagsalita ang kasama ni Tyron at kinausap ang Professor.

"Sir, ganito na lang," napakamot sa kaniyang ulo si Franz. "Bakit hindi na lang silang dalawa ang magtagisan ng talino, prof? Sila naman ay parehong top student sa departamentong ito." dugtong niya.

Tumango-tango lamang ang professor sa naging suhestiyon ni Franz. Ganoon rin ang ibang reaksyon ng mga kaklase ni Hazel. Naririnig na rin niya ang pustahan ng mga ito kung sino ang mananalo.

"Pusta ko ang bagong mustang ko, mananalo si Hazel laban kay Gov. Lanchester."

"Isang milyon para kay boss Tyron," ani ng isa.

"Mga ugok! Mananalo ang secretary ng HSC, that sexy secretary is the standard!" tila isang tagahanga na usal ni Chris.

"Ulol, sa mukha ka na naman tumingin," giit ng isa. "Para sa akin, kung tagisan lamang ng talino, mas lamang si Tyron riyan dahil hindi lang naman tungkol sa criminal cases ang pinag-aaralan nila." Paliwanag ni Noel.

Nagpustahan ang iba, palihim lamang 'yon. Umabot pa ng dalawang milyon ang pustahan ng iba at maging ang mamahalin nilang sasakyan ay isinama na rin nila kapalit sa kung sino ang mananalo sa dalawa.

"Alright," patango-tangong usal ni Prof. Pajimola. "We'll have a debate between our top student."

Naghiyawan ang buong klase, tila sabik na sabik sa magaganap ngayong araw.

"'Yon oh! Boss Tyron, kampi kami sa iyo!" natatawang usal ni Dave sa tabi niya.

Sinamaan lamang niya ng tingin ang binata at sumeryoso na ang kaniyang mukha.

Umayos ng upo ang mga kasama ni Tyron samantalang siya ay naiwan sa may pinto at nakasandal lamang roon.

Tumayo na rin si Hazel sa kaniyang kinauupuan, bakas ang pagiging matapang sa kaniyang mukha.

Inismiran niya lang rin ang mga babaeng halos patayin na siya sa tingin.

"Okay, let's begin. For today's debate, the topic should I be given is mixed." Ani Prof. Pajimola.

Nanatiling tahimik ang buong klase. Maging ang dalawang top student ay tahimik, matamang naghihintay.

"Is sex work should be legal? How far can we go in legalizing sex work? How do international laws restrict its legalization? Elaborate and make a precise arguments and evidence to your answers."

Napalunok naman ang buong klase na halos duguin ang kanilang ilong dahil sa topic mula kay Prof. Pajimola.

Napangisi lamang si Hazel habang tinitignan si Tyron na malalim kung mag-isip.

"Sex work shouldn't be legalized." Panimula ni Hazel. "As it said, it is unconstitutionally on the ground to the rights of equality, the right to privacy, the right to dignity, the right to freedom of a person and in economic activity. Therefore, according to the Sexual Offense Act way back 1957, it is termed as Immorality Act."

"You said the term "rights", but that rights was nothing when the mind works." Tyron argued. "Legalized is not the right term. Sex work should be decriminalization. As argued, they said it will be better off to shadows but," Tyron paused, heaved a sigh. "But sex work can't be just off to shadows even though it would be safer. You're not sure about how people mind's work."

Tyron continued his arguments. "They are not victims," he stated. "But they believe that sex work is the most convenient job for them to make money. It's their alternative to do a living and that's the reality of these women lives." He muttered, supporting his arguments.

"Are you trying to say that women have no other choice to make a living other than sex work?" Sarcasm filled with Hazel's voice.

"No, did I?" Tyron smirked. "Most of the women are like that. Selling their bodies just to make a living."

"That's the overlap between human trafficking and prostitution!" Hazel debated.

Her breath suddenly went ragged. She couldn't stop her emotions. The topic is really controversial for her.

"According to a website I've read about controversial issues, sex work is legal around 40 countries and 39 is illegal in nations and has a limited legality of 12 as of the 2016 census." Paliwanag ni Tyron. "In US, legalization exists in very narrow areas and listed of having a limited legality who do sex work as their livelihood."

"But it causes them a trauma, a bad experience! So, I'm against with the legalization of sex work," taas-baba ang dibdib na sabi ni Hazel.

She wasn't able to handle her emotions when it talks about women.

"According to Republic Act 9710 o mas kilala bilang Magna Carte of Women. It stated that it is directly connected to international law na ibig sabihin ay igalang ang mga kababaihan para sa karapatang pantao at dignidad. So, kapag may nobya ka, tapos ang trabaho niya prostitusyon, papayagan mo?" sambit ni Hazel.

"Bakit ko papayagan? Kung ano ang akin, akin lang." sagot naman ni Tyron. "Walang ibang sasawsaw, pag-aari ko lang."

Napa-ooh naman ang mga kaklase ni Hazel maging ang mga kasama ni Tyron. Nagbulung-bulungan na naman ang ibang mga bubuyog na kaklase ni Hazel isang rason para mas lalong manaig ang kaniyang emosyon.

"At isa pa, iyon lang ba ang alam mong Republic Act? Kasi kung tutuusin, ang layon ng batas na 'yon ay para sa diskriminasyon ng lalaki at babae, at para na rin sa pagkamit ng hustisya at paghilom nila against violence act."

"Republic Act 8353 or The Anti Rape Law of 1997 stated that, prostitution is still one of the rape cases in the world. Anti Sexual Harassment is still counted as sex work becomes legal in your side." Hazel explained and argued.

"Yes, in my own opinion, sex work is legal although pro's and con's are arguing, but we can't say that other countries should stop this kind of job. We can't also tell that women in other nation should not do this legally because it's their way to make a living."

"You're unbelievable! Wala ka man lang respeto para sa aming mga babae. May pasabi-sabi ka pa na kapag nagkaroon ka ng girlfriend at ganoon ang trabaho sasabihin mo na 'akin lang, pagmamay-ari ko siya' anong klaseng sagot 'yon!" Inis na litanya ni Hazel.

"Professor Pajimola, mukhang out of the topic na si Ms. Cereneo," saad ni Tyron at umangat ang gilid ng labi niya.

"Out of the topic, Ms. Cereneo. Please, make a precise arguments that is related to the topic. Don't let your emotions over you." Saad ng Propesor.

Hindi siya umimik, nanatili siyang tahimik at masamang nakatingin kay Tyron na nagsisimulang magbato ng argumentong hindi niya halos maintindihan at wala siyang makuhang ibabato sa kaniya.

"Panis ang mga Republic Acts mo kapag ako ang nagbigay ng batas sa iyo," sambit ni Tyron. "Kapag ako ang nagbigay ng batas sa iyo, walang susuway..." seryoso ang kaniyang boses. "...ang susuway, may karampatang parusa habang buhay." Makahulugang dugtong niya gamit ang seryosong bboses

Sabay-sabay na humiyaw ang mga kaklase ni Hazel maging ang mga kaklase ni Tyron. Sumipol pa ang ilan at napairap na lamang si Hazel dahil sa inis.

In-announce na ni Professor Pajimola ang panalo sa debate. At si Tyron ang nagwagi. Kahit na may batas na binanggit si Hazel, hindi pa rin 'yon sapat bilang isang matinding argumento.

"Huwag kasing pairalin ang emosyon kapag nasa debate ka, paano na lang kung nasa korte ka, 'di talo ka na?" insultong usal ni Tyron.

Nagngitngit sa inis ang dalaga. Bago umalis si Hazel sa harapan, tinignan niya muna si Tyron at dahil hanggang leeg lamang siya nito, mahina itong bumulong sapat na si Tyron lang ang makakarinig.

"Hindi ako mapapaluhod ng bawat batas mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro