Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wicked Love 19

Naging palaisipan sa University ang pag-iwas ni Hazel sa lalaking unti-unting bumabasag sa kaniya at wala naman siyang pakialam kung pag-usapan siya ng mga ito.

"Nakakaawa naman, ginayuma siguro kaya nahumaling si Governor Tyron sa kaniya, 'no? Pero ang bilis nga naman ng karma... hindi nagpapansinan." rinig niyang bulong ngn mga estudyante sa kanilang departamento.

"She's literally the attention seeker. Akala mo naman kung magyabang ay sasambahin siya ni Tyron." bulong ng iba.

Umangat ang kaniyang kilay. Tatlong araw na silang pinag-uusapan ng mga estudyante ngunit wala pa rin statement mula kay Tyron.

Kung ayaw niyang magsalita, ako na lang ang susupalpal sa mga gagang 'to... gigil na usal niya sa kaniyang isipan.

Huminto siya sa paglalakad at tinapatan ang mga estudyanteng nakabilog sa hallway habang nagbubulong-bulungan. Inangatan niya ng kilay ang mga ito.

"What's the fuss, bitch?" Hazel asked, coldly. "Hindi ako attention seeker, mukhang sarili mo yata ang sinasabihan mo?" malamig na sambit niya.

"Me? Attention seeker? Oh my goodness! Don't you know me? I'm the famous-"

She shot up her brows at mas lalong kumunot ang kaniyang noo.

"Wala akong pakialam kahit sinong ponsyo pilato ka," putol niya sa sasabihin ng babaeng alam niya na taga ibang department. "Hindi ka attention seeker? Well, congratulations! You finally have my attention, famous wanna be!" sikmat niya.

Humalukipkip ang babaeng kaharap niya. "Kapal ng mukha mong akitin si Tyron. Kahit na sampalin ko ang mukha mo ngayon, walang magliligtas sa iyo." gigil na sambit nito.

Hazel just chuckled in annoyance. "Lay your hands, you'll probably meet the grand daughter of Satan," hamon niya.

Akma siyang sasampalin nito nang maagap niyang idapo ang kaniyang kamay sa pagmumukha ng babaeng kaharap niya. Napasinghap naman ang mga kasama nito at maging ang ibang estudyante sa paligid.

Apat ang mga ito at mag-isa lang siya. Mukhang mapapasubo pa yata siya sa kalmutan at sampalan.

"Walang hiya ka!" gigil at galit na sigaw ng babaeng sinampal niya.

Nagkagulo ang hallway nang sumugod rin ang iba nitong mga kasama at pinagtulungan siya. She was alone fighting for herself and she didn't wish for Tyron to come save her. Sinabunutan siya ngunit nakaganti siya sa mga ito at pinagsusuntok ang katawan ng mga ito na parang pader lang.

Nangangalaiti ang kaniyang mukha dahil sa galit at inis na nararamdaman niya sa kaniyang dibdib.

"Putangina mo!" mura ni Hazel. "Sinasabi ko sa iyo, babasagin ko ang pagmumukha mo!" sigaw niya sa babaeng sinampal niya at kinalmot pa.

Wala siyang pakialam kung ma-expel siya sa University pero sila ang nanguna. Sasampalin na niya ulit 'yon pero may kamay nang humawak sa kaniyang kamay at hinila siya patayo.

Gulo-gulo ang kaniyang buhok, galit ay namumutawi sa kaniyang ekspresyon nang tignan niya ang lalaking humawak sa kaniya.

"Kasalanan mo kasi, e!" sigaw niya at sinisi ito. "Ano? Tatahimik ka na lang?" bakas ang galit sa tinig niya.

"What the hell are you doing, shorty?" malamig na tanong nito.

Nanginginig, nagpipigil. Ito ngayon ang kasalukuyang ginagawa ni Hazel sa labis na galit kay Tyron.

"Ano? Narito ka para pagalitan ako? Ngayon ka lang lalabas kasi ako na naman ang pagmumukhain mo ng masama?" patutyang bulalas nito. "Ako na naman ang may mali? Ako na naman ang nagsimula-"

"Stop it, shorty!" sigaw ni Tyron habang hawak ang magkabilang braso ng dalaga. "Damn! Fuck it, shorty!" his tone was full of frustration. "I'm not here to tell you words, I'm here to stop you from fighting these girls! I don't want you to get expelled..." naghihikaos na usal niya, basag rin ang kaniyang tinig. "...just stop already, shorty," nagsusumamong dugtong niya.

Hazel bit her lower lip, emotionless. "Tangina mo pala, e. Hahayaan ko lang 'yong sarili ko na apihin? Tatlong araw akong nananahimik kasi akala ko huhupa rin ang issue tungkol sa atin, pero mali ako," sabi niya at humugot ng isang malalim na paghinga.

Niyugyog ni Tyron si Hazel para pakalmahin ngunit parang wala itong balak kumalma. Bakas ang inis nito sa kaniyang sarili dahil sa nakikitang sugat sa mukha ni Hazel at sinisisi niya ang kaniyang sarili kung bakit nangyari ito lahat.

"Let's talk, shorty..." mahinahon na sambit nito.

"Wala na tayong pag-uusapan, Ezekiel..." basag ang tinig na sambit ng dalaga. "Sa simula pa lang, dapat ginawa mo nang kausapin ako para hindi na tayo humantong pa sa ganito." Pain engulf through her eyes as she was saying it.

Binawi niya ang kaniyang braso bago tapunan ng tingin ang mga babaeng naka-away niya.

"Pasalamat kayo dumating ang pinakamamahal mong Governor..." she trailed off, "...kasi kung hindi, pagbabasag-basagin ko talaga ang pagmumukha niyong lahat." malamig na usal niya na may kasamang pagbabanta.

"Shorty..." malamig na tawag muli ni Tyron.

Her brows shot up. She looked at him annoyed.

"Naging masaya ako kasama ka..." sambit ni Hazel at muling humugot ng malalim na paghinga. "But you end up being the reason of my trauma in love, Ezekiel. I broke my rules for you yet you're the one who break me through." basag na basag ang boses nito.

Tinalikuran ni Hazel ang binata at iniwan itong nagsusumamo ang mga mata. Natahimik rin ang mga tao sa paligid at hinarap ni Tyron ang mga babae sa kaniyang likuran.

Malamig niya itong tinapunan ng tingin. "All of you, take your punishment in the old detention room. I won't tolerate your fucking action and stop talking behind the HSC Secretary's back." turan niya.

"But she's the one who-"

"She won't hurt you if you didn't trigger her. She won't do such things in your faces if you didn't provoke her. Once you lay your hands on her again..." banta niya. "I won't hesitate to make a request of expulsion to all of you." he added at agad na sinundan si Hazel.

***

Sinundan ko si Hazel. Naabutan ko siya malapit sa kanilang room.

"Shorty," I called her.

She stop but didn't respond.

"Let's talk, please..." pagsusumamo ko.

I walked closer to her and hugged her from behind. "Mag-usap naman tayo... huwag ganito," sambit ko sa kaniyang tainga at hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

Ramdam kong napalunok siya bago hinawakan ang kamay ko na nakayakap sa kaniyang tiyan. Pilit niya 'yong tinatanggal ngunit hinigpitan ko lang ang hawak ko.

"B-bitiwan mo ako, Ezekiel," mahinang usal niya.

"Hindi... hindi kita bibitawan, shorty. Mahirap." sabi ko.

Putangina, kahit magmakaawa ako at basag na basag ang boses ko, gusto ko na lang siyang yakapin ng mahigpit para hindi siya umalis. Ayoko sa ganito. Nasasaktan rin naman ako. Alam ko ang pagkakamali ko.

"P-please," pakiusap niya. "Huwag mo na akong lapitan kasi basag na basag na rin naman ako. Ikaw ang una, e. Pero parang experience mo lang ako."

"I didn't take you just to be my experience, shorty... putangina naman," madiin na usal ko sa kaniya. "Mahal kita... putangina, simula noong nakilala kita hindi na ako naging interesado pa sa iba." madamdaming saad ko.

Hawak pa rin niya ang aking braso pero hindi na niya 'yon napilit pang tanggalin sa kaniyang tiyan dahil mahigpit ang pagkakahawak ko.

"Kung mahal mo ako... hindi tayo ganito. Hindi tayo nagkakasakitan, Ezekiel."

Umiiyak siya, ramdam ko 'yon. Pilit ko siyang pinapaharap sa aking ngunit ayaw niya kaya tanging yakap na lang sa likod ang tanging ginagawa ko.

"H-hindi dapat ako nasasaktan ng ganito, e..." suminghap siya. "Hindi ko naman masasabing naging tayo. Kasi hindi mo naman ako niligawan. Hindi mo nilinaw kung ano ang mayroon tayong dalawa."

Nagulat ako sa ibinibigkas ng bibig niya. Hindi pa ba malinaw sa kaniya ang bawat ginagawa ko? Nagkulang ba ako sa salita at puro gawa lang ang naipakita ko?

Araw-araw ko siyang nililigawan kasi akala ko alam niya, akala ko ramdam niya. Mali pala ako. Hindi pala niya nakukuha bawat aksyon na ginagawa ko.

"Binakuran mo lang ako, 'yon lang ang tanging alam ko..." hagulgol niya. "Hindi naging tayo pero bakit ang sakit?"

Hindi ko gusto ang sinasabi ng bibig niya. Nasasaktan ako. Ayaw ko siyang umiiyak. Ayaw ko na ako ang dahilan ng pag-iyak niya. Mas doble ang sakit niyon sa akin.

"Hindi pa ba sapat ang bawat aksyon ko, shorty? Kasi lahat ng ipinapakita ko... totoo lahat," mahinang sambit ko. Naglandas ang luha sa aking pisngi. "Walang halong biro... purong pagmamahal, shorty."

Hindi siya agad nakapagsalita. Tanging ang kaniyang hikbi lamang ang naririnig ko. I tried to make her face me and at last, I did.

Pugto ang kaniyang mga mata. May luha pa rin na dumadaloy sa kaniyang mga mata. I wiped her tears using my thumb as I caressed her cheeks.

"Binasag mo na ako... paniniwalaan ko pa ba ang mga salita mo?"

I shook my head. I know what she's trying to say and I don't want this. I don't like what's running through her head.

"M-mahal kita, 'yon lang ang paniwalaan mo, s-shorty..." nanginginig ang boses ko, tila gusto ko na lamang magpalamon sa lupa. "I'll bend my knees to get your attention, I don't want this kind of pain."

Bakas sa kaniyang mukha ang sakit.

"Oo, mahal kita. Pero ayaw kitang pilitin sa ganitong pagmamahal kung hindi mo naman gusto," nakangiti ngunit lumuluha pa.

I shook my head. Paulit-ulit kong ginagawa 'yon. Para ipahiwatig sa kaniya na hindi ako napipilitan. Kung napipilitan ako, noong una pa lang dapat hindi ko na pinaghirapan ang atensyon niya.

"Hindi ako napipilitan sa pagmamahal mo, shorty..." sabi ko at hinahaplos ang kaniyang mukha.

Wala na akong pakialam kung hindi kami makapasok sa klase namin basta ang importante mag-usap kaming dalawa. Ngayon ko lang naranasan ito. Pero ito ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Ang umiiyak ang babaeng mahal ko.

"-At handa rin akong mahalin ka nang hindi napipilitan, shorty. Ikaw lang 'yong gusto kong mahalin sa una't hanggang huli."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro