Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wicked Love 2

"Behind the spotlight, the cold and charming aura seems to be fake. Hidden and untold stories can't be told."

- T. E. Lanchester

**

PASADO alas tres na nang hapon ng maisipan ni Hazel ang umalis sa cafeteria pero paglabas niya pa lang, nakasalubong na naman niya ang Student Council Governor ng building nila.

Napansin niya itong may hawak na posas kaya napairap na lamang siya at akmang lalampasan ito ngunit hinarangan siya ng Vice-Governor at buong Higher Student Council.

"Oops! Where do you think you're going?" malamig na tanong ni Tyron.

Humarap si Hazel sa binata. "Uuwi na, bakit niyo ba ako hinaharangan?" inis na tanong niya.

"Ms. Cereneo, ganito kasi 'yon," kamot-ulo at biglaang litaw ng Higher Student Council President. "Huwag mong takasan ang detention mo. Nag-report sa akin itong si Tyron dahil sa gulo na nangyari kanina sa building niyo at may kasalanan ka pa, 'yong bubble gum na idinikit mo sa gilid ng lamesa sa room niyo, mahirap tanggalin." mahabang paliwanag ng HSC President.

Napangisi siya. "Ah, 'yong gulo. Ang immature naman noong taong nagsumbong. Pres, bakit mahirap ba akong bitbitin sa detention room at nagsama pa talaga ng kasama?" sarkastikong batid nito.

"Hazel, tandaan mo, isa kang student leader ng UNP. Nasa higher position ka, dapat maging role model ka sa harap ng mga NPIANS." singhal ni Ramses, ang HSC President.

"Ayos ah, bakit parang ako lang ang may kasalanan?" tanong niya. "At saka, 'yong gulo kaninang umaga, hindi naman ako ang nagsimula." dugtong niya.

"Kahit na, Hazel," ani Jesuah, ang Vice-President.

Nagkibit-balikat si Hazel at humugot ng isang malalim na paghinga. "Sige, mali na kung mali. Dalhin niyo na lang ako sa detention, para manahimik 'yong isa riyan..." she trailed off, "...baka hindi siya makatulog kapag hindi ako na-detention."

Mula sa likod, nagsalita si Tyron. "If you're pertaining to me, go ahead. You're just proving your immaturity in front of your Seniors." malamig na ganti niya.

Aba! Akala mo kung sinong magsalita. Saad ni Hazel sa kaniyang isipan. "Parang hindi ka immature," ganti rin nito.

"Tama na 'yan, Ms. Cereneo!" pagalit na sabi ni Ramses. "Ihahatid ka namin sa detention at mananatili ka roon ng tatlong oras. Maliwanag?"

"Mas maliwanag pa sa buwan, President," aniya at iniabot ang kaniyang kamay para posasan siya.

Nagtungo na sila sa detention room. Nang makapasok siya sa loob ng rehas, ngumisi na lamang siya kay Tyron bago naupo na parang lalaki sa sahig.

"Three hours, huh..." bulalas niya. "Hey, Gov! Kindly extend my detention, since mag-isa ko lang naman rito." suhestiyon niya.

Tinapunan lamang siya ng tingin ni Tyron. "It's up to you," tipid na sagot niya at umalis na sa detention room.

Sa likod ng malamig na rehas, sumandal siya sa pader at tumingin sa kisame. Wala namang bago sa kaniya kahit na late siyang maka-uwi.

"And by the way, Mr. Lanchester, I'm going to beat you soon in your position, mark my words!"

Malamig na tingin lamang ang ipinukol ni Tyron. "Behind the spotlight, the cold and charming aura seems to be fake. Hidden and untold stories can't be told." mahiwagang usal niya at umalis na detention room.

"What a life..." buntong-hininga niya. "No matter how you fake your smile, still, the battle of life remains." napailing na lamang siya at inilabas ang kaniyang selpon at naglaro na lamang.

MEANWHILE, the clock is ticking until it reaches six o'clock in the evening but still, students are still wandering inside the campus. Night class for sure.

Nasa opisina pa rin si Tyron kasama ang HSC President. Nakaupo lamang siya sa kaniyang swivel chair samantalang ito ay prenteng nakaupo sa couch.

"So, why don't you go home?" tanong ni Ramses.

"Dude, you know how much I hate to go home early when my father will start scolding me again." naiiling na sagot niya.

"Oh, bakit hindi ka na lang kasi umalis sa bahay niyo?" tanong ni Ramses. "Puwede ka naman sa dorm ng UNP para hindi ka na umuwi." suhestiyon nito.

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaniyang kaibigan pero tumatak sa isip niya ang 'dorm'.

Dorm? Tyron thought in mind.

"Damn, right!" usal niya at pinatunog pa ang kaniyang daliri. "So, why don't you get me an access to men's dormitory?" nakangising saad niya.

Napairap na lamang si Ramses. "Ano ako? Utusan mo?" angil nya.

"Idiot! You're the President of the whole campus, so, you can get me some access to men's dormitory."

"Fine! I'll get you one tomorrow- wait!" napatigil si Ramses at tila may kung anong kalokohan na naisip.

"What?" masungit na ani Tyron.

"Bakit hindi na lang si Ms. Cereneo ang pagkuhanin mo ng access?" nagtaas-baba ang kilay ni Ramses at nakangiti pa.

Sumeryoso ang mukha ni Tyron. "What about her? You know I'm not fond of any woman out there just to get what I want." madiin na usal niya.

"I mean, utusan mo lang siya. Kabayaran na rin sa pagsalita niya sa iyo ng pangit-" naputol ang anumang sasabihin ni Ramses.

"Stop right there, Salcedo," putol ni Tyron. "I don't want to encounter that immature Cereneo again." sabi niya.

"O siya, siya!" tumayo si Ramses mula a pagkakaupo at inayos ang kaniyang coat. "Pagsasabihan ko ang batang 'yon."

A kid? Kunot-noong tanong ni Tyron sa isipan.

"What?"

"How old is that woman?" kuryusidad na tanong niya.

"Seventeen, why?" sagot nito.

Nagkibit-balikat lang si Tyron at itinutok na ang kaniyang mga mata sa kaniyang ginagawa. Narinig niya na lamang na nagsara ang pinto kaya napailing na lamang siya.

Kalaunan, nagbukas ang pinto kaya agad na sumama ang timpla niya dahil wala man lang katok.

"Idiot! Don't you know how to knock?" pagalit na tanong niya habang hindi inaangat ang tingin.

Walang nagsalita, narinig lamang niya ang maingay na takong ng sapatos na naglalakad. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo kaya nag-angat siya ng tingin ngunit nagbaba ulit siya ng tingin dahil ayaw niyang makita ang mukha ng Secretary ng HSC.

"Don't you know how to knock?" malamig na tanong niya kay Hazel.

"Akala ko kasi walang tao," pabalang na sagot niya. "Sabi kasi ni President Ramses, walang tao..." dugtong niya.

Damn you, Ramses! Pinagmumura ni Tyron ang kaibigan sa kaniyang isipan dahil sa labis na inis.

"Did you see me leave the campus?"

"Ah, baka bulag ako," nagpanggap na walang makita si Hazel para mas lalong asarin ang nakakunot-noong Governor ng department nila. "Nasa detention ako, paano ko makikita na umalis ka?" sarkastikong dutong niya.

Nag-igting ang panga ni Tyron. "Immature..." bulong niya at pinirmahan ang detention slip ni Hazel.

"Next time, act wisely and mature," sabi ni Tyron. "And don't disobey my rules again or else-"

"Or else what? Ikukulong mo ulit ako sa detention?" natawa kaonti si Hazel. "Hindi ako natatakot, kahit ikulong mo pa ako hanggang umaga." pagyayabang niya.

"Not because you are higher than me, you have the right to disrespect me..." turan ni Tyron. "You are a future lawyer..." he trailed off, raising his brows like insulting her. "I don't think so."

Nameywang si Hazel. "Alam mo? Kung hindi ka lang Governor ng College of Law, baka binasag ko na ang mukha mo." aniya na parang naghahamon ng away.

"What a war freak future lawyer..." naiiling na saad lamang ni Tyron bago tumayo at iligpit ang mga papeles sa ibabaw ng kaniyang lamesa.

Inayos niya ang kaniyang necktie habang nakatingin kay Hazel na nakatitig lamang sa kaniya. Nang makuha niya ang kaniyang bag, isinabit na niya 'yon sa kaniyang balikat.

"Oh, don't you want to leave?" sarkastikong tanong niya at nilampasan ang dalaga pero bago pa siya makalabas, huminto siya sa may tapat ng pinto at nilingon ang dalaga. "I heard, there's a ghost roaming around in this room at this hour." sabi niya na tila tinatakot pa ang dalaga.

Nanlumo sa kinatatayuan si Hazel. Nang marinig ang sinabi ni Tyron, sumiklab ang kilabot sa buong paligid niya. Nagtaasan ang mga balahibo sa kaniyang batok maging sa kaniyang braso.

Isang malamig na hangin ang naramdaman niya sa kaniyang batok kaya bigla siyang napasigaw at napaharap kay Tyron ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagkapit niya sa batok ng binata. Ipinalibot niya ang kaniyang paa sa beywang nito at nakasubsob pa ang kaniyang mukha sa leeg ni Tyron na nagmistulang bata na nagpapabuhat lang.

"Fuck!" malutong na mura niya. "Huwag mo akong iwan, putangina! Ayoko sa ganito!" impit na usal niya. "I... I hate this..." nahihirapang sabi niya.

Hinagkan ni Tyron ang beywang ng dalaga at mabilis na ibinaba 'yon bago tumikhim.

"I thought you're not afraid of anything..." he shook his head. "But didn't you see how your face reacted?" may bahid ng tuwa sa tono nito. "That's priceless! If only I could take a photo of you... scared, I'm willing to make it as my phone wallpaper." he laughed, devilishly before he turned his back at her.

Pagbukas niya nang pinto, hindi muna siya lumabas at muling nilingon ang dalaga na nanatiling nakatingin lamang sa kaniya habang kunot ang noo nito.

"I would like to clarify what I've said earlier," he paused and fixed his bag pack. "You're face is priceless, Miss Rule Breaker. You made my day." he then faked his smile and walked out of the room.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro